Anisha
Kung meron mang ranking ng “most awkward moments of my life” isa na siguro ito. Para akong tinatakasan ng kaluluwa habang nakatayo sa gilid ni ate Lanie while she was reporting to Spade freaking Villafranco! Gaano ba ako ka-swerte sa buhay na ‘to?
I kept on wincing sa tuwing may naririnig akong kung ano sa mga sinasabi ni ate Lanie kay Spade. Sana pala ay hinid na muna ako lumabas kanina dahil pakiramdam ko… parang mas hindi ko nga dapat marinig iyong mga usapan nila.
It seemed like I was listening to a top secret and I can’t even look Spade straight in the eye dahil sa guilt. I just blocked him! Tapos ganito pala. Just oh my goodness. I can literally bury myself alive just because of the embarrassment I was feeling.
“Kilala mo na po ba siya, Sir? Kasi ibinilin niyo siya sa amin kahapon, e. Sabi niyo ho importanteng tao kaya inalagaan po talaga namin ‘yan. Kahit tanungin niyo pa,” ani ate Lanie na wala nga yatang kamuwang-muwang sa nangyayari.
"Yes. I know her, ate Lanie. Thank you for doing as I said. I owe you one with that," Spade said kaya lalo akong napayuko.
"Siyempre naman, sir. Ikaw pa ba? E malakas ka kaya sa amin," sagot naman ni ate Lanie. “Nga pala, Sir… magtatagal ka ba rito? Parang ang dami mo kasing dalang gamit, e. Super rest ba ‘to?” dagdag pa niya.
Tumingin siya sa akin bago niya sinagot yong tanong sa kaniya. “Depends…”
Muli akong napapikit. Grabe na talaga ‘to! May parte tuloy sa akin na gusto na lang maging bula talaga! Nakakahiya naman kasi iyong akala ko ay kasama na siya sa mga maibabaon ko sa limot, pero yun naman pala ay kasama ko pa rin siya at magiging boss ko pa.
“Oh siya, Sir. Dadalhin na pala namin iyong mga gamit mo sa kuwarto mo. Welcome back ulit!” Bati sa kaniya ng ginang bago ito kumilos para kunin ang gamit ni Spade sa loob ng sasakyan niya.
Hindi naman ako puwedeng matulala na lang habang-buhay roon kaya pumanhik na rin ako para tumulong sa pagbubuhat ng mga gamit. Pinili ko iyong magaan lang dahil iyong mga iba naman kasi ay mga mabibigat na maleta na.
Napaisip tuloy ako kung mangingibang bansa ba siya o ano.
“Anisha.” Napatigil ako sa paglalakad nang marinig kong tinawag niya ang pangalan ko. I turned to look at him only to meet his eyes directly looking at mine.
“Y-Yes?” Nanginginig ang boses kong sambit.
Hindi rin naman siya nagsalita kaya akala ko ay wala na siyang sasabihin. Pipihit na sana akong muli nang marinig kong muli ang kaniyang tinig.
“I’m sorry…” he said kaya muli akong napaangat ng ingin sa kaniya.
Nauna na rin naman sina Ate Lanie at Kuya Kiko kaya nagkaroon ako ng kaunting lakas ng loob para harapin at kausapin siya. “Wala ka namang ginawa sa akin para humingi ka ng tawad, e,” I said as a matter of fact.
He nodded as if he’s just trying to convince himself.
“Stop feeling sorry about your imaginary faults. Ako nga ang dapat mag-sorry sa’yo kasi blinock pa kita.” Natawa ako nang maisip kung gaano ako kababaw. “Don’t worry, uunblock na kita. Super clouded lang talaga ako nitong mga nakaraang araw, plus ayokong idamay ka pa. This is my problem kaya dapat lang na ako lang din ang lumutas nito,” I explained na hiling kong sana ay maintindihan niya.
“I was worried,” aniya. I smiled bitterly.
“Thank you for your concern, but I’m telling you, Villafranco. I can handle myself.”
“Iyon din ang kinakatakot ko,” nahimigan ko ang pait sa kaniyang boses. “You can handle yourself pretty well kaya hindi mo na kailangan ang ibang tao, pero paano naman iyong mga gustong tumulong sa’yo? The people who are worried and care about you? Hindi mo man lang ba sila bibigyan ng chance para damayan ka?”
Kumunot ang noo ko sa lahat ng sinabi niya. I tried to process his words pero sumakit lang ang ulo ko habang sumusubok.
“I don’t even think other people care about my problems and struggles in life. You know what, it’s totally fine for me kasi as much as possible, ayokong maging pabigat sa buhay ng ibang tao dahil alam ko naman na lahat ay may piangdraanan. I deal with mine, they deal with theirs. Gan’on ako sinanay ng buhay. I grew up believing that concept, Villafranco kaya ito? I know I can handle this on my own,” diretso kong sinabi habang nakatingin din sa mga mata niyang namumula na ngayon.
We both just stood there for a while. No words, no other distractions, just us.
Then there was me who thought that maybe I should go kaya kailangan ko ng magpaalam. Hindi pa nga effective ang trabaho ko ngayong araw pero heto ako at nakikigulo.
Dapat pala talaga nagkulong na lang muna ako sa kuwarto.
“I should go. Nevermind what I just said, Villafranco. I just live with those morals. Kung baliko man para sa iba, hindi na dapat maapektuhan doon,” I said as I bowed a little and turned my back on him.
Wala na akong ibang narinig kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad. Nakahinga ako ng maluwag nang nakalayo na ako sa kaniya.
Naabutaan ko pang nasa loob at nag-aayos ng ibang gamit iyong mag-asawa sa loob. Kung swerte ka nga naman sa buhay ay naabutan ko pa silang naglalampungan. Tumigil lang sila nang namataan ako.
“Pasensiya ka na…” anilang pareho.
Ngumiti ako sa umiling habang inilalapag iyong dala ko sa kama. It is my first time here. I need to be familiar para kahi paano ay magawa ko naman ng maayos at tama ang trabaho ko simula bukas.
“It’s okay po…” sagot ko sa kanila at itinuon na lang ang atensiyon sa mga dapat kong gawin. Wala naman na roon sa sasakyan na kailangang buhatin kaya babalik na lang muna siguro ako sa villa ko.
Ang liit din talaga ng mundo. Kung sino pa yung mga gusto ko sanang iwasan, iyon pa ang makakasama ko. Not that I don’t want to be with Spade, I just… ugh! Whatever.
Nagpaalam akong babalik na sa villa ko saka ako lumabas. Mabilis ang lakad ko dahil sa takot na baka makasalubong ko si Spade pero malaking joke pala talaga ang buhay ko. Muntik ko ng makalimutan iyon.
There was Spade, nakaupo siya sa nguso ng kaniyang sasakyan— arms crossed on his chest habang malalim na nakakunot ang kaniyang noo.
Hindi naman siya nakatingin kay naisip kong bibilisan ko na lang ang paglalakad, but then that was another epic fail dahil hindi pa man ako nakakapagsimula sa balak ko ay natawag niya na ang pangalan ko.
The next thing I know… he was already standing in front of me asking if I have enough time to talk to him.
Sa tagal kong nag-isip ng sagot, sa wakas ay napapayag ko rin ang aking sarili.
"S-Sure…" I accepted his invite. He nodded his head, and I even saw how he gulped.
I saw his lips stretched for a forced smile. "Sa dalampasigan tayo… okay lang ba?" He asked but I nodded immediately. Siguro nga ay mas maganda kung doon kami dahil walang gaanong tao at mas sariwa ang hangin.
He told me that I should go first and he'll just follow. Ginawa ko iyong gusto niya kahit pa naiilang ako dahil pakiramdam ko ay may dumi ako sa likod. Hindi ko siya nakikita pero nararamdaman kong nakatingin siya sa akin. Binilisan ko na lang ang lakad para makarating na kami sa wakas.
Tumigil ako nang ilang metro na lang ang layo ko sa tubig dagat. Hinahangin pa ang buhok ko dahil hindi ko ito natalian. Mabuti na lang din at naka-pants ako kaya hindi ako namomroblema sa sáyang tatangayin din sana hangin.
"Dito na ba?" Tanong ko bang makaharap ako sa kaniya. My arms were crossed on my chest. I watched him watch me.
"Yeah…" he said. Mabuti naman. Medyo wala kasi ako sa mood maglakad-lakad, e.
"Ano ba 'yong sasabihin mo or yung pag-uusapan natin? It is something serious o na-miss mo lang talaga ako?" Siyempre iyong dulo ay biro ko lang. Para naman gumaan iyong atmosphere sa pagitan namin. Nasa harap nga kami ng dagat pero pakiramdam ko ay kinakapos pa rin ako ng hanging sa dibdib kapag naiiisip kong kaming dalawa lang ang narito.
He stared at me for a while before he finally spoke. "You're right…" he begins. "I fvcking miss you, Anisha," aniya. Bahagya akong natigilan dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung first time ko ba siyang marinig na magmura pero bakit naman may murahang nagaganap? Akala ko ba mag-uusap lang?!
"Na-miss din naman kita, lalo na iyong kakulitan mo. Huwag kang mag-alala, nandito ka na rin naman, e. We'll see each other often… as in everyday all day." I chuckled after saying that line. Bigla tuloy gumaan iyong pakiramdam ko.
"Pero ano nga kasi? Ano'ng pag-uusapan natin?"
I heard him let out a deep sigh. Lumamlam ang kaniyang mga mata nang ibaling niya ang mga ito sa akin. He also looked pale and his lips are kind of dry. Nagsalubong ang aking kilay at kalaunan ay lumapit sa kaniya para sapuhin ang kaniyang noo dahil baka may lagnat siya o ano. Pagod 'to, e. Dapat nagpapahinga pa muna siya bago niya ako kinausap.
"Pagod ka sa siguro sa biyahe at sa trabaho mo tapos kakausapin mo pa ako? Bukas na lang kaya? You don't look fine din kasi…" puna ko. Napansin ko na rin ito kaninang dumating siya pero mas inuna ko pa iyong pag-iwas sa kaniya, pero ngayong natanto kong hindi ko naman daoat siya iwasan ay mas napansin ko kung gaano siya katamlay.
"I'm fine. I just wanna be with you. I missed you…" ulit niya.
Ngumusi ako para itago ang kabang nararamdaman.
"Oo na. Alam ko naman 'yon. Ikaw pa ba? E, ang clingy mo kayang tao. Hindi naman 'yon nakakagulat sa'yo," I said kahit na kulang na lang ay lumabas na sa dibdib ko iyong puso kong ayaw kumalma.
"Can I request something, though?" Aniya sa mahinang boses.
"What is it?" Kaagad kong tanong. Sa lagay niya kasi ngayon, parang ang hirap niyang tanggihan kaya kahit ano sigurong hilingin niya ay gagawin at ibibigay ko basta kaya at hindi labag sa loob ko.
"Puwede ba akong magpahinga kasama ka?"
Diretso niya iyong sinabi sa akin kaya naman nasamid ako sa sarili kong laway. Ilang beses din akong napakurap kurap habang sinusubukan kong i-process iyong sinabi niya.
"H-Ha?" Was the only word I could ever utter. "Bakit… kasama pa ako? Can't you rest without me?" I cleared my throat, trying to regain myself from the shock I felt from his words earlier.
"I'll recover faster when I'm with you. Please, Ashi?" He pleaded and that's when I gave up. Palibhasa alam kung paano ako kunin, e. Ang unfair ng lalaking 'to!
I blew a deep sigh. Umirap ako bago sinabing, "Fine."
He smiled. Nagulat ako noong bigla niya akong hinila palapit sa kaniya para yakapin ng mahigpit. Ang init niya! Baka lagnatin pa ito ng tuluyan dito.
"Thank you…" I can hear how happy he was kahit na iyong boses niya ay halata namang may sakit siyang nararamdaman.
"Oo na. Halika ka na sa kuwarto mo para makapagpahinga ka na. Ang init mo kaya. Niyakap mo pa ako, e nakakapaso ka na. Bukas na tayo mag-usap. Magpahinga ka na…" sabi ko at halos hatakin na siya dahil nakatingin na naman siya sa akin. Paborito niya talaga 'yon, e. Ewan ko ba sa isang 'to. Para namang isang dekada kaming hindi nagkita.
Sa wakas naman ay nakarating din kami. Kung hindi ko pa sasabihin na humiga na siya ay hindi niya pa gagawin. Sinabi kong uupo lang ako sa sofa sa tabi ng kama niya pero abusado talaga. Gusto pa ay sa mismong kama ako uupo!
Mabuti na lang at may libro doon kaya may pagkaka-abalahan ako habang binabantayan ko siyang matulog. Bahala na kung hindi ko na maramdaman iyong mga hita ko mamaya dahil doon siya nakaunan. He looks really vulnerable at the moment kaya titiisin ko na lang ito.
As I was reading the book, hinahagod ko rin iyong buhok niya. Mula roon ay ramdam ko iyong init niya. Pinainom ko na rin ng gamot kanina pero parang mukha namang walang talab. Sana ay gumaling na siya kasi ang hirap pa namang alagaan ng mga ganitong edad. Lalo na siya kasi gusto niyang palagi akong nasa tabi niya.
I heard him groan in pain. Napabaling kaagad ako sa kaniya.
"Spade…" I called his name as I gently tapped his cheek. Tumigil naman siya pero nag-aalala pa rin. Kapag di pa to umayos bukas, dadalhin ko na sa ospital. Hindi ko alam kung may sakit na ba siya bago siya pumunta rito o talagang dahil na sa pagod niya.
Hindi ko na muna itinuloy iyong binabasa ko dahil gusto ko siyang matutukan. I just want to be hands on in taking care of him.
"Anisha…" I heard him say kaya mas naging alerto ako.
"Yes? Nandito lang ako…" Sabi ko kaya muli siyang tumahimik.
Namumula na rin siya at hindi pa rin nababawasan iyong init sa katawan.
"What if dalhin na kita sa ospital. You're so hot," nag-aalala kong sinabi.
I heard him chuckle as he said, "Matagal na akong… hot."
I wanted to pinch his cheek pero pinigilan ko ang sarili ko at pinaalala na may sakit siya.
"Pero hindi nga kasi ako nagbibiro, Villafranco. Ang taas ng lagnat mo."
"No. Let's just stay here. Kaya ko naman. Don't worry too much for me, okay? I prefer being here with you than being in a hospital… gagaling na ako bukas basta nandito ka lang," he whispered but I was still not assured. Kapag talaga ganito pa sa susunod na isang oras, sa ayaw at sa gusto niya dadalhin ko na siya sa ospital.
I was in the middle of worrying and battling with myself when I felt him reached for my hand pagkatapos ay niyakap niya iyon na para bang doon siya humuhugot ng lakas. I felt a soft caress on my heart as he did that.
"Kahit dito lang, Ashi… please stay with me. I want to treasure this moment before you get at me for a lifetime," aniya na siyang gumambala sa isip ko.
What does he mean by that?