ALANA Kinuwestiyon ako nila daddy at mommy kung saan ako galing at kung bakit ako ginabi at sinagot ko naman sila ng pawang katotohanan. Ayoko ng itago sa kanila ang lahat dahil nararapat din nila kasi itong malaman. Buong atensyon silang nakikinig sa akin hanggang sa matapos ako. Napangita naman si mommy at bahagyang kinuha ang aking mga kamay at pinisil at pabalik ko naman siyang nginitian. Nakakagaan din pala sa loob ang lahat. "So are you going to sign it?" biglang tanong ni daddy dahilan upang tingnan ko siya. "Yes dad upang maging malaya na kami sa isa't-isa. Ako naman po ang dahilan kung bakit ganito ang aming sitwasyon and from the start ako lang ang may pag-ibig," sagot ko at tumango-tango naman si daddy. Niyakap ako ni daddy at para bang gumaan ang lahat. Gumaan ang mundo k

