ASH Grand Fuego Resort Recepcion Area 8:00 pm Kasiyahan at tulakan ang natanggap ko sa mga kaibigan ko nang makita na nila ako sa recepcion area. Kasalukuyan kasing nagbibihis muna ngayon si Alana at ang hindi niya alam ay may nakahanda akong sayaw para sa kanya. Hindi ko din aakalain na sasayaw ako ngayong gabi. Nasa harapan naman ang mga magulang namin at inaasikaso ang kambal at si Constantine naman ay tumabi sa dalawa. KItang-kita sa kanilang mga mata ang saya na nakapagpagaan sa akin. Kung sana ay nakikita itong lahat ni Knight. "Bro! pag-igihan mo mamayang gabi ha," saad ni Christian na tawang tawa habang hawak hawak ang kanyang shot glass. Kanina pa ata to umiinom. "May kambal na ako bro," saad ko at umiling-iling naman siya. "Eh ano ngayon kung may kambal ka na dapat madami

