NANG MAKARATING AKO sa presintong pinagdalhan kay Jam ay napansin ko agad ang pagtitinginan sa akin ng mga taong bumibisita sa kanilang kamag-anak na narito sa kulungan. Bigla ay nailang ako sa suot kong turtle neck floral dress na tila hindi naangkop sa lugar. Iniwas ko na lang na mapatingin sa kanila at hinanap ko ang maaari kong pagtanungan kung saan dinala si Jam. “Good day, Mamang pulis,” nakangiting bungad ko. “Sino po sila?” tanong niya. “Hmm, dadalawin ko sana ang asawa ko.” “May asawa ka na?” parang gulat na gulat pa siya at nanghihinayang. “Tsk. Tsk. Sayang ang ganda mo kung isang kriminal lang ang asawa mo. Single ako at available, baka gusto mong ipagpalit ang asawa mo.” Habang sinasabi niya iyon ay hinihimas pa niya ang tatlong buhok ng bigote niya. Lihim na napangiw

