MATAPOS ANG PANGYAYARING hinding-hindi ko makalimutan ay naging ilang muli ako kay Jam, pero parang balewala lang naman iyon sa kanya. “Hera, please sit down. Join me,” pukaw sa akin ni Jam kaya napatingin ako rito na nakaharap sa pagkain niya. Nagbulungan sina Rita habang nakatingin sa akin dahil sa sinabi ni Jam na hindi ko naman maunawaan. “Ho?” takang tanong ko. Napangiti siya at tinapik ang isang silya na tila sinesenyasan ako na maupo. “Naku, pero . . . Señorito, ’wag na po,” tanggi ko nang maunawaan ko ang pinapahiwatig niya. “No more buts, Hera,” seryosong sabi nito. Napatingin ako kina Rita dahil narito ang lahat ng kasambahay at nakatingin sa akin. Nahihiya ako kaya hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. “Tsk. Leave us,” asik ni Jam habang nakatingin sa mga kasambahay na

