PROLOGO

516 Words
Hingal na hingal ako habang lakad at takbo ang aking ginawa para lang makaalis sa lugar na iyon. Bakit ba kasi nagsuot pa ako nitong mataas na takong at hanggang tuhod na damit na siyang pinaghandaan ko ngayong gabi? Pinili ko pa naman ang damit na ito para sa kan’ya ngunit bakit nga ba agad ako naniwala ulit sa kan’ya? Hindi na nga talaga ako nadala. Kahit alam kong uulit-ulitin niya pa rin ito. Niloko na niya ako noon ngunit naging bulag-bulagan na naman ako ngayon. I was making a fool of myself by continuing to trust him. Kasalanan ko kung bakit ganito ngayon ang tinatamasa ko. Kasalanan ko naman itong lahat kung hindi lang sana ako naging marupok. Madali lang yatang tibagin ang ginawa kong harang sa kan’ya dito sa puso ko. "Alana!" Sigaw ni Knight habang tumatakbo sa direksyon ko. "Bumalik ka doon, Knight!" Pabalik kong sigaw. Ayokong makita ang kan’yang pagmumukha ni kahit pagdapo ng kan’yang balat sa akin ay nasusuka ako. Ayokong hawakan niya ako. "Mali ang iniisip mo!" sambit niya, at nagulat ako nang malamang malapit na pala siya sa akin. Hinawakan niya ang braso ko at hinila ako nang pagkalas-lakas. Napakalakas niya at walang ding saysay kahit anong hila ko sa kamay ko. Mariin ko siyang tinitigan dahilan upang kumalas ang pagkakahawak niya sa akin. "It's not what I think? Please Knight, enough with the lies! Please, I can't take it any longer, it hurts here, and it really hurts here." I burst into tears in front of him, releasing all the pain I'd been carrying for years. Taon na rin pala akong naging gaga at tanga. "I assumed we were fine, that everything was already fine. Akala ko nagsisimula na ulit tayo ngunit akala ko lang pala iyong lahat. Knight, you're giving me a f*****g damn delusional thoughts!" Iyak kong sigaw at akma na sana siyang lalapit nang umatras ako. Ayokong hawakan niya pa akong muli. "Huwag na huwag mo na akong hahawakan Knight!" sigaw ko at halatang nagulat siya sa aking inakto. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na marinig niya ang pagtaas ng boses ko. "Please, Alana, let's start over." He pleaded, and the tone of his voice stipulated sadness and hurt, but I'm not going to be moved by his emotions again; he did it once, and he can't do it again. Huwag kang gaga Alana. Nasaktan ka na ng ilang beses mas tanga ka pa sa tanga kung tatanggapin mo uli siya. "I'd like to file for annulment," I said firmly, and I was so proud of myself for my boldness. Nabigla siya sa mga salitang binitawan ko na kahit ako rin ay nagulat. Sinamba ko siya ng buong puso, katawan, at kaluluwa. Pinakasalan ko siya, pero hindi ko siya masisisi dahil lahat ng ito ay kasalanan ko. Ako lang naman ang may gusto nitong lahat, pero siguro ngayon na ang oras para bumitaw. "No please, no no no please." I can't believe an Alcantara, Knight is begging and kneeling in front of me. "Goodbye, Knight." Hinubad ko ang singsing sa daliri ko at ibinalik sa kan’ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD