Kalahating oras ang lumipas. May mga dumating sa bahay nina Elaiza. Ang nanay ni Elaiza ang unang pumasok. Kasunod iyong mga taong hindi niya kilala. Siguro kaedad lang ng mga magulang niya.
"Nanay." sambit ni Elaiza. Agad siyang tumakbo patungo sa nanay niya at niyakap ito.
"Elaiza!" sambit ng isang lalaking may edad. Napatingin si Elaiza do'n sa lalaki at ngumiti ng malapad.
"Ninong!" sambit niya at agad na tumakbo patungo sa tinatawag niyang ninong. "Namiss kita Ninong."
"Namiss din kita hija." ani nito sa Elaiza niya.
"Ninang." sambit din ni Elaiza sa babaeng may edad na din.
"Ang magiging manugang ko soon. Kumusta kana hija?" tanong nito.
"Okay lang po ako ninang. Kayo po? Matagal ko na kayong hindi nakikita. Miss na miss ko na po kayo." aniya na parang bata. Tsk! Ako lang dapat.
"Miss na miss din kita hija." tumingin ang medyo may edad sa kasama nilang lalaki na nagngangalang Edzel. "hijo. Halika ka nga rito." sambit nito.
"Mama." sabay lapit ni Edzel sa may edad na babae. "Akala ko Ma, mamaya pa kayo babalik?" tanong nito.
"Hindi daw pwede sabi ng Nanay mo." anito na ang tinutukoy ay ang Nanay ni Elaiza. Nanay! Ako din naman ah. Nanay din ang tawag ko sa kaniya. "Baka hanapin daw siya ni Elaiza."
Napatingin naman sa kaniya ang lalaking may edad na. "Hija. May bisita ka pala?" tumango lang si Elaiza.
"Ay. Oo nga pala. Siya nga pala ang boss ko. Si Shino Yamamoto." pagpapakilala niya sa kaniya.
"Oh. Japanese din." sabi sa kaniya ng ama ni Edzel. "Hi. I'm Eroz Tanaka and this is my wife Zelene." Pagpapakilala nito sabay lahad ng kamay.
Tinanggap naman niya ang pakikipagkamay sa ama ni Edzel at ngumiti din. "Shino Yamamoto." Pakilala niya ulit. "Nice meeting you sir." aniya sabay yuko.
"Nice meeting you too." sagot nito.
"Ay. Ninong, ninang." sambit ni Elaiza sa mga ito. "Dito na po kayo kumain. Nagluto po ako ng marami." anito.
"Salamat hija. Mukhang matitikman ko na naman ang luto mo hija. Matagal-tagal na din pala." Ani nito kay Elaiza.
Nakamasid lang si Shino sa ama ni Edzel at sa ina nito. Tiningnan niya din ang binata. Ang lapad ng ngiti. "Kaya nga kayo bagay ng anak ko eh." ani ni Eroz na may malapad na mga ngiti sa labi.
"Po? Bagay?" tanong ni Elaiza. "Manika ba kami?" tanong niya sa kay Eroz.
Humagalpak tuloy ng tawa sina Edzel, Eroz at yung dalawang pa. Napatingin si Elaiza kay Shino pero, umiiling lang ito. Anong nakakatawa sa sinabi niya? Wala naman diba?
Naging clown na ba siya ngayon? "Ikaw talaga hija. Hindi ka pa din nagbabago. Alam mo. Kumain na lang tayo. Baka hindi tayo makakain nito dahil sa mga biro mo eh. Kaya namiss ka namin. Kailan ka ba magbabakasyon sa bahay?" tanong ng ama ni Edzel sa kaniya. Ibinalik na niya ang tingin niya sa ama ni Edzel.
"Hindi ko din po alam ninong. May trabaho na kasi ako ngayon eh." sagot niya.
"Ay. Pwede ka naman lumipat ng trabaho sa amin. Doon ka na lang sa amin please." anito sa kaniya.
Napatingin ulit siya kay Shino. Madilim ang mukha nito na nakatingin sa kanila. Siguro iniisip ng boss niya na lilipat talaga siya? Ano kayang magiging reaction nito kapag pumayag siya sa suhesiyon ng ninong niya?
Pero, sino ang mag-aalaga sa nanay niya? "Paano si nanay?" tanong niya.
"Kami ang bahala. Siyaka, may bahay na kayo do'n diba? Nakalimutan mo na dati na kapag nagbabakasiyon ng mo may bahay kayong matutuluyan do'n? Siyaka, alam mo ba palagi iyong pinupuntahan ni Edzel kasi miss na miss kana niya." Kwento nito sa kaniya.
"Oo nga pala." aniya. Naalala na niya. May sarili silang bahay do'n. Pinagawa pa iyon ng ninong nila para sa kanilang dalawa ng nanay niya. "Pero, ninong. Pasensiya na po. Hindi ko pa kaya na iwanan ang trabaho ko." aniya.
Napansin kasi niya na nakakuyom na ang mga kamay ng boss niya. Galit na galit ito. Siyaka, naalala din niya na wala daw siyang takas dito. "Sige po. Ninong. Upo na kayo. Maghahanda lang po ako." aniya at siyaka agad na tinungo ang kusina para ihanda ang mga gagamitin nilang mga plato at mga kubyertos.
Habang nasa hapag kainan silang lahat. Ang katabi niya ay si Edzel. Kaharap niya ang boss niya na madilim ang mukha na nakatingin sa kanila. Anong problema nito? Kanina pa ito madilim ang mukha.
Ang kaharap ng nanay niya ay ang ninang niya na nagkukwentuhan sa mga nakaraan. Ang katabi ng boss niya ay ninong niya.
Yung upuan kasi nila. Mahabang kahoy. Kaya harapan silang lahat. Nakatingin lang siya sa boss niya na nakatingin din sa kanilang dalawa ni Edzel. Si Edzel naman ay nakangiti lang habang kumakain.
Isa pa 'to! "Anong problema mo Best friend?" tanong niya sa katabi niya.
Napalingon ito sa kaniya at tumingin din sa kaharap niya. "Masaya lang kasi , natikman ko na naman ang luto mo na miss na miss na miss ko." aniya kay Elaiza na may nanunuyang ngiti.
"Miss mo ko?" tumango lang ang katabi. "Talaga?" tumango ulit ito sabay bitaw ng kubyertos na hawak at hinawakan ang baba niya.
Tinitigan siya ng mabuti ng best friend niya. Mas lalong kumulo ang dugo ni Shino sa nakita. Kumuyom ang kamay niya at napatingin si Elaiza sa kaniya na nakakunot ng noo.
Binilisan niya ng kain dahil ayaw niyang mag-eskandalo sa harap ni Elaiza.
Nang mapansin ni Elaiza na tapos na kumain ang boss niya. Tumayo ito. "Tapos ka na ba hijo?" tanong ng ninong ni Elaiza kay Shino. Tumango lang ito at ngumiti.
Agad na dinala ni Shino ang plato at kubyertos na ginamit nito sa hugasan nila. Sumunod na din siya. "Ikaw din Best friend tapos na?" tumango lang siya. "Parang hindi ka kumain ah. Ang konti lang ng kinain mo. Okay ka lang ba?" tumango at ngumiti lang siya rito.
Sinundan niya ng boss niya at kagaya ng boss niya. Dinala niya din sa hugasan nila ang mga ginamit niya. Lumapit siya dito. " boss. Ayos ka lang ba?" tanong niya.
Lumingon ang boss niya sa kaniya at madilim pa din ang mukha nito. Kanina pa niya napapansin na madilim na ang mukha nito. Nang makarating sila, madilim na ito. Eh, nung nagbabiyahe eh hindi naman. Bakit ga'nun?
Ang daming tanong ang pumapasok sa utak ni Elaiza. Hinawakan niya ang braso nito at kinaladkad ito patungo sa likod ng bahay nila. May daanan kasi sa may hugasan at dumiretso lang sila.
Napansin din niyang hindi nagreklamo ang boss niya sa pagkaladkad sa kaniya. Nang medyo malayo na sila. Wala namang nakapansin sa kanila nung lumabas sila.
Hindi sila makikita sa pinuntahan nila dahil madilim ang lugar na iyon. Walang ilaw ni isa. Wala ding buwan dahil makulimlim din ang kalangitan. "Anong problema mo boss?" tanong niya at hinarap ito. "Kanina ko pa napapansin na madilim ang mukha mo? Hindi mo ba nagustuhan ang niluto ko?" tanong niya rito.
Nakita niyang nakatiim bagang ang boss niya. "Anong problema ko? Wala! Wala akong problema. Pero, nagagalit ako kapag may ibang humahawak sayo!" sigaw nito sa mahinang boses. "I don't like it Elaiza! I hate it! Akin ka lang dapat. Akin lang!" anito sa mahinang boses.
Pero, ramdam niya, na galit ito. "The way he look at you Elaiza. May gusto siya sayo. Dapat ako lang ang pwedeng tumingin sayo ng ganoon. Ako lang. Naintindihan mo?" tumango lang siya.
Huminga ito ng malalim at hinawakan siya kamay sabay yakap sa kaniya. "Please. Akin ka lang Elaiza. Sabihin mo. Akin ka lang."
Walang imbisyong tumango siya. "Opo boss. Sayo lang ako. Sayong-sayo." aniya. Narinig niyang tumawa ng mahina ang boss niya. Nang tingalain niya ito, naramdaman na lang niyang may kung anong malambot sa labi niya.
Bago pa siya magsalita ay niyakap sa ng mahigpit nito. Kaya ang ginawa niya. Niyakap na rin niya ang boss niya. Habang nagyayakapan sila, hindi mapuknat ang ngiti sa labi ni Shino.
"Ang sarap talaga ng labi mo." ani ng boss niya. Uminit na naman ang pisngi niya. Ang puso niya lalabas na naman.
"Boss. Balik na po tayo. Maraming lamok dito. Isa pa, maalikabok dito." ani ni Elaiza sa kaniya. Nag-aalala din pala ang dalaga sa kaniya at napangiti siya sa isiping iyon.
"Dito muna tayo." sabay yakap sa dalaga. "Kasi, kapag nandoon tayo. Nandoon ang mga magulang ni Edzel at pinapamukha nila sa akin na mas bagay kayong dalawa. Paano naman tayo?" tanong niya rito. Hindi ba sila bagay ng dalaga? May gusto ba ang dalaga sa lalaking iyon.
Sa isiping may gusto si Elaiza kay Edzel. Nagagalit siya. Dapat sa kaniya lang magkagusto ang babae at walang iba. Dahil sa kaniya lang ito.
Nagagalit din siya kapag sinasabi ng ina nito na magiging manugang niya soon ang dalaga. Dapat hindi! Dahil sina Otosan at okaasan lang ang pwede. Dahil sa kaniya babagsak ang dalaga. Kahit anong daan, mahirap man o madali.
Sa kaniya at sa kaniya pa din ito. No matter what. "Sige na nga boss. Ikaw talaga." anito.
Walang nagawa ang dalaga. "Alam mo boss. Kailangan nating bumalik na dapat. Kasi, tingnan mo ang kalangitan baka umulan pa. Magkasakit ka sige ka." dagdag ng nitong sabi. "Isa pa, masakit sa paa kapag hindi tayo umupo. Wala pa namang paa ng tao na binebenta sa palengke. Paa ng baka, baboy, manok lang ang meron." anito.
"Alam mo. Iyang utak mo. Saang lupalop pumupunta?" tanong niya. Laugh trip na naman ito panigurado.
"Hindi ko din alam boss eh. Siguro may Universe dito sa utak ko. Nakita mo ba boss?" tanong nito.
Humagalpak ng tawa si Shino dahil sa sinabi ni Elaiza. "Kahit baliw ka. Okay lang, dahil mahal kita. I mean akin ka. Kaya wala silang pakialam kung shunga ka man or hindi dahil kapag pinakialaman nila ang hindi sa kanila ako ang makakalaban nila Elaiza. Dahil ang akin ay akin lang." aniya sa dalagang kayakap niya.
Nasarapan si Shino sa mga yakap ng dalaga sa kaniya. Kung may makakita man sa kanila wala siyang pakialam hangga't yakap niya ang dalaga ayos lang. Basta nasa tabi niya ito. Wala na siyang pakialam sa ibang tao. Kompleto na ang araw at gabi niya basta nayakap at mahalikan niya lang ang babaeng kayakap niya ngayon.
Ilang minuto ang lumipas ay napagdisesyonan nilang bumalik na. Baka abutan sila ng ulan. Mahirap na. Nakaakbay si Shino kay Elaiza habang naglalakad sila pabalik. Si Elaiza naman nakayuko lang at ang pisngi ayon pulang-pula na naman dahil sa pinipigilang kilig niya.
Ang saya ni Shino dahil nagkabati sila. Hindi naman sila nag-aaway kaya bakit sila magbabati? Naiinis lang talaga siya sa isiping may ibang humahawak sa pagmamay-ari niya na hindi siya baka maputol niya ang kamay na 'yon. Lalo na ang Edzel na 'yon. Possessive kung Possessive wala siyang pakialam.
Dahil ang para sa kaniya ay sa kaniya lang talaga. Wala ni sino ang pwedeng umagawa. Magkamatayan man. Siguro pwede na ngayon ang babae dahil babae iyon eh. Pero, kapag lalaki tapos hindi naman ito kadugo ng dalaga doon na kumukulo ang dugo niya. Sa sobrang inis , pinapatay niya ang taong iyon sa isipan niya.
"Pwede ba akong pumunta dito sa Sunday?" tanong niya sa dalaga.
Napalingon tuloy sa kaniya ito na may nagtatakang mukha. Nakikita niya na kasi dahil may ilaw na sa daan. Kanina kasi 'yung lugar na pinuntahan nila ay walang ilaw ni isa.
"Bakit?" tanong dalaga na may kunot na noo.
"Bawal ba akong pumunta dito?" sabay nguso niya.
"Boss! Huwag ka ganiyan. Nagiging mas gwapo ka sa paningin ko." amin nito sa kaniya.
Yung puso niya. Yung puso niya na ang bilis ng pintig. Can someone tell me what is going on with my heart? Bakit ang bilis ng pintig. Itong babaeng ito lang ang may kayang gawin ito sa puso niya.
Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Kinabig niya papalapit ang mukha ng dalaga at agad na Hinalik-halikan ang labi nito. Hinawakan niya ang likod nito upang hindi matumba. "s**t! Don't do that again Elaiza." aniya sa dalaga matapos itong halikan sa labi.
"Ano?" tanong nito.
"What I mean is. Huwag mo na ulit gagawin 'yun iyon." aniya.
"Ang alin?" tanong nito ulit. Pero, wala eh hindi niya ulit mapigilan ang sarili niya na hindi halikan ang dalaga. Ang labi niyo ay dapat sa kaniya lang.
"Tara na nga." Aniya. "Hindi pa ito ang tamang oras at panahon sa bagay na iyon." sabi ni Shino sa mahinang boses. Nang makarating sila sa bahay ng dalaga. Nakita niyang may hinahanap ang ina nito. "Ah. Excuse me po." sambit niya upang makuha ang atensiyon ng ina nito.
Agad siyang kinalas ang sa pagkakaakbay ang mga braso niya sa balikat ni Elaiza. Nung biglang tumingin ang ina nito. Napansin din niyang wala na din ang mga bisita nila at natuwa sa siya sa ipising iyon.
"Kanina ko pa kayo hinahanap. Saan ba kayo galing?" tanong nito.
Nagkatinginan silang dalawa ni Elaiza at nagsisinyasan kung sino ang sasagot. Pero, sa huli siya na din ang sumagot. "Ahh. Diyan lang po. Dinala po ako ni Elaiza." sabay turo sa likod bahay. Tumango lang ito.
"Kanina ka pa hinahanap ni Edzel nung matapos siyang kumain pero, hindi ka niya makita. Hay nako! Nagtago ka na naman no?" tanong ng ina ni Elaiza sa dalaga.
"Ah. Pasensiya na po nay. Nakauwi na po pala sila?" tumango ito. Lumingon ang dalaga sa may hugasan pero, wala ng mga hugasin. Natapos na din. Iniwan lang kasi nila iyong ginamit kasi, bigla na lang siyang kinaladkad ng babaeng mahal niya.
Kung saan may score na naman siya. Ang labi. Sa isiping iyon tumibok na naman ang puso niya ng mabilis.
"Ikaw hijo?" tanong nito.
"Ah. Oo nga pala. Sige po. Uwi na po ako. Gabi na din kasi, at salamat pala sa hapunan." aniya at pagtapos niyang sabihin iyon ay nakita niya ang ina ng dalaga na tumakikod at naglakad palayo. Kaya nilingon niya si Elaiza at lumapit sa may tenga nito't bumulong dito. "salamat din sa halikan." aniya at hinalikan ang tenga pagkatapos.
Napansin din niyang namula agad ang dalawa nitong pisngi. Sa huling pagkakataon ay hinalikan na naman niya ang labi at kinindatan ito pagkatapos. Tulala din niyang iniwan ito. Humakbang siya palayo at nilisan ang bahay nina Elaiza.
Magkikita pa naman sila bukas eh. At sa susunod pang bukas at sa marami pang bukas na darating.
Nang makabalik sa reyalidad si Elaiza. Agad siyang pumunta sa banyo at naghilamos dahil ang init ng mukha niya. Namumula kasi ito dahil sa ginawang paghalik ng boss. Parang Aatakihin na siya sa puso sa sobrang lakas ng pintig ng puso niya.
Nang matapos siya sa paghihilamos agad siyang pumunta sa sarili niyang kwarto. May sarili naman siyang kwarto kahit maliit ang bahay nila. May katre siyang matutulugan. Yung pinto niya gawa din sa kahoy.
Bago kasi mamatay ang ama niya. Ginawa talaga iyon para sa kaniya. Okay lang naman kahit magkatabi sila ng nanay niya matulog pero, hindi na kasi kasya dun eh.
Kaya ayon may sarili siyang kwarto. Ang kwento din ng nanay niya sa kaniya. Dahil babae siya kailangan may sarili siyang kwarto. Kaya minsan miss na miss din niya ang tatay niya.
Nang maglapag siya ng banig sa katre niya. Agad niyang nilagay ang mga unan sa gilid. Dahil malikot kasi siyang matulog. Ilang beses na ba siyang nahulog? Hindi na din niya mabilang.
Akmang hihiga na nang biglang pumasok ang nanay niya na may ngiti sa labi. "Nay." sambit niya.
"Anak. Pwede bang dito ako matutulog?" tanong nito sa kaniya.
"Oo naman po. Miss na nga kitang makatabi eh." aniya.
Ngumiti ang nanay niya at naglakad palapit sa kaniya. Agad itong humiga, siya kasi palagi napupunta sa pader ng kwarto niya na gawa sa kahoy.
Dahil alam ng nanay niya na malikot siyang matulog. Humiga na din siya at nagkumot. Share sila ng nanay niya.
"Oyasumi Elaiza." (Goodnight) ani ng nanay niya.
"Nay naman eh. Hindi ko maintindihan." aniya.
"Goodnight. Okay ba? Sa susunod tuturuan na kita or ipapadala kita do'n." anito. "Matulog ka na nga." sabay yakap ng isa nitong kamay sa kaniya.
Iniyakap din niya ang isa niyang kamay dito. "goodnight din po nay. Love you." aniya at pinikit ang kaniyang mga mata. Habang nakapikit may ngiti siya sa labi.
"Love you too." ang huli niyang narinig bago siya dalawin ng antok.