Anisha
I don’t know how I managed to sleep while I was thinking about what he said yesterday night. Pakiramdam ko ay nabulabog ang brain cells ko roon, but thankfully ay nagawa ko namang makatulog.
When I woke up the next day, wala na si Spade sa tabi ko. It was just five in the orning, pero maay liwanag na sa labas kaya kita ko iyong wall clock na nakasabit kaharap ng kama.
Dahan-dahan akong bumangon habang lumilinga sa paligid at sinusubukang hanapin si Spade pero hindi ko talaga siya mamataan.
“Spade?” I even called his name with the hope that when he hears me, he will show himself. Pero wala akong nakita o nakuhang sagot kaya matapos kong ayusin ang sarili ko at ang kama ay lumabas na ako.
Tama namang naabutan ko ang isang tauhan na naglilinis sa pasilyo. Noong una ay bumakas sa kaniya mukha ang pagkagulat, ngunit kalaunan ay tumikhim na lang bago siya nakausal ng mga salita.
“Magandang u-umag…” bati niya sa akin.
Tumango ako at bumati na rin. Nagtanong na rin ako kung nakita niya ba si Spade, pero sabi niya ay hindi raw kasi halos kadarating niya laang din daw sa pwesto niya.
Nagpaalam na lang din ako dahil hahanapin ko pa ang Villafranco’ng iyon. Saan naman kaya iyong nagsususuot? Kagagaling nga lang niya sa lagnat, e. Tapos ngayon hindi na mahagilap? Anong klase ba ‘yon?
Naglakad-lakad pa ako ng ilang sandali. Ni hindi ko pa nga magawang magmumog man lang o maghilamos mahanap lang ang lalaking ‘yon, e.
“Ate Lanie!” Pagtawag ko nang namataan ko siya. Mabilis naman siyang lumingon sa akin.
Nagkakape pa lang sila kaya naisip kong baka nga kagigising nga lang din nila. Iistorbohin ko na muna dahil hindi naman puwedeng pabayaan ko lang iyong mokong na ‘yon basta-basta.
“Good morning po sa inyo,” binati ko muna kasi bastos naman kung bigla na lang akong magtatanong.
“Magandang umaga rinn sa’yo. Kape tayo…” they invited and I nodded my head. Mamaya na siguro kapag nahanap ko si Spade.
“Nakita niyo po ba si Spade?” Hindi ko na napigilan. Luminga-linga na rin ako sa paligid bago ako muling bumaling sa kanilang mag-asawa.
“Ah… si Sir ba? Nasa kitchen. ang aga nga nung nagising ngayon pra magluto daw ng breakfast,” ani Kuya Kiko.
Natigilan ako sandali. Kitchen… sige pupuntahan ko iyon pagkatapos nito.
“Sinabi ko ngang kahit ako na, e. Kaso ayaw niya. Na-miss niya raw kasing magluto,” dagdag naman ni ate Lanie.
Napaisip tuloy ako. Alam kaya nila na nilagnat si Spade kagabi? Sa kuwento kasi nila… parang hindi. Kasi kung alam din nila, sigurado akong hindi nila iyon hahayaang kumilos.
“Sige po. Mauna na po muna ako sa inyo. Puntahan ko lang siya sandali at may sasabihin lang po ako. Magandang umaga po ulit,” I said as I excused myself. Kaagad kong tinungo ang kitchen. Mabuti na lang at nag-tour na ako rito noong nakaraan kaya lama ko na kung saan ako pupunta.
When I got into the kitchen, naabutan ko siya roon. He looked like he’s enjoying what he’s doing dahil nakikita ko rin iyong dedication at passion niya sa ginagawa niya.
Hindi na muna ako umimik. Isinandal ko na lang muna ang atensiyon ko sa hamba ng pinto habnag pinapanood siya. Luto na iyong iba. I can see two sunny side up eggs, bacons, hotdogs, pancakes, and friend rice sa lamesa. Bale iyong sa tingin ko’y mashed potatoes na lan ang inaasikaso niya.
Typical breakfast set, pero napangiti pa rin ako. This man really looks more attractive as he does what he do.
Halata ring kaluluto lang ng mga iyon dail may usok pa akong nakikita. Sabay-sabay niya bang niluto at gan’on na ba siya kagutom? ang dami rin kasi yata niyang niluto kung para lang sa sarili niya.
When I was done admiring him from where I was, doon lang ako nagsalita.
“Morning,” I greeted at kaaagd siyang napalingon. Bumakas kaagad ang ngiti sa kaniyang mukha.
“Good morning! How’s your sleep?” He asked gayong ako nga dapat ang naagtaatanong sa kaniya ng gan’on.
“Maayos naman. Ikaw nga? Kamusta na pakiramdam mo? May lagnat ka pa rin ba?” Sunod-sunod nanaging tanong ko.
Hindi rin ako makapag-focus kasi ang bango ng mga pagkain. Nanonoot sa ilong ko lahat. Bigla tuloy akng nagutom.
“I’m feeling fine. Thank you for taking care of me last night,” he uttered but I said it was totally fine.
“Sure ka na okay ka na?”
He nodded while he was busy with the potatoes. “Yes, Ma’am. You can check if you want,” he told me and I did.
Lumapit ako sa kaniya, then I placed the back of my palm on his forehead. Hindi na nga siya gan’on kainit kagaya kagabi.
“Mabuti naman. Kung hindi ka pa sana gagaling ay dadalhin na kita sa hospital, e. I got scared last night, you know?” I admitted kasi totoo naman. Ther’s no point in hiding what he made me feel because of his condition last night.
Natawa siya habang umiiling. He probably think na I’m over-reacting, but truth is… I don’t care. If he did not just told me that he’s going to be fine kagabi, itinakbo ko na talaga siya sa ospital.
Nag-alala ako tapos tinawanan lang ako? Kung sabagay… gan’on din naman kasi ang ginawa ko sa kaniya. Siguro ganti niya na ‘to sa akin.
“Gumaling ako kaagad bcause you were there. I told you I was fine. Hindi ka lang naniwala kaagad. The best Doctor ever.” Tapos tumawa ulit siya.
Kung hindi lang ako aware na galing siya sa sakit, baka naahampas ko na naman, pero dahil gan’on nga… pagbiigyan ko muna siya ngayong araw.
“By the way, umupo ka na riyan. The food’s ready. Let’s eat,” pagyayaya niya.
Kumunot ang noo ko dahil doon. Akala ko pagkain niya lang ‘yon?
“Ha?” Naguguluhan kong tanong.
“Kakain na tayo. This is my way of expressing gratitude towards you dahil sa pag-aalaga mo sa akin kagabi. This is the only way I know how to repay you,” he said.
“Hindi naman nga ako nagpapabayad kasi,” nagawa ko pang magrekalmo kahit gutom na rin naman ako.
“Even so..” He insisted kaya sa huli ay umupo na lang din ako.
Hindi na ako aarte kasi nanunubig na ang bagang ko sa amoy pa lang ng mga niluto niya, pero siyempre hinintay ko rin siyang matapos para sabay kaming kumain.
We began eating nang natapos na kami sa pagdarasal. Nagulat nga ako kasi may pagka-religious din pala siya.
“Hindi mo man lang ako ginising. E di sana natulungan kita maghanda for this,” tunog nagtatamp kong untag. Willing naman kasi akong tumulong, lalo na at kakain din naman ako.
“I know napuyat ka rin sa pagbabantay sa akin kaya di na kita ginising. You deserve the rest.”
Hindi naman na ako nakipagargumento roon. At least this man knows how to appreciate things… lalo na iyong effort ng isang tao.
"Ano nga pala iyong sasabihin mo?" Tanong ko habang nagliligpit kami ng pinagkainan. He paused for a while at umaktong nag-iisip bago ko narinig iyong tugon niya.
"Ah iyon?" Nagkamot siya ng batok kaya bahagya akong natawa. "Gusto ko sanang magpaalam na ano…" hindi niya itinuloy.
Pa-suspense pa, e. I raised a brow on him tuloy Natigil na rin tuloy ako sa ginagawa ko para hintayin iyong kasunod ng sasabihin niya.
"Na ano?"
Ang tagal niya naman kasi. Tumigas na rin naman iyong kanin sa plato pero hindi niya pa rin nasasabi. Nagiging impatient na tuloy ako sa kahihintay.
This is what I hate about my curiosity— I let it kill me.
He looked at me straight in the eye before uttering his words which made me freeze.
"Gusto ko sanang magpaalam para sa panliligaw…" sabi niya.
Of course I know what he meant but I don't want to rejoice without a hundred percent assurance.
"Nice joke. Kulang ka ba sa kinain? Baka gutom ka pa ha? May tira pa namang pagkain dito…" I said and pushed the plate towards him na may kaunting tirang pagkain.
I expected him to at least laugh or kid around but his eyes remained on mine. Unti untint naglaho iyong ngisi ko at doon lamang nakumpirmang hindi nga rin talaga siya nagbibiro.
I want to laugh. Gusto kong magbunyi dahil gumana iyong plano ko. Magagawa ko na ng mas madali pero bakit parang masaya ako sa ibang dahilan? Masaya ako sa hindi malamang kadahilanan.
I know because my heart couldn't beat normally. Tila ba gusto niyong kumawala sa dibdib ko.
"T-Talaga?" I cleared my throat dahil sa biglaang pagkautal. I even titled my head on one side and cross my arms across my chest. Feeling matapang gayong nanlalambot na talaga ang mga hita ko.
D*mn this Villafranco for making me feel this kind of weird feelings!
Tumango siya. "Yes, Anisha. Gusto ko sanang ligawan ka. But that's only if you allow me to," he answered and it made me feel more feel ecstatic.
Grabe. Kalmahan mo lang naman!
I bit my lower lip to stop myself from smiling. Ayoko na talaga. My lips just keeps in betraying me! I can't act excited about this. Kaunting delicadeza naman, Anisha Franchette!
"If you're serious and not playing with me with that, Villafranco… then I'd say na papayag ako pero sinasabi ko na sa'yo ngayon pa lang na you should manage your expectations. I know we already kissed each other, did more than that, too… but it won't give you any privilege," I made sure that I uttered every word correctly.
Ayoko naman kasing isipin niya na madali akong makuha dahil lang sa nagawa niya na ang mga bagay na iyon bago niya pa ako ligawan. Siyempre… sisiguraduhin ko namang magiging challenging sa kaniya ang phase na ito.
His lips slowly rose for a smile. Umiling siya na para bang hindi siya makapaniwala sa mga sinabi ko.
"One more thing. No special treatment, too. Hindi porque nililigawan mo ako, e magiging prayoridad na ako sa lahat. Fairness, Villafranco. Gan'on din ako sa'yo. That is why I am telling you na ngayon pa lang… don't think of me as one perfect girl fit for anything, okay? The higher the expectations, the more it will hurt when disappointment starts to summon you," I added para clear lahat.
He nodded. "Dult noted, ma'am…"
I smiled and nodded, too. Mabuti naman kung gan'on. Akala ko ay mahihirapan ako sa parte g iyon knowing kung gaano niya ako kagustong i-impress. Gan'on naman kasi ang mga nanliligaw madalas. They treat you as a priority kapag courting stage, pero balewala na kapag nakuha na nila iyong gusto nila.
Not that I am generalizing it. Gan'on lang ang napapansin kong kadalasan, and I hate to say that I despise the idea.
"Oh, siya. Today's the effectivity ng pagiging worker ko sa villa na ikaw pala ang may-ari. Technically, you are my boss…" I smirked on him. Just the idea working under his supervision excites me. This is where I see how he manages his life as a boss.
"I forgot to ask about the uniform, pero sa nakita ko naman kanina… parang wala naman since it isn't a business after all. Bahay bakasyunan lang naman ito so I assumed that there's no need to be all formal?"
He stared at me for a second before he nodded with amusement plastered on his face. Inirapan ko na lang saka ako nagpatuloy sa pagliligpit.
Mabuti na lang din ay nasanay ako sa mga gawaing bahay simula noong nagkaroon ako ng apartment. Iyong mga natutunan ko noon ay siyang i-a-apply ko naman ngayon. Those were basic chores, pero it could suffice. Madali lang din naman ang gawain ko rito.
Hindi naman ako maghahalo ng semento o kung ano pang gawaing hindi ko kayang gawin.
Nagpaalam siya na aalis muna para maligo. Naiwan akong mag-isa sa kitchen para mas makapag-ayos pa. Mabuti na lang din at hindi na rin naman siya nakipag-argumento pa sa akin noong sinabi kong ako na ang bahala sa lahat doon.
I guess he really understood what I meant when I said my conditions when I let him court me.
Nakangiti ako nang maalala iyong unang pagkikita namin. Then, he was just my target— to use him as an apparatus for my kind of vengeance, but now… gan'on pa rin naman pero who could've imagined.
Iyong lalaking napili ko noon, nililigawan na ako ngayon. Not that I am proud na niloloko ko siya. Hindi ko lang ma-imagine pa na nakaabot na ako rito. Totoo nga na dahan-dahan. One step closer at a time basta you just need to focus on your aim.
Kami pa lang din naman iyong nakakaalam. Hindi pa ako handang malaman ng iba. I reminded him to that, and I think he'd do that, too.
Mabilis kong tinapos iyong gawain ko bago ako bumalik sa villa ko para maligo. Nagpaalam din naman ako dahil siyempre, I want to start my job here as fresh as I could. Hindi naman puwedeng gurang na kaagad ako knowing na maaga pa.
After my rituals, lumabas na rin kaagad ako para makapagtungo sa garden kung saan ako magdidilig. Hindi ko naman na rin bubuhatin at iisa-isahin ang pagdidilig dahil may hose na. Iyon na raw ang gagamitin para mas mapadali.
After this, babalik ako sa kuwarto ni Spade para linisan naman iyon. Inuna ko na rito dahil alam kong naroon pa siya. Hindi rin naman gan'on karumi iyong room niya. Sadyang gusto niya lang sigurong malinisan para mas maging maayos tignan.
Malawak iyong hardin pero may portion lang akong diniligan dahil hindi lang naman pala ako ang nagiisang gumagawa ng pagdidilig dahil naroon pa si Tatay Isko. Iyong totoong gardener. Siya rin ang nagtuto sa akin ng tamang pagdidilig.
Inabutan ako ng mahigit tatlumpung minuto room. Ingat na ingat din akong hindi mabasa lalo na ang damit ko dahil mahirap maglaba. I was just wearing a simple black jeans and a simple yellow T-shirt with a minimalist sunflower design on its center partnered with a doll shoes. I tucked in my shirt dahil medyo malaki iyon sa akin.
"Sabay ka na kumain sa amin mamayang lunch, Anisha. Magluluto ako. Kasama rin nating kumain si Sir…" ate Lanie said and I immediately agreed. Para din makatipid na ako at hindi na magluto.
When I was done with my first task, dumiretso na ako sa kuwarto niya noong nakuha ko na iyong mga gamit panlinis.
I expected him to be not there pero kumatok pa rin ako. Hindi rin naman locked iyong pinto kaya pinihit ko na rin iyong knob para makapasok. Iyon din naman kasi ang bilin ng iba Kong mga katrabaho lalo na ni ate Lanie.
Pumasok ako sa kuwarto with a light feeling. Okay na rin naman na di kami muna magkita dahil pakiramdam ko ay makakaramdam pa ako ng awkwardness dahil nasanay ako na pasulpot sulpot lang siya sa buhay ko. Hindi pa na-process ng utak ko na nanliligaw na siya officially sa akin.
I started with the sheets. Iyon ang una kong ginalaw bago ang lahat.
I was busy fixing the bed when I heard the bathroom door open. Kaagad akong napalinga roon, and I snapped when I saw him naked as the day he was born.
Kaagad akong nag-iwas ng tingin. Kung hindi pa ako nakapagtakip sa bibig gamit ang mga palad ay napasigaw na ako nang tuluyan dahil sa pagkabigla.
Nanlalaki ang mga mata ko habang humihingi kami ng tawad sa isa't-isa.
"I didn't know you're here. I'm so sorry!" He apologized and I completely understood. Iyon nga lang ay nakikita ko pa rin sa isip ko iyong nakita kong kabuoan niya.
What the fvck? Just what the heck happened? This I just saw his nakedness with my naked eyes?!
***
We kept on saying our apologies to each other. Hindi niya raw ako narinig noong kumatok ako dahil nasa banyo siya at hindi rin nakita noong palabas dahil pinupunasan niya ng tuwalya iyong buhok niya. Nag-sorry din naman ako kasi dapat chineck ko muna bago ako nagsimula.
"O-Okay na ako… nagulat lang ako, " I said. Totoo rin naman pero nagsinungaling ako sa parteng sinabi kong ayos lang ako dahil gulat pa rin ako hanggang ngayon.
Hindi ko pa rin siya nililingon dahil sa takot na baka hubo't hubad pa rin siya. Saka lang ako lumingon nang sabihin niyang puwede na dahil nakabihis na siya.
"Maglilinis na a-ako." Napapikit ako dahil sa pagkautal. I just can't erase the image on my mind! My goodness! Makakapagtrabaho ba ako nang maayos gayong puro iyon ang nasa isip ko? To think na first day ko pa lang ngayon? Ilang bases pa kayang mangyayari iyon? Will it happen again?
What the fvck, Anisha. Ayusin ang trabaho! Hindi iyon kung ano-ano ang pumapasok sa isip mo! Parang hindi nangangailangan, ha?
"I'm really sorry, Ashi…" he apologized again and again. Hindi talaga 'to matatapos hangga't nandito siya. Mas makabubuti siguro kung lalabas muna siya para makakilos ako nang maayos kasi kapag nandito siya, alam kong magiging malamya lang ako.
"Okay na, Spade. Let's just move on. Isipin natin na hindi iyon nangyari para hindi tayo ma-awkward sa isa't-isa."
Nakahinga ako nang maluwag nang tumango siya. Mabuti naman kung gan'on.
"Lalabas muna ako. Magpapahangin na lang din. Will you be okay alone here?" Tanong niya. I can't even look at him in the eyes. I kept on swallowing the bile on my throat.
Para sa tanong niya… of course I'll be fine alone here. Mas magiging maayos nga kung gan'on, e.
I nodded and said yes. Muli siyang nagpaalam bago siya tuluyang naglaho. Pabagsak akong napasalampak sa kama. Bumuga ako ng marahas na hininga. I covered my face with my hands.
Sh*t! What was that?! Bakit hindi ko maalis sa isip ko? Kung puwede lang ipalinis ang utak gagawin ko na talaga para maalis iyon sa isip ko because something about it makes my stomach feel like there are butterflies living in it at nagkakagulo na sila ngayon.
I slapped my cheek para gisingin ang sarili ko. For fvck's sake, Anisha. Function like a sane person!
Tumayo na ako at nagsimula na ulit gumalaw para naman mawaglit iyon sa isip ko. That is what I expected, pero kahit saan ako tumingin at kahit anong gawin ko ay iyon pa rin ang nakikita ko.
Argh! I hate this. I really hate this! Ang masama pa niyan ay nagsisimula na ring gumawa ng mga scenario ang utak ko.
Mabilis kong natapos iyong mga gawain ko. From the bed, to the bathroom, and all. Ni hindi ko nga alam kung tama ba ang sequence ng paglilinis ko, pero natapos ko naman dahil sa kagustuhan kong makalimot. I did not even feel tired.
Tapos na ako sa lahat kaya sandali muna akong umupo sa kama. I closed my eyes for a bit pero kaagad din namang nagambala nang narinig kong may kumatok sa pinto.
"Sir Spade?" I called. It's actually my first time calling him "Sir". Naisip ko na dapat lang lalo na kung nasa trabaho ako. Ayos lang siguro na hindi kapag tapos na ako, pero on duty pa rin naman ako kahit tapos ko na iyong trabaho ko.
Siya lang din naman kasi ang alam kong papasok dito dahil kuwarto niya naman 'to kaya siya ang unang naisip kong tawagin.
"Is it safe to come in?" He asked. Hindi ko alam kung makakahinga ba ako nang maluwag o tatawa dahil sa tanong niyang iyon.
He really learns from experience, huh? Well… that's good for him.
"Oo naman, Sir," I replied and just a second. I saw him peaking through the door.
Umayos ako ng tayo. "Tapos na rin naman po akong maglinis," sabi ko rin.
Luminga siya sa paligid na tila ba sinusuri ang bawat sulok ng kaniyang kuwarto. Confident naman akong nagawa ko ng maayos iyong trabaho ko kaya taas noo ako habang ginagawa niya iyon.
"Tapos na ba duty mo?" Muli niyang tanong nang natapos na siya sa pagsusuri.
I blinked multiple times before I said yes. Ito lang naman iyong sinabing trabaho sa akin dahil sa iba ay may nakatoka ng mga empleyado pa.
"Tapos na po ako sa lahat, Sir. Pero it's fine kung may ipapagawa pa kayo sa akin," dagdag ko rin dahil baka may ipagawa pa nga talaga siya.
"Please don't call me "Sir". It's making me feel things, plus it's giving me ideas," aniya na para bang nakikiusap.
My forehead creased. "What should I call you, then?"
"Just Spade… or whatever you want to call me. Just not "Sir"," he voiced out and I nodded.
Na-curious tuloy ako kung bakit ayaw niya? For formalities nga iyon, e. Na-offend ko ba siya? May bad memory ba sa kaniya iyong word na 'yon?
"Sure. I'll take note of that." Tapos nginitian ko na siya.
"Thank you. Now are you done?"
Um-oo na ako kanina pero inulit ko pa rin iyong sagot ko.
"If that's so… may I ask your permission to take you on a date?"
I mouth dropped open. Nawalan na ako ng pakialam kung ano pang hitsura ko sa mga oras na iyon. I was just really surprised and amused that whenever he wants something from me… he always ask for permission.
"S-Sure… I mean." I cleared my throat. Medyo nahiya dahil um-oo kaagad nang hindi man lang inaalam ang iba pang detalye. "Where? Kailangan ko pa ring magbihis kasi…" I trailed off.
"You look fine. No need for you to change your clothes."
"Baka hindi bumagay sa pupuntahan natin?"
He chuckled as he bit his lips. "Worried about that when you're already slaying with your outfit. I'll let you do what you want but I'm telling you, Ashi… you look perfect with your clothes," he said and it made me feel proud of myself.
Nakaramdam na naman ko ng mga paru-paront nagwawala sa tiyan ko.
"Clue na lang kasi para alam ko kung anong dapat kong isuot…" I urged him to say it and when he finally did, lalo tuloy akong nalito.
He said he's going to take me to one of his favorite places. E, hindi ko pa rin naman alam kung ano at saan iyon kaya ang ending… iyong doll shoes na lang ang pinalitan ko ng heals. Of course I asked him kung fit ba ang heels sa pupuntahan namin, and he said yes.
Naghintay pa siya roon sa labas. I don't know if he already told the other workers here about his motives and sa estado naming dalawa, but when they saw me going out of my villa, they squeaed like they were some fish na binudburan ng asin sa hasang.
He was looking at me with pure adoration in his eyes. He was biting his lips para pigilan iyong ngiti niya na hindi niya rin naman maitago. Wala naman akong pinalitan. Ito pa rin naman iyong suot ko kanina, but he acts like I was wearing a gown and walking to the aisle towards him.
"Tara?" I asked when he was just looking at me.
"Of course, ma'am. One really one lucky son of a b*tch," he said and I glared at him. He said sorry pero sinabi niya ring feeling niya raw ang sobrang suwerte niya sa akin.
In what way, Villafranco?
"Saan ba talaga tayo pupunta, Villafranco?" I asked when it was already almost an hour drive pero wala pa rin kami sa destinasyon namin. Wala namang problema sa akin iyon, mas na-curious lang ako.
He looked at me and smiled bago siya sumagot. Ang weird nito minsan. Kung hindi ko lang siya pinagkakatiwalaan ay baka inisip ko nang balak niya akong iligaw tapos iwan na lang bigla.
"You'll gonna like it there," he said. Wala na akong ibang ginawa kung hindi tumango na lang.
"Papuntang gubat na 'to, Spade. Ano'ng pupuntahan natin? Iyong mga hayop sa gubat?" I joked dahil totoo namang puro puno na iyong nadaraanan namin. Malayo siya sa kabihasnan kung tutuusin, but as a fan of peace and silence, I can say that I like it here. Payapa ngang talaga at mukhang makakapag-isip ako nang matiwasay.
He chuckled as he shook his head. "No. Of course not. I just want you to feel at peace. Gusto ko lang din na ma-relax ka. Ang lugar na ito ang madalas kong puntahan kapag gusto kong makahinga sa marahas na mundo."
That's deep, but I'm convinced. Gan'on din naman ako. Kung gusto kong makatakas sa realidad ay pinipili long manahimik sa isang tabi. I want to distance myself from the people who makes me feel negative things.
I just want to protect myself, especially my mental health kahit paminsan minsan lang din, because it's not everyone that I get to prioritize myself. Ngayon lang…
"Thank you kung gan'on," I uttered without looking at him dahil abala ako sa pagmamasid sa paligid. Parang gusto ko tuloy bumaba tapos maglakad-lakad na lang muna.
"You're always welcome," I heard him say.
We let silence reign over us. Nawiwili lang talaga akong pagmasdan ang paligid. Siguro nga ay napansin niya iyon kaya binagalan niya ang pagpapatakbo.
Lihim akong napangiti.
"Gaano ka kadalas pumunta rito?" I asked when I got curious.
"Siguro mga twice or thrice a month?" He replied and I nodded.
Wala na ulit nagsalita hanggang sa marating namin ang sa tingin ko'y isang mansion sa gitna ng gubat. It is mostly made of glass. Modern tignan kahit pa nass gitna ito ng malayong kabihasnan.
"Welcome to my safe haven," he spoke and I turned to look at him. Hindi ko alam kung bakit biglang nanubig ang mga mata ko sa tuwa. Dinala niya lang naman ako sa bahay niya sa gitna ng gubat, pero pakiramdam ko ay nakatanggap na ako ng pinakamagandang regalo mula sa langit.
Para ding may sariling isip ang aking katawan dahil sa bigla kong pagkabig sa kaniya para sa isang mahigpit na yakap. Isinubsob ko ang aking mukha sa kaniyang balikat at doon na rin humagulhol.
At first, it was a weird feeling. Kasi bakit ako naiiyak sa ganitong bagay? Then at last… I realized na siguro, ito yung isang bagay na uhaw ako. My parents always give me gifts, but it was all material things, but never the things like this. Lumaki akong lahat ng gusto ko ay nakukuha ko, pero hindi ko naramdaman na galing ang mga iyon sa puso.
Pakiramdam ko pa nga ay biniga iyon sa akin, pero may kabayaran. This… I feel like it's forever be embedded in my heart.
"Shh…" pang-aalu niya sa akin pero lalo lang akong naiyak.
Ito ang unang pagkakataong umiyak ako nang malala sa isang taong hindi ko naman kaano-ano, but the connection… it's there. Iba iyong iyak ko kapag si Fiona na kaibigan ko, iba sa mga kapatid ko, iba sa mga magulang ko, but this… it just felt therapeutic.
Gumaan iyong pakiramdam ko na para bang nawala iyong mabigat na nakadagan sa dibdib ko.
Umiyak ako hanggang sa pakiramdam ko ay wala na akong maiiyak. Doon lang ako humiwalay sa pagkakayakap sa kaniya.
And as I wiped my tears away, hinuli niya iyong kamay ko at siya na mismo ang pumalis sa mga luha sa aking mukha. I just watched him do it with passion— na tila ba nabuhay siya para gawin ang bagay na iyon.
"Thanks for that hug, I needed that…"
"You're welcome. Salamat din for lending me your shoulder to cry on," sabi ko rin.
"My pleasure, ma'am. Kaso lang ang sakit kapag nakikita kang umiiyak. I'm not used to seeing you like that."
Hindi naman kasi ako madalas umiyak. I cry when it's too much!
"Masasanay ka rin. I'm a cry baby you know…" I said with a smile to conceal the pain.
"I can handle cry babies. Pati na rin iyak ng baby kung gusto mo." At hinampas ko na siya. Katatapos ko lang umiyak pero heto siya at kung ano - ano na naman ang sinasabi.
"Baka naman dinala mo ako rito kasi may balak ka sa akin, ha?" I eyes him. Nakahalukipkip din ako habang hinihintay siyang dipensahan ang kaniyang sarili.
"Grabe naman, ma'am. Napagbintangan kaagad, e. Hindi ba puwedeng maganda lang talaga ang intensiyon?" Aniya. "Pero siyempre… kung ikaw na mismo ang susunggab, why not? Sino ba naman ako para tanggihan ang grasya 'di ba?"
I rolled my eyes.
"Sinasabi ko na nga ba, e."
"Hindi naman kita pipilitin kung ayaw mo, ma'am. Judgemental tayo rito, ha? Sabi nga ni Fiona sa akin, may balak ka raw nung nakita mo ako sa club. Hinihintay ko lang ngayon kasi malay natin magkatotoo na 'di ba?"
My jaw dropped open at what he just said. What the fvck?! Pati ba naman si Fiona na kaibigan ko ay binenta ako sa kumag na 'to?
"A-Ano pang sinabi niya sa'yo?" Kinakabahan kong tanong. Baka naman kasi lahat ng detalye ay nilaglag na ng bruhang 'yon! Maghintay talaga siya kapag nagkita na kami. That nerd! How dare she!
"Hanggang d'on lang. Aksidente niya lang naman kasi na nasabi iyon," he playfully said while he was biting his bottom lip.
Namumula na iyong mukha ko sa kakapigil para talunin siya at sabunutan. My goodness gracious!
"Hindi naman din ako naglolock ng kuwarto. You can always jump on me so we can start your plans? I'm hopeful pa rin naman, ma'am."
Argh! I just hate how he calls me that.
"Stop calling me that, Villafranco. At ano'ng hopeful ka pa rin? Asa ka talaga. Wala na 'yon. Yung plan na 'yon is matagal nang cancelled. Mamuti mata mo kakahintay and it will not happen," I said and he's still smirking!
"At least not soon. But I know it will happen. Patience? I can do that…"
Fvck you talaga, Villafranco! You wish.