HUMINGA AKO NANG malalim at bumuga ng hangin. Kailangan kong patatagin ang loob ko para sa gagawin ko ngayon. Kinakabahan ako dahil gagawin ko ang bagay na sa panaginip ay hindi aakalain na magagawa ko. Bahala na. Basta kailangan kong gawin ang lahat para makuha ang tiwala ni Jam at kapag may pagkakataon na ako ay doon ako gagawa ng paraan. Bumuga pa ako ng hangin nang isang beses bago ako humakbang papasok sa office ni Jam. Doon kasi siya dumiretso pagkauwi namin mula sa hospital. May lalaki na naman na nagpunta rito at tiyak ako na may binibili na namang gamot si Jam. At sa pagkakataong ito ay sisiguraduhin ko na hindi na niya ako magagamitan no’n. Sumilip ako sa pinto dahil bitbit ko ang tray na naglalaman ng meryendang ginawa ng mga chef para kay Jam at sa bisita niya. Nakita ko na

