NAKATINGIN LAMANG AKO sa monitor dito sa room na pinagdalhan sa akin ni Jam. Iniwan niya ako rito dahil nagmadali siya sa pagbaba. Hindi pa rin ako makapaniwalang buhay ang Dad niya. Naguguluhan ako. Binalita na noon na patay na ang parents niya. Naiburol pa nga. May pagka-demonyo yata ang pamilya nila. Ano ’yon, nabubuhay na lang ulit sila nang kusa? Nakita ko na masinsinan na nag-uusap ang mag-ama habang magkaharap ng upo sa isang mamahaling sofa habang may iniinom. Kung titingnan ay para talaga silang mga nakakatakot, nakakasindak, malakas ang awra, at ma-appeal. Pareho silang tila mga hari kung maupo. Ano ba ang gagawin ko rito? Panonoorin lang sila? Nakakasura na talaga itong si Jam. Kinulong pa niya ako rito sa kwarto. Nahiga ako sa kama habang nakaapak ang paa ko sa sahig. Per

