HINDI KO NA mapigilan ang pagtulo ng luha ko habang kitang-kita ko kung paano palibutan ng mga pulisya si Jam. Nais kong sumugod doon at yakapin siya ngunit hindi na ako pinayagan nila Mom dahil wala na rin naman daw akong magagawa at isama pa ang tatlong bata na kanina pa umiiyak ar tila ramdam nila na may nangyayari sa ama nila. “Diyos ko. Dati naman, hindi nangyayari ito. Bakit walang magawa ngayon si James?” Nagpapasalamat ako at narito si Mom sa tabi ko na pinapakalma ako, ngunit tila siya rin ay hindi makakalma sa kaalamang makukulong na ang anak niya. “Señora Gabriella, iniipit ng gobyerno si Señorito dahil ngayon ay alam nila na malaki ang kontribusyon ng mga Esteban sa mga taong nangangailangan ng tulong ng agency n’yo. Kaya gusto nilang mapabagsak ang ahensya na tinayo ni Lord,

