Nang matapos siyang kumain ay agad siyang uminom ng tubig. Grabe busog na busog siya. Naubos niya ang isang bandehadong kanin at pati ang ulam.
Nang matapos siya ay naghugas siya ng pinggan at lahat ng ginamit niya. Habang nagsasabon may narinig siyang tawanan ng babae at lalaki. Kaya dali-dali niyang binanlawan ang mga ginamit niya.
Hinanap niya agad ang mga nagtatawang iyon. Nang makita niyang may kausap si Elaiza at iyon ang best friend nito. Kumulo ang dugo niya.
Agad siyang lumapit sa kinaroroonan ng dalawa na may madilim na mukha. Agad namang lumingon sa kinaruruonan niya sina Edzel at Elaiza.
"Kahit linggo nandito ka?" tanong ng kaibigan nito.
"Boss. Tapos kana palang kumain." ani ni Elaiza sa kaniya.
"Halata naman diba?" tanong niya. Kumunot lang ang noo ni Elaiza dahil hindi naman niya maintindihan ang boss niya.
Nang nakalapit na siya ng husto sa dalawa. Agad niyang kinabig si Elaiza palapit sa kanya at hinalikan mismo niya pagkatapos. Para ipamukha sa pangit na kausap ng dalaga na may nagmamay-ari na sa dalagang kausap niya.
"Ikaw. Bakit ka nandito?" tanong niya pabalik na may seryosong mukha.
"Oh. Ako? Bakit nandito? Oh well. Palagi naman talaga akong nandito eh. Tuwing sabado at linggo." ani to sabay lapit din kay Elaiza at kabig pabalik sa lalaki.
Mas dumilim ang mukha niya. Walang simuman ang pwedeng humawak sa pagmamay-ari niya. Kundi siya lang. Agad na nagdilim ang paningin niya at sinuntok ang kaibigan nito.
Wala siyang pakialam kung si Edzel ay best friend ni Elaiza. Wala! Dahil si Elaiza ay para lang sa kaniya.
"Marunong akong magtimpi! Pero, huwag na huwag mong hahawakan si Elaiza." aniya kay Edzel na nasa lupa dahil sa suntok niya.
"Anong problema mo kung hahawakan ko si Elaiza? Bakit sayo ba siya?" tanong nito.
"Oo bakit!" sigaw niya.
"Tama na nga yan!" pigil ni Elaiza sa kanilang dalawa. Pumagitna pa ito sa kanilang dalawa. "Anong problema niyo hah?" tanong nito. "Gusto niyo ako mismo ang susuntok sa inyong dalawa para matauhan kayong dalawa?" tanong ni Elaiza sa kanila na may malakas na boses.
"Chillax best friend." ani ni Edzel kay Elaiza at tumayo ito na walang tumutulong. Dapat lang na hindi ito tulungan ni Elaiza dahil kapag nahawakan na naman ni Elaiza ang kamay ni Edzel ay baka mapatay na niya ang lalaki na wala sa oras.
Agad niyang kinabig ulit si Elaiza pabalik sa kaniya at inakbayan ito. "Anong problema mo ba boss?" tanong ni Elaiza. Kaya napalingon siya dito at nginitian.
"Diba sabi ko sayo. Akin ka lang diba?" aniya. Tumango lang ito. Tiningnan niya si Edzel na may madilim na mukha. "Ikaw. Anong ginagawa mo dito? Umalis kana." pagtataboy niya dito.
Narinig naman iyon ni Elaiza. "Boss. Isa ha." banta din nito sa kaniya.
"Bakit?" sabay nguso. Kinurot naman ni Elaiza ang pisngi niya. Yung nguso niya naging ngisi na. Hindi pa siya nakontento ay hinalikan pa niya ito si labi.
Nakita naman niyang tumiim ang bagang ng kaharap at agad na umalis. Nakita din niyang nakakuyom ang mga kamay nito. Buti nga sa kaniya. Dahil sa kaniya lang si Elaiza.
Nang matapos niyang halikan si Elaiza sa labi. Niyakap na naman niya ito.
Kinurot siya ni Elaiza sa tagiliran. "Aray naman My Elaiza." aniya.
"Ikaw talaga boss. Wala kang ibang ginawa kundi patakbuhin puso ko." ani ni Elaiza na may namumula na mga pisngi.
"Talaga?" mas lalong lumapad ang ngiti niya. Tumango ito pero, nakita niyang nakayuko naman. Kaya agad niyang hinawakan ang baba ni Elaiza at pinaharap sa kaniya. "Patingin ng pusong tumatakbo." aniya na may sinusupil na ngiti sa labi.
God! Elaiza! Stop this! Yung puso niya din kasi tumitibok ng mabilis. Wala siyang ibang ginawa kundi yakapin na lang ito ng mahigpit.
"Boss. Ang bango mo." anito. Parang lalagutan siya ng hininga dahil sa sinabi ni Elaiza.
"Tara na nga Elaiza. Iyong puso ko din kasi, tumitibok ng mabilis." aniya sabay halik sa pisngi nito.
Puso! Tama na! ani ni Elaiza sa isip niya. Kanina ka pa ha! Hindi ka man lang humihinto sa pagtakbo! Kailan ka ba maging normal puso? Please! Tama na kasi, ang pisngi niya ay sumasabay din sa puso niya ang init.
Giniya siya ng boss niya palabas ng bahay nila at tinungo nila ang daan patungo sa may tindahan. "Saan ba tayo pupunta boss? Alam mo bang hindi ako nakapagbihis?" tanong niya.
"Pasyal tayo, isa pa, okay lang na ganiyan ang suot mo para hindi ka nila tingnan." Kumunot tuloy ang noo niya. Mas lalo siyang titingnan ng mga tao dahil sa suot niyang pambahay tapos, iyong boss niya ang Gwapo sa suot na polo. "Dahil ako lang ang pwedeng tumingin sayo." anito. Tumango lang siya.
Nang makarating sila sa may tindahan. Gano'n pa din, may nag-iinuman. Wala man lang pinapalampas. Umaga at gabi nag-iinuman. Nilapitan na naman ni Elaiza ang mga lasing. Siguro sa tantiya niya mula kahapon pa ito ng gabi.
Napailing na lang siya. Bagong batch na naman. "Hoy! Mga ugok! Linggo ngayon! Magsimba nga kayo! Hindi man lang kayo naawa sa sarili niyo!" pangaral ng dalaga sa mga lasing.
"Tarzarina!" ani ng lasing kay Elaiza at sabay lingon sa kaniya. Nakayuko na kasi ang mga ito dahil sa kalasingan. "Magsisimba ka-mi." anito.
Aba matindi! Napasunod niya ang lasing na iyon? "Dapat lang! Kay lapit-lapit ng simbahan, Hindi man lang kayo makasimba?"
"Magsisimba ka mi." utal na sagot no'ng isa. Apat kasi sila nag-iinuman. Yung dalawa nakikinig lang habang nakayuko. Yung dalawa naman iyon ang sumasagot sa mga panenermon ng dalaga sa kanila.
"Ika-w Elaiza. Magsisimba ka ba?" tanong no'ng isang lasing na may pikit na mata.
"Aba! Siyempre! Mamayang gabi pa. Diyan na nga kayo. Kapag pagbalik ko nandito pa kayo sa tindahan na 'to nag-iinuman. Nako! Sisipain ko talaga itong upuan na'to. Kaya hala! Magsialisan na nga kayo." sabay talikod at harap sa kaniya. "Boss."
"Oy. Ang galing mo do'n ah." aniya.
"Wala 'yon boss. Tigas kasi ng ulo ng mga 'yon eh. Pero, napagsasabihan naman. Hindi naman sila nanggugulo. Umiinom lang sila, umaga hanggang umaga. Hindi gabi boss." anito na may ngiti sa labi.
"Bakit hindi gabi?" tanong niya.
"Tara na nga. Para matapos na ito. May pupuntahan pa kasi ako." anito at giniya na lang niya si Elaiza sa kabilang upuan ng sasakyan. "Saan tayo pupunta boss?"
"Sa park, mall at iba pa."
"Park? May park malapit dito. Do'n na lang tayo. Turo ko sa'yo ang daan." anito. Tumango lang siya. Nang tingnan niya kasi ang mukha ng dalaga ang saya nito. Kaya ngumiti na lang siya.
Habang nagmamaneho si Shino papunta sa park. Napansin niyang nakangiti pa din si Elaiza. Habang tinitingnan niya ito sa rearview mirror. Maaliwalas ang mukha nito.
Masaya lang siguro ito kung makakapunta ito sa park. Siguro matagal na itong hindi nakakapunta do'n kaya ito masaya.
Pero, sa isip niya may iba pang reason ang dalaga. Anong meron sa park na iyon? May kilala ba ito do'n? May katagpo ba? iyan lang ang mga tanong sa isip ni Shino habang nagmamaneho.
"Kanan ka diyan boss." turo nito sa palikong daan sa kanan. Agad naman niyang sinunod ang sabi ng dalaga. "Diretso mo lang boss. Malapit na tayo." anito. Tumango lang siya at ngumiti.
Ilang sandali lang ay nakarating na nga sila sa park na sinabi ni Elaiza. Maganda naman pala. Kaya hininto niya sa isang tabi ang sasakyan niya at lumabas na sila ng dalaga.
Agad niyang ini-autolock ang sasakyan niya. Agad siyang hinawakan ni Elaiza sa braso at kinaladkad siya pero, nagpadala na lang siya. Wala naman siyang magagawa. Ang babaeng mahal na niya ang gumawa.
Hindi naman masakit. Kung tutuusin masaya nga siya eh. "Bilis boss. Ang bagal mo naman. Teka nga maalala ko. Nakainom ka ba ng gamot?" tumango siya.
Dapat lang na uminom siya dahil may date nga sila. Nagbaon pa nga siya ng gamot sa bulsa niya eh. Kaya ngayon, hindi na makati ang katawan niya. Kailangan niya lang hindi makalimutan ang oras ng inom ng gamot niya.
"Mabuti naman. Nag-aalala kasi ako sa'yo baka mangati ka. Pero, no'ng nakita naman kita hindi ka naman nangangati. Pero, okay na din na nakainom ka ng gamot mo." anito na may ngiti sa labi.
Pinalibot niya ang mata, may simbahan din silang nakikita. Maraming tao din ang nandoon. May mga nagtitinda ng lobo at mga streets food.
May isang batang palapit ng palapit sa kinatatayuan nila. Huminto kasi sila sa isang tabi. Umupo sila sa upuan sa mga gilid. May mga puno at bulaklak. "Ate Iza!" sambit ng bata.
Napalingon si Elaiza do'n sa bata. "Jinggo!" sambit din niya at agad niyang kinarga ito't hinalik-halikan. "Sino kasama mo?" tanong ni Elaiza dito habang tumitingin sa paligid.
"Si kuya Edzel at ate San." sagot ng bata. Dumilim tuloy ang mukha niya nang marinig ang pangalan ng lalaking iyon.
"Ahh. Okay. Si mama mo pala?"
"Nasa bahay po ate. Sinundo po ako nina Kuya at ate sa bahay." sagot naman nito.
Nakikinig lang siya sa usapan ng dalawa na may madilim na mukha.
Nang makita niya ang boss niyang may madilim na mukha. Lumapit siya dito habang karga pa din si Jinggo. "Boss. Ayos ka lang." tumango lang ito sa kaniya. "Sure ka?" tumango lang ulit ito. Nakatingin ito sa malayo.
"Ate Iza. Sino po siya?" tanong ng bata.
"Ah. Nga pala. Siya si Boss Shino. Amo ko." sagot niya.
"Ah. Boss niyo po pala siya. Pero, Bakit po siya nandito?" tanong nito.
"Ah. Sabi niya kasi, gusto niya daw na mamasyal kaya dinala ko siya dito." tumango-tango lang ang bata. Naintindihan naman iyon ng bata dahil sa mura niyang edad ay alam na niya ang mga bagay-bagay dahil din sa hirap ng buhay.
"Alam mo ate Iza. Bagay kayo ni kuya Edzel pero mas bagay kayo ng boss mo." anito sa kaniya.
Ayan na naman tayo sa bagay na yan. Kailan pa sila naging manika ng boss niya? Tumango na lang siya at ngumiti. Nasali pa sa usapan si Edzel. Nang maalala ni Elaiza ang pangalan ng Kaibigan ay agad niya itong tinanong. "Nasaan nga pala sina Edzel at San."
"Magkasama po sila. Alam mo ate. Pinag-uusapan po kayong dalawa no'n. Secret lang natin 'yun ah na sinabi ko sayo." ani nito na bumulong sa kaniya.
Napalingon tuloy ang boss niya nang mabanggit ng dalaga ang pangalan ng hinayupak na huwakan sa babaeng mahal niya. "Boss. Ayos ka lang?" tanong niya. Madilim pa din ang mukha nito.
"Ate Iza. Sige po. Ibaba niyo na po ako. Babalik lang po ako kina kuya at ate San." anito.
"Iyang ate mo. Palagi ba silang magkasama ng kuya Zel mo?" umiling ang bata.
"Nito lang po ate Iza. Nagtataka nga po ako eh. Kung bakit sila magkasama na dalawa. Hindi naman sila close. Kasi, ang close ni kuya Zel ay ikaw." Sagot ng bata.
Napakunot ng noo si Shino sa narinig. Daming alam ng bata. Kung makapagsalita parang hindi bata.
"Jinggo!" sambit ng pamilyar na boses. Napalingon tuloy si Elaiza at Shino do'n. Speaking of the devil! He's here. Tsk! Sarap sapakin. Agad siyang tumayo sa kinauupuan at inakbayan agad si Elaiza.
"Alis tayo Elaiza." aniya rito.
"Dito lang muna tayo. Siyaka, may pag-uusapan muna kami ni Edzel." anito sa kanya.
"No!" aniya. "Sakim na kung sakim. Ang akin ay akin." bulong niya.
Wala siyang pakialam kung nauumay na si Elaiza sa pagiging possessive niya. Basta maipakita niya lang dito kung ano ang nararamdaman niya. Wala din siyang pakialam kung walang alam ang dalaga. Kung manhid man ito or hindi. Ang nais niya lang, manatili ito sa tabi niya.
Nang makalapit ang dalawang. Si Edzel at yung babaeng lumapit sa kaniya at kumapit pa. Tsk! Ayaw na ayaw niya sa mga babaeng ga'non. Naalibadbaran siya. "Kuya Zel." sambit ni Jinggo sa kay Edzel.
"Kanina ka pa namin hinahanap ng ate San mo. Nandito ka lang pala." ani nito sa kay Jinggo.
"Nakita ko kasi si ate Iza. Siyaka, miss na miss ko na siya eh. Matagal na din kasi hindi na siya bumibisita sa bahay." sabi ng bata sa kanila sabay kapit sa mga binti at tumingala pa ito kay Elaiza.
Kapag nagkaanak kaya kami ni Elaiza. Ganito din kaya siya kumapit sa mga binti ko? tanong ng isip ni Shino. O di kaya ay, magpapakarga kaya siya sa akin? Katulad ng ginawa ni Elaiza kay Jinggo? Ano kayang ipapangalan namin sa kaniya?
"Boss! Hoy! Boss!" sabay kurot ng tagiliran niya.
"Aray! Ano ba!?" Sabay tingin niya kay Elaiza. "Bakit mo ba ako kinurot?" tanong niya.
"Nakatulala ka kasi nakatingin kay Jinggo kanina tapos, tinanong ka ni San. Kung ayos ka lang ba. Teka nga, may problema ka ba? Ang lalim kasi ng iniisip mo." ngumiti lang siya at umiling dito.
"Alam mo boss. Pwede ka naman magsabi sa akin kung may problema ka eh." anito sa kaniya. "Nandito lang ako para sayo. Pwede mo akong pagbuhusan ng sama ng loob." dagdag nito.
"Wala akong problema. Isa pa, nandiyan ka naman eh. Makita lang kita, nawawala na ang problema ko sa buhay." sabi niya sa dalaga na may ngiti sa labi. "Tara na nga. Date natin ngayon eh." aniya sabay hawak sa kamay ng babae.
Anong kayang problema ng boss niya? Nakatulala kasi siya kanina. Nakaalis nalang sila Edzel at San. Kinakausap siya ni San pero, nakatingin lang siya kay Jinggo. Natauhan lang siya nung kinurot ko siya. Iyan lang ang tanong sa isip ni Elaiza. Habang magkahawak kamay sila habang naglalakad.
"Boss. Kumakain ka ba ng street food?" tanong niya dito. Umiling ito. Hindi kasi sila pinapayagan na kumain ng street food. Kaya never pa siyang nakakain ng gano'n. "Hindi pa? Ang sarap kaya niyan."
"Subukan mo boss. Kahit isang beses lang." sabay hila niya sa boss niya. Tumango ito.
"Basta para sayo. Gagawin ko. Huwag mo lang sabihin sakin na huwag na akong magtrabaho. Dahil paano na ang mga anak natin kung wala na akong trabaho." ani ng boss niya.
Puso! Ito na naman ang boss niya. Umiinit na naman ang mga pisngi niyang walang ginawa kundi mamula lang kapag kasama niya ang boss niya. Ano kayang mangyayari sa kaniya kapag mawala ang boss niya?
Makakaya kaya niya? "Alam mo boss. Kumain ka na lang." aniya. Sabay lapit sa street vendor. "Kuya. Pabili po ng kwik-kwik." aniya.
"Ilan?" tanong nito.
"Apat." sagot niya. Kaya agad na nagtuhog ang nagtitinda ng kwik-kwik at tapos binigay ito sa kaniya. Binigay naman niya sa boss niya ang dalawa. "Boss oh." tinaggap naman ito ng boss niya. "Masarap yan boss. Paborito ko yan. Sawsaw mo dito sa sauce. Pili ka lang. May sili or wala. Pero, mas masarap kapag may anghang ang kwik-kwik." aniya.
Tumango lang ito sa sinabi niya at sumunod. Pinili nito ang may sili kaya napangiti siya. "Sige na boss. Kain na. Ganito lang oh." sabay sawsaw at kagat sa kwik-kwik na kakasawsaw lang kwik-kwik.
Nang makita ito ng boss niya ay agad napangiti siya ng hindi man lang ito ngumiwi.
Iyong mga pinsan kasi niya ang arte ng mga iyon. Hindi sila kumakain ng street food. Dahil daw pangmahirap lang daw iyon. Ang sarap kaya ng street food. Lalo na ng balot.