Katatapos lang ng libing ng lola niya. Nasa tabi niya si Shiro iyak pa din ng iyak, hindi ito nagsasalita masiyado, minsan tulala lang ito, kumakain pero konti lang din ang kinakain nito. Pumayat ito ng husto, minsan naka- dextrose na lang ang bata dahil ayaw kumain. "lola..lola... di'ba sabi mo po, maglalaro pa po tayo? Sabi mo iyon di'ba? Bumangon ka na po diyan." Sabay hikbi nito. "ninong." Anito sabay tingin sa kaniya na may mga luha ang mga mata. "di'ba... babangon pa si lola?" anito na tumulo na naman ang luha. "di'ba po, maglalaro pa po kami? Sabi niya kasi sa akin, maglalaro pa po kaming dalawa sa garden.. tapos... tapos..." anito at pumalahaw na naman ng iyak, siya na nakatingin ditto ay pinipigilan lamang din na pumalahaw dahil, ayaw niyang sabayan ang bata, baka mas lalo itong h

