Habang nasa biyahe siya at nakatingin sa camera na hawak niya. Napapangiti siya, hindi niya akalain na ang inosente pa ni Elaiza noon pero, ngayon ang laki na ng pinagbago. Hindi pa sila nakakalayo ay may natanggap siyang mensahe sa isang unregistered number. 'she will going to die tonight.' Kinabahan siya sa nabasang mensahe kaya agad siyang tumingin sa driver niya. "kailangan nating bumalik." aniya at agad naman na niliko ng driver pabalik ang sasakyan kaya lang nasa highway sila kaya medyo matrapik. Kaya ang ginawa niya ay bumaba ng sasakyan at agad na tumakbo pabalik sa pinagdausan ng party. Wala siyang pakialam kung pinagtitinginan siya ng mga tao. Ang mahalaga makaabot siya sa oras at mailigtas ang mga tao do'n. hindi niya hahayaan na may buhay na naman na mawawala dahil sa kapabayaa

