ASH Hindi ko alam kung bakit ako naririto sa labas ng kwarto ni Knight at at piniling hindi pumasok. Mula sa aking kinatatayuan ay tanaw ko si Alana na ngayon ay nakatingin kay Knight. Mga matang punong puno ng pag-aalala at kung hindi ako nagkakamali ay punong puno rin ng pagmamahal. Umatras ako at tumalikod. Dahan dahan akong naglakad palabas ng hospital. Siguro ay ayos naman si Knight dahil alam kong hinid siya pababayaan ni Alana. Natawagan ko narin sina mommy at daddy at baka bukas ay nandirito na sila kaya dapat ay hindi na ako mag-alala. "I hate that I am still hoping," mahinang sambit ko at napatingala sa langit. Ni wala akong makitang mga bituin at tila makulimlim ang langit ni buwan ay di ko maaninagan. Napangiti nalang ako ng mapait. Kapag ba kasama niya

