Alas singko na ng hapon at uwian na ng mga trabahador niya. Nang tingnan niya ang kapatid na si Shikaya. Tulog na ito. Salamat naman at tumahimik na ito.
"Nii-chan!" sambit ni Shimon na kakapasok lang ng opisina niya. Tiningnan niya ito ng masama. "Gomen!(sorry!) Ah.. Pwede ko bang ihatid si Elaiza sa kanila?" tanong ni Shimon sa nakakatanda niyang kapatid. Umiling siya.
Kung gusto talaga ni Shimon na ihatid si Elaiza. Hindi na ito pupunta sa kanya para hingin ang permeso niya. Pero, dahil nakakatanda siyang kapatid kaya umiling siya. Nako! Baka may makaaway ito 'do'n. Basagulero pa naman ito. Nako! Mahirap na.
"Ako na ang maghahatid sa kaniya. Samahan mo si nee-chan mamaya sa dinner meeting kay Mr. Cuevas." sabi niya at tumayo siya sa kinauupuan. Salamat naman at makakatayo siya kahit konti.
"Si Mr. Cuevas? Iyong matandang binatang lalaki palagi na sinasabi ni nee-chan na sobrang mahangin?" tukoy nito sa matanda. Tumango siya.
"Yup! Siya nga. So, accompany him for tonight kahit ngayon lang okay?" tumango na lang si Shimon. May magagawa ba siya? Kahit may magagawa siya, kahit spoiled siya. Hindi niya kayang hindian ang kuya niya.
Ang kuya niya palaging nandiyan kapag wala ang mga magulang niya. Ang kuya niyang palaging nagsosolba ng gulo kapag nasangkot na naman siya gulo. Siyaka isa pa, minsan lang ito humingi ng pabor sa kaniya kay palagi niya itong pinagbibigyan.
Lahat naman ng ginagawa nito ay para din naman sa kanya. "Sige. Ikaw ng bahala kay nee-chan at gagamitin ko muna ang sasakyan niya. Mag-taxi na lang kayo okay?" tumango siya at tinapik siya sa balikat ng kapatid.
Naglakad na ito palabas ng pinto at naiwan siya.
Habang naglalakad si Shino patungong housekeeping department. Bumabati sa kaniya ang mga empleyada niyang babae na nadadaanan niya sa pasilyo.
Nangangati na naman siya at kailangan niyang uminom ng gamot bago siya magmamaneho ng sasakyan. Gusto niyang makita ang lugar kung saan nakatira si Elaiza.
Nang makarating siya sa baba ay agad siyang dumiretso sa canteen ng building at bumili ng tubig. May baon naman siyang gamot. Nang makainom na siya ng gamot ay medyo gumaan ang pakiramdam niya.
Sa dami-dami ng pwedeng maging allergy ang dust allergy pa ang napunta sa kaniya. Malas na buhay. Agad siyang lumabas ng canteen at naglakad patungo sa housekeeping department quarters.
Nakita niya ang head na kakalabas lang din ng department nito. "Shino-sama. What are you doing here? Bawal ka dito nakakasama sayo. Maraming alikabok dito." Tiningnan niya lang ang head at ngumiti pagkatapos.
"It's okay head, don't worry about me okay? I'm fine. Nakainom na ako ng gamot ko. Si Elaiza, nandito pa ba?" tumango ito. "Okay thank you." At nilagpasan na lang niya ito pumasok na ng tuluyan at nakita niyang nag-aayos ng gamit si Elaiza. "Hai Elaiza." bati niya.
Napalingon agad ang dalaga sa kaniya na may pagtatakang mukha. "Sir. Anong ginagawa niyo dito?" tanong nito sa kaniya.
Ngumiti lang siya dito. "Ihahatid na kita sa inyo." offer niya.
"Po? Nakakahiya naman sa inyo. Diba po may meeting kayo?" tanong nito. Nang makita niyang na-zipper na ang bag nito ay agad niyang kinaladkad si Elaiza palabas ng quarters.
"Boss! Dahan-dahan naman!" sabay bawi niya sa kamay niya na hinahawakan ni Shino. "Anong problema mo't nangangaladkad ka ng tao?" tanong niya dito. Naguguluhan pa din kasi siya sa inaasta ng boss niya. Anong problema nito at ako ang pinuwersyo? Hindi ba nila alam na simula pa kaninang tanghali ay kinaladkad na ako ng kapatid niya?
Hindi ba nila napapansin na masakit na ang braso ko? Nang makarating sila sa parking lot ay pumasok agad siya sa kotse na ginamit nila pabalik sa building nito.
"Boss! Sabihin mo nga, may lagnat po ba kayo? Anong problema niyo't naisipan niyong ihatid ako samantalang ito ang una ko sa trabaho? May nakain ba kayong kung ano? Siguro natinik kayo no?" sunod-sunod na tanong ni Elaiza kay Shino pagkapasok nito.
"You know what? Your so talkative." sabi niya sa dalaga. Hindi niya din kasi maintindihan ang sarili kong bakit niya gustong ihatid ang dalaga sa bahay nito? Gusto niya lang makita kong saan ito nakatira, or may gusto pa siyang malaman tungkol dito?
Alam niya sa sarili niya na kailangan niyang pigilan ang sarili sa mga taong katulad niya. May puso naman siya lalo na sa mga mahihirap na katulad ni Elaiza. Pero, mahirap ibalik dahil niloko na siya ng isang beses sa taong pinagkakatiwalaan niya.
Alam niya kung anong feeling. Kaya nais niyang ibalik iyon kaya ito lang ang way. Kahit tanggap niya si Rin, pero, ang pagkatiwalaan ulit ang dalaga parang hindi niya na kayang ibigay pa dito. Ito lang ang napili niyang paraan para maibalik ulit iyon.
Habang nasa biyahe, naging tahimik na si Elaiza. Kailangan niyang makarating agad sa bahay nila dahil magluluto pa siya ng hapunan. Walang ibang magluluto do'n.
Nagpapasalamat siya sa boss niya na ihahatid siya nito. Tipid pa sa pamasahe at tipid sa oras. Kailangan niya lang magdasal na hindi traffic ngayon pauwi sa bahay nila.
Malayo pa naman ang bahay nila sa city. One hour kapag walang traffic kapag traffic naman depende sa bilis ng usad ng sasakyan.
"Boss, salamat pala sa paghatid sa akin, hindi mo naman kailangan na gawin ito. Pero, laking tulong na ito sa akin. Tipid sa pamasahe at tipid sa oras." aniya sa boss niya.
"Walang anuman. Gusto ko lang makita ang bahay niyo." aniya ng boss niya.
Kumunot tuloy ang noo ni Elaiza dahil sa sinabi ng boss niya. Ang daming tanong sa isip niya kung bakit gusto nitong makita ang bahay nila? Wala namang maganda sa bahay nila. Sira-sira ang bubong at tuwing umuulan ay tumutulo ito pero, hindi siya nahihiya na ganoon lang ang bahay nila dahil ang mahalaga ay may bahay sila.
Minsan umaakyat pa siya bubungan nila upang takpan ang mga sira para hindi na masiyadong tumulo. Mabuti na lang at may lahi siyang Tarzan. Tinatawag nga siya sa kanilang baryo na Tarzarina dahil magaling siyang umakyat ng puno noong bata pa siya.
Nang makarating sina Elaiza at Shino sa baryo ay agad na niliko ni Shino ang sasakyan patungo sa bahay ng dalaga. Tiningnan niya, maraming palayan siyang nakikita. Maganda naman pala ang lugar nila Elaiza eh.
"Saan ba sa inyo?" tanong niya sa dalaga na nakatingin sa labas ng bintana.
"Sa unahan pa po boss. Basta diretso lang po." sagot nito sa kaniya.
"Okay." Medyo madilim na din ang paligid. Isang oras din ang biyahe nila. Mabuti nga at hindi traffic eh. Pero, kahit madilim. Kita mo ang mga palayan dahil may mga poste at may mga ilaw ito.
"Nandito na tayo boss." sabi ni Elaiza at hininto ni Shino ang kaniyang sasakyan sa isang tabi.
Maraming tao at may nag-iinuman , may nagkakantahan. Ganito ba ang lugar na kinalakihan ng dalaga? tanong niya sa isip.
Paano siya mabubuhay dito? Bumaba na sila at sinarado niya ang sasakyan. May isang lasing na lumapit sa kanila. "Shino ka ba? Baki ka nandit-to sha lugar nami?" tanong nito sa kaniya.
Agad pumagitna si Elaiza at ang dalaga ang humarap dito. "Hoy! Pwede ba tumigil ka na. Kanina pa kayo ng umaga nag-iinuman hanggang ngayon hindi pa ba kayo tapos? Aba! Kung may balak kayong sunugin ang atay niyo pwede naman ako ang gagawa 'non para sa inyo." offer ni Elaiza sa kanila.
"Tarzarina! Ikaw pala. Shige pashalamat ka at kashama ka ni Tarzarina." sabi ng lasing sa kanilang dalawa. Tumalikod na ito at umalis, nakita naman niyang pasuray-suray ito ng lakad. Nakahinga siya ng maluwag ng lubayan sila nito. Pero, ang hindi niya inaasahan na marinig ay si Elaiza.
Ibang klase ito sa paningin ni Shino. Akala niya isa itong babaeng naive, pero nagkamali siya. Ano pa kayang ugali ng babae ang matutuklasan niya. Pero, nagtataka siya kung bakit Tarzarina ang tawag ng lasing sa kay Elaiza. Ano ba talaga ang totoo nitong pangalan?
Nagsisinungaling ba ito sa bio data niya? Pero, kapag nalaman niya na nagsisinungaling ang babae ay hindi niya ito mapapatawad.
"Tara na boss." sabi ni Elaiza sa kaniya. "Diba gusto mo makita ang bahay namin?" tumango siya.
Naglakad na ulit sila, sinusundan lamang ni Shino ang dalaga at ilang saglit lang ay huminto sila sa isang bahay kubo. Tama, bahay kubo nga. Ang dingding ay gawa sa isang kawayan.
Hindi niya alam kung anong tawag do'n. "Pasensiya na kayo boss. Ganito lang ang bahay namin. Pero, para sa akin. Ito na po ang pinakamagandang bahay dito sa amin." sabi ni Elaiza kay Shino na may pagmamalaki.
"Okay lang." sabi niya. Pero, gusto niyang tanungin ito kung paano nabubuhay ang dalaga sa ganong klase ng lugar?
Paano ito nakangiti kahit hirap na hirap na ito sa buhay?
"Pasok po kayo." sabi ni Elaiza kay Shino at giniya siya ng dalaga papasok dito.
Dahil may buwan ang kalangitan kita niya ang bukirin mula sa likod ng bahay ng dalaga. Kaya ba gusto ng dalaga dito dahil sa magagandang tanawin na nakikita niya?
Nang tuluyan na silang nakapasok sa bahay ng dalaga ay nakita niyang may isang matandang babae na naka-upo sa may upuan malapit sa bintana. May ilaw naman ang bahay pero, napakatahimik dito.
Peaceful place. Siguro, iyong nakita niya kanina ay mga kapitbahay lang ng dalaga. Medyo malayo-layo din ang nilakad kasi nila.
Nakita niyang nilapitan ni Elaiza ang matandang babae. "Nay! Nandito na po ako." sambit niya rito. Napalingon ang matandang babae sa kay Elaiza.
"Oh. Anak. Nandito kana pala. Hindi ko man lang alam. Nakatingin lang kasi ako sa labas, ang ganda kasing pagmasdan ng bundok na nasisinagan ng buwan." sabi nito habang nakatingin ulit sa labas.
Napalingon ulit ang nanay ni Elaiza at napadako ang tingin nito kay Shino. "Oh. May bisita ka pala? Hijo, anong pangalan mo?" tanong ng matanda sa kaniya.
"Shino po." sagot ni Shino sa matanda.
Tumayo ang matanda at lumapit ito kay Shino. "Ang ganda ng pangalan mo. Taga saan ka naman." tiningnan ng matanda ang kasuotan niya. "Mayaman ka? Anong ginagawa niyo rito? Bawal kayo rito." sabi ng matanda sa kaniya.
Nagtataka siya kung bakit bawal siya sa lugar na ito? Bawal ang mga taong mayaman sa lugar na ito? "Bakit po? Ah, hinatid ko lang po si Elaiza." aniya sa matanda.
"Salamat sa paghatid, pero, hindi mo dapat iyon ginawa kasi, unang beses niya pa lang kasi sa trabaho niya." aniya ng matanda kay Shino.
"Ah. Sorry po. Pero, gabi na din kasi, kaya hinatid ko na lang siya." aniya dito. Pero, ang totoo gusto niya lang makita ang bahay.
Tiningnan niya ang bubong nina Elaiza at nakita niyang may butas. Kasi dahil iyon sa reflection ng buwan. Umaabot sa bubong. Paano kapag umuulan? Tutulo dito?
Nakita niya si Elaiza na may kinukuha at tumayo siya para tulungan ito. "Ako na." aniya kay Elaiza.
Tumingin ang dalaga sa kaniya at may pagtatakang tingin. "Boss. Ako na po, hindi ka po marunong nito." giit ni Elaiza.
Kaya wala siyang nagawa kaya, pinabayaan na lang niya si Elaiza sa ginagawa nito. "Ano palang gagawin mo?" tanong niya rito.
"Magluluto po ako ng ulam. May kanin na kasi kaya ulam na lang ang kulang. Hala boss! Okay lang po ba kayo? Dito na po kayo maghapunan. Kaya lang, baka hindi niyo magustuhan ang ulam namin eh." aniya ni Elaiza sa kaniya.
"Okay lang." sabi niya. "Ano palang ulam ang lulutuin mo?" tanong niya na tinitiningnan ang dala na naghihiwa ng mga gulay.
"Maggigisa ako ng gulay. Teka, kumakain ka ba nun?" tanong nito. Tumango siya, may rules kasi sa bahay nila sa isang linggo dapat kumain din sila ng gulay. Kaya every Sunday or Saturday gulay lahat ang ulam nila. From breakfast to dinner.
Walang ibang ulam. "Talaga? Nakapagtataka naman na kumakain ka ng gulay." kumunot tuloy ang noo ni Shino dahil sa sinabi ng dalaga. Anong nakakapagtataka do'n?
Talaga naman kumakain siya ng gulay. Akala kasi ni Elaiza, lahat ng mayaman hindi kumakain ng gulay at puro karne lang ang nasa hapag - kainan.
Ang hindi niya alam , si Shino ay kumakain ng gulay.
Nang matapos silang kumain ay dumighay si Shino. "Hala! Ang bastos mo po."
"Excuse me. Gomen. (Sorry.)" hingi niya ng pasensiya. Napailing na lang si Elaiza sa ginawa ni Shino sa harap ng mesa nila. "Ang sarap mo kasing magluto. Kahit walang karne, lasang karne pa rin. Anong nilagay mo? What is your secret?" tanong niya sa dalaga.
"Wala. Ano bang nilagay ko? Wala nga masiyadong sangkap iyan eh.
Nagtatakang napalingon ang nanay ni Elaiza kay Shino. " Hapon." sabi nito sa kaniya.
Napalingon tuloy si Shino dito. "Po?"
"Ang sabi ko. Hapon. ka?" tumango si Shino.
"Bakit po? May problema po ba?" Umiling ito. "Akala ko may problema eh."
"Wala namang problema. Narinig ko kasi na nagsasalita ka ng nippongo. Kaya ayon." ngumiti ito ng pagkatamis- tamis.
"Naintindihan niyo po ang sinabi ko?" tanong niya sa matanda. Tumango ito. "Hah? Talaga? Paano?" naging excited si Shino sa pagtatanong sa matanda. Kung nakakaintindi ng nippongo ang matanda, ibig sabihin nakakaintindi din si Elaiza?
Si Elaiza naman, walang pakialam sa mundo. Nakita niya kasi itong tumayo at naghugas ng kinainan nila. Naubos talaga lahat ng ulam. Ang dami kasi niyang kinain eh. Ngayon lang siya, nakatikim ng ganoon uri ng pagkain kaya bago pa sa panlasa niya.
"Kung nakakaintindi kayo ng nippongo ibig bang sabihin nito, marunong din si Elaiza?" tanong niya.
"Hindi siya marunong." sagot ng matanda kay Shino na may iling pa. "Hindi ko siya tinuturuan ng language na iyon. Ayaw ko siyang turuan 'nun. Ang gusto ko matuto siya sa sarili niyang sikap. Kailangan niyang pag-aralan ang bawat salita." sabi nito. "Kung paano ito gamitin sa tama. Pero, darating ang oras na ako na mismo ang magtuturo sa kaniya." aniya ng matanda.
"Pwede ko kayong tulungan?" Offer niya. Pero, umiling ito. "Bakit po?"
"Dahil kailangan niyang pumunta kung saan ang lolo niya." kumunot ang noo ni Shino dahil sa sinabi ng matanda sa kaniya. Saan pala ang lolo nito? Ibig sabihin may ibang pamilya pa siya bukod sa nanay niya?
Pero, saan ito nakakita? At bakit lenguwahe nila ang dapat matutunan ng dalaga? "Teka po, sino po ba ang lolo niya?" tanong niya sa matanda.
"Si Mr. Soski Tadashi." sagot nito.
"Tadashi? I heard that surname somewhere." sabi Shino sa matanda. Ngumiti ito.
"Ah. Siguro nga, narinig mo na iyon. Pero, imposible na nandito sila Pilipinas. Kasi, sa Japan sila nag-stay for almost a decade now."
"Wow! So, you can speak English too?" tumango ang matanda sa tanong ni Shino. Marunong naman magsalita ang nanay ni Elaiza dahil nakapag-aral naman ito. Kaya lang, nung mamatay ang asawa puro alaga na lang ang inatupag nito, hanggang sa nagkasakit na ito at naging mahina ang katawan. "Pero, kung nakakapagsalita kayo? Ibig sabihin niyan si Elaiza marunong din ng English?"
"Nope. She hates that subject so much. Palagi kasing nababa ang grado niya sa subject na yan since grade one. I don't know. Tinuturuan ko naman siya kaya lang, parang hindi pumapasok sa utak niya. Palagi niya kasing sinasabi na sana may papa siya at gusto niya ito ang magturo sa kaniya sa subject na iyon."
"Ah. Pero. Pwede niyo naman siyang turuan diba? Para naman marami na siyang alam."
"Ayaw na niyang magpaturo. Ewan ko ba sa batang iyan. Pero, napakabait niya. Next time tuturuan ko siya magsalita ng English. Kahit konti lang. May alam naman siya kahit paano, pero, nakakalimutan niya iyon."
"Makakalimutin talaga siya." sang-ayon ni Shino sa sinabi ng matanda.
Nang tingnan nila si Elaiza ay tapos na ito sa paghuhugas ng mga ginamit nila. Habang lumalapit ito ay pinupunas niya sa apron na gamit niya ang kamay niyang basa.
Ngumiti ito ng pagkatamis -tamis sa kanilang dalawa ng nanay nila. "Anong pinag-uusapan niyo?" tanong ni Elaiza sa kanila.
"Wala." sabay sagot ng dalawa.
"Yung totoo?" tanong niya pa din sa dalawa. "Nay?" sambit nito sa ina.
"Wala. Yung pinag-uusapan lang namin ay 'yung lolo mo." aniya ng ina ni Elaiza sa kaniya. Tumango-tango lang si Elaiza.
"Bakit po? May nangyari po ba kay Lolo?" ang tinutukoy niyang lolo ay 'yung sa side ng papa niya. Malapit kasi si Elaiza do'n. Kaya lang hindi siya pwede palaging pumunta do'n dahil nandoon ang mga pinsan niya at sasaktan na naman siya ng mga ito.
"Okay lang ang lolo Melchor mo. Walang nangyari sa kaniya." sagot ng ina. Huminga ng malalim si Elaiza dahil sa sinabi ng kaniyang ina. Lumingon ang matandang babae kay Shino. "Ang tinutukoy niya ay ang lolo niya sa side ng kaniyang papa. Close kasi sila non." sabi nito sa mahinang boses.
Tumango lang siya at ngumiti. May nalalaman na naman siya kay Elaiza. Mapagmahal na anak at maalaga.
"So, you mean, ikaw ang may lahing hapon?" tanong niya sa matanda.
"Hapon?" tanong ni Elaiza. "Sir, nahihibang po kayo? Gabi na po hindi na Hapon. Sabihin mo nga sa akin. Gaano ba kalinaw ng mata niyo, kahit gabi hapon pa din sa inyo?" tanong ni Elaiza kay Shino na may pagtataka.
Her comes again.
Tumawa ang nanay ni Elaiza. "Alam mo anak. May sense of humor ka talaga."
"Kanina din sinabi sa akin yan. Anong Humor?" tanong niya sa ina. "Sinabi kasi ni Shikaya. May Humor daw ako sa katawan. Kaya hinanap ko. Wala naman akong makita." kwento ni Elaiza sa ina.
Si Shino ay humagalpak ng tawa. "Mukhang kailangan niya nga ng tutor sa English. Hahaha." aniya ni Shino habang tumatawa.