Habang nasa kwarto si Shino at nanunuod ng CCTV nila sa bahay. Nakita niyang sina Shimon at Shikaya na nasa sala. Napansin din niyang hindi na tumatawa ang mga kapatid niya.
Pero, ang ipinagtataka lang niya kung bakit pati ang janitress niya ay seryoso din. Ano kayang problema niya? Maganda siya, at ayaw kong pati siya kunin ni Shikaya. Mahirap maghanap ulit ng kagaya niya magtrabaho.
Napanuod niya kasi kanina sa CCTV kung paano magtrabaho si Elaiza. Kahit may nakatingin sa kaniya ay wala itong pakialam at trabaho lang ang inatupag. Hindi kagaya 'nung mga sinesante niya. Nakiki-chissmiss sa kapwa employees niya.
Kaya ayaw niya sa mga taong gano'n. Sinasahuran sila para magtrabaho hindi para maki-chissmiss sa kapwa. Kaya hindi nalilinis ng maayos ang mga dinadaanan niya eh.
"What are you doing son?" tanong ng daddy niya na nasa likuran niya. Tumingin ito sa flat screen TV nila. "Oh, you're watching her. Do you like her?" dugtong nitong tanong sa kaniya.
"What if, I like her. Boto ka ba sa kaniya?"
"Yes!" sigaw pa nito. Nang tingnan niya ang pinto. Nakasara ito. "Demo, kapag kagaya siya ng mga ibang babae na nakarelasyon mo katulad na lang ng Rin na 'yon. That's the time na 'yong I like her ay magiging I hate her." sabi ng ama niya. Tumango siya. But in his mind, iniisip niya na hindi naman siguro ganoon si Elaiza.
"Sige na, alis muna ako." paalam ng ama niya.
Papalabas na sana ito nang magsalita siya. "Otosan! Next time, knock first." paalala niya.
"Gomen!" (Sorry) "next time. I will." sabay pihit niya ng doorknob at lumabas na ng tuluyan sa kwarto niya.
Lumipas ang kalahating oras, napagpasiyahan ni Shino na lumabas ng kwarto. Pero, bago siya lumabas ay nagdala siya ng gamot para sa allergy niya. Nang makababa siya ay dumiretso siya sa kusina at ininom ang gamot.
Pumunta siya sa sala at nakita niyang tumayo na din ang mga kapatid niya pati si Elaiza. "Tara na Elaiza, babalik na tayo sa opisina." napalingon si Shikaya sa kanya. "Oh. Brother. Saan ka pupunta?" tanong ng kapatid niya.
"Wala." sagot nito. Lumingon siya sa kay Shimon at tumingin naman siya sa hagdan kung nandiyan ba ang ama niya bigla na lang susulpot. "Pwede bang ako na lang ang maghahatid kay Elaiza." sabi niya sa mahinang boses.
Napatingin tuloy si Elaiza sa kanya na may nagtatakang tingin. May mali ba sa sinabi ko? tanong niya sa isip niya.
"Bakit ikaw ang maghahatid sa akin? Siya naman nagdala sa akin." sabay turo sa kaniyang kapatid. "Dapat siya ang maghahatid sa akin. Hindi ikaw. Kasi, hindi naman kita kilala. Ay, ikaw pala ang may-ari ng kompanya na pinagtatrabahuan ko. Hi boss." bati nito sa kaniya. Napailing na lang tuloy siya. "Sorry. Nakalimutan ko."
"Nga pala brother, napag-usapan namin ni Elaiza na mag-reresign na siya bilang janitress mo." sa sinabi ng kapatid niya.
Napalingon siya kay Elaiza at tiningnan ang dalaga ng masama. "No. Ayaw ko. Akin lang siya. Walang pwedeng umagaw ng pagmamay-ari ko." sabi niya sa dalawa sabay hila dito. "Magaling siya sa larangan na napili niya kaya hindi siya pwedeng magresign sa trabaho." sabi niya sa kapatid niyang babae na epal sa buhay niya.
"Demo brother. Pumerma na siya." sabi ng kapatid niya. May pinakita pa itong contract daw kuno. Hiniklat niya iyon at pinunit.
"Ayan, wala ng kontrata. Siyaka isa pa, hindi ako tanga. Alam kong wala kang pinapapermahan sa kaniya. Tara na nga." sabi niya sabay hila kay Elaiza palabas ng bahay nila.
"Hoy!" sigaw ng babaeng pamilyar ang boses. Napalingon siya dito at alam niya kung sino iyon.
Nang makalabas din ang mga kapatid niya. Napailing na lang siya. "So, you're still here waiting for my brother to go outside our house? Bakit hindi ka nalang sa labas ng gate namin naghintay?" tanong ni Shikaya kay Rin. "Desperate woman. Go to hell!" lumapit si Shikaya na galit na galit ang mukha at tinulak si Rin kaya dahilan upang ito ay matumba.
"Tara na Elaiza." sabi ni Shikaya sabay hila sa babaeng hawak niya lang kanina.
Hinarap ni Shino si Rin. "Bakit ka pa kasi nandito?" tanong niya sa babae na nasa sahig pa din at hindi tumatayo. "Get up! Para kang pulubi. Oh my bad. Pulubi na pala kayo. Kasalanan mo rin kung bakit naging ganiyan ang buhay mo. Kung hindi ka nagloko ede sana maganda ang buhay niyo ngayon. Gold digger. Kahit welcome ka sa bahay na'to para sa akin pero, sa mga kapatid ko at kay otosan your not." sabi niya dito.
Dahan-dahan naman na tumayo si Rin. Hindi niya ito tinulungan. Ano siya bata? May mga kamay at paa naman ito. Hindi din ito imbalido para tulungan niyang makatayo at lalong-lalo na hindi ito senior citizen.
Lumingon si Shino kung saan nandoon ang kapatid niyang si Shimon na nasa likuran lang pala niya. "You know what girl? Your so desperate, akala mo makukuha mo ulit ang approval naming tatlo nina nee-chan at otosan pwes diyan ka nagkakamali. Hindi mo na iyon makukuha pa. Hahaha. Poor girl." sabay iwan ni Shimon sa kanilang dalawa.
"I know my mistake Shino. Pinagsisisihan ko na iyon." sabi ni Rin kay Shino. May luha pang tumutulo sa mga mata nito.
Huminga siya ng malalim. "Yung pagnanakaw mo sa kompanya namin ay, parang kaya ko pang mapatawad kasi pera lang iyon. Kaya iyong palitan pero, iyong pagmukhain mo akong tanga na mahal na mahal mo ako hindi ko mapapatawad iyon at nalaman ko pa pera lang pala ang habol mo sa akin? Ano ako hello para maniwala pa sa mga pinagsasabi mo? Diyan ka na nga." nilagpasan niya lang babae at dumiretso na sa parking lot ng bahay nila at sumakay agad sa sasakyan.
Habang nasa biyahe ang apat. Tahimik lang nagmamaneho si Shikaya. Sina Shimon at Shino naman ay nasa likuran at nakamasid sa labas ng bintana. Walang imik, kahit naka-on ang air-conditioning si Elaiza pinagpapawisan. Paano ba naman kasi, tahimik ang tatlo.
Hindi siya sanay na hindi nagbabangayan sina Shikaya at Shino. Kahit ngayon lang niya nakilala ang tatlo parang feeling niya matagal na niya itong kilala. Hindi naman kasi niya alam kung anong feeling ng may kapatid kasi, wala naman siyang kapatid.
Isa pa, may mga kaibigan naman siya kaya lang, 'yon nga lang traydor. Kaya, mas maganda na wala na lang siyang kaibigan kung tatraydurin lang naman din siya huli. Mas masakit iyon lalo na kapag nabigay mo na 'yong tiwala mo sa taong 'yon.
Huminga siya ng malalim. Tiningnan niya ang rearview mirror ng sasakyan at nakita niyang matamlay ang dalawang lalaki sa likod.
Wala din naman siyang maisip na nakakatawang bagay. Baka magmukha lang siyang tanga. Nang lingunin niya naman si Shikaya, naka-focus lang ang mata nito sa daan.
Hindi na din siya nagsasalita. Kalahating oras ang lumipas, nasa building na sila ng pinapasukan niya. Kaya bumaba agad siya nung huminto ang sasakyan sa parking lot. "Salamat." aniya sa mga magkakapatid at tumalikod na. Wala pa din kasing imik ang tatlo. Humakbang na siya palayo sa mga ito.
May trabaho pa siyang dapat asikasuhin sa mga oras na 'to. Kailangan niyang bilisan baka pagalitan siya ng head ng housekeeping department.
Nang pumunta siya sa housekeeping area ay agad siyang kumuha ng mga pamunas sa salamin, glass cleaner at iba pang gagamitin sa paglilinis niya.
Ang hindi niya alam nasa likuran na niya ang head ng housekeeping department nila. "Sana ka galing?" tanong ng head.
Napatalon tuloy siya sa gulat dahil sa boses nito. "Ah!" na may kasama pang sigaw. Agad niyang hinarap ang head at yumuko. "Pasensiya na po miss head. Kasi po, dinala po ako ni miss Shikaya sa kanilang bahay." Hingi niya ng paumanhin.
"Sinungaling. Paano naman pupunta si miss Shikaya dito eh, busy iyon sa pagmomodelo?" tanong ng head sa kaniya.
"Iyon po ang totoo." depensa niya at sabay tingin ng diretso sa mga mata ng head.
"Huwag mo ng pagalitan si cute girl miss head." singit ni Shimon sa kanilang usapan. Napatingin tuloy silang dalawa ng head sa pinanggagalingan ng boses.
"Shimon-sama." sambit ng head dito.
"Huwag mo ng pagalitan si cute girl. Nagsasabi naman siya ng totoo eh." tapos ngumiti ito sa kanila.
"Sige po. Shimon-sama. Maiwan ko na po kayo. Arigato."(thank you) sabi ng head at lumabas ng housekeeping area.
"Salamat pala sa ginawa mo. Muntik na ako 'don." sabi niya kay Shimon. " nga pala bakit ka nandito?" tanong niya.
"Kasi, baka pagalitan ka niya. Mabait naman si miss head eh. Kaya lang, kapag tungkol na sa trabaho dapat maayos din." tumango siya. Alam niya naman eh, mabait naman talaga nakikita niya naman sa hitsura ng tao kung mabait ito or hindi.
Unang kita niya palang, nabaitan na siya. Pero, dapat hindi din natin inaabuso ang kabaitan ng isang tao. Masama iyon, lalo na mata ng Diyos.
"Alam mo, I like you." aniya ni Shimon sa kaniya. Kumunot ang noo niya at tiningnan ito ng mula ulo hanggang paa. "Bakit ganiyan ka makatingin?" tanong ni Shimon nang mapansin ang mata niya kung paano niya ito titigan.
"Wala lang. Like? Ano 'yun? Sabi kasi ng pinsan ko, kapag marami daw siyang like ibig sabihin sikat daw siya." kwento niya kay Shimon. Napailing tuloy ang huli sa sinabi niya.
"Siguro ang tinutukoy ng pinsan mo ay Facebook." sabi naman nito sa kaniya na may sinusupil na ngiti. "May f*******: ka ba?" tanong nito.
"f*******:? Mukhang Libro? Ganoon ba? Face kasi at book. Kapag pinagsama f*******:. Sa tagalog mukhang libro. Nako, pasensiya na wala akong mukhang libro eh." sagot niya.
"Ang talino mo talaga. Haharapin." humagalpak na naman ng tawa si Shimon sa sinabi niya. "Alam mo, kung hindi lang sa kapatid ko. Siguro dinukot na kita at tinanan. Nakakatuwa ka talaga." sabi ni Shimon na tumatawa, kulang na lang ay gumulong siya sa sahig, hinahawakan na naman nito ang tiyan niya.
"May problema ba sa tiyan mo? Masakit ba? Gusto mo dalhin na kita sa hospital? Kanina ka pa kasi nakahawak sa tiyan mo eh. Noong nandoon tayo sa bahay niyo." sabi niya.
"Hindi na kailangan. Hahaha. Baka mas lalong lumala kapag nasa hospital tayo." sabi nito.
"Paano lalala iyan kung gagamotin naman iyan doon sa hospital." tanong niya. "Baka expired na binibigay sa'yo kasi hindi nila magamot gamit iyong bago. Baka kasi kapag 'yong bago eh lumala ng husto ang sakit ng tiyan mo?" sabi niya rito.
Mas lalong tumawa si Shimon sa sinabi niya. Nagtatanong si Shimon sa isipan kung nagpapanggap lang bang tanga si Elaiza or ganiyan talaga siya.
"What do you think of her nee-chan?" tanong ni Shino sa kapatid niyang babae na nasa harap ng mesa naka-upo.
"What do you mean by her?" balik na tanong ni Shikaya sa kaniya.
"Elaiza-san." tumango ito. "She's kinda cute but, Bakka (stupid)." Dahil sa sinabi ni Shino. Humagalpak ng tawa si Shikaya. "Demo, I think mabait naman siya." dagdag niyang sabi.
"Yeah. She's stupid the way she is. Demo, I like her that way. Napapatawa niya kaming dalawa ni Shimon. So no, big deal." aniya ng kapatid niya.
"Yeah. I like her, masipag siya."
"Oh, you like her that much?" tumango siya. "Demo, Shino baka nagpapanggap lang siya?" tanong ni Shikaya. "Para makuha ang loob nating lahat. Kagaya ng ex mo. Tsk. Kapag makita ko pa ulit ang babaeng iyon sa bahay niyo nako! Ipapahabol ko na talaga siya sa inu(dog)! Tingnan natin kung gusto niya pang bumalik sa bahay natin. Ikaw naman, niloko ka na nga lahat tinatanggap mo pa din ang babaeng iyon sa bahay natin." Shikaya scolded him.
Huminga siya ng malalim at binuklat na lang niya ang mga papel sa desk niya't binasa ang mga ito.
Marami pa siyang gagawin at may dinner meeting pa siya mamaya kasama ang kapatid niya. "So, saan daw ang dinner meeting mamaya gabi? Anong oras? Wala kasi ang secretary ko dito. Nakalimutan ko na umabsent siya dahil may lagnat at totoo naman iyon." sabi niya rito.
"So, ako ang tatanungin mo? Akala mo secretary ako. Pwes hindi. Ako ang kapatid mo. Pero, sasabihin ko pa din sayo dahil kasama ako sa meeting na iyan. Bakit nga ba ako nasali sa meeting na iyan?" tanong ni Shikaya sa kapatid niya.
"Kasi, ikaw ang gusto ng ka-meeting kaya iyon ang ginawa ko. Sinali kita siyaka, isa pa mabait naman iyon." depensa niya.
Alam kasi niya na manlalait na naman ang kapatid niya in three, two , one.
"Alam mo, parang kilala ko ng iyang sinasabi mo. Langya! Yan naman iyong investor na manliligaw ko daw kuno. Kapag siya talaga iyan nako! Sasampalin ko ang mukha nun." sabi ng kapatid niya.
"Alam mo 'yun. Kay tanda na nanliligaw pa. Mabuti sana kung parehas kami ng edad. Jusko teh! Doble sa edad ko. 60 na siya. Bakit noong kabataan niya hindi siya nanligaw? Ngayon pa na uugod-ugod na siya. Siyaka isa pa, wala ako sa mood makipag-usap sa mokong na iyon." litanyang kapatid niya galit na galit ang mukha.
Ayaw na ayaw kasi ni Shikaya sa matanda na iyon. Kaya kapag may nagset ng meeting at nasama siya, alam na agad nito kung sino iyon.
Napapailing na lang si Shino sa mga pinagsasabi ng kapatid niya. "Kay tanda-tanda na. Maharot pa rin. Langyah talaga! Palagi na lang niya akong kinakalabit at humihingi ng number para daw maging text mate kaming dalawa. Nababaliw na ba ang matandang iyon? Palibhasa walang asawa, ni anak wala. Palibhasa matandang binata. Tapos, ako pa itong piniperwesyo niya sa mga bagay na iyan. Bwisit! Ano palagay niya sa akin, 60 years old para pumatol sa kaniya. Tsk! Tapos, palagi niyang sinasabi ang Gwapo niya. Eh, sa puro kulubot na ang mukha niya. Lolo ko na siyang ituring. May respeto naman ako kahit papano sa mga matatandang katulad niya kaya lang, he's acting like a teenager!" sigaw ng kapatid niya.
"Hay nako, pabayaan mo na lang." sabi niya sa kapatid habang nakatuon pa din ang tingin sa binabasa.
"Anong pabayaan! Nahihibang ka na ba? Hindi ko nga pinapatulan 'yung mga nanliligaw sa akin na mas bata pa sa kaniya. Siya pa kaya! Nako! Talaga naman! Nakaka-stress siya sobra, sa totoo lang Shino. Mabuti nga natiis mo pa ang ugali ng matanda na iyon. Mayaman naman siya, kung libog siya pwede naman siyang bumili ng babae sa bar. Ako pa talaga naisipan niya. Hindi niya ako magdadala sa pera niya. Aanhin ko naman ang pera niya? Liliparin naman niyan dahil sa kahanginan niya." kwento nito.
Pinapabayaan lamang ni Shino na maglabas ng saloobin ang kapatid niya dahil kapag na- stock ang mga hinanakit nito sa puso at utak niya nako! Ubos na naman ang gamit sa bahay nila dahil iyon ang pagbubuntungan nito ng galit. Siya naman ay manunuod lang dito at kapag tapos na ito, saka niya lang kakausapin.
Last time he remember, lahat ng plato at baso na babasagin ay tinapon talaga nito. Dahil din iyon sa isang manliligaw nito na mayaman din at puno ng kahanginan ang katawan. Kulang na lang isasabit niya sa puno ang katawan ng lalaking iyon. Galit na galit ang kapatid niya 'nun. Ayaw kasi ng kapatid niya sa mga mahahangin na tao.
Dahil daw wala naman iyong mapapala. Kapag dumami daw ang hangin sa katawan, kailangan daw ilabas dahil utot lang daw iyon at baka umamoy ang paligid niya.
Palagi nga niya sinasabi na wala akong dalang rosas na buhay baka sakaling umutot daw ito dahil sa hangin sa katawan. Baka maamoy pa niya ang hindi kanais-nais na amoy.
Tinatanong din niya ang kapatid niya kung para saan iyon. Ang palaging sagot sa kaniya ay "carbon dioxide." Tumatawa na lang siya.