Kabanata 12

3093 Words

“TULUNGAN KO NA kayo,” nakangiti kong sabi kina Ysa, ngunit ganoon pa rin . . . agad nilang binitbit ang mop at walis nang sumulpot ako. Hindi ko alam kung bakit nila ako iniiwasan. Halos tatlong linggo na silang mailap sa akin. Maging ang ilang kasambahay. Tapos pati sila Wena ay iniiwasan na rin ako. “Hera, bakit ka narito? Nasaan ang Señorito?” ani Mayordoma na ikinagulat ko. “May kausap pong tao sa office kaya iniwan ko po muna siya,” sabi ko rito. “Dapat ay hindi ka umaalis sa tabi niya. Mamaya, hanapin ka na naman niya,” sabi niya kaya tumango ako. Pero may nais akong itanong kaya nilakasan ko ang loob ko. “Ah . . . Mayordoma, pwede po bang magtanong?” alanganin kong tanong. Tumingin siya sa akin mula sa pagtingin niya sa hawak niya. “Ano ’yon?” balik niyang tanong at nagbawi ng

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD