CHAPTER 13

3991 Words
Anisha “May lakad ka?” Tanong niya nang nakalabas ako mula sa kuwarto. After that call with Fiona yesterday, I somehow felt happy dahil makalabas ulit ako. It's been a while since we hung out. Iyon nga lang, hindi ko na sinabi kay Spade dahil alam kong hindi na naman siya matatapos sa katatanong sa akin ng kung ano-ano, and I hate it when he does that. “Why do you care?” matabang kong sambit habang nakahalukipkip. Ngumuso ako para pigilin ang sarili ko sa pagsusuplada. As much as he annoys me, gusto ko na lang ding kumalma dahil ayaw kong masira ang buong araw at make up ko. "Why shouldn't I? We live on the same roof, and you're my responsibility. Wala na rin ba akong karapatang mag-alala?" I sighed deeply at what he said. My goodness! Huwag niyang sabihin na pati ito ay pag-aawayan pa namin? "Whatever you say," sabi ko sabay irap. "Hindi mo pa nasasagot ang tanong ko," pahabol niya. Wala rin naman kasi talaga akong balak sagutin. Bahala siya sa buhay niya kung mamatay siya sa pag-aalala. Marami naman siyang galamay, gamitin niya 'yon para alamin kung saan ako pupunta, hindi iyong tanong siya nang tanong sa akin! "Stop asking me questions na obvious namang ayokong sagutin. If you want us to be in good terms, the first step for you is to stop annoying me with your unending questions!" Hindi ko na napigilan ang pagtataas ng boses nang sabihin ko iyon sa kaniya. He was left speechless after that. Bumuka ang kaniyang bibig, but no words came out of his mouth. I could really tell that he wants to say something, but then he stopped himself from doing so. Mabuti naman kung gan'on. I was about to leave when I heard him say something. Tumigil ako pero hindi na ako nag-abalang humarap sa kaniya. "Bring my card with you," he repeated. "Hindi na kailangan. Thanks for the offer," I said and I made sure that he tasted the hint of sarcasm in my voice. "Anisha," he called again when I was about to leave for real. The way he uttered my name, it sounded like he's about to burst. Hindi ako sumagot. Nanatili akong nakatayo sa kung saan ako nakatindig kanina at hindi pa rin humaharap sa kaniya. "We need to talk about what's happening to us. I can't just pretend that everything is fine between us when it's clearly not. I'm tired of always trying to convince myself that I can push this further. I want to understand every bits of your pain, but it frustrates me everytime you act cold towards me, and that you always make me feel like I am the baddest person ever lived," wika niya. Halos malasahan ko na ang pait sa bawat binibigkas niyang kataga. Isang malalim na buntonghininga ang aking pinakawalan. "Huwag ngayon, Spade. I really need to leave. Fiona's waiting for me," I said like it was the most valid answer I could ever give to him. I was praying that time that he'd just let me leave. Ayokong sirain ang buong araw ko sa ganitong paraan. If I stay here a little bit longer, I don't think I could still be calm until the end of the conversation, or should I say… argument. “Will it be too much to ask if I want you to stay here with me for us to talk about our issues?” Aniya na naging dahilan kung bakit pagak akong natawa. “What issues are you talking about, Spade? Stop being delusional. Sa ating dalawa, ikaw lang ang nag-iisip na may issue kahit na wala naman talaga, or maybe… baka ikaw talaga ang issue," I spat. I don't even know where I was coming from. My words were foul, but I can't seem to stop. Pagkatapos kong sabihin iyon ay tuluyan na akong lumabas sa pinto ng kaniyang condo. Mabilis ang paghinga ko at ang hakbang ay tila ba may kung anong importanteng hinahabol. Nang nakarating na ako sa ground floor, saka lamang ako nakahinga nang maayos. Ni hindi ko nga alam kung paano ako nakarating doon kahit pa nanginginig ang mga tuhod ko at nanghihina. I'm too harsh, but somehow… I felt a pang of satisfaction. Iyon nga lang, hindi ko alam kung mapangangatawanan ko pa ba ito hanggang huli. I am happy now because I feel like I get to make him taste the dose of his own medicine, but until when? I don't have a phone, and wala rin naman akong pera. Malapit lang naman iyong pupuntahan ko kaya naisip kong maglakad na lang since kasalanan ko rin naman. Nag-inarte pa ako at inaway ko pa, ngayon… heto ako at naiirita dahil sa paglalakad. I was just meters away from the building nang nakarinig ako ng busina mula sa likuran ko. Hindi ako lumingon at tumabi na lang. Napakalayo ko naman sa kalsada, bubusina pa. Lalo lang akong nairita kaya mas bumilis ang lakad ko. Kulang na nga lang ay takbuhin ko na nang narinig ko ang pagtawag ng pamilyar na boses sa aking pangalan. I don't even have to look to confirm who it was. Galit ang boses niya, pero nahimigan ko rin naman ang pag-iingat. "Bakit mo pa ba ako sinundan? I walked out on you. Hindi pa ba enough reason iyon para sa'yo na bigyan naman ako ng space?" Iritadong angil ko sa kaniya. "Ihahatid lang kita. Promise I won't talk. Just get in the car," aniya sa boses na nakikiusap. Ayoko. That was supposed to be my only answer, pero dahil masakit na ang paa ko ay pumayag din naman sa wakas. Pabagsak kong isinarado ang pinto. Hinintay niyang maisuot ko ang seatbelt bago niya pinausad ang sasakyan. True to his words, hindi nga siya nagsalita. Hindi rin naman kasi ako sasagot o magsasalita. Alam niya na rin naman kung saan ako dadalhin dahil siyempre, alam ko namang bago pa niya ibigay sa akin iyong phone, naitanong niya na lahat kay Fiona ang lahat ng gusto niyang malaman na kaunti na lang din ay maitatakwil ko na. The ride was calm and smooth. Kaya naman pala ang ganito, e. Iyong tipong walang batuhan ng mga masasakit na salita. "Thanks," iyon lang ang sinabi ko bago ako lumabas sa sasakyan. I was expecting him to leave, but it never happened. Instead, I was shocked when he stepped out of his car. "What are you doing?" I asked as if I was offended or something. "Ihahatid lang kita sa loob. Please don't argue. You're right, there's no issue between us, but now… please just let me do things normally," pakiusap niya kaya sa huli ay wala na rin akong nagawa kung hindi ang payagan siya sa gusto niya. After all, I somehow feel guilty with the words I said earlier. Hindi ko lang maamin kanina dahil pride ko pa ang nagsasalita. Ngayon, I think I'm on my right mind to say that I got carried away. I should apologize, a part of my brain says, but for now… I just can't. Pagpasok namin sa meeting place, kaagad kong nakita si Fiona na mukhang tuwang-tuwa nang nakita kaming magkasama. Her reaction was like she won a lottery. Itong babaeng 'to?! "Uy, grabe! Akala ko hindi ka na makararating, girl! And oh, I'm happy that you brought Spade with you," aniya habang malapad pa rin ang ngiti, at dahil ayoko namang makipag-away na naman, binigyan ko na lang siya ng hilaw na ngiti. "Please take a seat," aniya sa amin kaya ginawa ko na. Habang nakaupo ako ay napangingiwi ako dahil sa sakit ng paa ko. Sandali lang naman akong naglakad, pero ang hapdi ng sakong ko. "Dito muna kayo at may kakausapin lang ako, okay? Ako na rin ang mag-o-order," ani Fiona bago siya umalis. Nakaawang pa ang labi ko nang sinundan ko ang kaniyang likod na papalayo sa amin. May naaamoy na talaga akong something dito, e! Wala rin naman akong ibang choice kung hindi ang tanungin na lang na naman si Spade kung bakit hindi pa siya umaalis. "I'll leave now," aniya at hindi ko alam kung dapat ba akong makahinga nang maayos o madidismaya. Sa huli ay ipinagkibit-balikat ko na lang kung ano man iyon. "Oh. Nasaan na si Spade?" Tanong ni Fiona pagbalik niya. Sa halip na sagutin siya ay walang buhay ko siyang inirapan. Kaunti na lang talaga ay iisipin ko nang inilaglag na naman niya ako kay Spade. "Pinauwi mo?" Diin niya nang hindi ako nagsalita. Ngumuso muna ako bago nagpakawala ng isang malalim na buntonghininga. Isinandal ko ang likod ko sa upuan. "Hindi," sagot ko. She was taken aback. Nagulat yata sa tonong nagamit ko. "Hindi ko alam kung galit ka ba o naiinis sa sagot mo, e," aniya. "Alam ko namang hindi kayo in good terms ni Spade ngayon pero huwag ka naman sanang masyadong harsh doon sa tao. Nakikita ko rin naman iyong effort niya para bumawi sa'yo. May kasalanan siya, yes… kaya rin nakikita kong guilty siya, pero give him a chance naman, Ash," dagdag niya pa. I mean, gusto ko namang subukan. Pero hanggang ngayon, natatakot pa rin ako sa kung saan ba talaga kami dadalhin ng set-up na kinalalagyan namin. Hindi ako nakaimik sa sinabi niya. Alam ng puso at isip ko na may point naman si Fiona. Kaso, hindi naman maaalis bigla sa akin iyong takot at pangamba. Siguro, darating din ako sa time na sinabi niya. Hindi nga lang biglaan. I know it'll take time, pero pagkakatiwalaan ko ang sarili kong darating din ako sa oras na hinihintay ko para magawa kong magtiwala ulit kay Spade. "I'll try my best," iyon na lang muna ang nasabi ko, pagkatapos ay kumain na kami. After sa una naming destination, dumiretso kami sa isang salon. Wala naman iyon sa naunang plano, pero mas natutuloy talaga ang mga bagay kapag hindi planado. Habang kinakalikot ng manikurista ang kuko ko sa paa, hindi ko maiwasang tumingin sa relong nakasabit sa dingding ng salon. I'm supposed to be enjoying, pero pakiramdam ko ay may kulang. Masaya naman ako, especially that I get to hang out with my friend again, pero hindi kumpleto iyong saya. My heart feels like there should be something. "Nag-message sa akin si Spade," sabi ni Fiona. Para akong nakuryente sa bilis ng paglingon ko sa kaniya. Ni hindi pa nga yata nagsegundo ang nakatingin na ako sa kaniya. Nang ma-realize kung ano iyong ginawa ko ay napatikhim ako. Mukha rin namang hindi napansin ni Fiona iyon dahil abala siya sa pagbabasa sa message ni Spade sa kaniya. Medyo nakatagilid kaya nakikita ko iyong message, pero hindi ko nababasa. Dalawang mensaheng magkasunod iyon. "He's asking kung puwede ba siyang tumawag sa akin. He wants to talk to you," ani Fiona. For a second, I felt like I was dumbfounded dahil sa biglaang spark of happiness na naramdaman ko. If I were to be honest, pakiramdam ko ay naturukan ako ng energizer dahil sa narinig kong iyon. It's weird, but that's really how it felt like. "F-For what?" Sa gitna ng pagtatalo ng isip at damdamin ko, nagawa ko pang magtanong. Nagkibit balikat si Fiona. "Hindi ko alam. Baka miss ka na kaagad," tukso niya, pero wala roon ang atensyon ko dahil nabasa ko iyong bagong dating na message ni Spade sa kaniya. Ni hindi niya pa nga iyon nakikita dah nakatingin na siya ngayon sa paa niyang dumugo yata. The message says, "I just wanna hear her voice. Kahit sungitan niya na ako, sige lang. Please, don't let her see this message though. Baka mas hindi ako kausapin n'on, e." I cleared my throat again before looking away. Gusto kong kurutin ang sarili ko dahil sa biglaang pagragasa ng kuryente sa katawan ko. What the heck is this? "Okay lang na dumugo, ate. Basta matanggal iyong ingrown," sabi ni Fiona sa naglilinis sa paa niya bago siya tumingin sa phone niya. "Kausapin ka raw. Weird niyong dalawa. Mag-usap nga kayo hangga't gusto niyo. Parang hindi kayo magkasama sa iisang bahay," ani Fiona bago niya pinindot ang call button sa number ni Spade. With just three rings he answered the call. Fiona handed me the phone, and I feel like my heart was about to explode. Hindi ako nagsalita nang hawak ko na iyong phone at nakatapat na iyon sa tainga ko. I didn't know what to say. Hinayaan ko siyang maunang magsalita kahit pa kami naman iyong unang tumawag. "Hello?" Was the first word he said. "Pakibigay kay Anisha, Fio," iyon ang kasunod. Narinig ko pa lang iyong pangalan ko mula sa kaniya, para na akong nawawalan ng mga salitang sasabihin. "Speaking," iyon lang ang kinaya kong sabihin pagkatapos niya. Muntik pa akong mapiyok. A moment of silence first before I finally heard him say another words again. "I called to ask kung anong oras ko kayo susunduin mamaya?" He asked. Hindi rin ako sigurado sa dapat kong isagot kasi hindi ko naman alam kung anong oras kami matatapos dito, plus hindi rin ako sure kung may lakad pa kami pagkatapos nito. I took deep breath before saying, "I don't know. Hindi pa kami tapos sa salon, just ask Fiona l-later," I said. Perfect na sana kaso may pahabol pang utal. Nakakainis! "Okay, then." Pause. "Dito ka ba kakain mamaya?" Pahabol niya. Nagkatinginan kami ni Fiona. Wala siyang sinabi verbally, but it was as if her eyes were telling me to say na bahala na ako sa isasagot ko. She was giving me that "matanda ka na, kaya mo na 'yan" look. "Yes," sagot ko na sa huli ay ikinagulat ko rin. It wasn't supposed to be my answer. Alam kong hindi iyon ang sinasabi ng isip ko, pero iyon ang nasabi ko. "Oh, okay thanks— I mean sure… I'll cook for dinner. Any prefered food?" "Kare-kare would be great. Though, if it's hard to cook it's fin—" "No, it's fine. I can cook that dish," he cuts me off. Tumango ako. "Anything else?" Nahimigan ko ang ngiti sa kaniyang boses. Napakunot noo ako dahil natagpuan ko rin ang sarili kong unti-unting ngumingiti. I cleared my throat for the nth time. Ano ba 'to? Bakit ganito? "Uhm… I'd also like to request for buttered shrimp," I responded. Bahala na kung magka-LBM dahil sa combination na gusto ko. I was just really craving for those food. "Noted with that. Iyon lang ba?" Tanong niya ulit. On normal days, I'd really be pissed off dahil sa sunod-sunod niyang pagtatanong, pero ngayong araw, pakiramdam ko ay nagising ako sa right side of the bed dahil hindi ako naiinis kahit pa nakailang tanong na siya. May mali ba sa akin ngayong araw? Ang weird, pero gusto ko iyong pagka-weird. Puwede naman siguro 'yon? "Iyon lang," sagot ko tapos tumahimik ulit. Akala ko tuloy ay tapos na. Ibabalik ko na sana kay Fiona pero nagsalita ulit siya. "Can I talk to Fiona?" He asked. I said sure then handed back the phone to Fiona tapos hinayaan ko na silang mag-usap. Hindi ko na alam kung ano iyong pinag-uusapan nila kasi naka-focus na ako sa pag-pe-pedicure ni ate sa akin. Para akong tangang nakangiti kahit na dumudugo na iyong daliri ko sa paa dahil sa nasobrahan ng diin. I bit my lower lip to stop myself from smiling. Nababaliw na ba talaga ako? Oh my goodness! "Naku pasensiya na, Ma'am…" paghingi ng tawad ni ate sa akin. I just nodded and said, "Sige lang po. Hindi naman masakit," sabi ko kahit na ramdam ko na iyong hapdi na unti-unting sumisipa. I just want this to end para makauwi na rin ako, I mean kami ni Fiona. I feel exhausted already. That was what my mind said, but I know it wasn't what my heart meant. "Alam mo? Kanina ko pa napapansin na wala kang kabuhay-buhay, Ash. Pagod ka na ba, o ayaw mo na akong kasama?" Pag-iinarte ni Fiona. Halos hindi ko pa nga maintindihan iyong sinasabi niya dahil sa ice cream na nasa bibig niya. Hindi kasi muna lunukin bago siya magsalita, e. "Parang hindi mo naman ako kilala. Kung ayaw kitang kasama, e 'di sana wala ako rito kasi hindi kita sisiputin. You know how much I hate staying at Spade's condo because it annoys me to think na nasa iisang bahay kami," I said, never sure if I meant the last words. I heard her snort. She waved her hand as if she don't believe in those words I just said. "Talaga ba?" Diin niya. She licked her ice cream again. "E, sa mukha mo nga ngayon parang gusto mo nang umuwi." Walang buhay ko siyang tiningnan. Ano ba talagang gustong palabasin ng bruhang 'to? "Ang sabihin mo, excited ka nang umuwi kasi magluluto siya ng dinner para sa'yo," aniya sa tonong nanunukso. She bit her lower lip trying to hide her teasing smile. "Ewan ko sa'yo, Fiona. Paniwalaan mo kung anong gusto mo," sabi ko bago siya tinalikuran. Nagpatuloy ako sa paglalakad kahit na wala naman akong alam kung saan talaga ako pupunta. I just don't want Fiona to keep on insisting her imaginations. "Hoy, babae!" Tawag niya sa akin pero hindi ko siya nilingon. Bahala siya sa buhay niya. "Nagsasabi lang naman ako ng totoo, e. Alam mo naman ako, hindi ko talaga napipigilan 'tong bibig kong sabihin kung ano yung nakikita ko. Masaya lang talaga ako kaninang nakita ko na nag-effort kang kausapin siya," aniya nang nakahabol na. "Sinong siya?" Pagmamaang-maangan ko. "Sino pa ba, e di si Spade. May ibang lalaki pa ba dapat?" Gulat niyang sambit. I was bored, kaya sinakyan ko na lang iyong pagkagulat niya. "Marami," I replied to her as I smirked. Lalo siyang nagulat. Napatigil pa siya sa paglalakad as if tumigil sa pag-function iyong mga organ sa katawan niya. Tss. Fiona acting as herself as always. Napaka-overacting. "Anisha Franchette! Umamin ka nga sa akin?! Sino-sino iyang mga lalaki mo?" Humabol ulit siya sa akin. Ewan ko ba sa babaeng 'to. Matalino naman na alam ko, pero hindi ma-sense na nag-jo-joke lang ang tao sa kaniya. "I won't tell you," sabi ko. "For all I know, baka bukas alam na naman ni Spade kasi sinabi mo na naman. I'll keep their identities to myself," mayabang kong sinabi na parang batang niyayabang ang pagkain sa kaniyang mga kalaro. She gasped with what I said, still not getting a hint. "Grabe ka! Omg, ilan?" Oh my goodness, this girl. Sa huli ay hinayaan ko siya kahit tanong siya nang tanong. Wala naman kasi talaga, pero natatawa ako sa reaksyon niya. She kept on asking me about that but I never said a thing. Makarating na sa dapat makarating, but I won't tell her until she figures it out herself. Hapon na nang nagpasya siyang ipasundo na ako kay Spade. Nag-offer pa siya ng kung ano-anong kapalit just for me to tell him at least a name of the "boys" I was talking about, but I kept my mouth shut. I'm just having so much fun here. "On the way na raw siya, girl," sabi niya after reading the reply he got from Spade. Tumango lang ako. "Final na ba talaga? Hindi mo na sasabihin sa akin iyong mga pangalan ng mga lalaki mo? I just want to know naman. Hindi ko naman ipagkakalat, e. Tignan ko lang if you really have a taste," pamimilit pa rin niya. Hindi talaga ako titigilan nito hangga't hindi niya nakukuha iyong gusto niya, e. I know she won't let me sleep for this, so I decided to tell her that I was only making up a story. "It's a joke, okay? Walang ibang lalaki," I said. "As if I have the means to get out of the house and flirt with some other guys. Hindi ko na nga matagalan iyong Villafranco na 'yon, magdadagdag pa ba ako ng iba pang magiging sakit ng ulo ko?" I added just so she'd stop nagging me about it. At last, after like an eternity of explaining, she stopped. Mukha namang natauhan din at tinigilan na ako. Just after she's done pestering me, Spade arrived. He was just wearing a simple white shirt and a black pants. I saw him first, but I pretended I didn't see him coming, until Fiona spoke. "Nandiyan na ang sundo mo," kinikilig niyang sinabi. I just rolled my eyes and never said a word. Spade greeted us and both Fiona and I stood up to bid goodbye to each other. May biglaang message rin daw kasi para sabihing hintayin na niya sandali iyong sundo niya rito sa mall kaya maiiwan muna siya. Nag-offer pa si Spade na hintayin na namin iyong sundo niya, pero hindi na siya pumayag. She just showed me the text coming from her Dad na papunta na rin iyong sundo niya. Dahil hindi na rin naman namin siya napilit ay nagpasya kaming mauna na. "Send me a message when you get home," sabi ko sa kaniya, pero kaagad na tumaas iyong isa niyang kilay. "Wala kang phone," she said, and I just realized. "You can message me. I'll let her use my phone," singit ni Spade. Hindi na ako nagsalita. Pagod na ako physically to quarrel with anyone. I kissed her goodbye before finally heading to Spade's car. Nakabibinging katahimikan ang bumalot sa amin. I don't mind though kasi hindi naman iyon iyong kind ng silence na awkward, and I think he sensed it, too kaya kahit alam kong mayroon siyang gustong tanungin sa akin, hindi na niya itinuloy. The silence was just comforting. I guess that's the thing with people who has an introverted personality. When they get to hang out with people that talks a lot, they listen, and sometimes it drains them, so silence makes them feel recharged. Silence refuels their social battery. "You can sleep. I'll wake you up when we get home," he said so I did, pero nang nagising ako ay nasa malambot na kama na ako. Bumangon ako at napatingin sa wall clock. It's almost 7:00 PM. Tumayo ako at nag-ayos sandali bago ako lumabas sa silid kung saan ako natulog. It was his room. Siya lang naman kasi ang madalas nang matulog doon, but he always insist that it is our room. Naglakad ako patungong kitchen dahil may naaamoy akong masarap. My mouth instantly watered. It was like the aroma of the food being cooked was pulling me to go to it's direction. When I got there, what greeted me was a messy kitchen and Spade's bare back. "You didn't wake me up," I said to get his attention. Kaagad siyang humarap sa akin with his surprised expression. "You're awake," iyon ang una niyang sinabi. "You seem exhausted, kaya hindi na kita ginising," he added. "Sorry for the mess. I'll clean it up before you eat. Malapit na rin 'tong maluto." "Hindi ka sasabay?" I asked as I sat on the counter table's chair. Humarap siya sa akin, ngayon, mas mukha pang gulat. It was as if he just couldn't believe what I just asked. "I just thought you won't like to eat with me, so…" he replied na hindi niya rin naman natapos. "We can eat together I think," paglalakas loob ko. Kakain lang naman. Mananahimik na lang ako para hindi na naman kami magtalo. Kaya ko rin namang mag-adjust. Ayoko namang isipin niya na siya lang palagi iyong may kaya n'on. Alam ko rin naman na madalas ay ako lang din iyong dahilan kung bakit may mga walang kuwenta kaming argumento kaya kailangan ko ring mag-adjust. Sa tingin ko naman kasi, tama rin si Fiona na dapat hindi ako masyadong maging harsh sa kaniya. Kung tutuusin kasi, it's not like he did the most unforgivable sin. May kasalanan siya, pero ano'ng pinagkaiba ko sa kaniya kung gagawin kong miserable ang buhay niya sa paraang ginagawa ko? Siguro kailangan ko lang talaga ng oras. I should work things out, at least I should try.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD