ALANA Umaga na nang makarating ako sa hospital. Hanggang sa ngayong mga oras na ito ay hindi ko parin malimutan ang kanyang mga mata at tila ba naririnig ko parin ang kanyang boses. Bumili narin ako ng prutas at nagsadya sa isang malapit na foodstuff upang bilhan si Knight ng kanyang paborito na baked spag. Huminga ako ng malalim nang abot tanaw ko na ang kwarto niya. Napahawak ako sa aking dala-dalang bag na para bang andito ang buhay ko. Nang malapit na ako sa kwarto niya ay sandali akong natigilan. Nakakarinig ako ng ingay na nanggagaling sa loob at sa tingin ko ay nag-uusap usap sila. I gripped the doorknob and let myself in. At nang makapasok at maisara ko na uli ang pinto ay dahan-dahan akong lumingon kung saan naroroon si Knight. Sandali akong natigilan nang magtama ang aking mg

