CHAPTER 2

2831 Words
Nang makapasok siya sa emergency ay agad niyang hinanap ang mama at papa niya. Nang may makita siyang nurse. Nagtanong agad siya. "Si Mrs. Hara Yamamoto po? Nasaan?" tanong niya rito. Tumingin ito sa kaniya at tiningnan ang record. "Nasa dulo po siya sir." sabay turo nito. "Diretso lang." tumango siya at agad na tinungo ang tinuro ng nurse sa kaniya. Ang daming tao sa emergency. May mga duguan , mga bata at may mga matatanda. Ang iba umiiyak at nagkakagulo din ang mga nurse at doctor. Pero, wala siyang pakialam sa mga iyon. Nang mabuksan niya agad ang kurtina na nakatabing dito ay nakita niya ang kaniyang ina na nakahiga sa hospital bed at may bandage ang braso. "Okaasan." sambit niya agad dito. Nang marinig ng ina niya ang boses niya ay agad itong tumingin sa kaniya. Ngumiti ito sa kaniya at siya naman ay dali-daling lumapit at niyakap ito. Nagpapasalamat siya sa Diyos dahil hindi grabe ang tinamo ng ina niya. "Oh. Shino dear. I'm fine. Don't worry." sabi nito sa kaniya at hinahagod ang likuran niya. Parang tutulo ang luha niya pero, pinipigilan niya iyon. Ilang sandali lang ay hindi na din niya napigilan ito. Kusang lumabas na talaga sa mga mata niya ang pinipigilang luha. "I love you, mom. I always will." sabi niya sa ina niya. Mahal na mahal niya ito. "Where's Otosan?" tanong niya. "Oh. Nandoon sa pharmacy. Bumili lang siya ng gamot para sa injury ko." sabi ng ina niya. Nang mabanggit ang injury agad siyang kumalas sa pagkakayakap dito at tiningnan ang kabuuan ng kaniyang ina na may benda ang braso. "What happened mom?" "Ah. May dumaan kasing aso. Iniwasan ng dad mo iyon at ayon nabangga kami sa isang bahay. Mabuti na lang at hindi malala 'yong nangyari. Pero, 'yung bahay na nabangga namin ay nasira. Wala namang nadamay sa aksidenteng iyon." Dahil sa sinabi ng ina mas nakahinga siya ng malalim. "Hay salamat naman." sabi niya sa mahinang boses. "Alam mo naman ang dad mo. Mahilig sa mga aso 'yun." tumango na lang siya at niyakap ulit ang ina. "I love you, son." "Love you too, mom." sabi niya at hinalikan sa pisngi ang mommy niya. "Oh. Son your here." biglang sulpot ng ama niya. Napalingon siya dito. "Umiyak ka?" tumawa ito at napailing. "Ang OA mo talaga." sabi ng ama niya. "Psst!" sambit ng ina niya. Napailing na lang siya. Ang mga magulang talaga niya. "Tigilan mo na nga iyang anak mo. Isa ka pa. Tingnan mo 'yang mukha mo, pulang-pula na." sabi ng ina niya. Nakalimutan na niyang makati ang katawan niya dahil sa nerbiyos na nangyari sa kaniya. Hindi na lang niya pinansin. "Mom. I think, kailangan ko ng umuwi sa bahay. Dadalhin ko na itong si dad, na kagaya ko pulang-pula na din." tumango lang ang ina niya. "Call me hon, kapag may problema, okay?" bilin ng kaniyang ama. Tumango lang ito at pinagtabuyan silang dalawa. "Papunta na daw dito ang bunso natin." tapos tumalikod na silang dalawa at umalis. Habang papunta si Elaiza sa opisina ni Mr. Shino Yamamoto. May nakita siyang babae na kakalabas lang din galing sa elevator. Nagandahan siya sa mukha nito at kung paano ito maglakad. Huminto siya at pinagmasdan lang ang babae pero, agad din itong bumalik papasok sa elevator. Kaya siya ay dumiretso na lang sa opisina ng may-ari daw ng kompanyang pinapasukan niya. Nang makita niya ang nakasulat ay agad siyang kumatok. Pero, walang sumasagot kaya pumasok na lang siya. Iniisip na lang niya na baka busy ito kaya hindi na siya nagdalawang isip na pihitin ang doorknob. Pagkapasok niya ay namangha siya sa nakikita niya. Sobrang linis ng lugar, naka-ayos lahat ng mga libro at may upuan siyang nakita sa harap ng isang swivel chair. Umupo siya dun at napansin niyang may album sa mesa. May tatlong lalaking matatangkad at may isang babae na medyo may edad na at may isang babaeng mas matanda lang sa kaniya. Baka ito ang family picture niya. Sino kaya dito sa tatlong lalaki ang amo niya? Baka itong may edad na din? aniya ng isip niya. Ang daming pumapasok na tanong sa isip niya. Kalahating oras na ang nalipas pero, wala pa din ang amo na nagpatawag sa kaniya. Bagot-bagot na siya. Sumasakit na din ang pwet niya sa kakaupo sa upuan. Inaaliw na lang niya ang kaniyang mata sa mga album na naka-display din pala sa isang gilid na nakaharap sa kaniya. Napapangiti siya dahil sa nakita. Masaya ang mag-anak dahil siguro ay kompleto sila? Dalawang oras ang lumipas wala pa ding dumating. Wala siyang maka-usap, napapanis na ang laway niya. Tumayo na lang siya upang hindi na masiyadong sumakit ang pwet niya sa kakaupo. Hanggang sa napag-pasyahan niyang lumabas na din. Pero, bago pa niya mapihit ang doorknob ng opisina ay kusang bumukas ito at pumasok ang isang babaeng nakita niya sa isang album. "Konnichiwa." (good afternoon.) sabi ng babae sa kaniya. Siya naman nakatulala lang. Hindi niya maintindihan kung anong sinasabi ng babae sa kaniya. Gusto niya sanang tanungin. Pero, nagdadalawang - isip siya kung nakakaintindi ba ito ng tagalog or English. Singkit kasi ang mga mata nito. Nabigla siya ng bigla na lang hawakan ang kamay niya at kinaladkad ka siya pabalik sa inuupuan niya. Pinaupo siya at tikom lang ang bibig niyang nakamasid sa babaeng nasa harapan niya. "Dare desu ka?" (who are you?) Hindi niya talaga maintindihan ang mga sinabi nito sa kaniya. "Hay. Who are you?" tanong nito sa kaniya. Nakahinga siya ng malalim. Pero ang problema na naman. Hindi siya masiyadong marunong magsalita ng English. "Me? Elaiza ma'am." sagot niya sa nauutal na boses. Kinakabahan siya na baka pagtawanan siya ng babae dahil sa mali ang grammar niya. "Oh. Gomenasai." (Sorry) sabi nito. Siya naman ay tumahimik na lang. Nang biglang tumunog ang cellphone ng babae at sinagot agad nito. "Nan desu ka?" (what is it?) Huminga ito ng malalim. "Otoosan wa doko ni imasu ka?" (where is father?) "Nani!?" (What!?) sigaw nito. Siya naman nakamasid lang dito. Ano bang language ang pinagsasabi nito? Hindi niya naman naiintindihan. "Anata wa nanji ni kimasu ka?" (what time are you coming?) "Goji ni kaeri masu." I go home at 5:00 o'clock.) "Hai." (Yes) "okay. Sayōnara little brother." (goodbye little brother.) Lumingon ang babae sa kaniya. "Pwede ka ng magsalita. Nakakaintindi naman ako ng Filipino." sabi ng babae sa kaniya at ngumiti. Mas lalo siyang nakahinga ng maluwag. "Salamat naman." sabay hingang malalim. Tumingin siya sa babae at ngumiti. "Nga pala. Bakit ka nandito sa opisina ng kapatid ko?" tanong ng babae. "Ah. Kasi po, pinatawag niya po ako. Sabi kasi ng head na pumunta lang daw ako dito sa opisina niya." tumango-tango lang ito sa mga sinasabi niya. "Pero, wala naman ata siya dito. Ilang oras na nga po akong naghintay dito baka kasi may ginawa lang siya." Huminga siya ng malalim. Iniisip niya na baka sesantehen siya ng kapatid ng may-ari ng kompanya. "I'm sorry. Pero, balik ka na lang siguro mamaya. Kasi, hindi na yata makakabalik ang kapatid ko dito sa opisina na niya kasi nandoon na siya sa bahay. Pero, try ko na papuntahin siya pabalik dito. May dinner meeting kasi kaming dalawa na pupuntahan din eh. Siyaka tanghali na, kumain ka na ba?" umiling siya. Hindi nga niya namalayan na tanghali na eh. Hindi niya din alam kung anong oras na. Basta trabaho lang ang inatupag niya. Kapag may tumitingin nga sa kaniyang mga empleyada hindi niya pinapansin. Wala siyang pakialam sa sasabihin ng iba. Ang mahalaga ang trabaho niya. Pakialam niya ba sa mga taong 'yun. Hindi naman niya nakakain 'yon. Tiningnan siya ng babae mula ulo hanggang paa. "Alam mo. Ang ganda mo." sabi nito sa kaniya. Yumuko na lang siya. Nakakahiya naman, wala pang nagsabing ibang tao na maganda siya bukod sa nanay niya. 'Yong mga pinsan nga niya eh, sinasabihan siyang pangit kaya nakatatak na sa sarili niya na pangit siya. Tutal ang mahalaga lang sa kaniya ay ang nanay niya. Siya ang nag-aaruga dito, binabalik lang niya kung ano ang ginagawa ng ina niya noong bata pa siya. "Kain ka muna okay. Don't worry, ako mismo ang magpapapunta sayo dito. Ano palang trabaho mo? Bakit parang nangangati na naman ako?" sabi ng babae sa kaniya. Napatingin tuloy siya dito. "Po? Janitress po. Masama po ba?" "Hindi naman." sabay iling. "May dust allergy kasi ako. Pero, okay lang." napansin din niya na namumula ang mukha ng babae. "Parang kailangan niyo na po yata umuwi or uminom ng gamot. Kasi, po namumula na po ang mukha niyo." "Don't worry. May baon na akong gamot dito. Iinumin ko na lang mamaya." tumango siya at tumayo na din. Nag-ring na naman ang cellphone nito. Siya naman humakbang na palabas pero, hinawakan siya ng babae sa braso at umiling ito. "Moshimoshi." sagot ng babae. "Hey. Little brother. Bakit ka napatawag?" tanong nito. Siya naman. Umupo ulit, akala niya ba paaalisin na siya. Anong oras na pala? Tumingin siya sa paligid at nahagip ng mga mata niya ang wall clock na nakasabit. Trenta minutos na lang ala-una na ng hapon. Kumakalam na din ang tiyan niya. Kailangan kong kumain no. Paano na kapag nagkasakit ako? Sinong mag-aalaga sa nanay ko kung pareho kaming may sakit. Tiningnan niya ang babae. May kausap pa din ito. "Okay Shino. Nga pala, may babae dito pinatawag mo daw siya?" tanong nito sa kabilang linya. Pero, kahit na siya ang tinutukoy ng babae pero, wala pa din siyang pakialam. "Isasama ko na lang siya. Wala pa yata siyang kain eh. Okay. Saan tayo magkikita? Sa bahay na lang. Okay. Uuwi na din ako." sabi ng babae. Sabay baba ng cellphone at tingin sa kaniya. Hindi pa din kasi binibitawan ng babae ang braso niya. Ngumiti ito ng pagkatamis -tamis sa kaniya. Kumunot ang noo niya. Anong balak ng babaeng ito sa kaniya? Itatapon ba siya? Dadalhin sa bahay nito at doon itapon sa mga alaga nilang buwaya? Ang daming negative thoughts ang pumapasok sa isip ni Elaiza. "Tara na!" sabay kaladkad sa kaniya palabas ng opisina ng may-ari ng kompanyang pinagtatrabahuan niya. Saan kaya niya ako dadalhin? tanong ng isip niya. "Don't worry. Hindi naman kita kakainin." sabay pasok nila sa elevator. Tahimik lang siya habang nasa elevator sila. Ayaw niyang magsalita baka maamoy nito ang bunganga niya na panis na ang laway niya. "Anong full name mo?" tanong ng babae habang nasa nakatingin sa pinto ng elevator. "Elaiza Recuelles po." sagot niya ng nakayuko. "Nice name." sagot naman ng babae. "Salamat po." "Walang anuman. Alam mo, bagay kayo ng kapatid ko." sabi nito sa kaniya. Bigla tuloy siyang napatingin sa babae dahil sa sinabi nito sa kaniya. Anong bagay? Diba tao naman kaming dalawa? Paano kami naging bagay? Nang tingnan niya naman ang katawan niya hindi pa naman siya manika. Tao pa din siya. Ano bang tinutukoy ng babaeng ito? tanong ng isip niya. "Kasi, alam mo may allergy din siya kagaya ko. Mas malala lang 'yung sa kaniya. Sana palagi kayong magkita para masanay siya sa alikabok. Ang bilis kasi mangati non at siyaka, ang bilis niyang magkaroon ng rushes. Ewan ko ba. Nasa lahi kasi namin eh." kwento nito. Mabait naman pala siya. Akala niya masama ugali nito. Kasi, ang mga pinsan niya mga matapobre eh. Palagi silang inaapi ng nanay niya. Mga mayaman naman iyon kaya lang ang kitid ng utak. Sana lahat ng tao kagaya ng nasa katabi niya. Iyan ang palaging laman ng utak ni Elaiza. Kung hindi puro negative thoughts may positive thoughts din naman kahit papaano. Kadalasan nga lang puro negative. Ang lalim kasing mag-isip. Akala niya kasi lahat ng tao masasama bukod sa nanay niya. Nasanay kasi siyang walang kaibigan kasi palagi siyang inaapi noon nung nag-aaral siya. May naging kaibigan naman siya. Kaya lang hindi din iyon nagtagal. Tiniraydor kasi siya nito at sa kasawiang palad ayaw na niyang magtiwala pa sa iba. Kaya ito siya ngayon, namomoroblema kung paano makipag-usap ng matino minsan. May kalokohan naman siya sa katawan. "Magsalita ka naman." sabi ng katabi. "Po? May sinasabi ka po?" tanong niya. "Alam mo, kanina pa ako nagsasalita dito. Hindi ka naman nakikinig sa akin eh. Ang tanong ko kung payag ka bang maging P.A. ko or Personal Assistant?" kumunot ang noo niya. Personal assistant? Anong ginagawa ng isang personal assistant? "Oh. You don't get it. Do you?" tumango lang siya siya kahit hindi niya masiyadong naintindihan ang sinasabi nito. "Huwag na po." tanggi niya. Baka ano pang ipagawa sa kaniya. "Bakit naman?" tanong nito. "Ano po bang gagawin ko kung sakaling tatanggapin ko ang sinasabi mo po?" tanong niya. "Magdadala ka ng gamit ko, check my schedules at lahat ng gagawin ko kapag may shooting ako. Please. Kahit pansamantala lang. Nag-leave kasi ang P.A ko. Please. Don't worry ako ang bahala sa'yo." sabi nito at hinawakan ang kamay niya. Ngumiti na lang siya dito. Sasagotin na niya sana ng biglang bumukas ang elevator at kumapit sa kaniya ang babae at dinala siya nito sa parking lot ng building. "Hop in." sabi nito nang makalapit sila sa isang magarang sasakyan. Habang nasa biyahe si Elaiza kasabay ang kapatid ng may-ari ng kompanya. Nakamasid lang siya labas ng sasakyan nito. "Alam mo, pwede ka naman maging model. Maganda ka naman at may height ka naman." aniya ng babae. "Hindi po ako bagay dun." sabi niya. Kahit nakatingin siya sa labas. Nakikinig naman siya sa mga sinasabi nito. "Ah. Basta ako ang bahala sa'yo. Kahit isang buwan lang please." sabi nito. Kanina pa kasi siya kinukulit nito. Nung nakapasok siya ng sasakyan at pagkatapos makabit niya ang seatbelt ay kinulit na siya ng kinulit nito na maging P.A niya daw. Kahit pa doblehin daw ang sahod niya. Okay lang daw basta daw pumayag siya. Gustuhin man niya pero, paano ang nanay niya? First priority pa din niya ang nanay niya. Napansin niyang bumagal ang sasakyan kaya napalingon siya babaeng nagmamaneho. "Malapit na tayo." sabi nito at ngumiti. Bakit parang excited itong umuwi? tanong niya sa sarili. Napansin niyang pumasok sila sa isang subdivision. Napamangha siya sa nakikita. Ang laki ng mga bahay, ang linis at ang ganda. May security din. Dumiretso ang sasakyan at ilang minuto lang ang lumipas ay huminto ito sa napakalaking mansion. Yung pagkamangha niya ay napalitan ng kaba. Kinakabahan na siya baka ito na ang huli araw niya sa mundo. Baka nagbabait-baitan lang sa kaniya ang babae at ang totoo ay ipapakain siya talaga sa buwaya. Napansin naman ng babae na medyo hindi siya komportable kaya hininto muna nito ang sasakyan at tumingin sa kaniya. "Bakit ka namumutla Elaiza? Huwag balang kabahan. Mababait ang mga tao dito. Lalo na ang mga magulang ko. Don't worry , kung ano man iyang iniisip mo na hindi ko alam. Huwag kang mag-alala hindi mangyayari iyan." Sabi nito at medyo napanatag naman ang isip niya. Nang makababa silang dalawa ay nandoon pa din ang kaba niya. Ano ka ba naman Elaiza, tao lang sila. Sabi nga niya diba hindi ka niya aanuhin. Kausap niya naman ng utak niya. "Tara na!" sabay kaladkad naman nito sa kaniya. Uso ang kaladkad. Palagi naman eh kahit noong nasa lugar pa nila. Kinakaladkad na siya ng pinsan niya. Nang makapasok silang dalawa. Bumungad sa kaniya ang napakalaking sala. "Welcome." sabi nito. "Tara kain tayo." giya naman ng babae at dinala siya sa dining area ng bahay. May mga maids na naghahain at nakita na naman niya ang babae kanina nung patungo siya sa opisina ng may-ari at naka-upo ito sa isa sa mga upuan. "What are you doing here Rin?" tanong agad ng kasama. "Well. I'm here to visit tita Hara." sagot naman ng kasama nito. "Visit your face. Tsk!" sabi nito mahina. "Wala dito si mommy, makakaalis kana." sabay taas ng kilay ng kasama niya. Siya naman hindi pa din binibitawan. Napapansin din niyang humihigpit ang hawak nito sa kaniya kaya naman siya na ang nagpasya na hawakan ang kamay nito at tumingin naman ang babae sa kaniya at binitawan ang kamay niya. Ayaw niya pang mabalian no. Sakit kaya, paano na siya makakapagtrabaho ng maayos kung bali na ang mga kamay niya? Matatanggap kaya siya? Mahirap pa naman maghanap ng trabaho sa isang kagaya niya. "Sino ba ang nagpapasok sa'yo dito?" tanong ng babaeng kasama niya. "Ako." sagot ng isang lalaki sa likuran nila. "What's going on here?" sabay tingin sa kaniya. "And who the hell are you?" tanong ng lalaki. "Oh. Your here brother. Siya nga pala 'yung babaeng pinatawag mo." sabay kapit na naman sa kaniya. Ano bang nangyayari? Hindi naman niya maintindihan ang mga pinagsasabi ng mga ito. "Dinala ko siya dahil gusto ko sa akin muna siya, ng isang buwan, please. Kahit one month lang, habang nasa leave pa ang P.A ko. Please." sabay puppy eyes ng katabi. "No way. Maghanap ka ng iba." sabay lapit ng lalaking kausap nito at hawak sa kaniya, sabay hila sa kaniya. "She's mine and mine alone." sabi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD