CHAPTER 9

2775 Words
Habang nasa biyahe sila. Kumakanta ang boss niya. Ang ganda ng kanta. Kaya lang hindi niya alam. Nakahawak ang isa nitong kamay sa manobela ang isa naman nitong kamay ay nakahawak sa kaniya. Yong mga kamay niya basang-basa na dahil sa pawis. Pero, ang boss niya walang pakialam do'n. Hinahalikan pa nga nito minsan. Pero, ang mga mata nito nakatingin sa daan. Pero, tumitingin din ito sa kaniya paminsan-minsan. Puso! Diyan ka lang ha! Mababaliw na yata siya dito sa boss hiya eh. "Maging kagandahan  ay wala sa aking isip  O ang umaga may magkasabay  Sa kislap ng mga bituin  Sakdal na pag-ibig  Ay hindi ko nais." Kanta nito. Ang ganda ng boses. "O sabihin mang Ibibigay ang lahat ng iyong hiling  Hindi na kailangang may magbago pa sayo  Ramdam ko ang bawat saglit  Pag-ibig ay tumitindi" Kinikilig na siya habang nakikinig lang sa boss niya. Nang hinalikan na naman nito ang kamay niya. Gusto niya sanang ilayo iyon sa boss niya. Pero, sa tuwing ginagawa niya iyon. Mas lalong humihigpit ang pagkakahawak nito sa mga kamay niya. "Wagas at totoo aking halik  Wala ng halaga sa akin ang buong mundo  Kapag ikaw ay katabi  Damdamin ko sayo'y walang maliw  Ang kailangan ko'y ikaw  Walang katulad ang inaalay kong pag-big." Totoo ba 'to? Nanaginip ba ako? Pwedeng hindi na lang magising? Hihimatayin na ako sa boss ko. "Sabayan mo ako. My Elaiza." "H-hindi ko  alam ang kanta na iyan boss." utal niyang sagot nito. "Okay lang, para sa'yo naman 'yun eh." ani ng boss niya. "Salamat." aniya. "Ganda ng boses mo." "Salamat. Ikaw lang din ang babaeng kinantahan ko My Elaiza." sabay ngiti at kindat sa kaniya. "Hindi na kailangang magpakitang -giliw  Basta't ako'y iibigin mo sa paraan  Na tangi lamang sayo  Lagi mong isipin na nandito lang ako  At ika'y mamahalin  Nang higit pa sa akin." "Anong title niyan boss?" tanong niya rito. "Wagas na pag-big. Kagaya ng pag-ibig ko sayo." "Hah?" "Wala. Huwag mo ng isipin 'yon." "Sa pagkatao ko nadarama  Tagos sa aking puso  Ang buhay ng dahil sayo  Ay puno ng pag-big." Tapos, narinig niya ulit na may binalik siyang part. Ang chorus siguro. Ang ganda ng boses, ganda din ng kanta. Mamamatay na talaga siya kilig  dito. Ganito ba ang boss niya? Siguro kung mamamatay man siya, mamamatay siyang masaya. "Ikaw. Kantahan mo naman ako." ani ng boss niya. "Kanta? Wala akong alam." sagot niyan "Meron yan." ani nito. "Mamaya boss. Kaya lang, pangit ng boses ko eh." "Para sa akin maganda ka naman eh." sabay tingin sa kaniya at kindat pa. Uminit na naman ang husto ang pisngi niya. "Sige na please." pilit sa kaniya ni Shino. Wala siyang nagawa kundi kumanta. Pangit pa naman ng boses niya. "Kiss.. Kiss... Fall in love  Maybe you're my love." kanta niya. "s**t! Ang cute  ng boses mo at bagay na bagay iyon sa'yo." Kumunot lang noo niya. Napailing lang siya. Magkakaroon siya ng sakit sa puso dahil sa boss niya. "I see you come  I watch you go  You never seem to leave me though  So is this love or hate?  We'll see you're making me crazy" Kahit hindi niya naintindihan ang mga liriko ng kanta pero, gustong-gusto niya ito. "Inside my dreams  You're all I see  Well, all I see is you and me  Lady, maybe or host I find  I don't mind" Nang tingnan niya ang boss niyang nagmamaneho. Ang lapad ng ngiti sa labi. Anong nakain nito? Wala naman siyang ginawa. Kumanta lang siya. "If I had to choose a rose  In this garden of romance  Maybe we could take this chance  Maybe you're my love!" Mas lalong lumapad ang ngiti sa mga labi ni Shino nang marinig ang My Love. Hindi man iyon naiintindihan  ni Elaiza pero, alam na alam lahat ni Shino ang mga bawat lyrics sa kinakanta ni Elaiza. Kaya tuwang-tuwa siya na iyon ang kinanta ng dalaga. " And I would like to find  A hand like yours to take mine,  And with one kiss." sa sinabing iyon ni Elaiza ay agad niyang hinalikan ang likod ng kamay nito. Napatingin siya kay Elaiza na lumaki ang mata sa ginawa niya. "Sige na. Ipagpatuloy mo lang." sabay ngiti. Ibinalik na niya agad sa daan ang mata at narinig niyang pinagpatuloy ni Elaiza ang kanta. Ganda din ng boses ng dalaga. Ang sabi nito ang pangit daw ng boses pero hindi naman. "And we could stop time  And I'd fall in love with you!" Yes! You will My Elaiza. "Tomorrow's far away,  Let's place our hopes in today  Just you and me  In a beautiful spring  And we'll always fall in love, again!" "I'm searching for the other you  The one that nobody else knew  But I'm afraid of what I'll find  Don't leave me behind" Hindi din kita iiwan  My Elaiza. Dahil akin ka! Akin lang! "Silent, or cute, or mischievous  Or cool, or even princely types,  Each time we part  I lost my mind  My resolve falters" Me too my Elaiza. Me too! Pagkausap niya sa sarili habang nagmamaneho patungo sa bahay ng dalaga. "Every time that our eyes meet  My heart skips a beat or two  I'm not sure about you yet,  But... I think you're my love!" Ganiyan din siya kay Elaiza. Every time their eyes meet. Ang puso niya pumipintig ng malakas. "And when we're too  busy  To talk I just imagine  A sakura kiss- love that's  Too wonderful to ever bear alone." Nakikinig lang siya sa boses ni Elaiza na maganda sa kanyang pandinig. "Our fears will go away  Our love is the strongest today  Just you and me  In a beautiful dream  And we'll always fall in love again" "Let's create some new memories together that well remember, always Maybe you're my love!" "Yan. Tapos na. Okay na ba?" tanong ni Elaiza sa kaniya. "Okay pa sa alright." sagot niya. Kumunot ang noo ng dalaga sa sagot niya. "Wala." aniya at tiningnan ang daan. Malapit na sila sa bahay ng dalaga. Nang makarating sa lugar nina Elaiza. Hininto niya agad ang sasakyan. Bumaba na sila. Buti hindi nagreklamo ang my Elaiza niya dahil sa ginawa niya. Nakita niyang ganoon pa din ang lugar nila. May mga lasing pero, ibang tao na naman iyon. Hindi iyon ang lasing na nakita niya kahapon. Nang makalapit sila sa may tindahan. May lasing na tumayo sa kinauupuan niya. Agad niyang hinawakan ang braso ni Elaiza at agad niyang kinaladkad ang babae patungo sa likod niya. Nauna kasing naglakad ang dalaga sa kaniya. "Boss! Ano bang ginagawa mo?" tanong nito. Ayaw niyang may ibang lalaking lumalapit  sa dalaga. Naiinis siya. "Diyan ka lang." aniya rito.  Hinarap niya ang lasing. "Anong kailangan niyo?" tanong niya sa lasing na nasa harapan na niya. Tiningnan siya ng lasing mula ulo hanggang paa. "Aba! Mukhang nakadughit  si Tarzarina ng Gwapo at mukhang mayaman pa. Tingnan mo nga naman oh." ani ng lasing sa kaniya. Mabuti hindi pa ito utal kung magsalita. Sarap sapakin. Pero, alam niyang hindi iyon maganda. Siya na lang ang mag-intindi  dahil siya ang hindi lasing sa kanilang dalawa. Pero, naman! Sa susunod na may marinig siyang hindi maganda tungkol   kay Elaiza. Sisiguraduhin niyang mananagot  ang kahit sino man. Tahimik lang si Elaiza sa likod niya. Nakahawak lang ang dalaga sa laylayan  ng damit niya. "Tara na po boss!" ani ng dalaga. "Gabi na po." Tumango siya at huminga ng malalim. Inakbayan niya ang dalaga patungo sa bahay nito. Naka-ilang  hakbang  lang silang dalawa ng dalaga ng may isang lalaki naman na may dalang baso na may lamang alak ang tumayo. "Pare. Saan ka pupunta? Shot ka muna!" ani ng lalaking naglalakad patungo sa kanila. Kaya huminto sila. Tinanggal ni Elaiza ang pagkakaakbay niya at hinarap ang lasing. "Aba! Anong akala mo sa kasama ko? Kagaya niyo lasinggo! Bumalik ka na nga do'n." sabay turo nito mesa at upuan kung saan ito galing. "Ayaw mo? Aba! Gusto mo ng sample?" Umiling ito. "Tarzarina naman! Respeto lang naman ito eh." ani ng lasing. "Hindi!" sabi nito sa malakas ng boses. Pati siya natakot. Napaatras  tuloy siya ng konti. "Kailan ba kayo magbabago hah? Hindi man lang kayo naaawa sa sarili niyo?" pangaral ng dalaga sa kanila. "Pasensiya na pare! Pero, ingatan mo yang si Tarzarina ha? Kami ang makakaharap mo." ani ng lasing. Tumango lang siya at tumalikod na ang lasing at humakbang na ito pabalik sa mesa nila. Siya naman ay tiningnan lang ni Elaiza. "Ayos ka lang ba boss?" tanong nito sa kaniya. Ngumiti at tumango lang siya at the same time. "Tara na. Pabayaan mo na sila diyan." Tapos, naglakad na sila papunta sa bahay ng dalaga. Nang makarating sila sa bahay ng dalaga ay nagtaka si Shino. Kung bakit may motorcycle malapit sa bahay nina Elaiza. "Teka! Parang kilala ko yan ah." ani ng dalaga sa mahinang boses pero, narinig naman niya. Biglang tumakbo ang dalaga patungo sa loob ng bahay nito. Anong nangyari sa dalaga? Bakit ganoon 'yon? Sumunod na lang siya, pumasok din siya sa loob. Laking gulat niya sa nakita. May kayakap ang dalaga at biglang dumilim ang mukha niya. Kumulo ng husto ang dugo niya. Walang sinuman ang pwedeng yumakap sa Elaiza niya. Dapat siya lang. Kaya agad siyang lumapit at kinalas  ang pagyayakapan ng dalawa. Nagtataka tuloy ang dalaga na napatingin sa kaniya pati ang kayakap nito kanina. "Hindi mo man lang ba ako ipapakilala sa kayakap mo?" tanong niya. "Ay. Oo nga pala." sabay ngiti ng malapad at tingin sa lalaking nasa tabi lang. Kaya hinila niya ang dalaga palapit sa kaniya. "Boss! Ano ba! Ang sakit." saway nito sa kaniya. Pero, ngumiti at kinindatan lang niya ito. Pero, sa loob -loob niya, kumukulo pa din ang dugo niya sa galit dahil sa nakita mga ilang minuto lang ang lumipas. "Oh. Nakalimutan ko. Siya pala si Edzel. Kaibigan ko." "Correction! Best friend. Best na best na best friend." singit ng lalaki sa usapan. "Best friend?" tanong niya. Tumango naman ang dalaga. Mas lalo siyang nagalit nung sumingit sa usapan nila ang lalaki na hindi naman ito ang kausap. Kaya tiningnan niya ang lalaki ng masama. "Ah. Nga pala. Si Shino, Boss  ko." pagpapakilala din ng dalaga sa kaniya. Boss lang? Yun lang ang ipapakilala niya sa akin? Hanggang boss lang ba ako sa kaniya? "Oh. Your boss. I'm Edzel Tanaka best na best na best friend ni Elaiza." pagpapakilala nito sabay lahad ng kamay sa kaniya. Tinanggap naman niya ang pakikipagkamay ng huli at nagkamayan sila ng mahigpit na mahigpit. Walang nagpapatalo. Hindi din iyon napansin ng dalaga. Kaya nagpakilala din siya dito.  "Shino Yamamoto. Boss niya. And soon to be." hindi na natapos ang sasabihin ni Shino dahil sumingit na si Elaiza. "Tama na yan." sabi ni Elaiza. Kaya binitawan na nila ang kamay ng isa't-isa. "Upo kayo." sabay turo sa upuang kahoy na nasa dining area nila. Parang yung sala eh, dining area  na din at the same time. "Boss ka  lang pala. Bakit ka nandito?" mahinang tanong ni Edzel kay Shino. "Hinatid ko lang si Elaiza." sagot niya. "Siyaka , mananatili din ako ng ilang oras dito. Dito nga ako kakain eh." sagot din niya mahinang boses. "Kapal naman ng mukha." sagot naman nito sa mahinang boses. "Sige. Mag-usap lang kayo ha. Hanapin ko lang nanay ko. Saan na naman yun nagpunta?" aniya sa dalawang naka-upo na ngayon sa upuang kahoy nila. Magkatabi din ang mga ito. "Iza. Si nanay nasa nasa bahay. Nandito kasi sina mama at papa kanina. Gusto isama si nanay kaya ayon, napilit naman ni mama. Alam mo namang ang tagal na nilang hindi nagkita diba? Parang tayo. Ang tagal na nating hindi nagkita kaya miss na miss na miss kita." sabay tayo ng Best friend niya at lumapit sa kaniya. Niyakap siya nito. Nang tingnan niya ang boss niya. Ang dilim ng mukha nito na nakatingin sa kanilang dalawa.  Napansin din niya ang bagang nito na nagngitngit  sa galit.  Anong problema ng boss niya? Sanay kasi si Zel  na yumakap sa kaniya mula pa noon. Kaya kapag nagkikita silang dalawa. Nagyayakapan talaga sila. Wala naman malesiya iyon sa kaniya at sa best friend niya. Hindi pa din kumakalas sa pagkakayakap ang best friend niya. Kaya siya na mismo ang kumalas. Dahil kapag tumatagal, mas lalong dumidilim ang mukha ng boss niya na kanina lang ay ang saya. Magmula ng dumating sila, madilim na ang mukha nito. "Boss." nakita niya kasi itong tumayo. "Saan ka pupunta?" humakbang kasi ito at sa isip niya baka aalis na. Pero, laking gulat niya ng humakbang din ito palapit sa kanilang dalawa ng best friend niya at agad na sinuntok ang Best friend niyang wala naman kasalanan. "Anong problema mo!?" sigaw ng Best friend niya sa boss niya. "Ako? Kanina pa ako nagtitimpi  ng galit ko." sabay hawak sa braso niya at hinila siya palayo sa best nito.  "Huwag na huwag mo siyang hahawakan." ani ng boss niya. "Boss!" saway niya. "Tama na yan." Tiningnan lang siya ng boss niya ng masama. Lumapit ang mukha nito sa tenga niya. "Walang sinuman ang pwedeng humawak sayo kundi ako lang." Bulong nito sa kaniya. Ito na naman ang puso niya. Bumibilis na naman sa pagtibok. Tumango lang siya. Hawak pa din ng boss niya ang braso niya. Giniya siya nito paupo sa upuang kahoy. Nang tiningnan niya ang best Best friend niya nakahawak ito sa mukha at may pasa na din. Nakakaawa  ang best friend niya. Ni minsan hindi ito nasuntok ng kahit sino maliban lang sa kaniya. Dahil siya lang daw ang may karapatan na suntukin ito at saktan ito hanggang gusto niya. Pero, ngayon mukhang iba gumawa no'n. Ang Best friend niya. Nang mapansin ni Shino na nakatingin si Elaiza kay Edzel ay agad niyang hinawakan ang baba nito at pinaling sa kaniyang direction ang mukha. "Sa akin kanilang dapat tumingin." Tumango naman ang dalaga sa sinabi niya. Tiningnan naman niya ng masama ang lalaking nakatayo sa pwesto. Tibay din ng mukha ng lalaking ito. Akalain mo, hindi man lang natumba sa suntok niya. Pero, ang mas nakakainis ay niyakap niya ang Elaiza ko! Kumuyom naman ang mga kamao niya sa isiping iyon. Hinawakan niya ang kamay ni Elaiza. Naiinis din kasi siya na hindi pa umaalis sa bahay nina Elaiza si Edzel. Tsk! "Teka lang ha. Kailangan ko ng magluto."  sabi ni Elaiza sa kanila. "Tulungan na kita Iza." presenta  ni Edzel. "Huwag na Zel ako na. Umupo ka na lang muna. Huwag kayong magsusuntukan  hah? Lagot kayo sa akin." babala ng dalaga sa kanila. Astig talaga ng Elaiza niya. "Opo.   Best na best." sagot naman ni Edzel dito na may mapanuyang ngiti sa mga labi. Siya naman ay tumahimik na lang. Umupo si Edzel sa harap na upuan. "Masakit ba?" tanong din niya sa may mapanuyang ngiti sa mga labi. "Yung suntok mo na iyon ay hindi nangangalahati sa suntok ni Iza." sabay ngisi nito sa kaniya. Mas dumilim ang mukha niya sa sinabi nito. "You know what, ang suntok mo parang babae lang. Mas malakas pa sumuntok sayo si Iza eh." sabi nito sa mahinang boses para hindi marinig ni Elaiza. "Talaga? Gusto mo ulitin  ko?" Mas dumilim ang mukha ni Shino sa nakikita niyang ngisi sa mukha ng kaharap. Gusto niyang mawala ang ngisi nito sa labi. "Try mo. Dahil kapag sinapak mo pa ako. Sigurado akong si Iza ang makakalaban mo." sabi nito. "At bakit naman siya? Eh ikaw naman ang kalaban ko? Siyaka, hindi ako kayang saktan ni Elaiza."  "Talaga? Tingnan natin." sabay ngisi. Bakit naman siya sasaktan ni Elaiza? Hindi naman siya kayang saktan ng dalaga. At hindi niya din ito kayang saktan. Oo nga pala. Bawal silang mag-away. Pero, kapag nakita niya ulit ang nakita niya kanina. Sigurado siyang may dadanak na dugo sa bahay na'to. Ayaw niyang mangyari iyon pero, naiinis talaga siya. Kahit best friend pa ito ng dalaga. Naiinis pa din siya. Gusto niya lahat ng attention ng dalaga ay sa kaniya lang. Dapat sa kaniya lang ito nakatuon. Walang ibang dapat itong pagtuunan ng pansin dapat siya lang. Narinig nilang kumakanta ang dalaga. Sinasabayan din ito ng Best friend niya. Siya naman hindi alam ang kantang iyon. At naiinis na naman siya. Lumingon si Elaiza sa kanila na may ngiti ang labi. Pero, mas nakatuon ang mata nito sa best friend niya. "Alam mo pala ang kantang  'yon?" "Oo naman." sabay tango at may malapad na mga ngiti. "Paano ko malilimutan ang ating team song?" tanong nito. "Oo nga pala. Palagi nga nating kinakanta iyon tuwing sabado at linggo dati. Nung umaakyat tayo sa mga puno." Kwento ni Elaiza. Ano 'to? Reminiscing the old times? Nagngingitngit  na siya sa sobrang galit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD