ALANA Ngayon din mismo gagawin ang operasyon niya. Di ko mapigilang hindi mangamba at matakot kahit na kilala ang hospital na ito at alam kong magagaling ang mga doktor dito ay hindi ko parin mapigilang hindi mapakali. Ilang beses narin akong kinausap ni Thaddeus na magiging maayos ang lahat. Hindi ko rin napigilan ang sarili ko na hindi siya tanungin kung ano ang mga posibleng magiging resulta ng operasyon. Ngunit hindi naman iyon ang inaasahan kong mga sagot. "Iha calm down gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya," saad ng mommy ni Knight habang papalapit siya sa akin at hinagod ang aking likod. "Anak makakaya yan lahat ni Knight. Malakas si Knight," wika naman ni mommy at agad akong nilapitan. Kasalukuyan na kaming nasa labas ng operating room at mula dito ay kita namin si Kni

