ALANA “Nandito lang pala kayong dalawa.” Isang matatalim na titig ang ipinukol niya sa akin. Kitang-kita ko rin sa kanyang mga mata ang lungkot at galit at napansin ko rin na medyo humaba ng konti ang kanyang buhok at medyo pumayat. Paano niya nalaman kung nasaan kami ngayon? Sino ang nagsalita patungkol sa aming lugar? Napakaraming tanong sa aking isipan at alam ko ring iyon din ang iniisip ni Ash. Ngunit hindi ko parin alam kung bakit kasama niya si Samantha at bakit ganyan na lamang siya kung makatitig sa aming dalawa ni Ash. Napahaplos ako sa aking tiyan dahil sa nararamdaman kong tensyon at kaba. Napatingin naman agad si Knight sa aking tiyan at para bang nagtatanong ang kanyang mga mata. “Could you please leave us alone?” said ni Knight habang ang kanyang mga tingin ay sa akin

