PINAGMAMASDAN KO SI Jam na malalim ang iniisip habang naghihintay ng ano mang balita sa kalagayan ng magulang at kapatid niya. Ramdam ko ang sobrang pagmamahal niya sa mga ito at naiinggit ako dahil lumaki siya sa masagana, masaya, at puno ng pagmamahalang pamilya. Hindi tulad ko na pinagkaitan ng karangayaan, pinagkaitan pa ng pagmamahal ng magulang. Napatingin ako sa humahangos na mga tauhan ng Esteban. Hindi ko maiwasang matakot dahil hindi ko alam kung ano bang klaseng pamilya ang meron sila Jam. Puro kasi mga armado ng baril ang nakikita kong bodyguard nila at ang ilan pang kalalakihan na dumating dito ay ngayon ko lang nakita at napansin ko na mga naglalakihan ang armas nila. “Señorito Jam . . .” malalim ang boses na sabi ng lalake na niyuko ang ulo saglit bago napatingin sa akin

