Dinala sa labi I AM DISGUSTING. Nandidiri ako sa sarili ko. Anong ginawa ko at pumatol ako sa lalakeng may asawa na? Ang malala, parang nanay n'ya na. Hindi ko alam kung anong rason ni Claudio kung bakit n'ya pinakasalan ang babaeng 'yun pero nandidiri ako. Alam kong hindi n'ya mahal ang asawa n'ya dahil umamin s'ya sa 'king mahal n'ya ako. Pero hindi ko maiwasang magmura. Kaya ba n'ya ako ginawang parausan dahil walang nangyayari sa kanila ng asawa n'ya? Fvck! Pero ano? Nag-s ex na din ba sila? "Argh!" inis kong pinilig ang ulo at tinangala ang shower. Hinayaan kong dumaloy ang tubig sa katawan ko. Halos mag-iisang oras na akong nakababad sa banyo pero hindi pa rin mawala ang pandidiring nararamdaman ko. Humugot ako ng buntong hininga saka nagbanlaw. Matapos mag-bihis, hindi in

