CHAPTER 10

3641 Words
Anisha After staying for a night, I insisted that we should go home dahil hindi puwedeng puro din ako hiram ng damit sa kaniya. Plus, I really have to work. Hindi puwede iyong ganito kahit sabihin pa na may sahod naman ako at siya ang boss ko. "Hindi ka rin ba muna uuwi sa inyo? Walang maghahanap sa'yo sa inyo?" Sunod-sunod kong tanong. Umiling siya. Nagmamaneho na siya ngayon pababa sa bundok kung saan kami galing. "Work?" "It can survive kahit wala ako. I hired the best workers," he proudly replied. I nodded at that. Good for him. "So tatambay ka lang talaga sa villa?" "I'll work, too. Pero hindi nga lang full-time. I'll just assist kahit alam kong hindi naman masyadong kailangan. For important questions, maybe…" sabi niya at natahimik na ako pagkatapos. Hindi na kami nag-breakfast kanina kaya nag-drive thru na lang kami. Gusto niya pa ngang mag-dine in Sana kaso natakot ako na baka makita ako ng mga tauhan ng mga magulang ko at bigla na lang akong damputin. He parked his car sa isang tabi na wala gaanong sasakyan. Kumain muna kami sandali bago nagpatuloy. We were just talking about random things as he drove his car back to his villa. Ang dami niyang kuwento sa akin. It felt like I was riding a roller coaster dahil halo-halong emosyon iyong naramdaman ko habang sinasabi niya sa akin iyong mga karanasan niya. From grade school, hanggang sa makapagtapos siya sa pag-aaral. When we finally arrived, we were greeted by ate Lanie and her husband. Malisyosang tingin kaagad ang ibinigay niya sa akin. Pakiramdam ko nga, kung wala lang si Spade dito ay kanina niya pa ako kinurot sa tagiliran. "Welcome back, Sir! Pati sa'yo, ma'am Anisha…" may bahid ng panunuya ang kaniyang boses nang sabihin niya iyon pangalan ko. Balik na naman siya sa pormal na pagtawag sa akin ng "ma'am". "She won't work for today. Malinis pa naman iyong kuwarto ko and I'm sure the gardener already watered the plants," he told the couple and they excitedly nodded their head na animo'y natutuwa pa sa sinabi. "Magbibihis muna ako…" paalam ko. I was well aware that all eyes were all on me. Nakakailang pa rin kahit kilala ko naman lahat ng narito. "Yeah. Pagkatapos mo… can I request for your presence in my room?" He asked. Napatingin ako sa kaniya. I heard giggles from ate Lanie. "We'll keep the door open, of course…" pahabol niya before he cleared his throat. Nakahinga naman ako nang maluwag. At least nakaligtas ako sa pagiisip nila na may gagawin kaming kababalaghan ni Spade sa loob. Bumalik na ako sa villa ko. Naligo kaagad ako at nagbihis. Naglinis na rin ako saglit kahit na malinis pa naman iyong villa ko. Sa susunod na siguro ako maglalaba dahil kaya pa naman ng mga natitirang damit ko. Para din isahan naman ngayon. When everything's in tact, doon lang ako lumabas para pumunta na roon sa kuwarto ni Spade. While on my way, nakasalubong ko si ate Lanie. Parang automatic na talaga iyon or something na itinadhana. Kahit gusto ko sanang iwasan, 'di ko magawa kasi parang yun talaga dapat ang mangyari. "May something pala sa inyo ni Sir, a? Hindi mo naman sinasabi sa amin, e," she teased with matching pagtusok sa tagiliran ko. "Ah… wala naman po noong dumating ako rito. He just asked me if he could…" hindi ko masabi kaya tumigil ako pamandalian. "Na manliligaw siya?" Impit siyang napatili. I looked at her— weirded by the way she's acting at all of these. Tumango na lang ako bilang tugon. Nakakaubos pa ng oxygen sa katawan iyong mga tanong niya. Pakiramdam ko ay nasa isang sitwasyon ako Ang it's a matter of life and death. Hot seat 'to? "Mabait 'yan si, Sir. Kaya pala todo bilin sa amin noong tumawag. Important person daw kasi kaya kailangan VIP ang treatment. Hay… yung alaga ko nagbibinata na rin sa wakas." Pinagsalikop niya ang kaniyang mga kamay sa harap ng kaniyang dibdib habang nakatingin sa taas na para bang nag-iimagine siya. Napailing na lang ako. "Oh siya sige. Pumunta ka na sa kuwarto ni Sir at baka kanina ka pa hinihintay n'on. Sabihan niyo lang kami para makapaghatid ako ng pagkain kung sakali. One call away lang naman kami…" aniya bago niya ako kinindatan. Halos itulak niya pa ako papunta sa daan patungo sa silid ni Spade. Saka niya lang ako tinantanan noong nasa tapat na ako ng pinto ng silid ni Spade. She left me and I was left standing there, not knowing kung tutuloy ba talaga ako o hindi na. But then I remembered that I agreed kaya isang buntonghininga pa bago ako tuluyang kumatok. Baka rin kasi may ipagagawa rin talaga siya. Bumukas naman kaagad iyong pinto. I was greeted by Spade who looks like he just woke up. Magulo pa iyong buhok niya, kusot-kusot ang damit at naghihikab pa. “I just woke up. Kanina ka pa?” he asked at kaagad akong umiling. “What’s my business here? May… ipagagawa ka ba?” Bumuka ang kaniyang bibig ngunit walang lumabas na salita roon. I waited patiently thinking na baka pinoprocess pa ng utak niya dahil kagigising niya nga lang naman din. Instead of getting an answer, he just shook his head and smiled. “Magpapatulong sana ako sa…” He paused. Mukhang wala naman talaga akong gagawin dito, e. Hindi pa kasi sabihin at aminin na gusto niya lang akong makita rito. Dahan-dahan akong napangiti. Humalukipkip ako then I tilted my head on one side as I pouted my lips while watching him struggle to think for an alibi. “Puwede naman kasin umamin na lang na gusto mo lang akong kasama. Halata naman kasi, e. I won’t get mad, I promise.” And finally, he gave up. “I just think I need the motivation. I’ll work, but I think I will function well if you’re here, so… thank you for being here,” aniya habang hinahanda iyong laptop at mga kailangan niang gamit para sa pagtatrabaho. Tumawag daw kasi kanina iyong isang secretary niya and he told him na kailangan ng assistance niya, plus may urgent meeting at dahil hindi siya makadadalo, virtual na lang siyang a-attend. Kaya rin pala nagbihis siya kanina into something formal. To think na hindi lang pala iisang kompanya ang under sa supervision niya. Just the thought of it, parang ako pa iyong nahihirapan. But I can see naman na mahal niya naman iyong ginagawa niya. I just sat on the sofa in his room while he’s on meeting. Nagbasa na lang ako ng librong tungkol sa business kahit na hindi ko naman masyadong maintindihan iyong ibang terms. Sobrang complicated pala talaga kapag wala kang kaalam alam sa isang bagay. While I was reading, narinig kong nagsalita siya. He was asking someone from the meeting kung okay lang ba siya— that's what I thought dahil may sumagot naman sa tanong niya pero nagulat at napaangat ako ng tingin nang narinig kong inusal niya Ang pangalan ko. "Ha?" I asked dahil baka nabingi lang ako at nagkamali ng rinig, but he was looking at me. "I asked if you're okay. Are you enjoying yourself there?" Siya naman ngayon ang nagtanong sa akin. Wala na akong narinig mula sa laptop niya, but I was too afraid to talk dahil baka marinig din ako, so I just nodded as a response. "Mr. Villafranco," I heard a voice called his name through his laptop. I motioned him to listen but he was just looking at me like I am some puzzle na kailangan niyang buoin. "Are you still with us, Spade?" Muli siyang tinawag. "Yeah. I'm listening," he replied, pero nakatingin pa rin siya sa akin. "Focus sa meeting," I mouthed. "Sure…" aniya bago niya muling ibinalik ang atensiyon niya sa kausap sa laptop. Nagpatuloy iyong meeting, so does his questions. Hindi ko nga alam kung may naririnig pa ba siya o may naiintindihan pa ba siya sa mga sinasabi sa kaniya, e. Pero kapag naman tinatanong sa opinyon niya, may naisasagot naman siya. It lasted for about an hour more (iyong unang virtual meeting), pagkatapos ay meron ulit. Walang katapusang meeting. Mabuti na lang at nagandahan naman ako sa librong binabasa ko kahit nakakahilo kaya hindi ako nakaramdam ng pagkabagot. "Are you hungry?" Tanong niya ulit kaya nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Hindi pa naman. Go on, sabay na tayo pagkatapos ng meeting mo mamaya," sabi ko at muling ibinalik sa binabasang libro ang atensiyon. Naririnig ko iyong usapan nila with the board kaya noong una ay nagtanong ako kung lalabas ba ako kasi baka confidential, pero sabi niya ay ayos lang daw. Oo nga naman, 'di ko rin naman naiintindihan karamihan iyong mga pinagsasasabi nila. "Thirty percent is already a huge number, Mr. Talban. We are not giving away money here. I can take risks in any aspect, but this… hindi ba nakakatakot?" Narinig kong sabi ng isa na kabilang sa meeting nila. "I thought you can take risks in any aspect, Mr. Regatcho? Hindi ba ganito naman sa business at entrepreneurship?" Si Spade naman. Natigil ako panandalian sa pagbabasa. Natahimik ng ilang segundo ang lahat bago muling may sumagot. It went that way for a while. Nagdedebate pa sila if they'll take risks or not, but Spade managed to convince the majority that they should. Sa wakas ay natapos din iyong meetings before one. Late lunch na pero hindi pa naman ako gan'on kagutom. "Let's eat? Sorry, I kept you waiting," paghingi niya ng tawad, but again… I said it was fine. "What do you want to eat?" He asked habang nagliligpit siya ng gamit. Nakapagbihis na rin siya into something less formal. "Anything na naka-serve. Hindi naman ako pihikan sa pagkain. Plus," I paused to look at him. "Ikaw pa magluluto? Or…" "Do you want me to cook?" Balik tanong niya sa akin. "No. Katatapos lang ng dalawang meeting mo. You deserve a rest after lunch. Kung wala ka ng gagawin, I think you deserve a good sleep," I told him. Pagkatapos ay tumitig na lang na naman siya sa akin kagaya ng palagi niyang ginagawa. "I don't have meetings after lunch," aniya. Tumango ako. Maganda kung gan'on. Feeling ko kasi, kulang iyong tulog niya kanina, e. Kaya mamaya talaga patutulugin ko ang isang ito kasi halaya naman kung gaano siya kapagod. Nang handa na siya ay nagtungo na kami sa kitchen. May seafood, gulay at karne na naroon para sa ulam. Hindi naman kami allergic pareho kaya iyon na ang inulam namin. While we ate, we talked about things. Minsan iyong about business kasi nakita niya iyony binabasa ko kanina. He even inquired if I'm interested in venturing into the business world. Sinabi ko naman na baka hindi pa ngayon since hindi pa ako maalam sa kung ano man ang kailangang malaman doon. Maybe when I learn a lot, I will. "We can be partner's," he offered. "I wish." Natatawa kong sinabi. "Ang galing mo nga kanina, e. You convinced them easily," I added. "You just have to tell them what they will lose and earn, and they will weigh if they take the risk or not," aniya. "Iyong iba, natatakot, pero hindi laging earn sa business." Gan'on nga siguro talaga. Hindi rin naman maalis iyong takot, pero eventually, matututo rin na sumugal kasi wala namang mangyayari kung hindi susubukan. We'll never know until we try. Pagkatapos kumain, parang grand entrance na naman si ate Lanie. Hindi ko nga alam kung may CCTV ba siya na nakakakabit sa amin kasi alam na alam niya talaga kuny kailan siya eentrada. "Ako na niyan ,Sir. Deserve mo talaga ng rest kagaya ng sinabi ni Anisha. Mas deserve mo siyempre na mag-rest kasama siya," sabi niya, then she wiggled her eyebrows on me. What the heck? Ano na bang nangyayari sa mundo? "Madali lang naman 'tong hugasan, Sir. Mas mahaba rin bebe time niyo ni…" Napatingin siya sa akin. Gusto ko siyang kurutin sa tagiliran para naman matigil siya pero hindi ko magawa. Isa pa 'tong Villafranco na 'to. Gustong-gusto rin naman. "Sorry for that," I heard him say while we were on our way back to his room. With a raised brow, I looked at him. "Sorry ba talaga? Or gusto mo rin naman? Pangiti-ngiti kapa kanina," I asked dahil nakikita ko naman kanina. "I was just happy." "Happy na inaasar nila tayong dalawa?" He shook his head. "Nope. I was happy because they like you for me." "Mukha mo. Siyempre gusto akong boss nila kaya they like me. May choice ba sila?" "It's not like that. You see, I've had girlfriends before. Hindi naman sila ganiyan," sabi niya. Sana hindi ko na lang pala brining out iyong ganitong topic. Ang sakit pala marinig. "Ah…" iyon na lang ang nasabi ko. I blew a loud sigh para palisin iyong bigat na bigla ko na lang naramdaman. I suddenly went quiet. Napansin ko rin naman, pero hindi naman dapat. Normal naman iyong sinabi niya, but still… I felt suffocated. I should work this out. I can't be like this whenever he mentions something from his past. Mabuti nga siya walang itinatago, e. Ako pa talaga ang may karapatang makaramdam ng ganito gayong ako nga iyong may binabalak. "I shouldn't have said that," he said, but I turned to him to say na hayaan na niya kasi in the first place, wala naman dapat siyang ipagalala. Nang nakapasok na kami sa room niya ay dumiretso ako sa sofa kung saan ako naupo kaninang may meeting siya. Kinuha ko ulit iyong libro para basahin ulit, pero alam kong hindi rin naman ako makakpagfocus doon. "Can I sleep here?" Dinig kong tanong niya. "Ayaw mo sa kama?" Lumingon siya roon bago siya sumagot. "The bed looks sad to lay on. I prefer to sleep here with you, but that's if you'll allow me to," aniya. Sa huli, sa kama rin naman siya natulog, but in return, I sat beside him. Nasa kama na rin tuloy ako habang siya ay nakaunan sa mga hita ko. His eyes were closed, but I know he's not yet asleep kaya pansamantala ko munang ibinaba iyong libro. Tinandaan ko na lang iyong page saka ko dahan-dahang hinagod iyong buhok niya na minsan ay minamasahe na rin. Ipinagpatuloy ko iyon hanggang sa maging kalmado na iyong paghinga niya. Sa sumunod na araw ay wala si Spade dahil may aasikasuhin daw, pero sinabi niya namang babalik siya mamayang hapon. He woke up early in the morning dahil uuwi pa raw siya sa penthouse niya bago siya tumuloy sa kung saan man ang lakad niya. Ginawa ko iyong trabaho ko at maaga namang natapos kaya ngayon ay nasa dalampasigan ako para pagmasdan ulit iyong alon na humahampas sa buhangin ng dalampasigan. Simula noong dumating ako rito, I find this spot peaceful. Iyong hangin at katahimikan ang siyang nagpapakalma sa akin, lalo na noong unang mga araw ko rito. It became a remedy to all the pain I've felt. I was already convinced that this place is magically made for people to relax and clear their minds. After a few more minutes ay bumalik na ako sa villa dahil nagsisimula nang sumakit ang balat ko dahil sa sikay ng araw. I decided na mag-jogging din minsan kapag may free time ako nang mas maaga o kaya naman ay sa hapon para naman kahit paano ay healthy pa rin. I was about to enter the villa when I heard a commotion. Kumunot ang noo ko at mabilis na lumapit doon. "Private property po ito kaya bawal kayong pumasok," si Kuya Kiko iyon habang kausap ang dalawang unipormadong lalaki na malalaki ang katawan. Mas lumapit pa ako para malaman kung ano ang nangyayari. "Ano pong meron, ate?" Tanong ko kay ate Lanie nang tuluyang nakalapit. Lumingon siya sa akin na para bang naginhawaan pa siya noong narinig niya ako. "Nandito ka na pala, Anisha. Kasi iyong mga 'to, hinahanap ka. Iuuwi ka na raw sa inyo kasi iyon ang gusto ng mga magulang mo," she narrated and that's when I realized what's going on. "Ma'am, tara na po. Hindi po kami pumunta rito para makigulo. Gusto rin po naming maayos kayong dalhin sa mga magulang niyo, pero kung pipiglas po kayo… mapipilitan po kaming puwersahin kayong sumama sa amin," anang isa sa mga lalaki. My hands trembled. Nawalan ako ng lakas ng loob para lingunin iyong mga kasama kong halayang walang malay sa mga nagaganap ngayon. Lalo ko lang napatunayan iyon nang tanungin ulit ako ni ate Lanie. "Ano bang nangyayari, Anisha? Bakit ka nila gustong kunin?" I shallowed the bile on my throat. Bumuka ang aking bibig, pero walang anumang salitang kumawala roon. I felt my eyes slowly watering. Sobrang init na rin ng buong katawan ko. Hindi ko alam kung anong mararamdam ko; kung magagalit ba, iiyak, magdadabog, sasama ang loob. I just can't think of any emotions to feel. Basta ang alam ko lang ay pagod na ako para sa lahat ng 'to. I just want this to end. "S-Sasama ako, pero puwede bang hayaan niyo muna kaming mag-usap?" Pakiusap ko. Noong una ay nagkatinginan pa sila na tila ba ayaw nilang pumayag dahil sumusunod lang naman sila sa utos ng mga magulang ko, pero kalaunan ay pumayag din naman sila. Pumasok muna kami sandali sa villa kung saan ako tumutuloy para doon mag-usap. At first, I let myself formulate the words and thoughts for my explanation. I want this to be explained well para kahit paano naman ay mabigyang linaw ang lahat ng ito sa kanila. "Ate Lanie…" panimula ko. I was pinching my palm just so I could relax at para na rin mapigilan ko ang sarili ko sa nagbabadyang pag-iyak. "Sige lang, hija. Handa kaming makinig ng Kuya Kiko mo," aniya dahilan kung bakit lalo lang akong nakaramdam ng lungkot. For the past few days I stayed here, napamahal na rin naman sila sa akin. Kung aalis man ako, magiging mabigat iyon para sa akin dahil naging parte na sila ng buhay ko na inakala kong magtatagal ang kasiyahan, pero panandalian lang naman pala. Sa unang pagkakataon din, naramdaman kong may kasangga ako maliban sa kaibigan ko. Sa ilang sandali, naramdaman kong nawala iyong takot ko dahil sa kaisipang mayroon akong masasandalan. "I was… bound to marry a man I b-barely know…" Ayoko man ay hindi ko na napigilan iyong panginginig ng aking boses pati na rin iyong pagtulo ng luha mula sa aking mga mata. It felt like my heart has been crumpled as I said those words. Ang sakit kasi na akala ko mapipigil ko pa, pero hindi na pala. Iyong akala kong maitatama ko pa, pero hindi na rin pala. Hindi na kinaya. "Paano si Spade?" Isang tanong na maging ako ay hindi ko alam ang sagot. Umiling ako habang nakayuko. Sa ilang beses ay muli kong hiniling na sana mapatawad niya ako sa lahat ng ito. Sira na ang lahat. Sa plano na hindi ko rin naman kayang ituloy dahil sa una pa lang naman ay alam kong talo na ako. Sa lahat. Gusto kong humingi ng tawad sa kaniya pero paano ko gagawin iyon sa personal kung wala siya? I really want to see him for the last time para aminin ang lahat. I love him— I can finally admit this, but not directly on him. Sobrang baliw ko lang na hindi ko man lang harapang nasabi. Kahit siguro magalit siya sa akin, wala na akong pakialam dahil ang mahalaga sa akin ay masabi ko lahat sa kaniya ang gusto at dapat kong sabihin, pero paano ko gagawin? How will I even apologize kung hindi naman siya iyong nandto? "H-Hindi ko na po siya makakausap nang personal…" I paused to let my tears flow as it interferes me. "Pero pakisabi po na mahal ko siya. Na sana mapatawad niya ako kasi binalak ko siyang gamitin para sa pansariling kapakanan ko. Pasensiya na po kung aalis ako nang hindi niya man lang alam. P-Patawarin niya po sana ako kung hindi ako nakapagpaalam nang maayos. Salamat po sa kabutihang ipinakita niya sa akin." I broke down. Para akong bombang sasabog anumang oras. I wanted to scream to let all my heart's content out. Ang bigat na nakasasakal. It's slowly killing me. "Anisha…" Kahit pa nanghihina ay nagpatuloy pa rin ako. "H-Hindi ko na rin po siya guguluhin. Pakisabi po na good luck din po sa kasal niya. Please… please tell him po na salamat sa kaniya, kahit paano ay naramdaman kong maging espesyal at m-masaya," I said weakly as I closed my eyes, thinking about the moments we've shared together. "Hindi ko makalimutan ang lahat ng sandaling kasama ko siya." Then I smiled bitterly. Naramdaman ko ang isang mahigpit na yakap kaya mas bumuhos ang aking luha. Kung puwede nga lang na ganito na lang palagi. Na makulong na lang ako sa sandaling 'to, iyon na ang pipiliin ko, kaso hindi. "Hindi ko rin po kayo makakalimutan. Sana po ay hindi ito ang hiking pagkakataon na makikita ko po kayo. Naging sobrang bait niyo po sa akin at habangbuhay ko po iyong babaunin sa isip at puso ko." Lalo pang humigpit ang yakap namin sa isa't-isa. Humiwalay lamang nang kumatok na iyong bantay at sinabing oras na para umalis. Ni wala na nga akong balak kunin iyong mga gamit ko. Basta sumama na lang ako sa kanila. When I was inside the car, pinilit ko ang sarili kong huwag umiyak. Ni hindi ko rin kayang tingnan nang matagl iyong pinanggalingan ko. It hurts so bad. Para lang akong sinasaksak nang paulit-ulit kapag naiisip kong ito iyong buhay na nawala na sa akin. Iyong buhay na hindi ko na ulit mababalikan at mararanasan. Sa ilang beses, naramdaman kong may parte na naman sa buhay ko ang nabawas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD