Chapter 13

2367 Words
Ang ginawa lang ng boss niya. Kumain ng kumain. Sa nagustuhan niya daw kasi ang street food eh. May magagawa ba daw siya? Halos paubos na ang paninda ng nagbebenta. Hindi kasi tinigilan ni shino ang pagkain ng kwik-kwik. Dahil unang beses pa lang daw siya nakakain ng gano'n. Siya naman, busog na. Wala na yata silang balak kumain pa ng tanghalian dahil sa busog na busog na sila. Hawak ni Elaiza ang tiyan niya. "Grabe boss. Dami nating nakain." "Ikaw lang madaming nakain ako wala." napalingon siya sa boss niya nakasimangot. "Gusto ko pang kumain." anito. Natawa na lang siya sa pagbusangot ng mukha nito. "Hindi na nga pwede. Hindi ka pa nabusog do'n?" tanong niya. "Busog na! kaya lang, gusto ko pa eh. Gusto ko pa eh. Gusto ko pang kumain ng gano'n. Ayaw na ako bentahan ni kuyang magtitinda." anito. Nakanguso pa na may simangot ang mukha.  Mas lalo siyang natawa. "Boss. Para kang bata." aniya. "Malamang hindi na. Malay ba niyang gano'n ka pala kumain? Eh. Talagang hindi ka niya bebentahan. Paano ba naman kasi, ang daming nakapela do'n tapos, 'yong iba hindi na makakabili dahil sayo." aniya dito. "Pwede bang tayo na lang ang magluto do'n sa bahay niyo? Tapos, bibili lang tayo ng ingredients?" tanong nito. "Please! Gutom pa ako." Humagalpak na lang siya ng tawa. "Boss. Ang pangit mo sa hitsura mo." pagsisinungaling niya. Mas lalong bumusangot ang mukha ng boss niya sa sinabi niya. "Ang ingay mo rin. Pangit ka din naman ah." anito. "Bakit? Kailan ko naman sinabi na maganda ako?" sabay tawa. "Ni minsan ba, pinangalandakan ko ba ang kagandahan ko? Hindi diba? Kasi alam ko naman na pangit ako. Nasa tao lang naman iyon eh. Kung titingnan ka niya sa pisikal na anyo lang or sa panloob mismo." dagdag niya. "Tama. Kaya ikaw. Pangit ka." anito. Napailing na lang siya. "Pero, sa akin ang ganda mo." sabay ngiti ng boss niya. Bakit ang ganda ng ngiti ng boss niya? Tumango lang siya. "Salamat." "Salamat lang matatanggap ko sa kabila ng pinagsasabi kong maganda ka?" tanong nito. "Eh. Ano ba dapat? Diba nga salamat? Kasi may narinig ako. Magpasalamat ka kasi maganda ka. Kaya ayon, salamat na lang sinabi ko. Pero, bakal 'yun sa loob ha." "Anong bakal? Baka bukal. Hindi bakal. Matigas 'yon eh." anito. "Gano'n ba boss? Akala ko kasi bakal. Sabi kasi nila. Bakal sa loob hindi daw bato. Sabi naman ng isa bronze daw. Teka! Ano 'yong Bronze?" "Alam mo. Kumain ka na lang." ani ng boss niya. "Anu-ano na lang ang pinagsasabi mo diyan." anito at hinila siya papunta sa nagbebenta ng kwik-kwik. Nang makalapit sila ng husto sa nagbebenta. Agad na humarang iyong mga tao sa kanila. Napapailing na tumatawa iyong nagbebenta sa kanila. Paano ba naman. Hindi pa nga sila nakakalapit ng husto humarang na agad yong mga bumibili. "Pabili manong!" sigaw ng boss niya. "Hijo! Paano naman sila? Hindi pa sila nakakabili oh. Kawawa naman sila." ani ng vendor sa kanila ng boss niya. "Alam mo ba kanina pa sila rito. Pinauna ka lang nila dahil first timer ka. Pero, hindi ko akalain na ubusin mo lahat. Ayaw ko naman magalit sila oh. Suki ko na sila eh." Naintindihan naman ng boss niya ang sinabi ng vendor kaya hindi na ito nagpumilit pa. "Salamat manong." ani ng boss niya. "Walang anuman." sabay lingon sa kaniya. "Hija. Halika dito." tumango siya agad na pinuntahan ang vendor. "Oh. Para sayo yan at sa kasama mo." sabay bigay ng kwik-kwik. Agad naman niyang tinanggap ito at bumalik na sa boss niya. "Boss oh." sabay bigay niya. Nagliwanag agad ang mukha ng boss niya. Tinanggap nito iyon at lumingon sa nagbebenta. "Salamat po!" sigaw nito. "Walang anuman hijo." anito at tumalikod na sila't naglakad pabalik sa upuan nila kanina. Nang matapos silang kumain ay agad na nag-aya si Shino. "Tara! Doon naman tayo oh." sabay hawak sa kamay ni Elaiza at pinatayo ito. "Saglit lang boss. Tapon muna natin 'to sa basurahan. Ayaw ko magkaroon ng multa." tumango lang si Shino at nilibot ang paningin upang maghanap ng basurahan sa paligid. Nang makakita siya. Agad niyang inagaw kay Elaiza ang basura at hinila niya ang babae at tinapon sa basurahan ang basura na inagaw niya. Pati ang basura niya. Dahil nabasa din niya kanina na bawal magtapon ng basura kahit saan. "Tapos, saan na tayo pupunta boss?" tanong ni Elaiza kay Shino. "Doon." sabay turo sa mga lalaking naglalaro ng basketball at may kumakanta sa gilid. May mga babae din nakatingin sa nagbabasketball at iyong iba ay sumisigaw sa mga nagkakantahang lalaki. Grabe ang mga babae sumigaw. Parang artista lang. Banda kasi ang mga ito. "Tara." aniya sabay ngiti dito. Inakbayan siya ng boss niya. Habang papunta sila sa pupuntahan nila. Hinalik-halikan ng boss niya ang pisngi niya. "Bakit ba amoy sakura ka?" tanong nito. "Hah? Ewan. Sabon panlaba naman gamit ko. " Sagot niya. "Anong sabi mo? Panlaba?" tumango siya na may sinusupil na ngiti sa labi. "Oo. Yung may fabcon. Surf fabcon. Gano'n 'yon." aniya. "Bakit amoy fabcon ba ako?" "Ang bango mo nga eh. Siyaka isa pa, bakit panlaba? Hindi ba uminit ang katawan mo?" huminto sila at humarap sa kanya. "Baka magkaroon ka ng allergy diyan sa ginagamit mo ha." May nag-aalala itong mukha. "Alam mo boss. Tara na nga. Kung anu-ano iyang iniisip mo." aniya. Nauna na lang maglakad si Elaiza. Sinusundan lang siya ni Shino. Pero, hindi din siya nakatiis ay agad siyang umakbay sa dalaga. Tinungo nila ang mga taong nagkakantahan at giniya niya ang dalaga sa isang bakanteng upuan sa parke. Nakamasid lang siya sa dalaga. Nang makaupo sila. Nakita niyang masaya ito kaya masaya na din siya. Hanggang kaya niya, hindi niya babahiran ng luha ang mga mata nito. "Alam mo boss. Palagi akong pumupunta dito. Masaya kasi dito, may mga batang naglalaro, may mga dalaga na nanunuod ng basketball at sumisigaw sa mga manlalaro. May mga nagkakantahan din." sabay tingin ng dalaga do'n. Napansin din niyang parang walang problema ang mga tao. "Siyaka, isa pa sabado at linggo lang ganito dito. Dahil may mga trabaho at klase ang iba. Naalala ko dati, kapag tapos na kaming magsimba palaging naglalatag ng kumot do'n. Piknik kumbaga." anito sabay turo sa bandang may mga puno at hindi mainit. "Ang saya niyo pala ng nanay niyo?" tanong niya. Unti-unting nakikilaka niya ang dalaga dahil sa pagkukwento nito. "Oo. Iyon lang kasi ang araw na pwede kaming mag-bonding na dalawa. Bata pa lang ako namatay na ang tatay ko. Kaya naiinggit ako sa mga pinsan ko na may tatay pa sila. Pero, iniisip ko na lang na baka nangyari iyon dahil may rason ang Panginoon." anito. May lungkot sa mga mata ng dalaga pero, may parte din na masaya siya. "Pero, alam mo boss, nagpapasalamat pa din ako kasi may nanay pa ako. Iyong iba nga wala ng nanay at tatay. Kaya ako masuwerte pa din." anito. Napangiti na lang siya kwento ng dalaga. She think always in a positive way and she like that. Agad siyang tumayo at lumapit sa mga nagkakantahan na mga lalaki. "Ah. Pwede po pahiram ng guitar? Siyaka microphone? Kakanta lang ako para sa babaeng naka-upo do'n sa upuan." aniya sa mga ito. Napalingon naman si Elaiza sa boss niyang nasa unahan niya. Ano kayang gagawin ng isang 'to? Pinagmamasdan na lang niya ito at nginitian nung magtama ang mga mata nila. Pumuwesto ang boss niya sa harap at umupo pa ito sa upuan na gamit ng kumakanta kani-kanina lang. May mikropono din sa harap nito. "Hi. Para ito sa babaeng naka-upo sa likuran." ani ng boss niya. Naglingunan tuloy ang mga tao sa kanya sa harapan. Ngumiti na lang siya. Nagsimulang tumugtog ng gitara ang boss niya. "From my youngest years Till this moment here  I've never seen  Such a lovely queen." Ang ganda ng boses ng boss niya. Nakikinig ang lahat pati siya. "From the skies above  To the deepest love  I've never felt  Crazy like this before." Paint my love  You should paint my love  It's the picture of the thousands sunsets  It's the freedom of a thousands doves  Baby you should paint my love" "Alam ko na hindi mo naintindihan. Pakiramdaman mo lang okay na sa akin." ani ng boss niya. Uminit na naman ang pisngi niya. Nagkakantiyawan din ang mga tao sa kanila. Parang kinikilig. Ang mga nagbabasketball ay huminto sa paglalaro para panuodin ang boss niyang kumakanta. Ang mga babaeng nagsisigawan kanina, ngayon ay sila na ang sinisigawan ng lahat. Pakiramdam ni Elaiza, huminto ang oras. Nakatingin lang siya sa boss niyang nakatingin habang tumutugtog pa din ng gitara sa harap ng maraming tao. Ang puso niyang tumatakbo nakalabas na. "Been around the world then met you girl  It's like coming home to a place I've known. Paint my love You should paint my love  It's the picture of a thousands sunsets  It's the freedom of a thousands doves  Baby you should paint my love Since you came into my life  The days before all fade to black and white  Since you came into my life everything has change." Sabay ngiti at iyong mga mata nila ay hindi humihiwalay sa isa't-isa. Napansin din niya halos himatayin na ang ibang babae dahil boss niya. Siya din halos himatayin sa sobrang kilig. Nang matapos sa pagkanta ang boss niya. Tilian pa din ang naririnig niya. Pati usapan ng mga kababaehan at kalalakihan. "Pare! Naunahan kana kay Iza." ani ng isang lalaking hindi niya kilala. "Oo nga eh. Crush ko pa naman si Elaiza noong High school. Ang cute niya din." sang-ayon naman ng isa. "Torpe mo kasi." sagot naman ng isa. Pero, wala siyang pakialam do'n. Nakatingin lang siya sa boss niya na pababa na ng hagdan. "Kyahhh!!" sigawan ng mga kababaehan. Naglalakad ito palapit sa kaniya. Nakangiti at binibigyan din sila ng daan ng mga taong nandoon. Humakbang din siya at nagtagpo sila sa gitna. "Boss. Hindi ko inaakala na marunong ka palang maggitara." aniya sa kinakabahan na boses. Mabuti nga hindi siya nautal. Agad siyang niyakap ni Shino. Nang mapansin kasi ni Shino na may taong nakatingin sa mahal niya. Napangisi siya dahil si Edzel 'yon. Nakatingin ito sa malayo at nakakuyom ang mga kamao. "Pare! Wala ka na talagang pag-asa. Mukhang magiging sila na eh." ani ng isang lalaki sa katabi niya. "Okay lang." anito. Napangiti na lang siya dahil marunong naman palang tumanggap ng pagkatalo. Pero, ang mas nagpapangiti sa kaniya ay si Edzel na may madilim na mukha. "Kasi secret ko 'yon." aniya. "Ang alam ko lang kasi marunong kang kumanta pati din pala gitara. Pinapainit mo na naman ang pisngi ko boss." ani ni Elaiza sa kanya habang yakap nila ang isa't-isa. "Basta para sayo." "Hoy! Tama na yan! Pinapainggit niyo kami eh!" sigaw ng isang babae sa crowd. Napapalibutan na kasi silang dalawa ni Elaiza. Agad silang kumalas sa isa't-isa. "Sorry." ani ni Elaiza. Pero, hinalikan niya lang ito sa labi. Nagtilian na naman ang crowd at may nakita siyang nahimatay. "Juskopo!" sigaw ni Elaiza sabay takbo do'n. "Anong nangyari?" tanong niya. "Sa sobrang kilig sa ginawa niyo eh. Ayan nahimatay." ani ng isang lalaki. Kaya agad siyang lumapit do'n. Bago pa hawakan ng lalaking iyon si Elaiza. Pero, bigla na lang nagising ang nahimatay. Tsk! Hinawakan siya sa braso at niyakap. Nanlaki ang mata niya dahil sa bigla tapos, hinalikan pa siya sa pisngi. Siya na tulala pa din at iyong nahimatay ay biglang bumango't nagsisigaw. "Oh my God! Ang bango at wahhh!!" sabay talon pa nito. May mga lumapit ding ibang babae at hinalikan siya sa pisngi. Nanag makarecover ay napalingon siya kay Elaiza na natatawa sa hitsura niya. "Bakit ka natatawa?" tanong niya sa dalaga. "Paano ba naman kasi boss. Yung singkit mo kasing mata lumaki. Naging ganito oh." tapos, pinalaki din ng dalaga ang mga mata niya. "Tapos, hindi mo napansin nakanganga  ka rin. Tapos, ang laki din." sabay tawa. "Huwag ka ngang tumawa. Hindi ka man lang nagalit sa mga babaeng humalik sa akin?" tanong niya. "Aba! Bakit naman ako magagalit kung may ibang eksena  na nakakuha ng aking atensiyon bukod sa halik ng mga babaeng iyon?" sabi ng dalaga sa kaniya na may sinusupil na mga ngiti sa labi. "Grabe ka! Iyon talaga ang napansin mo? Hindi iyong halik sa akin ng mga babae?" umiling ito. "Dapat magalit ka!" aniya. Kumunot lang ang noo nito at lumapit sa kaniya. "Gwapo ka kaya hindi na ako magtataka kung nagawa man iyon ng mga babae sa'yo. Siyaka isa pa, palagi naman kitang kasama. Masaya ako kasi, pumunta ka sa amin at tinupad mo 'yong sinabi mo. Nagpapasalamat ako kasi, pumayag kang pumunta dito. Sa susunod kapag nagpunta ka ulit dito. Ipapakilala kita kay Father." anito sa kaniya na may sinusupil na ngiti. "Bakit sa susunod pa? Pwede namang ngayon eh. Siyaka may oras pa tayo eh." agad niyang hinawakan ang kamay nito at hinila sa may simbahan. "Gusto kong makilala iyang father na 'yan." aniya. "Sige. Tara." ang dalaga na mismo ang humila sa kaniya patungo sa simbahan. Tumakbo pa ito habang hila siya. Nang makarating sila sa simbahan. Pinagtitinginan tuloy sila ng mga taong nagdadasal. "Sorry po." sabay yuko ng dalaga. Kaya yumuko din siya. Naglakad silang dalawa na walang ingay. Bawal yata mag-ingay sa loob ng simbahan dahil tahimik masiyado. Nang may isang lalaking palapit sa kanila. Sacristan yata ito. Dahil nakaputi na may pula siyang tela.  Nang mapalapit ito sa kanila ni Elaiza ay agad na niyakap ng sacristan si Elaiza. Hindi naman siya pwedeng pumalag dahil nasa loob sila ng simbahan. "Ate Iza. Halika. Nasa likod si Father." anito at hinawakan pa si Elaiza sa braso at hinila ito. Ang ginawa niya na lang ay sumunod sa dalawa. Wala siyang selos na naramdaman sa lalaki dahil feeling niya hanggang kapatid lang ang turing ng lalaki  kay Elaiza at nakikita niya ito kung paano tumingin. "Father!" sambit ni Elaiza nang makita ang pari. Napalingon ang pari sa kanilang tatlo. "Hija." sambit din nito na may maaliwalas na mukha. "Kumusta kana?" tanong nito. Napalingon din ito kay Shino. "Oh. May kasama ka pala? Anong pangalan mo hijo?" tanong nito sa kaniya. "Shino po." sagot niya na may ngiti. "Shino. A nice name." sabi nito na may ngiti. Napatingin ito kay Elaiza. "Kumusta kana hija? Matagal ka ng hindi pumupunta dito. Miss na miss kana din ng mga bata." anito. "Oo nga po eh. Miss na miss ko din sila. Nasaan po ba sila?" tanong ni Elaiza sa pari. "Nasa labas. Kalaro sina San at Edzel. Palagi ka ngang binabanggit ni Lisa at May eh. Palagi ka nilang tinatanong  kung bakit hindi kana nagsisimba dito. Kung bakit hindi mo na daw sila binibisita. Nagtatampo tuloy 'yong mga bata sayo." Biglang lumungkot ang mukha ni Elaiza sa binanggit ng pari. Parang mga kapatid na din kasi ang turing niya sa mga bata eh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD