CHAPTER 06

4464 Words
Anisha "What are you doing here?" Tanong ko kay Kuya nang isang araw ay naabutan ko siya sa labas ng bahay. Hindi ko napigilang kabahan dahil may hinala na ako kung ano ang dahilan kung bakit siya naroon. "Anisha," he called my name and it sent shiver down my spine. "Kung pauuwiin mo lang din ako, my answer is no, Kuya. I will never step in to that house again until they understand what I'm trying to point out. Na hindi ako bagay para ipalit o ibenta para sa pansariling kagustuhan nila," paninindigan ko. I made a promise to myself na kahit anong mangyari ay hindi na ako babalik doon. O kung manunumbalik man ako, iyon ay dahil natanto nilang tama nga ako. "Gusto kang makita ni Papa…" he said. But my decision is final. "No, Kuya. Leave me alone here. Hindi ako nanggugulo sa inyo, you should do that to me too." Humugot siya ng malalim na buntonghininga. "Are you gonna stay like this forever, Ashi?" He asked. "Kung kailangan, oo." I firmly said before walking past him. Bastos ba kung bastos pero sinaraduhan ko na siya ng pinto. Kung usapang bastos lang naman ang pag-uusapan, di hamak na mas bastos sila kesa sa akin. I took a deep breath as I slid down with my back on the door. Napahilamos ako ng dalawang kamay sa aking mukha. I closed my eyes in frustration. Ni hindi ko nga alam kung kailan ba nila makukuha nag gusto kong ipaglaban. They always think that they are right. Walang puwang ang ibang tao, kait pa mga anak nila sa pagbibigay ng mga opinyon. That is how cruel they are. “Anisha,” pagtawag niyang muli. Akala ko ay umalis na siya. Iyon pala ay hindi pa. “Go home, Kuya. I will not go with you. Tell that to our parents,” I replied to him. Masakit din naman para sa akin na unti-unting nasisira ang relasyon naming magkakapatid dahil sa kagustuhan ng mga magulang namin. We used to be allies. Ngayon pakiramdam ko ay kalaban na namin ang bawat isa. “If you don’t want to go home, you better hide yourself, Anisha. May plano na ang mga magulang natin na kung hindi kita maiuuwi, they will force you to.” Nanlaki ang mga mata ko sa gulat dahil sa sinabi niya. “Why are you telling me this?” “Because I don’t want you to be miserable in your entire life because of me. I’m giving you a chance to escape dahil ayokong makita ka na palaging umiiyak. Ayokong ipilit kung ano man ang hindi mo gusto, Ashi,” he said that made my heart ache. Nag-unahan sa pagtulo ang aking mga luha. I don’t know, pero pakiramdam ko ay kaunti na lang ay mawawala na ako sa aking sarili. Ilang minuto rin akong hindi nakagalaw bago ako tuluyan natauhan. If that’s true, then I must pack now. “I’ll leave now, Ashi. Hindi na lang muna ako uuwi paa hindi rin sila magpadala ng mga tao rito para damputin ka. I wish you good luck, little sister…” aniya ngunit nawalan na ako ng boses at mga salita bilang tugon sa kaniya. Binilisan ko ang bawat kilos ko. Simula ngayon, alam kong hindi na ako magiging kasing laya ng dati. From now on, I need to conceal myself. It sucks so much to have a parent like them. Hindi ko pa hiniling noon na sana ay ampon na lang ako, pero ngayon, the urge is too strong. My phone’s ringing too pero hindi ko na muna sinasagot. Be it Fiona or Spade, kailangan ko munang itago ito, walang dapat makaalam. When everything'sready ay pinasadahan ko ng tingin ang buong apartment sa huling pagkakataon bago ko tuluyang inilagay ang mga gamit ko sa sasakyan. I don’t know kung saan ako pupunta ngayon. Ayoko namang kina Fiona dahil ayokong maging pabigat o sagabal Isa pa, ayoko na siyang idamay sa gulong ‘to. Alam kong may mga sarili din siyang problema kay ayoko ng dumagdag. “I should really look for a place,” I whispered to myself. Pati trabaho na rin. Gosh, I can’t just sleep on the streets. Delikado at… oh my goodness! Ipinarada ko muna ang sasakyan ko sa isang tabi para mas makapag-isip. Kailangan kongmaging aware sa paligid ko dahil baka mamya ay bigla na lang din akong damputin ng mga tauhan ng mga maglulang ko. When I heard my phone rang, kaagad akong napalingon doon. It was Spade. Noong una ay wala akong balak na sgutin iyon, ngunit kalaunan ay naisip kong sagutin na lang din dahil baka may kung anong sasabihin. I also need to distract myself from all of these. I need to chill down. "Yes?" bungad ko, ngunit walang nagsalita. I checked kung connected ba iyong call nang wala pa ring sumasagot. Connected naman. "Helo..." sabi ko ulit. "Where are you?" Tanong niya kay nagulat ako. "Why?" Balik ko sa kaniya. "I'm outside your apartment and the guard here said you left," his voice was firm. can almost hear his frustration. "Ah... umalis ako dahil ayaw na kitang makita," I said, but of course it was a lie and a joke. "I'm dead serious, Anisha. Where are you? Pupuntahan kita. I'll help you look for a plce to stay in," he offered but I shook my head as I smiled bitterly. "I can do this, Villafranco. Do'nt you worry for me too much. You don't know how much I'm prepared for this," I arrogantly said. Talaga ba, Anisha? Prepared? Saan banda? Kung handa ka, bakit namomroblema ka sa tutuluyan ngayon? I can't help but to scold myself. Kulang na lang ay iuntog ko ang saril ko sa steering wheel ng sasakyan ko. I was just to careless. Pakiramdam ko kasi... lahat ay kaya ko, kaya palagi akong problematic. "I can do this," I said one last time. Narinig ko pa siyang nagsalita bago ko tuluyang ibinaba iyong cellphone. Muli akong napangiti ng mapait. Thank you, Villafranco for everything that you did for me. I will never forget you. *** I received a lot of text messages and missed calls just from him, pero hindi ko pa rin magawang sagutin iyong mga tawag niya o kahit mag-reply man lang sa mga text niya. Kaya sa huli ay nagdesisyon akong i-block na lang iyong number niya. I drove my car even without knowing where to go. Pumarada lang ako nang nagutom at nawalan na ng pakialam kung karinderya pa iyon. Hindi na rin naman mahalaga pa kung saan dahil kailangan ko ring magtipid, kesa naman sa isang mamahaling restaurant ako kumain pero wala na akong ipangkakain sa susunod. Heck, I’m even thinking of working in a club as a waitress kung kinakailangan, but I know my limits. Kapag sinabi kong ganoon, hanggang doon lang talaga ako. I ordered a food and ate as fast I could. Nangangapa pa ako noong una dahil first time ko, pero mabuti na lang at mabait iyong may-ari ng karinderyang napasukan ko. When I was done ay bumalik na ako sa sasakyan ko. Bago ako umalis ay binilang ko muna iyong perang natira na lang sa akin. Napangiwi ako nang makitang kulang sampung libo na lang iyon. Fvck this life. I really should hurry up in getting a job dahil baka sa kalsada ako pulutin. Kung puwede ring ibenta ko na itong sasakyan ko sa murang halaga, then be it. For now, I need to find a decent house to stay and a job to keep me for a living. After almost 2 hours of driving, may nakita akong isang karatula na naghahanap ng bed spacer. I got out of my car at hinanap iyong may-ari. Isang libo raw ang isang buwan, hindi pa kasama iyong tubig at kuryente. Palihim akong napangiwi. Nakita ko rin kasi iyong iba pang mga makakasama ko at hindi naging maganda ang impression ko sa kanila, not to mention na iyong iba pa ay lalaki. Sa huli ay nagpasalamat na lang ako. Titingin na lang ako ng iba pa at baka may mas mura pa naman doon. Napapagod na ako kaya huminto muna ako sa isang tabi. Hindi ko rin namalayan na nakatulog ako kaya hapon na noong nagising ako. I continuously cursed myself dahil nagaagaw na ang liwanag at dilim pero hindi pa ako nakahanap ng tutuluyan. Hindi naman ako puwedeng mag-check in dahil talagang mauubos ang pera ko. Nagugutom na lang din ulit ako pero wala roon ang atensiyon ko dahil mas importante na makahanap muna ako ng mauupahan. I was in the middle of driving nang tumunog iyong cellphone ko. Hinayaan ko iyong mag-ring ng ilang segundo dahil hindi ko pa magawang lingunin, but when I got the chance, I saw that it was Fiona. I swiped the answer button and immediately spoke. "I'm driving. Sorry hindi ko kaagad nasagot. What is it?" Diretso kong sinabi. "Ano 'tong narinig ko sa Kuya mo na you left daw sa apartment mo? Okay ka lang ba? Nasaan ka? Punta ka rito sa bahay o kaya sa condo ko na lang muna ikaw mag-stay. Galing na roon mga Kuya mo and for sure na 'di na sila babalik doon," sabi niya na parang gan'on nga kadaling gawin iyong sinasabi niya. I know my brothers. Mga sunud-sunuran iyong mga iyon sa parents namin. Palakasan. "As much as I want to, Fiona, ayoko rin dahil ayokong idamay ka rito. Thank you for the offer, but I'll say no this time…" I heard him blew a deep sigh. "Okay then. Just tell me na lang pala kung saan ka, okay? I'll do my best to visit you regularly," she said and U nodded. "Sure. For now, naghahanap pa ako ng tutuluya—" "Uy sakto! I know a place. Kung gusto mo roon ka na lang. Uhm… malayong kamag-anak nina Mommy, pero they are kind and… and maganda sa place nila kasi malapit sa beach. One thousand— I mean five hundred daw a month kasama na tubig at kuryente." When I heard that from her, I felt hope. Halos magbunyi ang buong pagkatao ko sa sinabi by kaibigan ko. She sent me the address and I wasted no time. Kaagad akong nag-drive patungo roon. Gabi na rin nang nakarating ako roon. I was accommodated by a middle aged woman who seem nice. Nasabihan na raw siya ni Fiona na darating ako kaya hinintay nila ako. She escorted me to the house kung saan ako manunuluyan at malaglag na lang ang panga ko sa gulat nang nakita ko iyon. Sure ba si Fiona na limangdaan lang 'to?! E, mas malaki pa 'to kesa sa dati kong apartment! "Uhm… ate, sure po kayo ba ito 'yon? Bakit parang ang laki naman po for five hundred pesos?" Nahihiya man ay nagtanong na ako. "Ay opo, ma'am. Mura po kasi iyong may-ari nito, gusto lang po na may tumira rito para maalagaan naman po kahit paano," she answered. Napatango ako pero hindi pa rin tuluyang kumbinsido. "Kung hindi niyo ho mamasamain at kung puwede lang pong malaman, nasaan po ba iyong may-ari po nito?" Pakiramdam ko ay deserve ko namang magtanong. Malay ko ba kung kaya mura 'to dahil may multo pala rito o ano. Pero sa tingin ko naman ay hindi ako ipapahamak ng kaibigan ko. "Marami kasing bahay iyong amo ko, ma'am. Minsan na lang iyon magawi rito. Mabait naman po 'yon at saka binilinan po kami na iyong bayad niyo raw po ay personal niyo na lang pong iaabot sa kaniya kasi gusto niya rin naman daw po kayong makilala," nakangiti niyang sinabi. I nodded and tried my best to not ask for further questions. Mukha rin naman siyang mabait, but I am not giving my full trust. "I-lock niyo na lang po iyong bahay, ma'am kung sakali. Naroon na rin po iyong mga susi." Itinuro niya iyong mga susi na nakalapag sa maliit na lamesa. Tumango ako. "Salamat po." "Walang anumang, ma'am. Kung kailangan niyo pa po ako, tawagin niyo lang po ako. Ako po kasi iyong asawa ng caretaker dito. Tapos po puwede po kayong maglakad lakad sa dalampasigan kung gusto niyo po. Mababait po ang mga tao rito. Sinisiguro po namin na ligtas po kayo rito," aniya bago siya tuluyang nagpaalam. Naiwan ako roon na mag-isa habang sinusuri ang buong bahay. Sigurado ba talaga ito? Kumpleto sa gamit. May refrigerator, aircon, stove, kuwarto, at shower sa halagang five hundred? It's just too good to be true. I can't help but be doubtful about this, pero wala na akong panahon para maging maarte pa dahil wala na rin akong sapat na pera. I should just be thankful at magdasal na sana ay magkasundo kami nung may-ari para magtagal ako rito hanggang sa makaipon na ako ng sapat na pera para bumili ng sarili kong bahay. *** I woke up feeling fine the next day. Wala namang kakaiba kagabi. It was just another peaceful night for me, but I know I should still be careful. Paglabas ko ay naabutan ko iyong asawa ng caretaker sa labas. Hindi ko pa pala alam ang panglan niya. Al I know is that she is a trusted personel here. “Magandang umaga, Ma’am!” she greeted when she saw me. I smiled and greeted her back. “Kamusta naman po tulog niyo, Ma’am? Maayos naman po ba?” Tanong niya na sinagot ko rin. It made me happy to know that the people here are kind. well, base iyon sa nakikita at nararamdaman ko, pati na rin naririnig ko mula sa kausap ko. “Nakalimutan ko po palang magpakilala po kagabi. Ako po si Anisha…” I introduced myself, hoping that she’d introduce herself too. Mabuti naman at ginawa niya rin. “Ay nice to meet you, Ma’am Anisha. Ako naman po si Lanie. Iyon naman pong asawa ko, Kiko po ang pangalan. Paningisda po ang ikinabubuhay namin dito kaya pasensiya na kung minsan ay may malansa kayong maaamoy,” paghingi niya ng tawad. “Nako… ayos lang po,” sabi ko. “Tapos po pala, ate Lanie. Uhm.... kailan po ba magagawi rito iyong boss niyo po? Baka po kasi magastos ko iyong pamabaad ko sa upapa po. Lalo pa at wala pa po akong nahahanap na trabahong puwedeng mapasukan,” I admitted. Baka kasi bigla kong kailanganin iyong pera tapos maubos. Magbabayad na ako ng advanced payment or three months para sure na. Makakapaghanap naman siguro ako ng trabaho by that time. “Siguro po by this week, Ma’am. Tapos trabaho po ba kan’yo? E, kung hindi naman po ninyo natataong ay hiring kami ng tagadilig sa hardin ng villa na ito. Tapos kaunting linis na rin po sa kuwarto ng boss namin. Hindi rin naman po iyon nagagamit pero nililinis pa rin po lalo na kung nandito po siya.” Nagliwanag ang mga mata ko sa sinabi niya. I guess I wasn’t unlucky at all, huh? “Iyong sahod po pala is eight hundred po sa isang araw.” Nagulantang ako sa narinig kong iyon. “Seryoso p-po ba kayo riyan. Ate?” Tanong ko dahil baka dinodogshow lang pala niya ako. “Oo naman, Ma’am. Kulang kami kasi sa tao. Tapos gusto ni Sir ay naaalagaan po ng mabuti iyong mga halaman lalo na po iyong mga bulaklak kasi iyon daw po ang bumubuhay sa villa na ito,” sabi niya. Para akong aso na sunod-sunod na tumango habang nakangiti. Tinanggap ko iyong trabaho dahil malaking tulong iyon sa akin. Plus the tasks were not that hard. I may be born rich, but I know how to do simple chores. “Kailan po ba ako pwedeng magsimula po?” “Kahit bukas na po. Ngayon po ay puwede po muna kayong maglibot-libot po para mas maging pamilyar po kayo sa lugar na ‘o,” payo niya. It felt like someone just softly caressed my heart. I was in awe with all the things I am experiencing. Kagaya nga ng sinabi ni ate Lanie ay naglibot muna ako. All in all pala ay may limang tauhan sila sa villa na ito. Nagsisilbi rin daw itong rest house ng may-ari lalo na kapag summer. Mayroon pa rin namang ibang mga bahay sa paligid, pero siguro ay iilan lang iyong kasing laki nitong villa na ito. Libre rin naman daw ang pagpasok dito noon, pero nilimitahan lamang noong my mga batang naninira sa mga halaman. Sa dalampasigan ako nagtagal dahil hindi ko maalis ang aking mga mata sa kulay asul na dagat. Napakapayapa at tila ba hinahatak ako nito palapit sa kaniya. She sound of the waves calmed me. When the wind blew my dress and my hair, it felt like I heard my favorite lullaby. Everything here's just so peaceful. It made me feel like I was in a world where problems don't exist. Bakit ba ngayon lang ako napadpad dito? "Nakatira ka po sa bahay na 'yon?" Naantala ang aking pag-iisip nang nakarinig ako ng munting tinig sa tabi ko. Kaagad akong lumingon at nakita ang isang batang babae na naghihintay sa sagot kong hindi ko pa alam kung saan ko huhugutin dahil sa pagkabigla at paninitig sa kaniya. She looked so innocent. Naalala ko tuloy di Charlotte. "Uhm… oo, pero hindi ako ang may-ari," sagot ko nang sa wakas ay nakabawi na. Napakurap kurap siya pagkatapos ay sinuri ako gamit ang kaniyang mga mata mula ulo hanggang paa. "Kaano-ano mo po iyong may-ari?" Muli niyang tanong. Napalinga tuloy ako sa paligid sa pagbabakasakaling makakuha ako ng sagot doon at nang walang dumating ay yumuko ako para magpantay ang lebel ng mukha namin ng bata. "Hindi ko siya kilala, pero ang alam ko… mabait siya. Ikaw ba? Saan ka nakatira?" Tanong ko naman pagkatapos kong sagutin iyong tanong niya. "Taga d'on po ako." Itinuro niya ang isang bahay na medyo kalayuan sa amin. Ni hindi nga rin ako sigurado kung iyon ba mismo ang bahay nila o doon lang banda. "Ah…" Tumango ako. "Ang ganda niyo naman po. Akala ko tuloy asawa ka ni kuya pogi," she uttered. "Palagi yung nakikipaglaro sa amin kapag nandito siya, e. Binibigyan niya rin kami ng pagkain tapos tinuturuan niya kaming lumangoy sa dagat tapos sa swimming pool sa loob ng bahay niya…" Malungkot ang tono ng kaniyang tinig nang sambitin niya ang bawat salita. Hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng lungkot para sa bata. They must be so close. Mukhang talaga ngang napamahal na iyong may-ari ng villa sa kanila. "Babalik na rin 'yon. Huwag ka ng malungkot, okay?" Alu ko sa kaniya habang marahang hinahaplos iyong likod niya. "Paano niyo po alam?" Natawa naman ako. Ang bilis naman magbago ng mood nito. "Iyon kasi ang sabi sa akin. Kapag bumalik iyon, malalaman mo naman kaagad kasi hahanapin kayo n'on," dagdag ko pa para mas gumaan iyong pakiramdam niya. Hindi ko naman kilala iyong tinutukoy niya pero base sa kuwento ng mga taong nakilala ko rito, mabuting tao kung sino man iyon. "Sigurado ka pong hindi ka niya asawa, ate? Crush ko kasi yun si Kuya pogi pero payag na rin ako kung gerlpren ka niya o asawa kasi maganda ka naman tapos mukhang mabait ka rin." Kumunot ang noo ko habang nagpipigil ng tawa dahil sa narinig kong iyon mula sa bata. Seryoso ba siya? Ano'ng asawa o girlfriend? Last time I checked, wala akong gan'on. "Hindi ko siya asawa o kahit boyfriend man lang tapos no hindi ko nga siya kilala kaya paano mangyayari iyon?" Nagkibit balikat siya. "Hindi ko po alam. Basta po gusto ko kayo ni Kuya pogi. Bagay po kayong dalawa. Parehong maganda at pogi," aniya. I shook my head as I laughed. Ginulo ko na rin iyong buhok niya. Lokong bata ito. Inireto pa nga ako sa kung kanino. Kung hindi pa tinawag ng kanyang ina ang bata ay hindi niya pa ako iiwan. Natutuwa naman ako sa kanya iyon lang ay kung ano na lang ang nasasabi. Ilang sandali pa rin akong nanatiling nakaupo lamang sa dalampasigan bago ako muling bumalik sa villa. I got into my room and saw that it was already nine in the morning. Gusto ko sanang maligo sa dagat pero naiisip kong sa susunod na lang siguro. I am free to use anything here dahil iyon ang bilin ni Ate Lanie. Kaya sa tuwing naiisip kong limandaan lang ang ibabayad ko sa isang buwan ay nagugulat pa rin ako. When I was done showering ay lumabas muna ako paramaghanap ng makakain. Doon ko lang din natanto na hindi panga pala ako nagaagahan. “Saan po lakad, Ma’am?” Dinig kong tanong ni ae Lanie. Kasama niya iyong hinuha kong asawa niyang si Kuya Kiko. “Bibili lang pong pagkain sa labas,” sabi ko. “Ay, Ma’am. Nakalimutan ko pala sabihin na kapag po empleyado ka po rito ay libre po ang pagkain at lahat. Kaya halika na po. Malapit na rin naman pong maluto iyong ulam po nating munggo at pakbet. Kumakain ka ba ng gan’on, Ma’am?” My mouth watered when I heard what she just said. Paborito ko iyong mga iyon dahil iyon din ang madalas na niluluto ng mga kasambahay namin noon. Pero nakakapagtaka na talagang lahat ay libre gayong hindi naman ganoon kahirap iyong trabaho ko. Ano ‘yon? Nagsasayang ng pera ang boss nila, gan’on? O baka namna talagang mayaman at ggusto niya ng pulidong gawa kaya mataas ang pasahod at grabe ang benefits? O baka naman ignorante lang ako? Hay nako… magging thankful na nga lang ako. “Pero hindi pa naman po ako nagsisimulang magtrabaho po,” sabi ko nang natantong bukas pa effective lahat ng mga benepisyo. “Huwag niyo na rin po akong tawaging “Ma’am” dahil magiging employee rin naman po ako rito,” I added. Nagkatinginan sila ni Kuya Kiko na para bang naisip nilang tama nga ako. Bukod kasi sa nakakahiya, may iba pa rin naman akong bibilhin buod sa pagkain. “Salamat pa rin po sa offer po,” I tried my best to not sound rude. “Hindi ka na po ba namin apipilit, Ma’am— ay este Anisha?” Bakas sa tinig niya ang lungkot. “I’d like to have a taste of po. Pero kailangan ko pa rin pong umalis dahil may mga bibilhin din po kasi akong iba pa pong kakailanganin po,” I told them. “Ay sige pala. Titirhan ka na lang namin kung ayaw mong kumain muna. Huwag kang mag-alala kasi wala namang lason ang mga pagkain dito…” sabi niya. Now that she said it, napaisip tuloy ako. Pero hindi. Fiona won’t send me to this place kung alam niyang delikado. Nagpaalam na muna ako sa kanila bago ako tumulak. Malapit lang naman pala iyong bilihan pero sa tingin ko ay hindi ko kayang lakarin dahil sa init. Luckily I have a car at hindi ko na rin ito ibebenta dahil may trabaho na ako. Para tuloy akong nabunutan ng tinik sa lalamunan. Mabuti na lang din at hindi gan'on ka-traffic plus nakahanap kaagad ako ng parking space. When I got out of the car, mabilis akong pumasok sa convenient store para makabili ka kaagad. Nasa isip ko na talagang i-spend ang money ko in a smart way. Babawi na lang ako sa sarili ko kapag maayos na iyong sweldo ko at sigurado na. Sa ngayon at magtitiis na muna ako sa kung ano meron ako. Ang importante ngayon ay maayos na ang lagay ko at may natutuluyan na ako sa ngayon. Bumibilib na rin kasi ako sa sarili ko dahil naisip kong siguro ang mga napagdaanan ko ay siyang nakapagpatatag sa akin at nagturo sa akin ng disiplina. After I paid for the bill, I immediately got out of the store. Bumili na rin ako ng mga pagkain para sa isang linggo. I grimaced when I saw my balance. Pero hahayaan ko na nga lang dahil may sigurado naman na akong pera para sa susunod na buwan ng pananatili ko sa villa. That’s what matters the most. It was almost eleven when I got back from the store. Inayos ko iyong mga pinamili ko bago ako nagluto ng sarili kong pagkain. I was in the middle of eating when I heard a knock on my door. Natigil ako sa pagnguya bago ako tuluyang tumayo para pagbuksan si ate Lanie. When I opened the door, I was greeted with a grin my her. “Yes po?” I asked. “Ihahatid ko lang iyong pagkain mo. Tapos si sir daw ay darating na mamayang gabi o mas maaga pa,” aniya kaya medyo nabuhayan ako ng loob. Finally ay maibibigay ko na iyong bayad ko. I was really worried I’d spend the money into something else. “Ay sige po, ate. Lilinisan ko na ba ngayon iyong kuwarto ngayon? Or puwede naman pong bukas na?” Tanong ko para makasigurado. Sinabi niyang kahit bukas na lang daw kasi iyon ang bilin sa kaniya ng amo nila. I was really curious about the identity of their boss. I was looking forward to meeting him, really. After she left, I continued eating my food. Tapos naisip kong matulog mamaya dahil natapos ko naman na kahapon ng lahat ng kailangang kong tapusin para naman kahit paano ay makabawi pa ako bago magtrabaho bukas. Pagkatapos ko raw namang gawin iyong sinabi niyang gagawin ko ay puwede na raw akong magpahinga. Ate Lanie also said that I am free to choose kung pipiliin kong arawan, kinsenas, o buwanan ang sahuran sa akin. Puwede rin daw akong mag-advance ng sahod lalo na kung kailangan ko. As planned, I slept to reagain my energy kahit na wala naman akong ibang ginagawa kahapn at kanina. I just to do this is a right way para kahit paano naman ay magtagal talaga ako. I woke up at around four feeling fine. I feel recharged. Lumabas ulit ako para tanungin kung ayos lang ba na kahit anong suotin o may uniform ba na kailangang sundin. I was in the middle of searching for ate Lanie o kahit na sinong puwedeng mapagtanungan when I saw a familiar figure who was standing at the entrance of the villa. Mukhang kabababa niya lang sa kaniyang sasakyan dahil hindi niya pa nga naisarado iyong pinto niya. My heart raced faster. I wanted to move but my body just can’t! Just what the heck was happening? What is he doing here? Is he stalking me?! “Nandiyan na pala si Sir, Anisha. Sabi niya kasi mamayang gabi pa. Halika… ipapakilala kita sa kaniya,” she said which made my jaw drop. Lalo lang akong kinain ng lupa kung nasaan ako nakatayo. I just can’t process what’s happening! Alam ba ni Fiona ang tungkol dito? Dahil kung oo… lagot sa akin ang babaeng iyon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD