Biglang tumayo ang babaeng nag-ngangalang Rin at lumapit din ito sa kanila. Ano naman ang gagawin ng babaeng 'to? Dahil napa awkward ng posisyon nilang tatlo. "Bitawan mo siya Shikaya." sabi ng lalaki.
"No way. Akin siya Shino. Akin lang " Sabay hila naman sa kaniya. Kanina pa niya ako hinihila tapos itong lalaki na naman na ito. Hihilain din ako, hindi ba nila alam na nasasaktan din ako? aniya ng isip ni Elaiza.
Nang may marinig silang may tumatakbo palapit sa kanila. Napalingon silang apat do'n. Palapit na palapit ang yabag nito at nang makita silang tatlo agad na tumakbo ang lalaki palapit sa kaniya at niyakap siya. "Kawaii! Kawaii! Kawaii!" sigaw ng lalaking biglang yumakap sa kaniya. (cute! Cute! Cute!")
"She's so kawaii." sabay sigaw at lingon ng lalaki sa mga nakahawak din sa kaniya. Nang tingnan ng lalaki ang babae nasa likod na pala niya. "What are you doing here? Your not welcome here?" sabi nito sa malamig na mga boses. "What is she doing here, nii-chan?" sabay tanong kay Shino.
"Ah. She visited okaasan." sagot naman nito.
"Demo."(But) sabay tsk. "Okaasan is upstairs. Go there." sabi nito kay Rin. Yung mukha ni Rin kanina ay naging pula na sa hiya. Ikaw ba naman sabihan na 'your not welcome here'. Masasayahan ka kaya? Pero, anong ibig sabihin ng your not welcome? tanong niya sa sarili.
Kaya walang nagawa si Rin ay humakbang ito palapit sa inuupuan niya at kinuha ang bag niya. Nakalabas na ito ng dining area nang sumigaw si Shimon. "Huwag ka ng babalik!"
"Ang sama mo naman. Bisita ko pa din 'yun." depensa ni Shino.
"Tsk. Bitawan niyo na nga si miss cute." sabi ni Shimon sa mga kapatid nito.
Nang mapansin nina Shino at Shikaya ang posisyon nila ay sabay na binitawan nung dalawa braso niya. Nagpapasalamat naman siya dahil hindi pa natanggal sa katawan niya ang mga balikat niya.
Ngumiti si Shimon at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Napansin din niya na halos magkasingtangkad lang silang dalawa. Hindi na din pala masama ang height niya.
At least mas matangkad lang ng konti ang babae sa kaniya kanina. "Come here. Sit." giya ni Shimon na hindi man lang siya binitawan patungo sa mesa. Pinaupo pa siya sa upuan. Wow. Gentleman.
Kawawa naman ang babae kanina. aniya sa isip. Pero, kung gentleman siya. Bakit niya ginawa iyon sa babae? Baka hindi talaga sila magkasundo. Naawa siya sa babaeng kakalabas lang dahil pinagtabuyan ni Shimon.
"Bakit mo naman ginawa sa kaniya iyon, Shimon?" tanong ni Shino na kakaupo lang sa harapan nila.
"Tsk. Pwede ba. Kumain ka na lang, mamaya na natin iyan pag-usapan. Gutom na ako." sabi nito at sumubo na. "Kain ka lang ng kain miss cute, okay?" Nakatingin ito sa kaniya at nagsasalita habang punong-puno ang bumanganga.
Hindi ba siya mabibilaukan sa ginagawa niyang iyan? tanong na naman niya sa isip. Ngumiti na lang siya at binaling ang tingin niya sa mga pagkaing nakahain. "Anong gusto mo? Ito or ito?" tanong ni Shimon sa kaniya at sabay turo sa mga putahing nasa mesa.
"Ako na." sabi na lang niya. Mahihiya pa ba siya? Eh, gutom na din siya eh.
"Kain ka lang Elaiza okay." sabi naman ni Shikaya na katabi din ni Shino. Tumango lang siya at nag-umpisa na ding kumain. "Kasi, pagkatapos nito, pag-uusapan natin ang trabaho. Dapat ako ang piliin mo, okay?"
Nabilaukan na lang siya dahil sa sinabi ni Shikaya sa kanya. "Okay ka lang, cute girl?" tanong ni Shimon sabay bigay ng tubig sa kanya. Uminom naman siya at nilunok lahat ng nasa bunganga niya. Bad trip naman. Akala naman niya, ay nakalimutan na nito ang tungkol sa trabaho.
Nang matapos siya pag-inom ng tubig , tumingin siya sa dalawang kapatid na nasa harapan niya. Ang dilim ng titig ni Shino kay Shikaya and vice versa. Ano bang nangyayari?
Kung gusto ni Shikaya ng assistant maghanap siya. Pero, sayang naman ang sahod niya? Mukhang mabait naman ito. "No. Diba sabi ko akin lang siya. Sa akin siya nagtatrabaho kaya akin siya. Walang pwedeng umangkin sa pagmamay-ari ko kundi ako lang." sabi nito at tumayo't umalis na.
"Anong nangyari kay nii-chan, Nee-chan?" tanong ni Shimon kay Shikaya.
"Ito kasing si Elaiza. Nagtatrabaho kay Shino bilang Janitress, right?" tanong ni Shikaya sa kanya. Tumango lang siya. Bakit masama ba maging janitress? tanong niya sa isipan.
"Ah. Kaya naman pala. Last time na ginawa mo iyon ay hindi na talaga bumalik sa kaniya ang janitress na 'yun. Ikaw naman kasi, sabi mo hihiramin mo lang ng isang linggo. Hindi alam ni nii-chan na pinaperma mo 'yong tao para hindi na makabalik sa kompanya ni kuya. Tapos, ngayon kukunin mo si cute girl sa kaniya?" sabi ni Shimon sa nakakatandang kapatid.
"Kasi, magaling siya sa trabaho eh." katwiran naman nito. "Pero, babalik naman iyon. Kaya hihiramin ko lang si Elaiza ng isang buwan."
"Isang buwan? Isang buwan din ang hihintayin ni nii-chan para bumalik sa pagiging janitress si Elaiza. Alam mo naman na hindi pwede iyan. Kulang nga sila sa tagalinis diba? Alam mo naman iyon may allergy? Kaya siguro nagustuhan ni nii-chan si cute girl dahil magaling siya sa kaniyang ginagawa. Nakita ko kasi kanina sa kwarto. Nag-checheck siya ng videos sa bawat pasilyo ng building."
Habang pinagpapatuloy ni Elaiza ang pagkain niya. Nakikinig na din siya usapan ng magkapatid. "Tapos, tinawagan niya 'yong head at may pinatanggal na naman siyang janitress. Hindi lang isa, kundi, tatlong janitress sa araw na ito. 'Tapos, kukunin mo pa itong si cute girl. Himala nga eh at uminom 'yon ng gamot for allergy niya kanina." Kwento ni Shimon sa kapatid niyang babae.
Ah. Si Shino siguro ang tinutukoy ni Shikaya sa kaniya kanina? Bakit madilim ang mukha nito? tanong niya sa isip.
"Basta Elaiza, ako ang piliin mo okay?" sabi na naman sa kaniya ni Shikaya.
"Alam mo, ang ganda sana ng offer mo. Kaya lang, ayaw ko naman na magalit sa'yo ang kapatid mo ng dahil lang sa akin. Kaya ayaw ko. Kahit isang buwan pa iyon. Diba nga ang sabi ni." sabay lingon kay Shimon. "Shimon ay may pinatanggal na naman siyang janitress sa kompanya niyo, kaya mas kailangan niya ngayon. Hindi naman sa nakikisawsaw ako pero, diba may allergy nga siya. Paano kung makalimutan niyang uminom ng gamot tapos, dumaan siya area ko tapos walang naglilinis? Concern din ako sa kaniya, ede mangangati or kung anong mangyayari sa balat niya. Sino ang tutulong sa kaniya?" sabi niya dito.
"Alam mo may sense din ang sinabi mo. Kaya nga gusto kita eh. Hindi kagaya ng Rin na 'yun. Gold digger." sabi ni Shikaya at tinuloy na nito pagkain.
"Alam mo cute girl." napalingon siya dito. Lumapit ito sa may tenga niya. "I think nii-chan have a crush on you." bulong nito sa kaniya.
"Crush? Ano 'yun? Diba yung crush yan yung kapag yung airplane nag-crush?" sabi niya sa mahinang boses pero, narinig naman ng dalawa. Matalas ang pandinig.
"Hahahaha." tawanan ng dalawa. Sabi na nga ba niya. Sana hindi na lang siya nagkomento pa sa crush na 'yon eh.
"May mali ba sa sinabi ko? Tama naman 'yon, ah?" depensa niya.
Tumango ang dalawa pero, ang tawa din pa din nawawala. Sumimangot na lang siya. "Huwag ka ng sumimangot mas lalo ka nagiging cute eh." Sabi ni Shimon sa kaniya.
"Cute? Kanina ko pa napapansin iyang cute mo? Hindi naman ako pusa or aso. Diba pang pusa at aso lang 'yun?" tanong niya sa dalawa.
"Hahaha." humagalpak na naman ng tawa ang dalawa. Kaya uminit ang pisngi niya. Nakakahiya. Anong nakakatawa sa mga sinabi niya? Wala naman diba? tanong ng niya sa sarili.
"Alam mo. Mas gusto talaga kitang kunin sa kaniya. Hahaha." sabi ni Shikaya na may tawa pa. "Mukhang hindi ako mabobored sa'yo kapag ikaw ang kasama ko. Sa inasta mong iyan. Nako! Gusto ko ng palitan 'yong P.A ko at ikaw ang papalit sa kaniya. Tapos, isusuli ko na 'yon kay Shino. Hahaha." kumunot ang noo niya.
Ano 'yong isasauli niya? Gamit siguro 'yon. Baka gamit nga. Pag-kausap niya sa sarili niya.
"Anong nangyayari bakit may tawanan akong naririnig?" Biglang sulpot ng matanda. Kaya napalingon silang tatlo do'n sa pinanggagalingan ng boses. "Oh. Mukhang may bisita kayo ah?" tanong nito habang nakatingin sa kaniya. Yumuko na lang siya. "Huwag kang mahiya, hija, your so beautiful para itago mo ang iyong ganda." kaya dahan-dahan niyang inangat ang ulo niya at tumingin sa matanda.
"Hai po." bati niya.
"Hello hija. So, maiwan ko muna kayo, pupuntahan ko muna ang mommy niyo para makainom na iyon ng gamot." tumango lang ang dalawa. Siya naman ay binaling ang tingin sa plato niyang wala na palang laman.
"So, saan na nga tayo?" tanong ni Shikaya sa kanila.
"Sa cute 'yon." sagot niya.
"Oo tama. Wahh!! Kaloka ka talaga. May sense of humor ka din pala sa katawan." sabi ni Shikaya.
"Humor? Sa katawan?" Tumango si Shikaya at Shimon sa tanong niya. Kaya tumayo agad siya at inispeksiyon ang katawan niya kung may humor nga siya. "Wala naman." sabi niya ng wala siyang makita.
Humagalpak na naman ng tawa ang dalawa. "Tama na! Sumasakit na ang tiyan ko sa'yo." sabi ni Shikaya habang hawak pa ang tiyan nito.
Nang tingnan naman niya si Shimon gano'n din ito at pinapalo pa ang mesa. "Grabe. Ikaw na talaga."
"Hah? Ako grabe? Ako si Elaiza at hindi grabe ang pangalan ko. Siyaka, ang grabe ay nasa hospital, kasi, malala na iyon. Isa pa, nandito ako sa harap ng mesa niyo at wala sa hospital." sabi niya sa dalawa na mas lalong tumawa sa mga pinagsasabi niya.
"Bakit kayo tawa ng tawa?" tanong niya. Hindi niya pa rin kasi nakukuha ang mga pinagsasabi ng dalawa. "Wala namang nakakatawa sa sinabi ko diba?" tanong niya.
"Hahaha." hindi pa din kasi sila tumitigil.
Umupo na lang siya ulit. Nang tingnan niya ang dalawa. Nahimasmasan na yata. "Alam niyo, para kayong nasaniban ng baliw na kaluluwa? Nakita niyo ba si Mr. Bean na naging kalansay na lang at sumasayaw? Kung nakita niyo sabihin niyo isama kayong dalawa. Parang kailangan niyo na ng gamot, eh." sabi niya sa mga ito. "Bahala nga kayo diyan. Kakain na lang ako ulit. Ayaw ko pang mabaliw no, na kagaya niyong dalawa."
"Hahaha." Humagalpak na naman sila.
Natatawa kasi sila sa mukha kung paano magsalita si Elaiza at hindi niya nakukuha kung ano ang mga pinagsasabi ng kaharap at katabi.
"Tama na Elaiza. Maawa ka sa akin. Hahaha." sabi ni Shikaya.
"Hah? Alam mo, kailangan mo ng doctor na mag-aalaga sayo. Hindi mo kailangan ng P.A kundi doctor mismo."
"Hahaha. Nee-chan huwag ka ng magsalita please. Masakit na ang tiyan ko katatawa. Baka saang lupalop pa tayo umabot sa kabaliwan ni Elaiza. " sabi ni Shimon na hawak pa din ang tiyan at tumataas baba ang balikat dahil pinipigilan niyang matawa ng husto.
"Oo nga." sang-ayon naman ni Shikaya dito. Pero, may panaka-nakang tawa naman ito.
"Malala na talaga kayong dalawa." sabi niya na may pailing-iling pa. "Alam niyo baka kulang kayo sa kain kaya kayo nagkakaganiyan. Siguro nalipasan ka'yo, no? Baka hindi kayo kumain ng agahan kaya, kayo, tawa ng tawa. Nako! Wala pa naman akong tali na dala." sabi niya.
"Aanhin mo naman ang tali?" seryosong tanong ni Shikaya at tumingin sa kaniya.
"Ihahanda ko baka sakaling kailangan ko kayong talian. Baka bigla kayong tumakbo kung saan. Mahirap na."
"Hahaha. Alam mo, malala ka na talaga. Ano ba ang laman ng isip mo?" tanong ni Shimon.
"Laman ng utak ko?" tumango ito sa tanong niya. "Ano nga ba? Nakalimutan ko eh. Utak pa din." sagot niya.
"HAHAHAH."
"Kain na lang po tayo, huwag na po kayong tumawa. Baka tatawagan ko na talaga ang mental hospital dahil sa inyo." aniya niya sa magkapatid.
Tumango naman ang dalawa at ilang sandali lang ay namutawi sa kanila ang katahimikan. Ganito, para peaceful ang lugar. Walang maingay, sarap matulog.
"So, kumusta ang pag-aaral mo Shimon? Balita ko pumunta sa school mo ang kuya mo?" tanong ni Shikaya sa seryosong boses.
Marunong naman pala itong magseryos eh. Dapat ganiyan, para hindi niya na maisipan na itali ang mga ito sa puno sa labas ng bahay.
May nakita pa naman siyang puno do'n. "Ah. Nasangkot na naman kasi iyan sa gulo." singit ng kakadating lang na si Shino. "So, your still here?" tanong ni Shino sa kaniya. Anong still here?
"Ano 'yong your still here?" tanong niya kay Shimon sa mahinang boses.
"Sabi niya. Nandito ka pa pala."
"Ah. Ganoon pala 'yon." sabi niya habang may tango. Tumayo siya at lumapit dito. "Ah. Ano pala tingin mo sa akin? hindi ako si Elaiza. Ay oo, sabi nga nila Grabe daw ako. Ano 'yung grabe?" tanong niya rito at umiikot pa siya kay Shino na parang sinusuri. "Diba iyong grabe nasa hospital at malubha na? Tapos, 50/50 na 'yung tiyansa niyang mabuhay? Ay, nakakakita ka naman diba? Baka grabe ka rin?" tanong ni Elaiza sa kaniya.
"Nee-chan and Shimon. Kailangan ko bang sagotin ang tanong niya?" tanong niya sa dalawang kapatid na nakakunot ang noo.
Napansin din niya na may pinipigilang ngiti ang dalawa. Umiling ang dalawa at agad siyang tumalikod sa mga ito.
Napagpasiyahan niyang bumalik na lang sa kwarto niya. Nang makarating siya do'n ay humagalpak siya ng tawa. "Hahah. Anong klase ang tanong ba 'yon?" tanong niya habang makahinga at hawak sa tiyan. "May sense of humor siya."
Samantala.
Sina Shikaya at Shimon naman ay pigil na pigil na naman nila ang tawa nilang dalawa. Baka hindi na sila matapos-tapos sa pagkain dahil sa kagagawan ni Elaiza.
Si Elaiza naman, nakakunot ang noo at nakatingin sa kisame habang nakatayo pa din. Nag-iisip siya kung ano iyong sinasabi sa kaniya.
Ilang minuto ang lumipas ay natapos na din sina Shikaya at Shimon sa pagkain. Pero, si Elaiza nakatayo pa din kung saan siya iniwan ni Shino.
Kalahating oras ang lumipas ay nagpasya ang magkapatid na dalhin nila si Elaiza sa sala.
Habang nasa sala silang tatlo. Si Elaiza ay tahimik lang, iniisip niya kung kumakain na ba ang nanay niya. Kumusta na ba ito? Kung iniinom ba nito ang gamot niya?
Napansin naman ito ng dalawa niyang kasama. "Okay ka lang ba, Elaiza?" tumingin siya dito. "Bakit parang matamlay ka yata?" tanong ni Shikaya sa kaniya.
"Wala. Iniisip ko lang na, kumain na kaya si nanay ngayon? Baka kasi, hindi naman iyon kumain." sabi niya sa mga ito sa mahinang boses.
"Tawagan mo kaya?" umiling siya. Paano naman niya matatawagan ang nanay niya? Wala naman iyong cellphone at ilaw lang ang mayroon sila.
Hindi naman niya kayang bumili ng cellphone dahil wala naman siyang pera. Naisip nga niya sa una niyang sahod, bibili siya ng isang sakong bigas para hindi na sila bibili pa sa tindahan na isang kilo kapag ubos na.
Kapag medyo malaki ang sahod niya. Yung kalahati iipunin niya at para iyon sa nanay niya. Okay lang sa kaniya kahit wala siyang nakikita. Basta para sa nanay niya gagawin niya lahat matustusan niya lang ang pangangailangan nito. Lalo na sa financial, sa gamot at ibang pang kailangan ng nanay niya.
Ayos lang maging kayod kalabaw siya habang buhay. Kung iyon naman ang ikakasaya ng nanay niya. Kahit pagtawanan man siya ng iba dahil ganito - ganyan lang ang trabaho niya, wala siyang pakialam.
"Alam mo, pwede mo naman sabihin sa amin kung may problema ka eh." sabi ni Shimon.
"Anong oras na ba?" tanong na lang niya. Ayaw niyang pag-usapan ang problema niya. Baka saan pa humantong. Ayaw naman niyang kaawaan siya dahil lang sa mahirap siya. Kaya nga siya nagsisikap, para kahit papano hindi siya nakakaawa sa paningin ng iba.
"Two: thirty pm na. Bakit? Babalik ka na ba sa opisina? Dito ka muna please?" sabi ni Shikaya sa kaniya. "Kahit thirty minutes lang. Kapag alas tres na babalik na tayo sa opisina para maglinis ka ulit." tumango na lang siyan wala naman siyang magawa eh. Kasi, hindi naman niya alam kung saang Kulay oo siya dinala ni Shikaya.
"Nag-aalala lang kasi ako sa inday ko eh." ngumiti siya.
"Alam mo, saludo ako sayo cute girl." sabi ni Shimon na katabi niya lang. "Yung iba diyan, pinababayaan nila ang mga magulang nila pero, ikaw nag-aalala ka kung kumain na ba or hindi pa." dugtong nito.
"Siyempre. Mahal na mahal ko ang nanay ko." sagot naman niya.