Anisha
Tumulong na ako sa pag-aayos para madali siyang matapos at para mas makakilos siya nang maayos. I also offered to help, but he said he's okay so I let him do the cooking.
Nang natapos siya sa lahat ay isa-isa niyang inilapag sa mesa ang mga niluto niya. Those foods were my requests, at tinitignan ko pa nga lang ay lalo na akong nakaramdam ng pagkagutom.
Kumain naman kami kanina ni Fiona sa labas, pero hindi ko lang talaga nag-enjoy dahil sa walang katapusan niyang pagtatanong.
"Let's eat," aniya nang maayos na ang lahat. Tumango na lang ako kahit ang totoo ay distracted ako dahil sa nakabalandra niyang katawan.
Wala ba talaga siyang balak magdamit?
I mean, it's not like it's my first time seeing his body, pero sa tuwing tumitingin ako sa kaniya na ganiyan siya, kung ano - ano na lang ang pumapasok sa utak ko.
Oo, gutom ako pero baka mamaya… imbes na kumain, piliin ko na lang tiisin iyong gutom ko dahil ayokong magkasala at kung ano-ano ang isipin habang siya at walang kamalay-malay. It felt like a sin to even look at him. If only I had the courage to tell him to get dressed.
Mukha rin naman kasing hindi niya napapansin dahil masyadong nang occupied ang isip niya sa lahat. Also, it seems like it's his normal, so…
Okay, Anisha. Mag-focus ka na lang sa pagkain. Don't mind him.
Oh, I hope those words work. I needed to pray harder for my pleas to be heard.
I waited for that moment where he realizes he's topless in front of me to come, but it never happened, so I accepted my fate and decided to just eat, as if I could do that peacefully knowing damn well that his upper body's in full show, distracting me.
Sino ba naman kasing nagsabi na tumitig dapat ako? It's normal for him, and I shouldn't have a say. Well, maybe I have, but… whatever!
"How's the food?" Tanong niya kalagitnaan ng pagkain. I was just looking at my plate, and nothing more. I didn't wanna look like I was drooling over his perfectly sculpted body.
Galit pa rin ako sa kaniya, pero hindi ko naman maipagkakaila na gifted talaga siyang tao. Pero, siyempre… hindi ko 'yon sasabihin sa kaniya verbally.
"Okay naman," sabi ko kahit na ang totoo ay nakadalawang cup na ako ng kanin. I shouldn't be eating this much. Lately, I became too conscious of gaining weight, but the foods are just irresistible. Hindi ko maiwasang kumuha nang kumuha lalo na sa shrimp kahit na medyo nahihirapan akong balatan.
Tumango siya at ilang sandaling pinanood ako sa ginagawa ko sa hipon. Nadurog na lang din ay hindi ko pa nababalatan. I love shrimps, but this is what I hate about eating them! Bakit ba kasi hindi na lang iyong nabalatan ang niluto, e. But of course, I shouldn't complain. Siya na nga ang nagluto, e. Ano ba naman iyong maglaan ako ng pasensiya sa pagbabalat. After all, ako lang din naman kasi ang kakain ng binabalatan ko.
"Do you want me to do that for you?" I heard Spade say. Napatigil ako sa ginagawa ko para tapunan siya ng tingin. He looked hopeful, but I was just too embarrassed to agree to him dahil pakiramdam ko ay kanina niya pa ako pinanonood.
Huminga ako nang malalim at taas noong sinabi na, "No. I can do this." Pagkatapos niyon ay nagpatuloy na ako.
I really enjoyed eating the food he cooked kahit na nakaka-stress iyong mga hipon. Kung hind lang masarap, hindi ko na pinaglaanan ng effort at oras iyon. At least, natapos din naman kaming kumain.
I volunteered to wash the dishes, and I am happy he let me do it. Kesa naman kasi wala akong gawin. I'd be more embarrassed if that happens. Pakiramdam ko ay wala na akong ibang inambag sa condo niya kung hindi ang magsungit, magreklamo, at kagalitan siya.
This is me trying to change, and I hope mapangatawanan ko itong ginagawa kong ito.
Habang naghuhugas ako ay nasa gilid ko siya. He was the one wiping the plates and other utensils dry. We were quiet until he spoke.
"May lakad kayo ni Fiona bukas?"
"Wala," sagot ko. "She said she'd be busy tomorrow," dagdag ko.
"Any other plans?"
"None. I'd like to stay here all day tomorrow." I'd be more fine with that.
"Okay. Then I'll stay here all day tomorrow too," he replied. Napatingin ako sa kaniya.
"If you're just worried about me being alone here, you shouldn't. Kung may lalakarin ka bukas, go. Especially when it's important. I don't want to be the reason why you can't do the things you're supposed to do. Hindi rin naman ako tatakas." I snorted as I rolled my eyes. "I just don't have the energy to walk around anywhere else." I told him before focusing my eyes on what I was doing again.
"Hindi naman ako busy. Wala rin akong importanteng lakad, so I'll stay here with you. Besides, what's in this place is more important than anything else in the office, aniya.
"Okay," I replied. Wala rin naman akong pakialam kahit saan siya pumunta. He can stay here, of course this is house, plus okay lang din basta huwag niya akong sisimulan sa mga bagay na hindi ko pa kayang pag-usapan.
Puwede rin naman siyang mag-stay sa office niya which is better dahil hindi namin makikita ang isa't isa. In that way, sure ako na walang mamumuong away sa pagitan naming dalawa.
Iniwan ko siya sa kitchen at bumalik na sa kuwarto pagkatapos kong gawin iyong mga dapat. I did some evening rituals before I finally lied on bed. Nakasuot lang din ako ng silk night dress dahil kumportable ako roon. Parang gusto ko pa ngang matulog nang walang kahit na ano'ng suot, but of course I can't do that. Mabuti sana kung kagaya pa rin noon na wala akong kasama sa bahay.
Dumapa ako sa kama at ipinikit ang aking mga mata. Ngayon ko lang ulit naramdaman iyong pagod ko mula kanina. Halos puro lakad lang naman ang ginawa namin ni Fiona, pero pakiramdam ko ay mas malala pa roon ang ginawa namin. Dahil na rin siguro sa pagod at tuluyan na akong hinila ng antok.
Naalimpungatan lamang ako nang maramdamang may kung anong nakapulupot sa bewang ko. I opened my eyes wide only to see Spade's arms wrapped around my waist as if his life depends on it. My back was turned against him, and I could feel his hot breath on my nape. Napatingin ulit ako sa braso niyang mahigpit na nakayakap sa akin.
I wanted to remove his hand on me, but for some reason… my body didn't allow me to. What's more surprising was when my hand moved to touch his.
Tahimik. Walang ibang ingay akong naririnig kung hindi ang paghinga naming dalawa. His was peaceful, while mine was a bit tensed. It wasn't the first time he's hugging me, but it's the first that he did after I left him.
It felt nostalgic like my body craves for it, waiting for this to happen again.
After a moment of battling with myself whether to remove his hand wrapped around my waist or just let it be, I ended up choosing the latter.
Nang napagod na ako sa kaiisip, I decided to just close my eyes to feel the peace that his embrace made me. I am not gonna lie, but the way he hugs me… I felt safe. It made me feel secure for any weird reason.
That night, I decided to seize the fire between us for a while and let silence reign over.
***
I woke up late the next day. Ilang minuto rin akong nakatulala lang habang nakaupo sa kama. I literally have no plans for today. I had enough sleep, but I feel like sleeping all day. But of course, that can't happen. I need to fix myself up and do something. As much as I want to just lay on the bed, I still want to make an effort in making this day productive.
Tumayo ako at inayos ang sarili bago lumabas. I was expecting to see Spade anywhere outside the room, pero hindi ko siya nakita. Well, whatever. It's not like I want to see him.
After battling with myself, I finally decided to do some exercise. I just need to prepare myself before doing so kaya maghahanap muna ako sa kusina ng kahit anong laman tiyan.
Sa library ko na lang iyon gagawin dahil mas tahimik at medyo nakaka-inspire rin naman doon. At least now I have something to do.
Nang nakarating ako sa kusina, kaagad na bumungad sa akin ang nakahandang pagkain sa lamesa, though it was covered, the note with it confirmed that it was for me.
The note says, "Eat well." Iyon lang.
Napatitig ako sa pagkain. A sunny side up egg, bacon, some fresh fruits, and probably a sweet corn with carrots.
Ano ba 'yan.
Hindi dapat ako kakain, e. Pero dahil ayoko namang maging bastos at sayangin iyong effort niya, naisip kong kainin na lang iyong inihanda niya. Besides, matutunaw din naman 'to mamaya kapag nakapag-ehersisyo na ako.
Mabilis lang din naman akong natapos dahil desidido na ako sa pag-e-exercise. Pagkatapos kong hugasan iyong mga pinagkainan ko, bumalik ako sa kuwarto para magbihis ng pang-exercise para mas ma-feel ko naman iyong gagawin ko.
Siyempre, dapat mukha akong dedicated kahit na ang totoo ay bored lang.
Habang inihahanda ko na iyong mat na gagamitin ko, naisip ko iyong sinabi ni Spade kahapon. Ang sabi niya ay wala siyang lakad ngayon, pero wala naman siya rito.
Pero…
Pakialam ko naman. Mas maganda nga iyon na wala siya, e. Para naman walang sagabal sa gagawin ko, 'cause heck! I would probably die if he sees me doing some exercise!
I shook my head para makalimutan ko siya. Bakit ko ba iniisip 'yon?!
Nagsimula ako sa stretching dahil ayoko rin namang paika-ika bukas dahil sa sakit ng katawan. I tried not doing stretching one time at sapat na iyon para matuto at hindi na ulitin pa ang pagkakamaling iyon.
When I thought my body was ready for a plank ay inihanda ko na ang aking sarili. Matagal din akong hindi nakapag-exercise man lang kaya pakiramdam ko ay naninibago pa ang katawan ko.
Itinukod ko ang magkabilang braso ko sa mat. Huminga ako ng malalim at nagsimulang magbilang sa isip. I plan on doing it for sixty seconds, so I closed my eyes to focus. I tried so hard to concentrate dahil alam kong makatutulong iyon para ma-achieve ang gusto ko, but then my body started to shake at the count of twenty, so I opened my eyes.
Nag-angat ako ng tingin, only to see Spade leaning on the door, looking at me, amused while his hands were on the pocket of his pants.
Walang ano-anong bumagsak ang katawan ko sa sahig dahil sa gulat at kahihiyan. With eyes wide open, nagsimulang bumilis ang t***k ng puso ko. Hindi iyon dahil sa kaba kung hindi dahil sa umaatikabong pagkagulantang at kahihiyan dahil sa naabutan niyang ayos ko.
"A-Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko nang medyo nakabawi. I tried my best to sit on the mat kahit pa nanginginig pa rin ako dahil sa pinaghalong pagod at hiya.
Hindi ko rin siya kayang tignan sa mata kaya nag-iwas ako ng tingin. I pretended I was looking somewhere around the library to get myself distracted.
"I was looking for you and then I saw you doing—"
"Don't!" Pigil ko sa kaniya dahil hindi ko kayang marinig ang sasabihin niya. I am already embarrassed and for him to mention what he saw, pakiramdam ko ay matutunaw ako nang tuluyan. "Don't even try to finish what you'll say, Villafranco," I said in a warning tone.
"You were doing great," sabi niya pa rin.
"Whatever, Villafranco. Leave me alone," utos ko. Bigla tuloy akong nainis. Paano ko pa itutuloy ngayon iyong exercise ko kung nandito siya? Kahit pa iwan niya akong mag-isa rito sa library, hindi na rin ako makagalaw katulad nang kanina dahil iisipin at iisipin kong nandito siya at pinanonood ako.
"I can join you with your exercise," he offered but I immediately rolled my eyes. Nawala na iyong kaninang hiyang nararamdaman ko dahil sa sinabi niya.
Natanto ko na ano naman ngayon kung nakita niya akong nag-e-exercise? I was just doing something to make my body healthy.
"As if," I murmured, hindi pa rin makatingin sa kaniya nang diretso. "Iwan mo na lang ako rito, Villafranco. I know you're busy kahit pa sinabi mo kahapon na wala kang gagawin. Don't lie to me about that para lang masamahan ako. It makes me feel guilty. Hindi raw busy pero paggising ko kanina, wala na." Umirap ulit ako sabay halukipkip.
Hindi siya nagsalita pero nakita kong naglakad siya palapit sa akin. Doon lamang tumuon sa kaniya ang buong atensiyon ko.
I watched him as he bent his knees to level me. "Well, I'm sorry if you woke up without me beside you, miss," he said as he held my chin to make me look at him more. "Maaga akong nagising kasi ayokong masira ko ang buong araw mo. I know how you hate to see me, kaya naglakad-lakad muna ako sa labas hoping you'd be happier with that," aniya.
Hindi ako naka-imik. Sorry naman kung hindi ko iyon naalala. Mabuti naman pala at nakaramdam siya.
"But now that I figured you want to see me first thing in the morning, babawi na lang ako bukas," sabi niya kaya bumalik na naman iyon inis ko.
"Feeling mo!" I spat as I removed his hand on my chin. "At saka huwag mo nga akong hawakan! Hindi tayo close 'no!" Sikmat ko pa. "Huwag ka ngang assumero. Para lang alam mo, ayaw kitang makita lalo na kapag umaga kasi takot din akong masira mo ang araw ko. Feeling nito."
Nakakainis! Bumabalik na naman siya sa pang-aasar. Kung hindi ko lang sinusubukan iyong best ko na intindihin siya, baka kanina ko pa nasapak.
Lalo lang akong nairita noong narinig ko iyong mahina niyang tawa.
"Iyon ba talaga 'yon? O gusto mo talagang paggising mo, ako yung unang makita mo? Kasi kung ako ang tatanungin, I'd pay billions just to make that dream come true," aniya habang sinusubukang hulihin ang mga mata ko.
"Tigilan mo nga ako, Villafranco. Sa halip sa iyong trabaho mo ang atupagin mo, nandito ka ngayon at iniinis ako. Seriously, wala ka ba talagang ibang agenda sa araw na 'ti kung hindi ang buwisitin ako?"
He chuckled once again. "I'm here to support you," he said.
"Well, I don't need your support. Imbes na suporta ang makuha ko sa'yo, mas naiinis lang ako. Ano ba kasing ginagawa mo rito? Why won't you just leave me alone so I could peacefully do my own business here?"
"As I said, I'm here to support you," diin niya.
"Wala naman ako sa kompetisyon para suportahan mo. I'd be more fine if you're not here," sabi ko.
"You don't need to be in a competition just to earn my support."
Bakit ba ang dami niyang sinasabi? I just want him out of here! Gaano ba 'yin kahirap gawin?
"You won't leave me? Fine! Ako ang aalis, maiwan ka mag-isa mo rit—"
"Okay, okay…" pagsuko niya sa wakas. Oh my goodness! Thank you very much for that. Kung alam ko lang na iyon lang pala ang makakapagpaalis sa kaniya, dapat kanina ko pa ginawa.
He stood up, pero hindi naman siya kaagad umalis. Ilang sandali niya pa akong tinitigan bago siya nagsimulang humakbang palayo.
"Ang bagal," I said as I was eyeing him sharply.
"Chill… geez. You really hate me that much, huh?" Natatawa niyang sinabi. Mas tumalin ang tingin ko sa kaniya.
"Oo. Mabuti na iyong alam mo."
"Okay lang. Sabi nga nila, the more you hate, the more you love. I'll hold on to that, Ashi." He confidently said before walking away from me.
I rolled my eyes as I shook my head.
Wala na siya sa paningin ko pero hindi rin naman ako makabalik sa dati kong ginagawa. Nawala na tuloy iyong excitement ko kanina!
Sa halip na magpatuloy, ilang minuto rin akong nakatulala lang sa kawalan. When I finally couldn't take it anymore, tiniklop ko iyon mat at nagpasyang hindi na mag-e-ehersisyo.
Paglabas ko sa library, naabutan ko si Spade na naghahanda ng pagkain sa kusina. Noong nakita niya ako ay naaninag ko ang gulat sa kaniyang mga mata.
"Tapos ka na?" He sounded really surprised.
Ano'ng natapos ko, e halos wala naman akong nasimulan?
"Bukas ulit," sabi ko na lang kahit na wala naman talaga akong ginawa.
"I told you," may pagyayabang niyang panimula. "Mas inspired talaga ang taong gumawa ng isang bagay kapag may kasama," dagdag niya.
"Well, kung ikaw lang din naman ang kasama, baka hindi nga talaga ako tao," I said bago ko siya tinalikuran.
***
Walang kuwenta rin talaga iyong binalak kong exercise kanina dahil nakatulog lang din naman ako maghapon. Madilim na noong nagising ako at literal na wala nga akong ginawa buong maghapon. Kung hindi lang din dahil sa lamig ng aircon ay hindi pa ako magigising.
"Hi," bati kaagad ni Spade ang lalong nagpagising sa dugo ko. Malamig, pero iyong dugo ko, kaagad na kumulo.
Hanggang ganito na nga lang muna kami. Madalas akong pikonat naiinis sa kaniya, pero ito siya at ginagawa ang lahat para lang makuha ulit ang loob ko.
Sa rupok kong 'to, alam kong bibigay lang din naman ulit ako. I just need to convince myself more to believe in him again. Sa ngayon, magtiis na lang muna siya at ugali ko.
"Ano'ng oras na?" I asked him. Hinila ko iyong kumot para takpan ang sarili ko dahil masyado talagang malamig. Pakiramdam ko ay nasa ibang bansa ako dahil sa sobrang lamig.
"It's almost seven," sagot niya. "Kain na tayo?" He invited but I was too lazy to even stand up. Wala naman akong ginawa buong maghapon pero gusto ko lang humilata at matulog.
"Nagugutom ako, pero inaantok pa ako," sabi ko.
"Okay then," aniya. Naramdaman ko ang kamay niyang humahaplos sa noon ko. Hinayaan ko na dahil wala na rin ako sa mood para supladahan siya. "I'll bring our food here, okay? As much as I love watching you peacefully sleep, you need to eat. Hintayin mo ako rito at kukunin ko iyong pagkain natin," I heard him say before I felt his lips on my forehead.
In that moment, I realized something. Feeling ko mas okay pala iyong gan'on. Iyong tipong walang hidwaan at kung anong ingay. Just us, peaceful and both calm.