ALANA "No, sa tingin ko ay mahal na kita Ash," mahinang saad ko at napahigpit pa ng yakap sa kanya. Nagulat naman ako nang hinawakan niya ang aking mga kamay at inalis ang aking mga braso sa pagkakayakap sa kanya. Naguguluhan akong napatingin sa kanya at ang mga namumuo niyang mga luha ay tuluyan nang bumagsak sa lupa. Agad ko naman ito sanang papahidin gamit ang aking mga kamay ngunit iniwas lamang niya ang kanyang mukha sa akin. "No Alana, hindi ko nakikita sa mga mata mo tulad ng mga tingin mo kay Knight. Marahil ngayon...marahil ngayon ay nalilito ka lang sa lahat at naaawa sa akin. Oo...oo gusto ko ring mahalin mo ako ngunit hindi sa ganitong paraan. Mahal kita Alana at higit kitang mas kilala kaya alam ko kung ano ang nararamdaman mo," sambit niya at para naman akong nabingi dahi

