"Ano'ng ginagawa mo rito? Hindi ba sinabi kong ako na lang ang pupunta sa condo mo?" Salubong ang kilay kong tanong sa kaniya.
Hindi ba siya nakaka-intindi? Ilang beses ko pa iyong inulit sa kaniya kahapon nang pumunta siya rito, a? Bakit nandito pa rin siya?
"I just wanna make sure na roon ka talaga didiretso sa condo," sabi niya bago siya nag-iwas ng tingin.
Lalo lang lumalim ang gitla sa noo ko. "What did you just say?"
Bumuntonghininga siya at hindi na inulit pa iyong sinabi niya kanina. Lalo lang akong nainis. Simula noong nalaman ko na siya pala iyong ipakakasal sa akin, lahat na lang ng gawin niya ay kinaiinisan ko. Kahit nga yata makita ko lang siya nang wala naman siyang ginagawa ay nababanas na ako.
Gan'on na lang kalalim ang galit ko sa kaniya dahil sa ginawa niya sa akin. Mababaw man sa iba, pero sa akin, isa iyong kasalanan na hindi ko magagawang magpatawad nang gan'on kadali.
"I'll help you pack," alok niya, pero kaagad akong tumanggi. Ngayon pa siya magbabait-baitan sa akin gayong kinamumuhian ko na siya mula sa kaibuturan?
"Hintayin mo na lang ako roon sa baba. It's not like I'll bring my whoke room to your condo," utos ko sa kaniya. Sa totoo lang, ayoko naman talagang tumira doon. I can't even stand being in the same room as him for a minute. Pakiramdam ko ay masusuka ako anumang oras kapag kasama ko siya, o kahit makita lang iyong pagmumukha niya.
Hindi siya gumalaw ng ilang segundo kaya pinagtaasan ko siya ng kilay. So, ano'ng gusto niyang mangyari ngayon? Panoorin ako habang inaayos ko ang gamit ko? Gusto niya bang i-video pa ako habang ginagawa ko iyon?
"Hindi mo ba ako narinig?" Gusto niya bang ulitin ko pa iyong sinabi ko kanina? Bakit ba ang hirap niyang kausap ngayon?
"Hihintayin kita roon," he finally said bago siya tumalikod. Mukha pa ngang mapipilitan lang, pero wala talaga siyang magagawa dahil kung hindi naman siya susunod ay may mangyayari ding hindi niya magugustuhan.
Nang tuluyan na siyang nawala sa paningin ko ay isinarado ko iyong pinto. I locked it, para walang kung sino mang makapasok. Pagkatapos ay bumalik ako sa kama at pabagsak na humilata roon.
Wala akong pakialam kung pumuti iyong mata niya kahihintay sa akin doon. I made it clear for him yesterday na magpapahatid ako sa condo niya, but now… he's here, being the stubborn born he always was.
Habang nakahiga ako roon ay kung anu-ano na naman ang pumasok sa isip ko. I tried to shaketh away, but it's just too strong to even resist. Nakakainis!
"Ma'am, matagal ka pa raw ba riyan?" Tanong ng isang kasambahay mula sa labas ng kwarto ko. Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako kasi nawala iyong malalim na iniisip ko, o magagalit dahil istorbo siya.
"Bakit?" Sinagot ko siya ng isang tanong.
"Kasi may lalakarin daw sana si Sir Spade, Ma'am. Para sabay na raw po sana kayo," sabi niya kaya hindi ko maiwasang pa-arkuhin iyong isa kong kilay.
Oh. May lakad naman pala, bakit nandito pa siya? Hindi ko naman sinabi na pumunta siya rito. Ngayon, parang kasalanan ko pa na mahuhuli siya kung ano mang lalakarin niya?
"Tell him to just go. Ang kulit din, e. Sabi nang ako na lang iyong pupunta sa condo niya. It's not like I'll go somewhere else!" Sigaw ko mula sa loob. Ayoko kasi talagang buksan iyong pinto, dahil bukod sa ayokong tumayo, hindi ko rin gusto na may nanonood sa akin habang may ginagawa ako.
Hindi na nagsalita iyong kasambahay. I was about to assume that she's gone, but then she spoke sounding a bit worried and nervous. "S-Sige po, Ma'am. Sasabihin ko po kay Sir iyong mga sinabi niyo," she replied.
I nodded out of satisfaction. Mabuti naman kung gan'on. Sana ay unahin niya muna iyong lakad niya dahil hindi pa talaga ako handang lumipat doon sa condo niya.
Kahit naman isang buwan lang at pumayag na ako na roon muna mamalagi, hindi pa rin ako sigurado kung mapangangatawanan ko ba iyong desisyon ko. Baka naman kasi hindi ko pa kayang i-extend iyong pagiging plastic ko para pakisamahan siya ng gan'on katagal.
Dahil bumalik na ulit iyong sipag ko sa pag-aayos ng mga damit ay nagpatuloy na ako. Ilang pares lang naman iyong dadalhin ko talaga. Ang nagparami lang naman sa bitbitin ko ay iyong mga abubot kong teddy bear. Siyempre naman. Kapag malungkot ako o naiinis, sila iyong absorber ko. Hindi naman kasi sila nakaramdam ng sakit kaya kahit hinahampas ko sila at sinusuntok, hindi naman sila nagrereklamo.
Magulat na lang ako kapag bigla akong nakarinig ng “aray" mula sa kanila. Magigimbal siguro ang buong pagkatao ko kung sakali man.
Nang natapos na ako sa lahat ay lumabas muna ako sa kwarto para kumain. I was expecting him gone dahil baka importante talaga iyong lakad niya kaya inuna na niya. I don't want him to prioritize me, tapos sa huli ay may maririnig akong panunumbat. Baka masaktan ko lang siya kung gan'on ang gagawin niya sa akin.
Bago ako pumunta sa kusina ay lumabas muna ako para sabihan na iyong driver na maghahatid sa akin mamaya. Ipakukuha ko na kasi sa kaniya iyong mga bagahe ko sa taas para mamaya ay lalarga na kami kaagad.
"Manong," I called him, mabilis naman siyang lumapit sa akin kahit mukhang may kausap pa siya.
"Ano po 'yon, Ma'am?" Tanong niya.
I sighed before telling him what I really came there for.
"Ay, Ma'am. Bilin kasi ni Sir Spade na siya po iyong kasama niyo mamaya. Bale may pinuntahan lang po sandali pero mabilis lang naman daw po," the driver said. "Baka nga po pabalik na po iyon," dagdag niya pa.
What the heck? Tsk! Ano ba 'yan? Ayaw ko ngang kasabay, e.
Ayaw ko man ay wala na akong magagawa dahil siya pa rin naman iyong susundin ng kahit na sino rito. Ako naman iyong anak ng amo nila, pero iyong si Villafranco pa ang mas sinusunod. Mukhang display lang talaga ako rito, ha?
"Fine!" Padabog kong untag bago ako muling pumasok sa bahay. Kakain na naman ako nang may sama ng loob.
Habang kumakain ay nakikita ko kung paano ngumiwi iyong mga kasambahay sa tuwing hinahati ko iyong bacon dahil tumatama iyong fork sa pinggan. Base sa titig nila, alam kong gusto nilang sabihin na dapat kalmahan ko lang. Paano naman ako kakalma kung ang aga-aga, buwisit na kaagad ako dahil pakiramdam ko ay sira na ang buong araw ko.
Pa-epal naman kasi iyong Villafranco na 'yon! Ang daming alam sa buhay.
"Ma'am, nandito na si Sir," a house help informed, but I just rolled my eyes.
Ano namang pakialam ko? Lalo tuloy ako nairita. Sana ay hindi niya na lang sinabi.
"Alis po muna kami, Ma'am," paalan ng isa. Sinundan naman siya ng iba pa. Lahat na lang ng kilos kailangan pang sabihin sa akin.
Tama namang nawala sila sa paningin ko ay siya namang pagpasok ni Spade. Mabilis ang lakad niya na parang may hinahabol.
"I thought you already left," iyon kaagad ang sinabi niya.
Seryoso ba siya?
"Paano ako nakakaalis kung nagbilin ka na sa driver?" Sabi ko nang hindi siya binabalingan ng tingin.
"May inasikaso lang. Hindi naman ako aalis kung hindi importante," he explained like I care. Wala akong pakialam sa kung ano mang gawin niya sa buhay niya. Kung ano'ng gusto niya, e 'di gawin niya. Hindi naman kailangan na palaging dapat alam ko iyong nangyayari sa kaniya!
I didn't answer, nor talk back. Hinayaan ko siyang panoorin ako habang kumakain. Seriously. Ganito ba kami palagi? Is he gonna watch me all the fvcking time? What happened to space and privacy now?
Pinanindigan niya iyong sinabi niyang siya ang kasama ko patungo sa condominium niya. Masyadong sigurista, as if naman makakatakas ako, e bawat galaw ko naman ay alam kong monitored. Hindi naman ako tanga para hindi makaramdam. Pumayag nga sila sa terms ko, mas humigpit naman ang seguridad at halatang nga sigurista katulad ni Spade.
Nang nakarating kami sa condo niya ay nanibago ako. Sobrang tahimik. Gusto ko naman iyong katahimikan kasi ganito rin naman noon sa apartment dahil mag-isa lang ako, pero nakakapanibago lang ngayon. Para kaming nakatira sa isang palasyo na napapalibutan ng matataas at makakapal na mga pader.
"Nasa loob na ng kwarto natin ang mga gamit mo," I heard him say kaya napalingon ako sa kaniya. Abala pa ako sa pagsuri sa bawat detalye ng condo na mukhang ngayon lang ulit magagamit. Narinig ko kasi na marami pa siyang ibang condo, sa iba't ibang lugar, ito pa lang din naman iyong napuntahan ko. It's not like I care. Kaniya naman, hindi akin.
"Natin?" I asked, dahil nakita ko naman na may iba pang mga kwarto rito. Palabas lang naman ito at wala namang makakakita kaya bakit kami magsasama sa iisang silid?
Pinagbigyan na nga sa pagtira ko rito, tapos ngayon iyon naman?
"Oo," sagot niya. "We will sleep on the same room, but it's up to you if you don't want us to sleep on the same bed, I'll sleep on the couch, you'll have the bed," he added that made me arch my brow more.
"Bakit mo pa pahihirapan ang sarili mo? Hindi ba puwede na hiwalay na lang ng kwarto since wala namang makakakita? Don't tell me, panonoorin pa ng parents mo ang CCTV footage sa bawat araw?" There was a hint of sarcasm on my tone dahil hindi ko talaga kayang pigilan ang sarili kong makapagsabi ng kung ano-ano sa kaniya.
I saw how his jaw tightly clenched. Hindi siya nagsalita kaya walang naging pagtutol, ngunit wala rin namang pagpayag. Bahala siya sa buhay niya. Basta ako, kahit dito na lang ako sa couch sa sala matutulog. Mukhang kumportable namang tulugan iyong mga sofa.
Dahil nasa kwarto niya iyong mga gamit ko ay sinundan ko siya. Naabutan ko siyang inaayos na iyong closet. Whatever. Basta hindi ako matutulog kasama siya sa iisang kuwarto.
"You didn't bring much of your clothes," puna niya. Umupo ako sa sofa kaharap iyong kama.
"Isang buwan lang tayo rito," sagot ko. Hindi ko mapigilang suriin ang bawat sulok ng kwarto niya. Wala namang kakaiba, just three colors are seen: gray, black, and white.
"Even so," he argued. Bakit ba ang hilig niyang makipag-argumento sa kahit simple lang naman na bagay? Can't he just let some things go?
"Akin na 'yan," sabi ko sa kaniya nang hawak niya na iyong paborito kong teddy bear. It's special for me dahil iyon ang unang regalo ko para sa sarili ko noon. Ang perang ginamit ko roon ay galing sa sarili kong pagsisikap kaya gan'on na lang kung ingatan ko ito.
Lumapit siya sa akin. Sasabihin ko pa sana na ihagis niya na lang, pero asa naman ako na gagawin niya iyon knowing na medyo may kabigatan pa iyong teddy bear.
"Here." Tinanggap ko iyon kaagad mula sa kaniya bago ko pinagpag sa parteng hinawakan niya. He just stood in front of me as he watched me do that.
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya saka ko siya pinagtaasan ng isang kilay. "What?" I asked dahil hindi pa rin siya umaalis sa harap ko.
Ano bang gusto niyang mangyari na naman?
Umiling siya bago nagpakawala ng malalim na buntonghininga. Umalis na rin siya sa wakas kaya ibinalik ko na iyong tingin ko sa hawak kong teddy bear.
I was just hugging her— I'd like to think that it's a she. Feeling ko kasi ay best friend ko na rin. Speaking of which, hindi ko pa nga pala nakakausap si Fiona simula nang makauwi ako sa bahay. Medyo masama pa rin iyong loob ko dahil sa pagtulong niya kay Spade, pero wala naman akong magagawa dahil hindi ko naman siya kayang tiisin.
"If you're bored, I have a mini library just beside the next room from here. You can stay there to read. Just turn on the air conditioner, para hindi ka mainitan," narinig kong sinabi ni Spade habang inaayos pa rin iyong mga gamit ko. He was done with the clothes, sa mga toiletries na siya.
In fairness, ang bilis niyang kumilos, huh?
Hindi ko na siya pinansin. Dahil bagot naman na talaga ako, mabuti na ring sinabi niya na mayroong library dito. Hindi na rin ako mag-e-expect na may mga romance books, or something fictional doon. Knowing him, interesado lang naman siya sa business related stuffs.
Dinala ko rin iyong stuffed toy kasama ko. Honestly, mas gusto ko pa nga itong kausapin kesa kay Spade. Hindi na bale kung magmukha akong tanga.
Madali ko lang naman nakita iyong library. Ilang lakad lang mula sa pinanggalingan kong silid. Hindi rin naman locked iyong pinto. Gusto ko nga sanang i-lock kapag nasa loob na ako, pero wala naman palang lock.
Pagpasok ko ay mukhang hindi naman mini iyong silid-aklatan kasi sobrang daming libro. Kung kanina ay inakala kong business related books lang ang makikita ko rito, ngayon ay napatunayan kong mali ako dahil may mga libro akong nakita roon na akda ng iba't ibang mga manunulat. Most are even from international writers, pero siyempre, mayroon pa rin naman akong nakikilang mga librong isinulat ng mga manunulat sa Pilipinas.
I didn't want to assume na pinaghandaan niya ito, pero sa nakikita ko, mukhang gan'on na nga. Everything here looks neat and clean. Kahit saan ako lumingon, para akong nakakahinga nang maluwag. Everything here just seem therapeutic!
May sofa akong nakita, plus the floor was carpeted with something furr-like. Ang sarap humilata kahit saan. May nakita rin akong mesa kanina. I wonder if I could bring coffee here? Parang gusto kong dito na lang tumira sa library!
"Did you like it here?" My thoughts were interrupted when I heard his voice. All the time. When I'm feeling the moment, he's always there to ruin it.
"It's boring," I lied.
Ano'ng boring?! E, halos gusto ko na ngang tumira rito kanina!
Siyempre hindi ko aaminin sa kaniya na fascinated ako sa nakikita kong ayos ng library. Ayokong isipin niya na kaya ko siyang patawarin dahil dito. Marupok ako pagdating sa mga libro, pero hindi aabot sa puntong malilimutan ko iyong ginawa niya sa akin.
"Hmm. Hindi pa rin kasi tapos," sabi niya. Gustong lumawa ng mga mata ko sa gulat pero pinigilan ko ang sarili ko. I don't want him to feel the satisfaction. Ano pa bang kulang?! Hindi tapos? Seryoso ba siya, e ang ganda na nga nito?!
"E 'di wow…" bulong ko at pasalamat na lang ako na mukhang hindi niya naman narinig. Sa huli ay lumabas na ako para mas kapani-paniwalang hindi ako impressed kahit halos tumulo na iyong laway ko kahit na tinitignan ko pa lang naman iyong mga libro. Babalik na lang ako mamaya rito kapag wala siya.
"Do you want to eat anything? Pizza or something na dessert?" He asked while he was following me to wherever I was heading.
Since he mentioned it, bigla tuloy akong nag-crave ng pizza.
"Just the pizza," I answered and stopeed walking dahil kahit nga yata tumalon ako sa bangin ay susundan niya pa rin ako.
"If that's what you want," I heard him say, before he finally got his phone out, probably to call for a delivery.
Mabilis lang iyon, but I still got the chance to glance at the library. Para pa rin talaga akong hinahatak pabalik!
"Done," he said, and put his phone back to his pocket. Ako kaya? Kailan kaya ako ulit makakahawak ng gadget? Mine got confiscated and I still don't have any to use! Kahit for emergency lang sana.
Mukhang napansin niyang nakatingin ako roon kaya bigla siyang nagtanong.
"It's fine. Hindi ko naman kailangan," I lied once again. Hindi ko alam kung ilang kasinungalingan pa ba ang lalabas sa bibig ko sa araw na 'to.
"You can use mine," he offered.
"Tss. As if. Ayoko. Baka may kung ano pa akong makita riyan. I'll just borrow someone else's phone if it's really for emergency," pagmamatigas ko.
Baka rin kasi isipin niya na fishing for anything ako sa phone niya kapag nagkataon. Tama namang ayoko ring makakita ng kung ano roon. Baka mamaya may babae pala siya tapos mabasa ko pa iyong mga hindi dapat mabasa. Huwag na lang 'no! Para sa peace of mind ko na lang din.
"You won't see anything here. It's not like I'm hiding something," he still argued. Kailan ba kami titigil sa pagbabangayan? Hindi siya nagpapatalo; hindi rin naman ako nagpapatalo. So, ano na lang ang mangyayari sa amin?
Kahit naman gusto ko siyang sungitan araw-araw, hindi naman ibig sabihin n'on na wala na akong karapatang magpahinga. Nakakapagod din kaya. Alam niya kaya iyong word na rest?
"Whatever you say, Spade. Baka bumili na lang ako ng bago," sabi ko. Hindi pa rin talaga niya ako mapapapayag sa gusto niya.
"You don't have money," aniya at dahil doon ay para akong sinampal ng katotohanang oo nga pala, naka-depende pala ako sa kaniya.
Fvck. When will that ever sink in to my mind?
Kahit na gan'on, naiinis pa rin ako kapag naiisip ko kung gaano ka-tumpak iyong sinabi niya sa akin kanina. I hated how his words affect me. Kaya ngayon, panay ang tapon ko ng masamang tingin sa kaniya habang kumakain kami ng pizza. Pati pagkain, parang ayaw ko pang lunukin kasi galing sa kaniya. Ma-pride na kung ma-pride, but I just don't like the idea of me, being dependent on him.
"Can't you just eat? Mamaya mo na ako patayin sa katititig mo. Let's just respect the food," I heard her say, and I suddenly want to throw the pizza on his face.
Mabuti na lang at may amor pa rin naman ako at may galang sa pagkain, so instead of doing that, ibinaba ko na lang iyong pagkain at saka tumayo. Without saying a word, nagmartsa ako paalis soon at palayo sa kaniya.
Padabog kong isinarado iyong pinto ng kwarto at ibinagsak ang sarili sa kama. Mamaya na lang ako kakain, kesa naman may kung ano na naman akong marinig sa kaniya. Hindi ko talaga kayang makipag-plastikan sa kaniya sa lahat ng oras.
Sa ilang minuto ay naramdaman ko namang kumalma ako dahil tahimik lang sa loob, walang kung anong naririnig mula sa kung sino. Niyakap ko na lang iyong teddy bear ko, at saka ipinikit ang aking mga mata. Matutulog na lang ako, kesa naman makita ko iyong Spade na 'yon.
I can't believe I have the capability to hate someone this way. Talagang kumulo ang dugo ko pagdating sa lalaking 'yon! Matutulog pa ako na may sama ng loob, pero ano pa nga bang magagawa ko? Naiinis talaga ako sa kaniya, e.
Ilang sandali pa ay naramdaman kong umuga iyong kama, he's here at tumaas na naman automatically iyong presyon ko. Siguro ay ikamamatay ko na lang talaga iyong presensiya niya.
"Kumain ka na roon," he said, his voice were gentle and careful. "I'm sorry for what I have said earlier," he added. Hindi ako gumalaw. Alam ko namang alam niya na hindi ako tulog. Patigasan na lang talaga kaming dalawa.
Narinig kong nagpakawala siya ng isang malalim ng buntonghininga. Mukhang susukuan na naman ako. Pakialam ko naman. It's not like I should care about what he feels for me. Kahit nga kamuhian niya rin ako. Kung isipin niya na ang immature ko, wala na akong pakialam.
"Leave me alone," sabi ko dahil alam ko nasa tabi ko pa rin siya.
"I will, but you should eat. Hindi na ulit ako manggugulo," he said, at naramdaman ko ulit iyong pag-uga ng kama dahil sa pag-alis niya.
Naghintay ako ng ilang minuto pa bago ko idinilat ang mga mata ko. I just wanna make sure that he's gone, dahil baka mabwisit na naman ako. Thankfully naman ay wala na siya. Akala ko ay pati pagtulog ko na lang ay babantayan niya pa.
Lumabas ako mula sa kwarto pero hindi ko siya nakita. Mabuti naman kung gan'on. I didn't know where he was, but I don't care as long as I don't see him and starts telling me words I didn't want to hear.
I sat on the sofa kaharap iyong pagkain na natakpan na. I was about to eat when I saw a small note beside my plate. Napatingin ako roon at hindi maiwasang mabasa iyong nakasulat doon.
“I went out for a while, so you can eat peacefully.”
Iyon ang nakasulat. Tss. Nangonsensya pa, pero at least he knows how to sympathize. Hindi na ako mahihirapang sabihin sa kaniya kung gaano ko ka-ayaw na makita iyong pagmumukha niya.
Nagsimula na akong kumain. Bibilisan ko na lang para naman pagbalik niya ay wala na siyang maabutan dito. Malay ko rin ba kung saan iyon pumunta. Baka pinuntahan iyong mga babae niya. Pero, pakialam ko naman. Kahit nga i-uwi niya pa sa kanila, basta huwag lang dito na magkasama kami kasi baka mas hindi ako makapagtimpi.
Nang natapos na ako ay nagligpit naman ako ng pinagkainan kasi baka mamaya, sabihin niya na saula ako. Marunong din naman akong maglinis kahit paano.
Dahil wala namang ibang pagkakaabalahan kung hindi ang panonood at iyong library, pumunta muna ako sa tinatawag niyang mini library, kahit halata namang hindi iyon mini kasi ang lawak at ang daming libro.
Umupo ako sa sofa na naroon at pansamantalang tinitigan iyong mga shelf. Saan naman kaya ako magsisimula? Ano'ng libro naman kaya ang uunahin kong basahin? May mga nakita kasi akong libro na nabasa ko na, kaya kailangan ko ng bago. Gusto ko lang ding ibalik iyong sarili ko sa mga panahon na halos hindi na ako matulog para lang matapos ko sa isang araw iyong binabasa kong libro.
I stood up at nagsisimula nang halughugin ang buong library. Ang hirap pala talagang mamili kapag mukhang maganda naman lahat. When I really find it hard to choose, kumuha ako ng isa base sa blurb tapos bumalik ako roon sa sofa.
I was reading for about thirty minutes when I heard the door from the living area open, siguro ay nandito na siya. Hindi na ako nag-abalang lumingon dahil masyado na akong invested sa binabasa ko.
A minute later, I saw him from my peripheral vision, standing near the door. Naiinis pa ako dahil sa paraan ng pagtitig niya sa akin kaya hindi ko na napigilan.
"Panonoorin mo ba ako buong maghapon?" Iritado kong tanong sa kaniya nang hindi ko man lang siya tinatapunan ng tingin.
"You didn't finish your food," he said. Napatingin na talaga sa kaniya.
"Ano'ng tingin mo sa akin? Ang dami pa n'on," I argued, but his face remained questioning.
Ibinalik ko ang tingin ko sa binabasa ko. Bakit ba iniistorbo niya ako? Wala ba siyang ibang gagawin? Isa pa, naubos ko naman iyong pagkain na kinuha ko kanina. Ano bang in-expect niya? Na uubusin ko iyong kalahati ng pizza? Igaya niya pa ako sa kaniya na kayang kainin ang buong pizza.
“Bakit ba kasi sunod ka nang sunod sa akin? Can't I have my peace here? Do I need to be followed anywhere while I am in your condo?” I asked without looking at him.
Hindi siya sumagot pero nakita kong lumapit siya sa akin. Lalo lang akong nairita dahil gusto ko na talagang umalis siya at hayaan niya na akong manahimik, pero ngayon ay lumalapit pa talaga siya.
Ano bang problema nito at ayaw akong bigyan ng katahimikan? Kailangan ko banh pakiusapan pa?
"Do I need to kneel in front of you just so you could give me my peace?"
Kung hindi siya matigil sa katatanong sa akin, might as well ask questions from him, too. Para naman ma-realize niya na I'm not enjoying his company.
Walang nagsalita sa amin pagkatapos ng tanong na iyon. Nagkaroon lamang ng ingay nang nag-ring iyong phone niya. Kaagad niya iyong kinuha sa bulsa niya at sinagot iyong tawag.
I was about to go back on reading, but when I heard Fiona's name, mas mabilis pa sa alas quatro akong napatingin muli sa kaniya habang ang mga mata ay parehong nanlaki dahil sa gulat.
"Yes, she's here," iyon ang una kong narinig mula sa kaniya, then he paused. "She wants to talk to you," aniya saka niya inilapit sa akin iyong phone. Akala ko nga ay hindi niya tuluyang ibibigay sa akin dahil hindi niya talaga binitawan hangga't hindi binabanggit ni Fiona ang pangalan ko.
Inirapan ko siya nang tuluyan ko nang mahawakan iyong phone. Bahagya rin akong lumayo dahil ayoko namang marinig niya kung ano man ang pag-uusapan namin ng kaibigan ko.
I need privacy, and I hope he understands.