Anisha
Lalo lamang akong namangha nang nakapasok na kami sa loob ng kaniyang bahay sa gitna ng kagubatan. Sinabi niya sa akin na mahigit isang taon niya rin itong ipinagawa. Aniya rin ay personal niyang idinisenyo ang bahay kaya espesyal ito sa kaniya.
"Your parents must be proud of you. You're young and you already have these kind of achievements," bulalas ko habang pinagmamasdan ang bawat sulok ng mansion.
The details of each corner just made me feel proud of him. Hindi naman ako kasama sa gumawa, but the feeling of pride for him just feels natural.
"We define the word achievement differently. We base it on how we look at things. Sa iba, baka ang achievement ay iyong mga material na bagay, makapagtapos ng pag-aaral, o makapunta sa ibang bansa…" he paused kaya napatingin ako sa kaniya.
"How about you, Spade? What's achievement for you?" I asked out of curiosity.
A smile appeared on his lips before he finally spoke to answer my inquiry. "Moments like this. You see… I'm a person who loves to enjoy every moment with the important people in my life. Hindi kasi sa lahat ng bagay, kasama ko sila. Hindi rin sa lahat ng pagkakataon ay nandiyan sila kaya I consider this moment an achievement…" he noted and I became silent for a moment.
He's a sentimental person. Iyon ang madalas kong mapansin sa kaniya. His family's important to him. How I wish I could feel the way he feels for his family.
Bumalik na ulit ako sa paghanga sa lugar. Hindi ko rin maiwasang hindi mamangha sa kung paanong nakaayos ang bawat gamit sa loob. The mansion looks classy outside, minimalist by design, but it looks elegant.
"Your family must have loved it here…" I mouthed while looking at the picture frame na nakalapag sa isang maliit na lamesa sa sala.
"I don't bring them here," sagot niya kaagad.
"Weh? As in never?" Medyo nagulat ako roon. Parang gusto ko tuloy bawiin iyong sinabi ko kanina.
Tumango siya. Grabe!
"So sino na pala ang mga nadala mo rito? Friends? Mga kakilala… or something?"
I got curious again. Siguro kung mamamatay lang kaagad ang isang tap dahil sa curiosity, baka nangunguna na ako.
"Just you."
Natawa ako sa sinabi niya. "Nagpapalakas ka na naman, e. Hindi nga kasi, Villafranco? Sabihin mo na. Okay lang naman sa akin na hindi ako ang una mong dinala rito. It's not like I'll feel tampo," sabi ko dahil hindi talaga ako makapaniwala na ako pa lang iyong dinala niya rito.
"Seriously, ma'am. Ikaw pa lang nga kasi. What should I do ba para you'll give your tiwala to me?"
I roll d my eyes on him. Kaasar! Bakit ba ang hilig niyang pagtripan ang pagiging conyo ko? Gusto ko tuloy ulit siyang hambalusin na inis.
"You're making fun of me na naman! Akala ko ba pumunta tayo rito to relax? Bakit feeling ko lalo lang akong ma-sstress dito?"
Imbes na sumagkt ay tinawanan lang ako ng loko. Halos mapapadyak na ako sa inis pero siya, natutuwa pa rin talaga!
"Ang cute mo kasi. 'Di ko lang mapigilan, pero 'di na po. Titigil na ako. Hindi na kita aasarin," sabi niya pero kahit na gan'on ay hindi ko pa rin maalis ang pagkakasalubong ng kilay ko.
"Promise?"
He nodded his head. "Promise. Kaya huwag ka nang magsungit. Smile na. Lalo akong natuturn on kapag nakikita kitang nagsusuplada. Ikaw din… baka mamaya bigla kitang dalhin sa kuwarto."
The urge para ibato sa kaniya iyong frame ay sobrang lakas. Kung hindi ko lang iniisip na importante sa kaniya yun, baka naihagis ko na talaga sa kaniya!
"Watch your mouth, Villafranco. Sinasabi ko sa'yo… nililigawan mo pa lang ako, ha? Ni wala pang isang linggo kaya maghunos dili ka. Masyado kang abusado."
Then he nodded like a obedient dog to his master. Gayunpaman, nahimigan ko pa rin iyong pagpipigil niyang tumawa.
Bago ko pa man siya tuluyang masaktan ay nagyaya na siya sa kusina para daw maihanda na namin iyong kakainin namin. Marami rin pala siyang stock ng pagkain dito. Nga naman… malayo rin kasi 'to sa kabihasnan kaya dapat lang na mag-imbak talaga siya. Kaso nga lang, iyong tipo ng imbak niya iyong nagmistula namang mini grocery iyong kusina.
Bigla akong nag-crave ng fruit salad noong nakita ko iyong apple, grapes, at saging pero hindi ko naman sinabi sa kaniya. Siguro ay napansin niya na nakatuon doon ang atensiyon ko kaya napatanong siya. Hindi ko na rin naman napigilan kaya ang ending, pareho kaming nagdesisyon na iyon ang para sa dessert.
He wanted me to just watch as he does the cooking noong natapos na namin iyong salad pero hindi ako pumayag. Hindi naman ako gan'on. Ayokong nanonood habang ang kasama ko ay may ginagawa. Mas mabuti pa kung ako iyong abala at ang mga kasama ko ang nagpapahinga. Mas panatag ako sa gan'on.
"Can you handle onions?" He asked dahil kanina ko pa siya nakikitang punas nang punas sa mata niya.
"Oo naman. Dapat kasi di mo muna hinati iyong baba kasi dun ang part na nakakaiyak talaga…" I told him. Iyon din kasi ang sabi sa amin noong nag-take ako ng cookery class. Iyon ang pinili ko noon because I hate computers kaya I opted for cookery instead.
"Really?" I nodded. "I'll take note of that," he said pero nagvolunteer na akong ako na ang tatapos sa sinimulan niya.
Sinigang na bangus iyong niluluto namin kaya hindi ko gaanong niliitan iyong hiwa. Mabilis naman akong natapos kaya naghanap ulit ako ng gagawin pero mukhang wala na dahil nalinisan niya na rin iyong isda.
"We look like busy couple preparing food for our children," he spoke and I shook my head. Grabe talaga ang imagination nitong isang ito!
"Advance talaga 'yang isip mo 'no? Or should I say… ang galing mong mag-imaginr ng mga scenario," I commented and he just shrugged his shoulders.
"Siguro gan'on talaga kapag nakikita mo na yung future mo sa isang tao?" He said that made me lose my mind for a moment.
"It's too early to say that," sabi ko nang nakabawi.
Naaalala ko pa lang na hindi kami puwede ay nakakaramdam na ako ng lungkot. Siguro 'tong mga sandaling 'to ay pinahiram lang sa amin.
Ang lagay ay parang niloloko lang namin ang mga sarili namin dahil alam naman naming pareho na nakatakda kaming pakasalan ang mga taong hindi nga namin gustong makasama.
Funny how he can see the future with me, when we just can't be with each other. It's just sad to think that the future he thought we'd share will remain as an imagination. Na hindi rin naman magiging totoo. Hanggang sa panaginip lang at imahinasyon.
***
"Hindi puwedeng hindi tayo umuwi, Villafranco! May trabaho ako bukas. Ni hindi pa nga ako nag-iisang linggo sa trabaho tapos mag-a-absent kaagad ako?" Pag-angal ko noong sinabi niyang tatagal pa kami ng ilang araw sa lugar na iyon.
"Have you forgotten that I am your boss, ma'am?" Idiniin niya talaga ang bawat salita para ipamukha sa akin ang katotohanan.
"Of course I know that. Siyempre nahihiya naman ako kina at Lanie 'no! I just got hired tapos ganito kaagad," I argued as he watched me complain about his desires to stay here.
"I already told them about us. You don't have to worry too much," aniya.
"Ano'ng about us? Maghunos dili ka naman, Villafranco. Ilang araw ka pa lang nanliligaw sa akin ha?"
He laughed and I rolled my eyes on him. Ganito na lang talaga kami palagi, nag-aasaran hanggang sa mahampas ko siya sa sobrang pagka-inis.
Sa huli ay sumuko na rin ako kasi wala na rin naman akong magagawa. Sinabi niya rin naman na babayaran niya pa rin iyong araw na katumbas ng pagtatrabaho ko sa villa.
"You want to take a walk outside? You'll appreciate this place more…" he offered at siyempre ako naman na mahilig sa kapayapaan ay pumayag na.
Lalo niya lang akong nahatak noong sinabi niya na may batis sa di kalayuan. Na-iimagine ko pa lang ay na-eexcite na ako.
Habang naglalakad ay nag-uusap lang kami sa kung anong mga bagay. Minsan din talaga, may kabuluhan din naman iyong nasasabi ni Spade, madalas lang talaga na puro siya kalokohan.
"Sometimes, may mga desisyon din naman ang mga magulang ko na hindi ako sangayon. I'll tell them immediately at kapag nama napagusapan nang maayos, naayos naman. Pakiramdam ko kasi minsa kailangan lang natin ng strong foundation ng communication para makapag-establish tayo ng mas magandang relasyon sa mga taong mahal natin," aniya.
"But sometimes, of course… hindi naman sa lahat ng bagay ay nakukumbinsi natin ang isang tap sa kung ano ang gusto natin. Kaya kailangan din nating intindihin kung saan sila nanggagaling. May mga oras kasi na akala rin natin, tama na tayo pero hindi pa pala." Napatingin ako sa kaniya pagkatapos niyang idagdag iyon. I can't help but admire his words sometimes.
Iniiisip ko rin na paano kung gan'on din ako mag-isip para sa mga magulang ko? Would it make a big difference? Kung kagaya ng iniiisip niyang communication is the key to a better relationship, maayos ko kaya ang kalagayan namin ng mga magulang ko?
I snapped out of my trance when he told me na malapit na kami sa batis.
"May plano ka bang maligo sa batis?" He asked. Tatango na sana ako pero naisip kong wala pala akong dalang damit.
"Sana…"
"Kaso wala kang damit?" Aniya na para bang nabasa niya ang iniisip ko.
"Hindi mo naman kasi sinabi, e. I was expecting na sa isang restaurant or park lang tayo pupunta," I scolded him. Totoo naman. Pati tuloy ngayon ay nakasapatos pa ako. Mabuti na lang at hindi naman maputik ang daan.
"May damit naman ako sa bahay. Puwede mong isuot iyon muna hanggang sa matuyo ang mga damit mo. May dryer din naman," aniya na para bang goal niya na talagang hikayatin ako para maligo sa batis.
"Paano ang underwear ko?"
"Wala namang may alam bukod sa akin. Tayong dalawa lang ang nasa bahay, Ma'am. Hindi naman kita susunggaban. I may talk dirty at times pero hindi naman ako gan'on kamanyakis. Kung ayaw mo… 'di talaga kita pipilitin."
Finally he convinced me. Tinanggal ko iyong mga damit ko hanggang sa underwear na lang ang natira sa akin. 'Di naman ako super conservative sa katawan pero mabuti na rin iyong tumalikod siha hanggang sa makalubog na ako sa tubig.
Kahit pa tinanggal ko iyong mga damit ko, siyempre lalabahan ko pa rin naman ang mga iyon para bukas.
Sumisid ako sa tubig. It was warm kaya lalo lang akong nahatak para maligo. The water was just so clear na nakikita ko pa iyong mga bato sa ilalim ng tubig. I can even see my feet kissing the stones beneath the water.
Lumangoy ako hanggang sa makarating ako sa kabilang dulo kung saan iyong agos ng batis. I was enjoying the water when I felt a hand encircled on my waist mula sa ilalim at bago pa man ako makapagsalita ay umahon na si Spade mula sa tubig. He's just wearing his boxers. His perfectly sculptured body was in full show and I can't help but to admire how his muscles were put into their right places.
"Hands, please…" I half heartedly said dahil ang totoo ay gusto ko rin naman iyong init ng kamay niya sa bewang ko.
"Oh…" As if realization dawned on him kaya dahan-dahan niyang inalis ang kamay niya roon.
He just did what I told him, pero bakit parang na-disappoint ako?
For a moment, we just stood there, watching each other's eyes. Until he spoke. Doon lang nagkaroon ng ingay sa pagitan naming dalawa.
"How much will it cost me if I kiss you right now?" He whispered with his deep voice.
I swallowed the lump on my throat. I wanted to say na wala pero hindi ko magawa at masabi ang mga salita dahil nahihiya at natatakot ako.
Baka kapag hinayaan ko siya ay nasanay ako. I don't want to be dependent on him. Natatakot ako na baka masaktan lang ako sa huli, pero… hindi ko kayang pigilan ang sarili ko.
"J-Just kiss me…" mahina kong sinabi. I also found myself slowly stepping forward to meet him.
"Will you punch me after?"
Gusto ko siyang sabunutan kasi ang tagal niyang gawin. Why won't he just kiss me? Minsan naiinis din ako, pero mas nangingibabaw pa rin iyong tuwa kasi at least nagpapaalam siya bago niya gawin.
"I might if you don't kiss me now, Villafranco," I said firmly and I heard him chuckle before he finally leaned forward for our lips to meet.
At first, it was just a peck, but I felt the electricity it brought to my system kaya nang hindi ko na napigilan ay kinabig ko pa siya palapit sa akin para idiin ang mga labi namin sa isa't-isa. I can feel his smirk before his kisses gone aggressive.
His hands travelled down to my legs ashe gently carressed them bago niya iginiya iyon para ipulupot sa kaniyang bewang.
Everything did not matter around us. We were too focused on passionately kissing each other with ewual hunger na hindi ko na namalayang kinakalas niya na iyong hook ng bra ko.
Kung normal na asaran lang ito ay baka mabali ko na ang buto niya sa kamay, but this time… I just can't find to strength to stop him from what he's doing. It was like I was hypnotized by his touches and it also made me drunk. Lalo pa noong bumaba pa iyong halik niya sa leeg ko. I even titled my head on one side to give him a better access.
I was too gone for his kisses until he stopped from what he's doing. Pinagdikit niya ang noo namin habang humihingi ng tawad sa akin.
“Thank you for your apology, but you don’t have to… I pulled you first so I could kiss you better,” I explained just so he’d stop apologizing. Wala naman kasi talaga siyang kasalanan. Ginusto ko rin naman iyon.
"I got carried away. If that happens again, you can always punch or slap me para matauhan ako 'cause I must admit na when it comes it you… nahihirapan akong magpigil," he admitted and I smiled. Ipinatong ko iyong kamay ko sa kaniyang balikat. I smiled at him at kalaunan nang hindi nakapagpigil ay kinurot ko iyong ilong niya. Hinayaan niya akong gawin iyon.
"Okay na nga. Lambot ng lips mo…" I teased him as I bit my bottom lip. He glared at me.
Tignan mo 'to. Kanina lang ang apologetic, tapos ngayon nagsusungit na.
"Paki-hook ulit yung bra ko, Villafranco. Gigil na gigil kasi, e." Lalo ko pa siyang inasar, and then later on he groaned pero ginawa niya naman iyong sinabi ko.
Nakapulupot pa rin iyong mga binti ko sa bewang niya. He wasn't holding me dahil hinohook niya iyong bra ko pero nakakapit naman ako sa leeg niya kaya di ako nalalaglag, besides… nasa tubig naman kami.
"Done," he said when he successfully hooked my bra. Natawa ako kasi nakabusangot siya na para bang kasalanan ko pang ipinahook ko sa kaniya iyong bra kong siya rin naman ang kumalas.
"Bakit parang galit ka? Gusto mo i-unhook ulit?"
He rolled his eyes. Nag-iwas din siya ng tingin sa akin kaya lalo akong napahagalpak sa tawa.
"Stop teasing me, Anisha…" He fired at me with an angry tone.
"Bakit kung hindi?" I challenged him. Pinagtaasan ko siya ng kilay.
"Please… I might just snap, Ashi… maawa ka naman sa akin," pagmamakaawa niya nang hindi pa rin maibalik sa akin ang kaniyang tingin.
Hinuli ko ang kaniyang baba at pilit siyang pinalingon sa akin. I managed to avert his head on me, but his gaze… ayaw talaga.
"Hindi na pala," sabi ko at doon lang siya napalingon sa akin. Kakalasin ko na rin sana iyong pagkakapulupot ng aking mga binti sa bewang ko nang hinuli niya iyon para ipirmi. I bit my lower lip to stop myself from smiling.
"I'll carry you on our way home," aniya habang hinahaplos ng kaniyang daliri ang aking hita.
"Ganitong buhat? E, magbibihis pa ako!" Pag-angal ko pero nawalan na ng oras para makapagprotesta pa dahil nagsimula na siyang maglakad.
"Ibababa kita mamaya kapag nakaahon na tayo."
Hindi na ako nagreklamo. Ginawa niya naman pero pinanood niya muna ako bago naman siya nagbihis.
I waited for him to finish on wearing his clothes. Tumingin pa siya sa akin nang ilang sandali bago niya ako walang anu-anong binuhat. Hindi na ako nagulat dahil sinabi niya naman na iyon kanina.
I rested my head on the crook of his neck. I feel relaxed dahil sa tahimik na paligid. Ipinikit ko ang aking mga mata. It's just comfortable here. Pakiramdam ko ay ma-aadict ako sa ganitong klase ng yakap.
"Ang init ng katawan mo…" I pointed out dahil ni hindi ko naramdaman iyong lamig dahil sa katawan niya.
"That's because you're too close on me, ma'am," he quickly replied and I silently chuckled. Mas idiniin ko iyong sarili ko sa kaniya, gan'on din ang ginawa niya sa akin.
Hindi ko na namalayang nakarating na kami sa bahay. Sa banyo niya na ako ibinaba. Akala ko nga ay sasabay siya pero nagulat ako nang sabihin niyang sa kabilang banyo na raw siya maliligo.
I asked him why and he said he finds it hard to control himself kapag kaming dalawa lang at ganito pa ang ayos ko. Hinayaan ko na lang din. Babawi na lang daw siya mamaya kapag matutulog na. Just the thought of it excites me.
Bago pa man ako magsimulang makaligo ay inabutan niya na ako ng damit, tuwalya at iyong boxers. At first, I find it weird, pero kalaunan ay natanggap din naman. Kesa naman wala akong underwear na maglakad-lakad sa buong bahay.
Kaagad naman akong natapos. I wore his clothes and got out of the bathroom. Naabutan ko na siya sa labas na nakaupo sa kama habang nagpupunas ng buhok at nang nakita ako at tinawag niya ako para lumapit sa kaniya.
I stood in front of him nang ilang dangkal na lang ang layo namin sa isa't-isa. He pulled me closer to him. Ikinulong niya ako sa kaniyang mga hita kaya hindi na ako nakagalaw.
"Pupunasan ko ang buhok mo," he said.
"I can do that, Villafranco," sikmat ko naman.
He smirked, but he still did what he just said.
"I sure you do." Then he started to dry my hair with the towel he used for his hair. Nanahimik na lang ako habang ginagawa niya iyon.
It didn't take him long to finish. Tumayo siya kalaunan pagkatapos niyang sabihin na babalik din siya. Isasampay niya lang daw iyong tuwalya. True enough, after more than a minute, he got back.
I watched him as he walked towards me. Gan'on din ang ginawa niya, iyon nga lang ay palipat lipat naman ang mga mata niya sa aking suot tapos sa mukha ko ulit.
"My shirt looks good on you," he commented.
Ang laki nga, e. Nagmukha pa tuloy iyong dress.
"Yeah. I probably look a manang now," sabi ko naman. Dagdag pa iyong pagkakabuhol ng buhok ko sa tuktok ng ulo ko. I tied my hair into a bun. Mas kumportable ako roon.
Kumunot ang noo niya na tila ba hindi siya sumasangayon sa sinabi ko. "Of course not. You look lovely," he praised as he sat beside me.
I rolled my eyes on him. Bolero as always. Maniniwala na sana ako sa sinabi niya pero dinagdagan niya pa iyon.
"I can picture myself as the husband who just got home from work, took a shower and my wife is waiting for me inside our room. Ah… this is so satisfying," he smiled as he held my hand.
"Alam mo? Puwede kang writer 'no? Your imagination is so wild sometimes— oh scratch that. Most of the time pala. Ang lala ng imagination mo," I countered.
Tapos iyong kamay niya pang nakahawak sa kamay ko. Isa pa 'yon. Talaga namang abusado rin itong isang 'to, e.
"Can that imagination be a reality? Siyempre… gan'on talaga ngayon, pero I have high hopes that one day… it'll turn into a reality. I just have to wait until maybe you're ready," he said as if he can visualize the future.
"How certain are you na we'll get there? Paano kung hindi mangyari? You know, Villafranco. The higher the expectations, the more the disappointment will hurt you. Siguro you should tone down, you think?"
His thumb started caressing my hand. He was just staring at me and let his eyes do the talking for a while. It was as if his eyes were telling me that he's super sure. Ni hindi ko pa nga siya sinasagot.
I just hope and pray that I have the power to change fate.