YUMIE's POV :
"HINDI mo naman sinasabi sa amin na boyfriend mo pala itong Theo? Hanep ah Yumie, kaya naman pala ayaw mo sa akin eh! Iyon naman pala may iba kang gusto?" natatawang sabi ni Joaquin.
Kagat kagat ko ang ibabang labi ko dahil hindi ko alam ang sasabihin.
"Pwede ba mamaya na yan? Ahm Mayor start na po tayo kung pwede?" tumango naman si Mayor. Isang maigsing seremonyas lang ang ginawa ni Mayor at iyon na nga kasal na kami.
"Sa ipinagkaloob sa akin na kapangyarihan ng batas, kayo ay ganap ng mag-asawa. Matheo pwede mo ng hagkan ang iyong asawa!"
Hala,shocks! Bakit may ganoon? Hindi ko ito napaghandaan ah!
Matheo held my face closer to him, as I closed my eyes his lips landed on mine.
Bakit ba ang sarap ng mga labi niya? Bakit ganito ang feeling ng hinahalikan?
"My God Yumie, nawiwindang ka na!"
"Yahoo.. Congratulations to both of you!" sabi naman ni Russell.
Pagkatapos ng aming civil wedding umuwi na kami ng bahay para magpalit, nag-aya kasi sina Joaquin at Russell na mag celebrate sa isang sikat na bar dito sa Taguig.
"Ayaw kong sumama eh, pwede bang kayo na lang?" sabi ko pa kay Matheo pero sadyang mapilit ang loko.
"Kung ayaw mong sumama hindi na lang din ako pupunta. Magkukulong nalang tayo dito tutal it's our wedding and our honeymoon right?" sabay kindat pa nito sa akin. Nakakapang-init ang kanyang mga titig, nakakaakit ang kanyang mga mata.
"Yumie huwag kang bibigay!"
"Ehem, ehem.. Anong honeymoon ang sinasabi mo diyan? Excuse me noh, sa mag-asawa lang ang honeymoon na yan!"
"We're now married, there's nothing wrong with that!" nakangiti nitong sabi.
"Hoy mayabang na lalake, magpapanggap na asawa ang role ko hindi para gawin mong s*x slave mo!"
"Aww.. s*x slave talaga, I am not as bad as you think Yumie!" parang bigla naman akong naawa dito, sumobra yata ang pagkakasabi ko. Paano naman kasi gusto niyang mag honeymoon daw kami.
"Sorry naman sige na sasama na ako sayo, magbibihis lang ako."
EKSAKTONG alas sais na ng gabi nasa isang bar na kami ni Matheo. Nadatnan namin sina Joaquin at Russell na may kanya kanyang mga partner's na babae.
"The newlyweds are here!" bungad sa amin ni Joaquin.
"Cheers for the new couple!" sabay taas sa baso nitong hawak.
Kaagad ko namang kinuha ang baso sa harapan ko at kaagad itong itinungga. Hindi ako sanay uminom pero ngayong gabing ito parang gusto maglasing bahala na!
Hanggang ngayon kasi nalilito parin ako sa mga pangyayari sa buhay ko, mag-isa na nga lang ako sa buhay tapos ngayon kailangan ko pang magpakasal sa isang estranghero para lang hindi ako palayasin sa sarili kong pamamahay.
Ang saklap ng buhay ko!
"Yumie nakakadami kana, kaya mo paba?" untag sa akin ni Russell, medyo lutang na ang isip ko nagiging doble narin ang paningin ko, pero pilit ko paring itinutungga ang hawak kong bote ng alak.
Pasuray-suray akong naglakad papuntang dance floor ng makita kong marami naring sumasayaw at parang gusto kong magwala sa dance floor ngayon.
"Hey, let's dance!" aya ko pa kay Matheo pero umiling naman ito sa akin.
"You're drunk Yumie, so watch out!" sabi pa nito sa akin ng muntikan na akong madapa, mabuti na lang at sa dibdib niya ako bumagsak.
Sumasayaw na ang ilang mga pares pero ako heto, mag-isang sumasayaw.
"Everybody! Who want's to be my partner, come with me let's dance!" lasing na nga ako, kung anu-ano na ang pinaggagagawa ko. May isang lumapit sa akin, naging dalawa ,tatlo hindi ko na mabilang kung ilan na silang nakapalibot sa akin.
"Hey stop it!" saway ko pa isang lalakeng nakahawak na sa aking beywang. Hanggang sa hilahin niya ako paharap sa kanya, na walang anu-ano'y biglang bumagsak ang lalakeng kasayaw ko.
"What's the problem with you?" tanong nito habang nakahawak sa panga nitong nasaktan.
"f**k! Don't you ever land your hands on my wife!" ano bang problema nito, bigla bigla na lang nanununtok? At saka tama ba ang narinig ko tinawag niya akong wife?
"Ayyiee."
Nagdiwang naman ang puso ko sa sinabi niya.
"Let's go home Yumie, mali pala na nandito tayo!" hinawakan niya ako sa kamay, pero tumanggi ako. Hanggang sa maramdaman kong umangat na ako at para akong isang batang bihuhat niya.
"Ano ba Matheo bitiwan mo ako, gusto ko pang uminom! Gusto kong magpakalasing, kahit ngayon lang makalimutan ko kung gaano ka miserable ang buhay ko ngayon! Nawala na sa akin ang lahat, kaya please pagbigyan mo na ako!" sigaw ko pa dito
"No! Para ano, para bastusin ka? I can't let anyone touches you!"
"At bakit hindi Matheo, I'm not your property, I'm just your fake wife!" nagpupumiglas pa ako dahil gusto ko pang bumalik sa loob pero sadyang malakas ang loko. Naisakay niya ako ng kotse ng walang kahirap hirap.
Nasa sasakyan na kami pauwi ng makaramdam ako ng matinding pagkahilo. Antok na antok narin ako at gusto ko ng matulog.
Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari, nagising akong tila may nakadagan sa akin. Hirap din akong makahinga dahil sa sobrang bigat nito sa dibdib ko. Pilit kong iminulat ang aking mga mata, ng makita ko si Matheo na nakadapa.at nakapatong sa akin.
"s**t! Ang sakit ng ulo ko, hoy lalake umalis ka diyan ang bigat mo!" pilit ko siyang itinutulak palayo sa akin pero ang bigat niya parin.
"Hmm.. Inaantok pa ako Yumie ano ba?" sambit naman nito sa akin.
"Bakit ba ang hilig mong matulog diyan sa ibabaw ko? Ang bigat mo umalis ka diyan!" bumaba nga ito, at shocks bakit wala siyang suot na kahit ano? Kitang kita ko na ang malaki at mataba nitong pag-aari! Nakahubad ba itong natulog sa ibabaw ko? Nang mapansin kong pati ako walang suot na kahit na anong damit!
"Hala! Anong nangyari sa atin? Matheo pinagsamantalahan mo ba ang kalasingan ko kagabi?" muling tanong ko dito.
"No! You're the one who tooked advantage of me! I'm just a human, natutukso rin."
"What?! Ma-may nangyari sa atin? No! Bakit mo ako pinagsamantalahan Matheo? Alam mo bang ito na lang ang mayroon ako ngayon, ang aking dignity?" umiiyak kong sabi, hinawakan niya ang baba ko at hinaplos ang mukha ko.
"We're married and nothing wrong with that!"
"Nasasabi mo yan kasi lalake ka, walang mawawala sayo! Bakit mo ito nagawa sa akin, Matheo ano ba? Kinuha mo ang kaisa-isang bagay na pinaka- iingatan ko, ang aking virginty!"
"Shhhh.. We're both in the influence of liquor, pareho nating ginusto ito Yumie. Shhh..Stop crying my little wife!"
Paano na lang ako? Wala na akong maipagmamalaki sa magiging asawa ko. Kahit kasal na ako, hindi naman kami ni Matheo at alam kong darating ang araw na maghihiwalay din kami. Paano na ang future ko?
Pagkatapos kong umiyak bumangon akong walang kahit na anong saplot sa katawan.
"Hey, you can wear your clothes!"
"Para saan pa, nakita mo na ang lahat sa akin, at nakuha mo na ang lahat sa akin ano pa ang pakialam ko?" bumangon naman ito at kinuha ang roba saka ibinalot sa aking hubad na katawan.
"Still you have to wear your clothes!" hinawakan nito ang mukha ko at pinakatitigan ako ng mabuti. Muling lumapat ang mga labi nito sa labi ko napapapikit na lang ako habang ninanamnam ang tamis ng kanyang mga halik.
"Gosh bakit ba ang sarap ng mga labi niya?"
Simula noong una niya akong hinalikan, aaminin ko hinahanap hinap ko na halik na iyon.
"I'm sorry Yumie, and thank you!" muling sambit nito sa akin, para saan ang pasasalamat niya dahil ba sa nangyari sa amin? Ano pang magagawa ko tapos na, naisuko ko na ang bandera, paano na lang kung bumalik yung childhood sweetheart ko? Yung batang pinangakuan ako ng kasal at sinabing pakakasalan niya ako pagdating tamang panahon?
Hanggang ngayon umaasa parin ako na babalikan niya ako, at sa huling ala-ala ko nagpaalam ito noon sa akin dahil aalis sila ng buo niyang pamilya papuntang States, doon na daw siya mag-aaral at nangako ako sa kanya na maghihintay ako sa kanyang pagbabalik.
I was nine years old then while Mat is twelve years old. Unang beses pa lang na nagkita kami nakapalagayan ko na ito ng loob. Sobrang makulit si Mat pero sweet, palagi siyang napapagalitan ng aming kapitbahay noon dahil inuubos niya ang mga bulaklak ng rosas para lang ibigay sa akin.
"Tanghali na Matheo magluluto na ako, dahil may pasok pa ako mamaya." ako na ang kusang kumalas sa kanya dahil baka kung saan pa kami dalhin ng init na aming nararamdaman.
"Ok!" tipid nitong sabi, pumasok na ako ng banyo para sa aking daily routine. Habang hinuhugasan ko ang aking p********e, hindi ko maiwasang kapain iyon. Hinawakan ko ito para pakiramdam pero wala akong maramdamang sakit.
Bakit ganoon, ang sabi ng mga friends ko lalo kapag first time mo makipagsex masakit daw iyon at hindi ka daw makakalakad ng matino.
Pero bakit wala akong maramdaman na kahit ano sa katawan ko? Natural lang kaya yun?
Binilisan ko na ang aking kilos at dahil male-late na ako sa aking trabaho. Sa Tagaytay pa naman ang lakad ko ngayon kaya isang mabilisang pagligo lang ang aking ginawa.
Pagpasok ko ng kusina naabutan ko si Matheo na nag-aayos sa aming dinning table, ang daming pagkain ang nakahain.
"Saan galing ang mga ito? Diba sabi ko sayo magluluto ako?"
"We're running out of time Yumie, I know you're tired last night, at kailangan ako sa kumpanya ngayon. Dahil pupunta pa ako ng Tagaytay para tingnan yung isang warehouse doon, kaya ayan nag-order na ako dati sa online!" saad naman nito sa akin.
"Ahm, sige kain na tayo kung ganoon, may work din ako ngayon may photo shoot akong pupuntahan!"
"Oh, really? Sige upo kana!" bakit ba ang sweet nito ngayon sa akin? Parang gusto kong kiligin! "Ayyiee!"
"Ayaw kong ma-inlove sayo, dahil may hinihintay ako. Kaya please huwag mo akong pakitaan ng ka-sweet'an mo!"
"You can quit your job after marrying me, all you need to do is to take good care of me at our house!" seryoso nitong sabi sa akin.
"What? No! May kasunduan tayo na magtatrabaho parin ako, at ikaw mismo ang nagsabi na kukuha ka ng helper's natin dito sa bahay?" hindi pwede itong ginagawa niya sa akin, gusto niya akong itali, gusto niya akong ikulong dito sa mismong bahay ko NO!
"I've changed my mind, gusto mong makuha itong bahay mo diba? So you have to obey me, just be good Yumie and I'll take care of everything. You can live like a queen Yumie I will give you anything you want, this house of yours and the body of mine!"
Kagat-kagat ang aking ibabang labi dahil sa pinipigilan kong matawa, pero hindi ko talaga mapigilan.
"Hahahah.. Nagpapatawa kaba? Sa tingin mo ba pinagnanasahan ko ang katawan mo?" umiling iling pa ako.
"At bakit hindi ba? Halos wasakin mo na ako kagabi dahil sa pagiging wild mo! More Matheo more, as you growled last night. You kept on moaning ang moaning and now you're saying that you didn't liked my body? Oh come on Yumie you tasted every part of it!"
Shocks! Natameme ako sa mga sinabi nito, ganoon ba ako kalasing kagabi kaya ko nagawa ang mga kahiya- hiyang mga bagay na iyon?
"Nagawa ko iyon? My God Yumie nakakahiya ka, kaya pala ang lakas ng loob ng lalakeng ito!"
"Hi-hindi ko alam ang sinasabi mo! Ah- eh diba nga lasing tayo kagabi, so I was totally blocked!" talagang wala akong maalala sa mga pinaggagagawa ko kagabi.
"I have my proof, the CCTV in our room. Come and let's watch para makita mo kung gaano mo pinagsawaan ang katawan ko kagabi." sabay kindat pa nito sa akin. Baliw talaga ang lalakeng ito, ang lakas ng saltik.
"Here read this one, this is our agreement and as you can see you signed it Yumie meaning that you agreed on it!" ano daw, pinirmahan? Wala akong matandaan ah!
"Wa-wait! Bakit may pirma ako dito? Ako ba ginu- good time mo Matheo? This is fake!" tiningnan ko nga ng mabuti ang agreement papers na pinakita niya sa akin, nanlaki ang aking mga mata ng makita ko ang pirma ko over printed name at nakalagay pa ang date at ang oras!
"Urrggg...Ano ba itong napasok ko?"
I tooked a deep breath, once, twice I can't count. I'm still having a hard time accepting what's happening to me.
Paanong nangyari na may pirma ako doon? Paulit-ulit ko itong tiningnan legit naman ito, pirma ko talaga!
"Do you believe me now Yumie? Don't worry 'cause I'll give you enough time to finish everything you have to finish. And after that you'll stay here at home and take care of me and also to our future children." Lalong nagpawindang sa akin ang huli nitong sinabi. Anak, so balak pala niya akong anakan?
"Diyos ko!"
"Baliw!" sabay bato ko sa kanya sa hawak kong agreement papers at nagmamadali akong pumasok ng akong kwarto. Narinig ko pang tumawa ito malakas.