CHAPTER 11

4994 Words
Anisha I was quiet the whole time since I got back from our house. I couldn't even call it home. They tried to talk to me, but I refused to utter even a single word. I was grounded. No cellphones or any gadget. I was a prisoner in my own house. "You need to eat, Ashi," Kuya said. Napatingin ako sa kaniya. "How can you stomach this kind of family, Kuya?" I asked putting emphasis to every word with the hope that I could finally get the answer I wanted to hear from anyone in the family. Na baka sakaling makumbinsi nila akong tama itong ginagawa nila sa amin… sa akin. Paano nila nagagawang kumain at lunukin any bawat piraso ng pagkain gayong may tao silang natatapakan at nasasaktan? Are they that heartless and callous? Isang buntonghininga lamang ang nakuha ko. They can't even answer me. Ganito na lang ba palagi? "Someday you'll understand," iyon lang ang nasabi niya bago siya tumayo para umalis. My jaw clenched. "When will that day be?" Hindi siya sumagot. Ni hindi na rin siya lumingon pa sa akin na para bang isa lang akong hanging sa bahay. They can't see me when I ask questions, and let out my frustrations. Pero kita nila ako kapag may gusto silang makuha sa akin. I really hate this family! "You better prepare yourself. They will visit here soon para mas mapag-usapan ang kasal," I heard my mother said. I did not bother to look at her. Nanatili akong nakaupo habang nakakuyom ang aking kamao. Kahit hindi niya rin pangalanan, alam ko na kung sinong tinutukoy niya. I heard footsteps na papalapit. Mabilis akong tumayo dahil hindi ko kayang tagalan na makasama ang sinuman nang matagal. Handa na akong bumalik sa kuwarto ko nang narinig kong muling nagsalita siya. "You hate us, we know that, hija…" The nerve to call me that. "But—" "Don't even justify what you did to me. Do you think there's enough reason to ease the pain I've felt and still feeling right now because of you? Wala! I despise you all!" I exclaimed. Wala na akong pakialam kung bastos man para sa kanila ang ginagawa at mga sinasabi ko. They always want to be respected, but they never did anything respectful to me. "Hija..." She called me again, but the anger in my eyes wanted to warn her that she should stop dahil baka may kung ano pa akong masabi. "Don't... ever call me that. The day you sold me to that family? You already lost me." Then I walked out from her. Mabilis ang mga hakbang kong bumalik sa kuwarto ko. Padabog kong isinarado ang pinto. Napadausdos na lamang akong napaupo sa sahig dahil sa panghihina. Doon lang ako nakahinga at doon lang din kumawala ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan dahil ayokong makita nila akong nasasaktan. It will just give them the satisfaction and authority to hurtt me more. Gan'on sila kalala para sa akin. I really hate them all! They're disgusting. Wala akong ibang ginawa. I just sat on the floor while I was hugging my knees. Hinayaan ko ang mga luhang matuyo sa pisngi ko hanggang sa wala na rin akong maiiyak. When I finally realized that nothing will happen to me kung magmumukmok lang ako rito at walang gagawin, I stood up and decided to take a bath in the tub. I wanted to relax, so I took my time in there. With the warm water of the tub, pakiramdam ko ay nabawasan naman kahit paano iyong bigat na nararamdaman ko. For a moment, I felt some burden was carried away from me. Nakatulog ako habang naroon. I was there for nearly an hour, yet I still want to be there. Ayokong umalis doon dahil natatakot ako na baka bumalik ulit iyong mga sakit. Kung wala lang sunod-sunod na katok mula sa labas ay hindi pa ako matatauhan para umalis sa tub. "Ma'am Anisha?" Tawag sa akin ng isang kasambahay. I sighed as I enveloped myself with a bathrobe. "Sandali lang," sabi ko habang naglalakad palapit sa pinto. Wala akong maisip na ibang dahilan kung bakit siya nandito, but I still walked towards the door to open it for the househelp. "Ano pong meron?" I asked when I finally saw her standing in front of me. She was hesitant and... afraid, I can see it with the way she presses her palm with the other, and she cannot even look at me straight in the eyes. "Manang?" I spoke again dahil hindi naman siya nagsasalita. "Ah... Ma'am k-kasi po pinapatawag ka po ni Madame sa baba. May bisita po kasi kayo," she informed which made my brows meet. "Sino naman po iyon?" She gulped the bile on her throat. Lalo kong napansin iyong pagiging kabado niya. "Iyong..." Hindi ko na ipinatuloy sa kaniya dahil alam ko na kung sino. "Sige po, Manang. Magbibihis lang po ako tapos bababa na po ako," bilin ko kaya naman tila ba nakahinga siya nang maluwag. Para matapos na rin 'to. Tama na iyong ganitong kalokohan. Kung ito talaga ang kailangang mangyari, then so be it. It felt inevitable kaya kahit ano pang gawin kong pagtakas, wala rin namang epekto iyon dahil nakasulat na 'to sa kapalaran ko. This is happening, and nothing will change. Iyon na lang ang itinatatak ko sa isip ko. It's just marriage. Hindi naman ako mababawasan. Hindi rin naman ako papayag na may gawin siya sa akin na hindi ko gusto. If I needed to punch a man just because of that, I'll do it. Nagbihis ako nang mabilisan. I didn't even care if I look presentable or not. That's my goal, anyway. To turn off that guy para hindi niya ako pag-isipan ng kung ano. Nang natapos na ako ay bumaba na ako. I took my time. Hindi rin naman ako interesado sa kung ano man ang pag-uusapan. I'll just be there, but the rest... bahala sila sa buhay nila. I don't even give a fvck about what they talk about as long as hindi ako agrabyado. *** "Where are they?" Tanong ko sa isang kasambahay nang hindi ko nakita ang sinasabi nilang bisita sa sala. Lumipat daw sila sa pool side, iyon ang sinabi sa akin kaya lumabas na ako patungo roon. On my way there, I can even hear them chatting with each other. They were even laughing, lalo tuloy akong nainis. Nakahalukipkip akong naglalakad nang marinig ko ang isang pamilyar na boses. Pansamantala akong natigilan. Ilang beses din akong napakurap. Masyado na ba akong hibang para isipin kong boses nga iyon ni Spade? It can't be him! Was I too preoccupied that I am hearing his voice hanggang dito sa bahay? Umiling ako para iwaksi iyon bago nagpatuloy sa paglalakad. Malapit na ako sa poolsode nang narinig ko muli iyong kaparehong boses kagaya ng kay Spade. I got really curious kaya mas binilisan ko pa. Ngayon lang din ako nainis sa mga halamang nakatabing sa daan. When I finally got there, doon ko lang nakumpirmang sa kaniya talaga iyon. It was him! Spade Villafranco in flesh! May sinasabi pa si Mommy sa akin pero wala na akong ibang narinig. I was just looking at him as he was to me. His eyes looked dangerous, and together with his tightly clenched jaw… I almost fell on the floor. What is he doing here? Siya ba iyong pakakasalan ko? But if yes… bakit hindi niya sinabi sa akin? Sa tagal naming magkakilala, why did he not informed me na siya iyon? All along… I was running away from the man my parents wanted me to marry, iyon pala… matagal ko na siyang nakasasalamuha?! Pero naisip ko rin na alam niya kaya? O pati siya ay biktima lang din? How crazy could that be? Saka lamang ako naibalik sa katinuan nang naramdaman ko ang paghawak ng aking ina sa magkabilang braso ko. She presses her palms on my skin hard, as of she was waking me up from a dream I was in. "Will you just stand there, young lady? Batiin mo ang mga bisita natin," my mother said and I wanted to vomit already. Nakasusuka siya. She acts like everything is normal when earlier, pinag-aawayan pa namin ang bagay na ito. Her words… it sounded like I was some prostitute being pushed to do nasty with an old man. Humugot ako ng malalim na hangin at inipon iyon sa aking dibdib. "M-Magandang araw po sa inyo. We appreciate you coming over… here," I greeted, but then I can't help but to avert my eyes on Spade who was just standing there beside his parents, I suppose. "It's nice to finally meet you, hija. Your mother wasn't bluffing when she said you look like an angel," anang Ginang. Just what the fvck was that? I faked a smile. Hindi ko kayang tagalan ito. I want to runaway from this and disappear for good. "We're here to talk about the upcoming wedding." I felt my mother's hand on my waist, guiding me to sit down. Nanghihina, napaupo na lamang din ako. Itinago ko na lang din ang kamay ko sa ilalim ng lamesa dahil sa panginginig. I was just fighting the urge to cry. Gusto kong magwala, but I don't want to cause havoc here. I just want this to end. Nakayuko lamang ako habang nag-uusap sila. Nawalan na ako ng lakas ng loob para tumingin kay Spade kahit alam ko namang nakatingin siya sa akin. Minsan, nagtatanong sila sa amin, bit I was just giving them a direct answer, pagkatapos ay nananahimik na ako. Ayokong may kung ano pa akong masabi na hindi nila magugustuhan sa huli. Ayoko ring mapigtas iyong kanina ko pa iniingatang pasensiya at respeto para sa mga bisita. If they weren't just here… kanina ko pa siguro mabaliktad iyong lamesa. "Why don't we give them time to get to know each other? We should leave the two of them here para naman gumaan ang pakiramdam nila sa isa't isa. Soon, they'll get married and I think it's best for them to spend more time with each other before the wedding," Mrs. Villafranco suggested na kaagad namang sinang-ayunan ni Mommy. I shut my eyes tightly. Trying to be all calm and collected kahit gusto ko na talagang sumabog. My fist clenched tightly as well. "Son," his father called Spade. Mabuti na lang din at wala ngayon si Papa. Kung ikukumpara kay Mommy, mas may natitira pa akong katitint ng respeto sa ama ko. Tumingin si Spade sa kaniyang ama bago ito tumayo. "We'll leave you both here," anito na tinanguan naman ni Spade. He tapped his son's back before they excused themselves. Gan'on din any ginawa ni Mommy. I wiped my cheeks when she kissed me there. Again, she's disgusting. Kaming dalawa na lamang ang naroon sa pool side, pero wala pa ring nagsasalita for a long minute. Siguro ay nagpapakiramdaman pa kaming pareho, pero hindi ko na rin kinaya kaya nakapagtanong na ako. "May alam ka ba rito?" I asked coldly. He did not answer. Wala akong narinig mula sa kaniya sa loob ng isang minuto, pero hinayaan ko lang siya, hindi dahil sa wala akong pakialam kung hindi dahil alam ko na ang sagot. "Kailan pa, S-Spade?" My voice trembled as tears started to flow down from my cheeks. "The first time you s-saw me… alam mo na ba?" Pinuno ko na lamang ng hangin ang dibdib ko dahil hindi ko na kaya iyong bigat. "Yes," he replied and I could only laugh because of the pain. "Para pa akong tanga na tago nang tago, pero ikaw… alam mo na pala pero hindi mo pa sinabi sa akin? Masaya ba na pinagmukha mo akong tanga, ha? Nakatutuwa pa na pinanood mo akong maglaro ng tagu-taguan gayong ikaw naman pala ang taya?!" At that very moment, wala na akong pakialam kung may nakarinig man sa mga sinabi ko. Sobrang sakit lang. Siguro din ay karma ko na ito kasi binalak ko siyang lokohin at paglaruan. Nakakatanga pala iyong ganito. Ang bilis bumalik sa akin ng karma. "Sa tinagal-tagal nating magkakilala, ni minsan ba hindi man lang sumagi sa isip mo sa sabihin sa akin? I told you secrets, pati iyong plano ko, pero ano'ng ginawa mo?" I spitted every words with bitterness. Parang pinipiga ang puso ko sa kirot na nararamdaman ko sa mga oras na iyon. It felt like the world just turned its back on me. Na isinampal sa akin na wala akong karapatan na makahanap ng isang tao na puwede kong pagkatiwalaan. All I could ever feel for myself was pity. Pvtanginang buhay 'to! Kailan ba iyong panahon at oras na hindi ko pagsisisihang nabuhay ako sa mundo? Hanggang ganito na lang ba palagi?! "Can I explain first?" His voice sounds weak when he asked that question. As much as I wanted to slap him, I found myself nodding my head for permission. Sa lahat ng nangyari sa akin, tinuruan ko rin naman kahit paano ang sarili kong makinig sa paliwanag ng ibang tao. I thought myself that instead of closing my heart for an explanation, I must at least listen. "Speak," I coldly uttered as I sat on the chair again, nanghihina dahil sa katatapos na pagwawala. I saw him sat down, too. "Una pa lang, alam ko na na ikaw iyong babaeng gusto ng mga magulang kong pakasalan ko," he started. I wanted to ask why he agreed or what made him agree, but I pushed myself not to. I'll note to inquire that after he's done with his words. He blew a loud sigh before he continued, "At first… I must admit na hindi ko tanggap iyong naging desisyon nila para sa akin, because I can see myself as an adult who can decide for himself. Kaya kong magdesisyon para sa sarili ko, kaya bakit sila ang namimili ng babaeng pakakasalan ko?" I heard him laugh, but when I looked at him in his eyes, I saw no humour. I pressed my lips together, not wanting to utter words, especially questions. Pinaalala ko sa sarili ko na may tamang oras para sa mga tanong at ngayon ay ang hindi tamang oras. "But then, when I saw you inside that club one night, I suddenly wanted to be with you. To protect you… to be your husband who will make you feel like our marriage isn't something done for convenience," he narrated. "I hated you. My friends can attest to that. They saw how I got drunk just to forget about the wedding, your face, and just anything about you. But fvck the world for pushing me more towards you. The more I tried to get away from the fact that I'll be your husband and we'll be wed, the more the world pulled me back to you," he said those words, almost like a whisper. His words were full of conviction and sincerity. His face softened when our eyes met. Kahit pa nakikita kong namumula na iyong mga mata niya dahil sa nagbabadyang emosyon. "Hindi ako naniniwala sa love at first sight. Masyadong pambata. Mas naniniwala pa nga ako sa hate at first sight kasi noong nakita naman kita through your picture which was given to me by a hired men, I felt nothing but hate." He was just too transparent. Wala akong ibang ginawa kung hindi ang maupo sa harap niya. To listen to him as he opened up to me. "Pero noong lumapit ka sa akin noong gabing 'yon? T*ngina, Anisha. Iyong inipon kong galit… biglang tinangay lahat ng hangin. The moment your hand landed on my skin, nakalimutan ko kung ano ba 'yong pinaglalaban ko at kung bakit ba ako galit sa'yo," sinabi niya iyon nang hindi man lang kumukurap. It was like his eyes wandered in my whole system— free pass. "I even asked myself questions like "Why am I even mad at this girl?" "What the heck did she do to me for me to hate her?" From that moment, I realized I was an a*shole the whole time I was hating on you. That was the moment when I also realized that apathy is really the opposite of love— not hate." While I was watching him, I did not notice the tears flowing down on my cheeks. I just sat there… like I was listening to the best advice I could ever get from a person. "When you kissed me… I felt like I've been the dumbest person ever lived on Earth thinking about the days I thought I hate you. I made myself believe that I hate you… when the truth is, I was doomed, for I fell that fast for a girl." That moment, my brain froze. All questions flew like doves freed from their cages. For a while, I didn't have the courage to even utter a single word. Nandoon lang kami, no one dared to talk for a long time until I broke the silence. "But you still chose to lie to me." I swallowed the bile on my throat. His words earlier soothed me, but in a way… it also broke me. "I will forever be sorry for that. I won't even say any word to save myself for that. I just explained, just so you know…" he said and after that, he went back to being quiet. "Bakit?" He let out a deep sigh. "I don't want to say it. I deserve your anger," he said. Mariin akong napapikit. I was too torn. Parang bumalik iyong galit ko kanina. I don't even know why I am feeling this— I felt betrayed. "M-Maybe you're… right, Spade," I said, my voice sounded so weak. Halos hatakin ko na lang iyong mga salita para lang masabi ko sa paraang maririnig niya. Tumango tango ako na para bang kinukumbinsi ko ang aking sarili. "Baka deserve mo nga 'yong galit ko." "Tatanggapin ko naman kasi may kasalanan ako," he replied at natahimik na naman ako. Humugot ako ng malalim na hininga. Gusto kong sumigaw ng malakas. Gusto kong magwala at manakiy kagaya ng sakit na nararamdaman ko ngayon. Nakababaliw pala iyong ganito. Dapat masaya ako 'di ba? Mahal ko siya… o baka naman it's safe to say na minahal ko siya? I just confessed na mahal ko siya noong nakaraang araw, tapos ngayon ganito? Puwede ba iyong mabago na lang bigla? Iyong tipong napalitan kaagad ng hate iyong pagmamahal sa isang tao? I have so many questions, but I wasn't sure if I have the courage and a strong heart to hear all the answers. Iyong tipong matatanggap ko na walang gaanong nararamdamang sakit. Kasi sa totoo lang… nakakasakal talaga iyong ganito. "If you really don't want to marry me… you can tell me. Baka may magawa pa ako," he offered. Doon lang muli ako nakapag-angat ng tingin sa kaniya. I laughed without feeling any humor, "Sa tingin mo kaya mo pa? The word “baka”… not sure." Natahimik ulit siya na para bang na-realize niya rin na kahit siya, wala na ring magagawa para hindi matuloy ang lahat ng 'to. Kahit umiyak pa kaming pareho ng dugo, ang conclusion na rito ay magpapakasal pa rin kaming dalawa. Kahit nga siguro magbago kami ng identity, sa huli kami rin naman ang mahihirapan, so the best choice we have is to proceed with the wedding. Puwede naman iyon… siguro. Na magpapakasal lang kami for the sake of convenience. Fvck this life, really. Alam ko namang hindi 'to joke. Marriage… it's a very serious matter— sacred. Nakakatakot magpakasal ngayon kasi hindi mo alam kung sure na ba na kayo talaga hanggang dulo. Kaya nga hindi rin ako naniniwala na natatapos ang lahat sa marriage dahil ang totoo… iyon pa lang ang papunta sa exciting, at exhausting part of life. Pagkatapos ng kasal, kayong mag-asawa na ang magtutuloy ng kuwento; kung masaya ba, o magiging magulo. “Alam mo para matapos na 'to? Dapat magpakasal na nga talaga tayo. Nakakapagod na kasi talaga, e. Alam mo 'yon? Tumakbo na ako at lahat pero nandito pa rin ako. Dito pa rin iyong bagsak ko. Sinayang ko lang 'yong energy ko at effort sa pagtatago.” I looked at him. Wala na akong maiiyak na luha. Naubusan na ako ng tubig sa katawan. All I could ever give him was a tired look. Pagod na pagod na akong paniwalain ang sarili ko na matatakasan pa namin pareho 'to. "Anisha…" “Okay lang. Huwag ka ng ma-guilty. Iisipin ko na lang na masaya ang makasal sa'yo. You don't have to worry about me, o kung ang iniisip mo ay magiging balakid lang ako sa love life mo o sa anumang parte ng buhay mo?" I shook my head. "Huwag kang mag-alala. Hindi kita pakikialaman sa gusto mong gawin. Kasi naisip ko rin namang puwede tayong magpakasal kahit wala tayong feelings para sa isa't isa,” I explained to him. “Magiging asawa mo lang ako sa papel, Spade. Other than that… wala na, so you are free to enjoy your bachelor life. Ako? Maybe I'll just enjoy this miserable life, too." I saw how his eyes went dark as I said those words. Wala na akong pakialam. Basta gusto ko na lang din na matapos 'to. “Ate Lanie told me—” I cut him off. Alam ko na iyong sasabihin niya. I waved my hand on the air. “Forget about it. Hindi rin naman iyon totoo," I said instead. "Is this all a joke to you?” Nahimigan ko ang galit at iritasyon sa kaniyang boses. Siya pa talaga. "Bakit sa'yo hindi?" Pagak akong natawa. "Huwag na tayong maglokohan dito, Spade," I told him. "Iyong panliligaw mo? Tell me it's just a play, right? Let's just be honest with each other." His jaw clenched. Mas dumilim din iyong mga Maya niyang nakatitig sa akin. But I just stood in front of him, like I was a willing prey, willing to be preyed by a deadly predator. "Iyon ba talaga ang tingin mo sa lahat ng ginawa ko, Ashi?" He asked, I can almost taste the pain in his voice. I nodded."Only my family calls me that name, Spade," I firmly said. "Ngayon wala na rin akong karapatan…" he said those words bitterly. "Ikaw ang gumawa niyan sa sarili mo, hindi ako. You chose it for yourself. I was just giving the same pain back to you." Then he nodded like he accepted everything I have said. Mabuti kung gan'on. Hindi na ako mahihirapang kumbinsihin ang sarili kong layuan pa siya. I won't be a challenge for me anymore if he chooses to distance himself from me voluntarily. Gan'on naman dapat. Iyon ang sa tingin kong nararapat. "What have I done to you aside from hiding the truth? Ganito ba talaga tayo simula ngayon, Anisha?" I stared at him for a long time. Gusto kong makita niya kung gaano katindi para sa akin iyong dinulot niya. "Yes. You should start hating me from now on because after that's happened to us, malabo nang maibalik pa tayo sa dati. Isipin na lang natin na panaginip natin iyon pareho at ngayon… nagising na tayo sa katotohanan." Then, I turned by back on him. Kung ano man ang meron sa nakaraan, hanggang doon na lang 'yon. Matagal kong pinag-iisipan ito. I know this might be hard for me, but then... hindi puwedeng ako lang iyong nasasaktan, tapos sila ay nakukuha nila kung ano man ang gusto nila, plus the fact that they're happy. That's just so unfair, and I won't let that happen. Ever. Tahimik habang kumakain kami ng dinner. Tanging iyong tunog lang ng mga kubyertos ang naririnig, pero mukhang wala rin namang balak magsalita ang lahat dahil nagpapakiramdaman pa. Si Papa lang iyong bumasag ng katahimikan. Lihim akong napalingon kay Kuya na umayos sa pagkaka-upo. Huh. He really knows how to impress people. Kahit na labag na sa loob niya ay sige pa rin. I just don't know how he could do that easily. Siguro nga ay dapat ko nang tanggapin na pagdating sa gan'ong mga bagay ay mas magaling talaga siya sa akin. Sa pamilyang ito, alam ko namang ako iyong palaging nakikita kapag mali at negatibong bagay ang pinag-uusapan, pero kapag tama... palaging si Kuya. Their golden boy. Ang magaling, matalino, masunurin, at maaasahan sa anumang oras. "Verdect," our father called his name. Lalo lang tumuwid iyong upo niya. He's just like that. Always formal and looking stern when we're in front of our parents. "Pa," mabilis pa sa alas-quatro niyang sambit. Kung dati ay naaawa ako kay Kuya dahil sa ginagawa lang naman siyang tuta ng mga magulang namin, obviously, ngayon ay natatawa na lang ako. Handa talaga siyang gawin lahat, just to get our parent's approval on anything and everything he does. Parang wala na siyang sariling isip at desisyon sa ginagawa niya. He chose that. He must suck on that. "Any update?" Tanong ni Papa habang patuloy pa rin sa pagkain, habang si Kuya Verdect naman ay tumigil para mas madaluhan iyong mga tanong sa kaniya dahil alam naming kapag nagsimulang magtanong ni Papa ay hindi na siya titigil hangga't hindi siya nakukuntento sa bawat sagot. My brother didn't even have to ask about what exactly our father's pertaining to. Alam niya na kaagad. Gan'on siya pa-prepared sa para kay Papa o kahit naman kay Mama. "I can't say that it's a hundred percent good, dahil nagkaroon po ng kaunting aberya kanina sa site, though it was adamantly resolved. It won't happen again," aniya. Napailing na lang ako at nagpatuloy sa pagkain. I just hope he'd buy that. Our father's a perfectionist. Kahit kaunting gusot ay ayaw niyang mangyari, but then if it's Kuya... then maybe he'd forgive him. He's his favorite child after all. "That's good to hear." The response which I already expected. Walang kahit anong narinig kung hindi ang pagpapatawad. Hindi ko rin masisisi ang kapatid ko. Siguro ay sapat na sa kaniya iyong ganitong advantage ng pagiging sunud-sunuran niya sa mga magulang namin. Kung ako lang kasi ang tatanungin, mas gugustuhin ko pang itakwil na lang ako nang tuluyan sa halip na maging tuta lang ako ng pamilyang 'to. They are exhausting their children to be perfect kahit na maging sila rin naman ay hindi mga perpekto. Ano ba kasing nakukuha nila sa ganiyan? Takot silang mahusgahan? E, ano pa nga bang aasahan nila, e talaga namang judgemental ang karamihan ng mga tao sa mundo? Matagal ding nanahimik ang hapag bago natuon sa akin ang atensiyon ng lahat. Feeling ko nga ay front lang nila iyong pagtatanong kay Kuya ng tungkol sa business o kung ano man 'yon. They were just waiting for the right time to ask me a question about my say about the proposal. Sa wakas ay binigyan naman nila ako ng choice, but I don't even think that it should be called that way. Sila pa rin naman kasi iyong nag-desisyon. Binigyan lang nila ako ng ilang araw na space at oras para mas makapag-isip. "Napag-isipan mo na ba iyong offer sa'yo ng parents ni Spade?" Tanong ni Papa. Lalo tuloy akong nawalan ng gana, pero hindi ko na lang pinahalata. I didn't want to give them the satisfaction. He was asking about Spade's parents' offer na subukan muna naming magsama sa iisang bahay sa loob ng isang buwan, para daw mas napalapit kami sa isa't isa. Sobrang corny at nakasusuka, pero kalaunan ay naisip kong nakatutulong iyon sa plano ko, kaya matapos ang isang linggong pag-iisip ay natanto kong dapat lang na paunlakan ko ang alok na iyon dahil may benepisyo naman akong makukuha roon. "Papayag ako sa gusto ng mga magulang niya," sabi ko kaagad. Ayoko Silang makausap, pero kailangan. Para naman masabi ko iyong mga kondisyones ko. Kung papayag man ako, kailangang masunod kung ano man ang gusto ko. Of course! Alangan namang sila lang ang palaging may benefit? "I'm sensing a but here," singit ni Mama. Mabuti kung gan'on. At least ngayon, marunong na silang makiramdam. Ayoko naman na ako palagi ang dehado. Hinding-hindi na ako sasabak sa giyera nang wala akong dalang bala. I've learned my lesson before. Kung ano man ang nangyari noon dulot ng katangahan, hindi na iyon mauulit ngayon. Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko. I slightly pused myself away from the table. Taas noo ko silang binalingan. Gan'on dapat, para kahit paano naman ay maramdaman nilang seryoso ako sa lahat ng sinasabi at sasabihin ko pa lang. I need them to take me and my words seriously. Gusto kong malaman nila na kung seryoso sila sa gusto nilang mangyari, gan'on din naman ako. "Papayag ako sa mga kondisyong makabibisita lang kayo roon kapag pumayag ako. I get to decide on my own while I am living with Spade Villafranco. Ano man ang gawin ko, I will live with my own terms. Since that'd be the last time I get to use my power over you dahil alam ko naman na pagkatapos ng kasal ay wala na akong magiging kwenta sa inyo. Might as well use it wisely," taas-noo kong sinambit ang bawat kataga. Wala akong anumang narinig mula sa kanila sa loob ng ilang segundo. Nakita ko kung paanong tumiin ang bagang ni Mama. Si Papa naman ay kalmado lang, but I know he's thinking deep kung papayag ba siya o hindi. Sila rin naman ang mahihirapan kung sakaling humindi sila. Their choice. Anumang piliin nila, it's a win-win for me. Kaya bahala sila sa buhay nila. "Alright," sa wakas ay pagpayag niya. I smiled inwardly, lalo na noong nakita kong napaawang iyong labi ni Mama habang hindi siya makapaniwalang nakatingin kay Papa na para bang gusto pa niyang tanungin kung ano ang dahilan nito sa pagpayag. "What?" Nang hindi niya na napigilan ay naibulalas niya ang salitang iyon. "Let her be. Iyon na lang ang kaya nating ibigay sa kaniya ngayon," aniya. Yes. Suck on that.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD