Kabanata 19

3329 Words

NAPABUNTONGHININGA AKO HABANG kanina ko pa inaayos ang uniform sa bar na suot ko. Parang ayokong pumasok ngayon sa bar. Parang may nararamdaman akong mangyayari na hindi ko magugustuhan. “Ate, aalis ka na po?” inaantok na tanong ni Cathy sa akin na naalimpungatan sa pagtulog nito. Humarap ako rito at nilapitan ko ang bag ko na dadalhin sa trabaho na nakalapag sa higaan ko. “Oo. Iiwan ko itong susi sa ’yo dahil baka abutin ako ng umaga. ’Wag na ’wag kang magbubukas ng pinto kapag hindi mo naririnig ang boses at hindi mo kilala. Tsaka magluto ka ng agahan n’yo. May binili akong tinapay at itlog d’yan,” bilin ko rito at sinara ko na ang zipper ng bag ko at sinukbit ko na sa balikat ko. “Sige, Ate. Mag-iingat ka,” sabi nito kaya lumapit ako rito at hinalikan siya sa noo, maging si Louie n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD