CHAPTER 11

2524 Words
Araw ng linggo. Walang pasok si Elaiza. Alas singko palang ay nagising na siya. Nagsaing siya tapos, nag-igib siya ng tubig. Natutulog pa kasi ang nanay niya. Hindi na niya muna ginising ito. Siyaka isa pa, wala naman siyang trabaho. Kaya nang maluto ang sinaing niya ay nagluto agad siya ng ulam para sa kanila ng nanay niya. Habang naggisa siya ng bawang at sibuyas para sa ginisang gulay. May tanim din sila sa likod bahay nila na mga gulay. Sari-saring gulay, mahilig kasi siyang magtanim ng gulay eh. Lalo na iyong mga gulay na namumunga. Kagaya ng okra, patola, talong at iba pa. Basta may bunga. May tanim din siyang mga punong namumunga. Katulad ng santol , Bayabas , mangga at iba pa. Mahilig kasi siyang umakyat ng puno eh. Sa sobrang hilig niya binansagan tuloy siya ng mga kapitbahay a ng Tarzarina. Ang Bunsong kapatid ni Tarzan. Natatawa na lang siya kasi, wala naman daw kapatid si Tarzan. Kung meron daw hindi iyon Tarzarina. Wala na din siyang magagawa. Iyon ang tawag sa kaniya eh. Nang matapos siya ay naligo siya at nauna ng kumain. Marami pa kasi siyang dapat gawin eh. Dahil maglilinis siya ng bahay nila. Hindi na kasi niya maaasikaso bahay nila kapag ibang araw dahil may trabaho na siya. Gabi na din siya makakauwi. Sa isang linggo niya sa trabaho niya. Maraming nagbago , nakilala niya ang head na mabait pero, strikta pagdating sa trabaho at masaya siya dahil ginagawa lang naman head ang trabaho niya. Ang sunod ay ang kapatid ng may-ari ng kompanya na si Shikaya. Unang kita niya rito ay akala niya ipapakain siya sa alaga nitong buwaya pero nasa isip lang pala niya iyon. Lokaloka lang talaga siya kung mag-isip ng mga bagay-bagay. Ang sunod ay ang boss niya na walang ibang ginawa sa buhay ay ang patakbuhin ang puso niya. Hindi pa nakuntento ay palagi siyang hinahalikan. Minsan naiinis na siya dahil hindi na niya nagagawa ang trabaho niya. Paano kung masesante siya? Ede balik na naman siya ulit sa dati? Kaloka talaga boss niya. Ang pangatlo ay ang kapatid naman nitong si Shimon na palagi siyang tinatawag na Cute girl. Hindi naman siya aso or pusa para tawagin siya ng ganoon. Palagi din siyang binibisita ni Shikaya sa building. Tapos magkukuwentuhan ng dalawa. Tapos, madilim na naman mukha ng boss niya dahil hindi daw siya kinakausap Alas siyete palang ng umaga ay may taong sumasambit ng pangalan niya. Kaya agad niyang nilingon ito. Lumaki ang mata niya sa nakita. Ang boss niya nasa harap niya na may malapad na ngiti. "Boss? Anong ginagawa mo dito?" tanong niya. "Di'ba sabi ko pupunta ako dito?" ani nito sa kaniya na hindi pa din nawawala ang ngiti sa labi. Lumapit ito sa kaniya. "Tara pasyal tayo." Sabay agaw ng tabo na hawak niya. Kasalukuyan kasi siyang nagdidilig nang dumating ito. "Ako na." ani nito sabay halik sa kaniya sa pisngi. Ito na naman ang puso niya. Kumakarera na naman sa loob niya. Bakit ganito ang boss niya? Bakit palaging pinapainit ang pisngi niyang wala namang ginagawa dito? "Boss." sambit niya. Napalingon ito sa kaniya na may malapad pa ding ngiti. Hindi mapuknat ang ngiti nito. Ano kayang nakain ng boss niya at ang saya. Ito na mismo ang gumawa ng ginagawa niya. Dinidiligan nito ang mga gulay at prutas niyang tanim. "Boss. Sa ginagawa mo, malalanta yan." aniya na nakatingin sa pananim ang basang-basa na. "Sorry." Anito at lumipat ng pwesto at binitbit ang balde na siyang ginamit niya upang mag-igib ng tubig at iyon din ang ginamit niya upang magdilig ng tubig. Wala naman silang hose dahil wala naman silang pera para bumili ng ganoon para lang sa pagdidilig. Mas nasanay na din siyang mag-igib ng tubig gamit ang balde. Habang pinagmamasdan niya ang boss niyang nagdidilig pa din ng mga halaman niya. "Teka nga boss! Kumain ka na ba?" tanong niya dito. Eh kasi naman, ang aga pa kaya. Alas siyete pasado palang ng umaga. Lumingon ito sa kaniya. "Hindi pa nga eh." anito. Napatampal na lang ng noo si Elaiza. "So, nag biyahe ka ng wala pang kain?" tumango ito sa tanong niya. "Alam mo boss. Kalalabasan mo yan sakit ng tiyan." aniya. Ngumuso lang ito sa kaniya. Ito na naman tayo! Karera na naman. Umiwas na lang siya ng tingin baka kasi, hindi niya mapigilan sarili niya. Siya na mismo ang hahalik sa boss niya. "Maghahanda lang ako ng agahan mo." aniya rito. "Diligan mo yan ha. Huwag masiyadong maraming tubig ang ibuhos mo. Malalanta yan sige ka." aniya. "Yes ma'am!" sigaw ng boss niya na may saludo pa. Napailing na lang siya. Tapos, kumanta ito ng kanta na kinanta nito noong nagbabiyahe la pauwi. Napangiti na lang siya at tumalikod. Dahil maghahanda pa siya ng agahan ng boss niya. Habang nagdidilig si Shino. May isang babaeng papunta sa kinaruruonan niya. Napalingon siya dito at hininto ang pagdidilig. "Oh. Gwapo. Anong ginagawa mo dito?" tanong ni in a flirty way. Tsk. "Nakita mo ngang nagdidilig diba?" sagot niya. "Bobo naman nito." aniya sa mahinang boses. Nagdilig na lang siya ulit at hindi pinansin ang babae. Hindi naman si Elaiza 'to para pansinin niya. Tsk. Mas maganda ang Elaiza niya. Ang cute din. "Gusto mo tulungan na kita?" offer nito. "Hindi na. Salamat na lang. Patapos na din kasi ako eh." lumapit pa ito sa kaniya at umaatras siya. Mahirap na. "Sige na Gwapo.. Please." Kumunot na lang noo niya. Binitbit na lang niya ang balde na ginamit dahil ubos na din naman ang tubig. Akmang babalik na siya sa bahay nina Elaiza nang hawakan siya sa braso ng babae. Sa tantiya niya magkasing-edad lang sila ni Elaiza. Tiningnan niya ng masama ang babae pero, hindi man lang ito natakot sa kaniya. "Alam mo miss. Kung ayaw mong masaktan? Bitawan mo ako." banta niya dito. Akmang sasagot na sana ang babae nang dumating si Elaiza at nakita sila sa ganoong na posisyon. Patay! Lumingon ang babae sa kay Elaiza. "Anong ginagawa mo dito?" tanong niya sa babae. Nakita din niyang nakakuyom na ang kamao ng dalaga. Agad na lumapit si Shino kay Elaiza. Pero, pinigilan siya ng kamay ng babae. Kaya agad niyang kinalas ito. Pero, ibinalik agad nung babae ang kamay nito sa braso niya. Si Elaiza naman kita niya lahat ng nangyayari. Pero, alam niyang wala siyang dapat ikagalit dahil kilala niya ang pinsan niya. Kapag may natipuhang lalaki susunggaban agad. Pati boss niya dinadamay nito sa kagagahan. Kaya nang makita niyang hindi pa din binibitawan ng pinsan niya ang braso ng boss niya. Siya na mismo ang lumapit. Tapos, kita niya sa mukha ng boss niyang hindi nito gusto na may umaaligid ditong ibang babae. "Bitawan mo siya." sabi niya sa pinsan niya. "Bakit? Sayo ba siya?" tanong nito na may nakakaloko na mga ngiti. "Oo. Bakit?" balik tanong niya. Nakita niyang ngumiti ang boss niya. "Huwag kang ngumiti diyan." aniya rito. Pero, imbis na mawala ang ngiti naging ngisi na ito. Dumilim tuloy ang mukha niya. Nang mapansin ni Shino na madilim na masiyado ang mukha ni Elaiza. Agad niyang tinanggal ang kamay ng babaeng kanina pa humahawak sa kaniya. Naiinis siya dahil ang may karapatan lang na humawak sa kaniya ay si Elaiza. Agad siyang lumapit kay Elaiza at inakbayan ito. "Sorry. Hindi ako ang nauna." tumango lang ito, seryoso ang mukha nitong nakatingin sa babaeng nasa harap nila. "Tara na. Kain na tayo. Gutom na ako." aniya sa dalaga. Lumingon si Elaiza na may ngiti sa labi sa kaniya. "Sos. Ang sabihin mo gusto mo lang kumain ng luto ko eh." anito na may nanunuya sabi. Nilingon niyang babaeng nasa harap nila agad itong umalis. "Tara na nga." ani ni Elaiza sa kaniya. Hinalikan na lang niya ito sa pisngi at giniya niya ang dalaga sa bahay nito. Nakaramdam na din kasi siya ng gutom eh. Habang nakaakbay siya dito. Sinusundot-sundot niya ang pisngi ni Elaiza na pulang-pula na. "Tama na boss!" pigil ni Elaiza sa kaniya sabay hawak sa daliri niyang nakasundot dito. "Gusto mong mamasyal tayo o gusto mong umuwi?" tanong nito sa kaniya. "Siyempre, mamamasyal tayo." sagot niya. "Kaya nga ako nandito diba?" tumango ito sa kaniya. "Pero, dapat hanggang bukas." request niya. Napahinto tuloy si Elaiza at sabay tingin sa kaniya. "May trabaho ako bukas boss." "Ede, mag- absent ka." suggestion niya. Sinamaan tuloy siya ng tingin ni Elaiza. "Anong gusto mo boss? Suntok or sipa?" anito. "Hindi iyan ang gusto ko. Ang gusto ko ay halik sa labi." aniya sabay kindat. Pagkasabi niya no'n ay mas lalong pumula ang pisngi nito. "Oy. Bakit ka namumula?" tanong niya. Kinalas tuloy niya ang Elaiza ang kamay niyang nakaakbay dito. Kinurot siya sa tagiliran. "Oy. Masakit 'yon ah." aniya. Ang mapupulang pisngi napalitan na ng madilim na mukha. Sabi na nga ba. Dragon warriors 'tong babaeng mahal ko. Pero, ang cute niya naman na dragon. "Huwag kana magalit. Please. Kain na lang tayo." aniya tapos, hinawakan niya ang kamay ni Elaiza at kinaladkad na lang ito papasok ng bahay ng dalaga. "Kainis ka kasi." anito. "Huwag kana mainis. Please." sabay halik sa kamay nito na hawak niya.  Napahinto na lang sila nang pumasok sila sa bahay nina Elaiza. Nakahanda na din ang mga pagkain. "Umupo kana boss." anito. Tumango lang siya at binitawan ang kamay ng dalaga. Hindi niya sana ito bibitawan kaya lang, 'yong tiyan niya kailangan na din ng pagkain. Kaya umupo na lang siya upuang kahoy at nakita niya si Elaiza na kumuha ng pitsel na may tubig at inilapag ito sa harap niya. "Kain ka ng maige boss. Ang payat mo." aniya sa Boss niyang kumakain na nagkakamay. Hindi niya binigyan ng kubyertos dahil gusto niyang makita ang boss niya na magkamay  kumain. Ngumiti lang ito sa kaniya. "Boss. Walang balak maghugas ng kamay?" "Ayaw ko eh. Kasi, ayaw kong mawala 'yung marka ng kamay mo sa kamay ko. Kapag kumakain ako at gamit ko ang kamay ko na kakahawak lang sa kamay mo ay heaven." anito nito sa kaniya. Oh. Puso! Maghunos -dili ka diyan. "Tumahimik ka nga boss." aniya at agad na tumakbo palabas ng bahay sabay sigaw. "WAHHH!! Juskopo! Juskopo! Juskopo!" sa sobrang init ng pisngi niya kailangan niya ng maligo sa yelo. Ang puso niyang sobrang bilis ng t***k. Baka hindi na sila makapamasyal nito dahil isinugod na siya sa hospital at ang may kagagawan ng lahat ang boss niyang walang ibang ginawa kundi patakbuhin ang puso niya palabas sa dibdib niya. Sakit sa puso yata ang ikakamatay niya. Juskopo! Kung panaginip po 'to. Pwedeng hindi na magising. Sinampal niya ang pisngi niyang mainit pa din. "s**t! Ang sakit! Totoo to! Totoo to!" sigaw na naman niya. Wala siyang pakialam kung nababaliw na siya. Oo na! Aaminin na niya ng nababaliw na siya.  Sa boss! Sa Japanese boss niya. "Hoy! Anong ginagawa mo diyan bakit ka sumisigaw?" sambit ng nanay na nasa likuran na niya. Napalingon siya dito at umiling. "Wala po nay. May naapakan lang po ako kung ano." palusot niya. Baka kapag nalaman ng nanay niya eh, nako! Iba na naman isipin. "Pumasok kana nga dito. Nandito 'yung boss mo. Tapos, ikaw nandiyan, hindi ka man lang nahiya sa bisita mo iniwan mo dito?" ani ng nanay niya. "Susunod po ako nay." aniya. Nakita naman niya ang nanay niyang pumasok. Nang lumingon siya sa paligid may nakatingin din sa kaniya. Kaya agad siyang tumalikod at yumuko. Mga kapitbahay niyang chissmosa. Kay aga-aga, siguro siya naman ang tapiko  nito. Naiisip pa lang niya nabubuwisit na siya. "Ede sila na magin ako." aniya sa mahinang boses habang naglalakad pabalik sa loob ng bahay niya. Agad niyang pinuntahan ang boss niyang kumakain pa din. "Kain ka lang ng kain boss. Gutom na gutom ka ah?" Napatingin ito sa kaniya at ngumiti habang ngumunguya ng pagkain. Tumango din ito. "Nay!" sambit niya. "Oh bakit?" ani ng nanay niyang nasa hugasan. Napalingon din ito sa kaniya. "Ikaw. Kumain ka na po ba? Anong oras na oh." sabi niya rito. "Tapos na anak. Ito nga oh. Hinuhugasan ko ang pinagkainan ko. Ikaw?" sabay pakita sa kaniya ng plato at kubyertos. "Teka nga muna. Bakit hindi mo binigyan ng kubyertos itong bisita mo? Tingnan mo nga oh. Nagkakamay. Mabuti nga marunong siyang magkamay. Napansin ko din nitong mga nakaraang araw. Nawawala ang baunan mo pati ang kutsara't-tinidor mo? Saan mo nilagay?" tanong ng nanay niya. Patay! Narinig niyang napaubo ang boss niya. "Boss okay ka lang?" tanong niya at nakita niyang agad itong uminom ng tubig. Kaya lumapit siya dito't  hinagod ang likod. "Dahan-dahan sa pagkain boss. Ayan tuloy nabulunan kayo." aniya habang hinahagod ang likod nito pababa at pataas. May kuryente siyang naramdaman. Ganito naman palagi eh. Ewan ba niya pero, hindi na lang niya iniisip. Nang matapos ito sa pag-inom ng tubig ay hininto na din niya ang paghagod sa likod nito. Kasi, pakiramdam niya namimihasa ito. Napansin niya kasing may ngiti sa labi. "Oy. Hijo. Okay ka lang?" tanong ng nanay ni Elaiza kay Shino. "Okay lang po ako." sagot niya. Tiningnan niya ang nanay ni Elaiza at nakonsensiya siya dahil sa inangkin niya ang kutsara't-tinidor pati baunan ng dalaga. Pero, hindi niya pa din iyon ibabalik. Remembrance iyon eh. Siyaka,  alam naman ng dalaga na nasa kaniya iyon. "O siya! Alis muna ako ha." anito pagkatapos maghugas ng ginamit niya. Tiningnan nito si Elaiza. "At ikaw namang bata ka! Hanapin mo 'yung baunan mo pati ang kutsara't-tinidor mo. Nako! Wala na nga tayong gamit dito sa bahay. Niwala mo pa iyong baunan mo pati ang kutsara't-tinidor mo. Nako! Sige. Diyan na nga kayong dalawa." ani nito sabay lakad at tinungo ang pinto ng bahay at lumabas na din. Napatingin siya kay Elaiza at ngumiti dito. "Ikaw ang may kasalanan nito boss! Ayan tuloy hinahanap na ni nanay sa akin. Ehh. Kasalanan mo talaga 'to." paninisi ng dalaga sa kaniya. Pero, ang tinugon lang niya ay ngisi dito. Hindi naman galit ang mukha ni Elaiza. Pero, namumula ito. Ang cute talaga ng babaeng mahal niya. Sarap halikan. Kaya lang gutom pa siya eh. Kain lang ng kain si Shino pero, may ngiti sa mga labi. "Boss. Diyan lang kayo ha." tumango lang siya at saka sumubo ng kanin na may ulam. "Saan ka pupunta?" tanong niya habang punong-puno ang bunganga niya. "Kapag ikaw mabulanan boss. Hindi kita tutulungan." anito sa kaniya, kaya bago pa siya mabulunan  nilunok na niya ang pagkain. "Boss!" "Sorry." tapos, uminom siya ng tubig. "Saan ka pupunta? Iiwanan mo din ako? Kagaya ng nanay mo? Pagkatapos niyang kumain iniwanan ako." dumilim tuloy mukha nito sa sinabi niya. "Sorry." sabay nguso. "Tumahimik ka nga diyan. Kumain kana lang. Dami pang drama ang nalalaman sa buhay. Parang si Edzel lang." aniya rito. Ang mukha na naman niya ang naging madilim. Sa lahat ba naman na pwede siyang ikumpara doon pa sa pangit na iyon? "Oh. Bakit ganiyan mukha mo?" tanong ni Elaiza ng mapansin nitong madilim ang mukha niya. "Wala. Sige. Kakain na nga lang." aniya tapos, hindi niya na pinansin si Elaiza. Nakita niya din itong lumabas. Saan na naman kaya pupunta ang babaeng iyon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD