HINDI KO MAPIGILAN na kabahan para sa surpresang sinasabi sa akin ni Jam. Hawak-kamay kaming naglalakad palabas patungo sa likod daw ng mansyon. “Jam, ano ba talaga ’yang surpresa mo? Kinakabahan tuloy ako,” sabi ko na hindi ko na mapigilan na mapatanong. Napahalakhak siya at pinagsiklop ang kamay naming dalawa. “Surprise nga, kaya hindi ko pa pwedeng sabihin sa ’yo,” sabi niya na natutuwa sa pagkainip ko. “Baka mamaya, pinagloloko mo lang ako? Naku, tatamaan ka sa akin!” sabi ko sa kanya na kinailing niya. “Trust me, hindi kita niloloko. Basta sumunod ka na lang sa akin,” sabi niya kaya napabuntonghininga ako at tumango. Narito na kami sa garden nila kung saan ay puno ng mga bulaklak. Tumingin ako sa paligid . . . ano ba ang gagawin namin dito? “Jam, ano bang meron dito?” tanong ko

