HINDI KO MASYADONG iniimik si Jam simula pa no’ng nakaraang araw. Tila napansin niya iyon kaya panay ang pagpapansin niya na kesyo gusto niya ng ganito, gusto niya na maligo, pero tipid lang akong sumagot. Pilit kong hindi sinasabi sa kanya ang dahilan. At kapag sa gabi ay pinapakiramdaman ko kung may gagawin siya sa akin, pero nito ay hindi na ako nakakaranas pang muli at wala akong napapansin na ginagawa niya sa akin. Hindi ko alam kung paano ko malalaman kung anong klaseng gamot ba ’yong rohypnol, pero hangga’t hindi ko pa alam ay kailangan ko munang mag-ingat sa kanya. Hangga’t maaari ay magpupuyat ako para lang hindi makatulog. At ilang araw na lang din naman at makakaalis na ako. Oo, matatapos na rin ang kontrata ko sa pag-aalaga sa kanya. Makakalayo na ako at hindi na niya muling

