SOBRANG SAKIT NG katawan ko, lalo na ang balakang ko kaya hindi ko magawang makabangon sa kama. Pagmulat ng mga mata ko ay wala na si Jam sa tabi ko at tila lumabas siya ng kwarto. Pinilit kong tiisin ang sakit ng balakang ko maging ng ibaba kong bahagi para lamang makabangon. Kitang-kita ko sa kumot ang bakas ng pagkasira ng p********e ko. Wala naman akong pagsisising nararamdaman dahil mahal ko naman si Jam, pero kung alam ko lang na ganito pala kasakit ang kapalit ay sana hindi na ako nagpaakit kay Jam. Letche siya! Kahit pilantod na ay nagagawa pa akong angkinin nang ilang beses. Oo, alam ko, kahit antok na antok na ako ay ayaw niya pa rin akong tigilan. Para akong naubusan ng tubig sa katawan dahil sa kanya. Sinikap ko na maipulupot sa akin ang kumot para matakpan ang hubad kong ka

