chapter 14

2584 Words
Isang buwan na ang lumipas. Mas naging malapit pa sina Shino at Elaiza. Nang biglang bumisita si Shikaya sa opisina niya na may mga galit na mukha. "Oh. Anong nangyari?" tanong ni Shino sa kapatid niya. "Nasaan si Elaiza?" tanong nito. Lunch break kasi kaya kumakain siguro si Elaiza sa housekeeping department quarters nila. "Bakit?" tanong niya. "May itatanong lang ako." anito na may galit na mukha. "Ano naman ang itatanong mo kay Elaiza?" "Wala kana do'n." anito. Napatingin naman si Shikaya sa baunan ni Shino. "Diba kay Elaiza 'yan?" tumango siya. Agad namang kinuha ni Shikaya ang baunan ni Elaiza at lumabas ng opisina niya. Agad naman siyang sumunod dito. "Shikaya. Ibalik mo sa akin 'yan." aniya habang sumusunod kay Shikaya. Nang makapasok sila sa elevator. Agad na pinindot ito papunta sa department ng mga housekeeping. Kaya kinakabahan siya sa gagawin ng kapatid niya. Nagugutom na din siya. Nang makalabas sila sa elevator, ay agad nilang pinuntahan ang housekeeping department quarters. Nakita nila si Elaiza na kumakain. "Hoy!" sigaw ni Shikaya. Napalingon si Elaiza sa kanya na may nagtataka na mukha. "Boss. Shikaya kayo pala." ani nito. Pero, lumapit si Shikaya at kinaladkad siya palabas ng quarters nila. Nakita niyang nahulog ang baunan ng dalaga. Konti lang ang bawas nito. Agad siyang sumunod sa kapatid niya. Nakita naman niya ang mga empleyada at empleyado niyang lumabas ng mga department nila. Sumunod din sila sa kanila. Ano bang nangyayari? Nang makita niyang tinulak ng kapatid niya si Elaiza. Agad niya itong inalalayan. "Anong problema mo?" tanong niya sa kapatid niya. "Iyang babaeng iyan ang problema ko!" sigaw nito. "Bakit po?" tanong ni Elaiza. "Bakit? Mukhang pera ka kasi. Lumalapit ka sa kapatid ko para huthutan sila!" May inilabas si Shikaya sa bag niya at tinapon iyon sa kanila. Isang folder iyon. Binuklat niya ito at nabasa niya nag pangalan ng dalaga. "Pera lang ang habol niya sayo Shino. She needs money that's why ganiyan siya sa'yo." sabay lapit kay Elaiza at sinapal ito. Tumingin siya sa dalaga. "Boss. Hindi po totoo 'yan." ani ni Elaiza na may luhang nalaglag. "Sabihin mo. Totoo ba 'to?" sabay pakita sa folder at tapon diretso sa mukha niya. Lumaki ang mata ni Elaiza dahil sa ginawa ng boss niya. Hindi naman totoo iyong binebentang sa kaniya eh. Nagbulong-bulungan ang mga empleyada ng boss niya. "Gold digger pala." ani ng isa. Hindi man niya ito naintindihan pero, alam niyang masakit iyon. Naramdaman niya. Napahawak din siya sa pisngi niyang sinampal ni Shikaya. Hindi niya alam kung ano 'yong pinagsasabi ni Shikaya sa kaniya. Pero, bakit nasasaktan siya? Ang mas masakit pa ay tinulak siya ng boss niya at lumagapak ang pwet niya sa semento. "Silence means yes! Manloloko ka! Umalis kana sa harap ko. Sinungaling!" nakita niyang inagaw ng boss niya ang baunan na galing sa kaniya at tinapon ito sa mukha niya. Pati ang kutsara't-tinidor tinapon talaga sa kaniya. "Naniwala ako sayo! Pero, sinungaling ka!" Masakit na nga ang mukha niya, pwet , pisngi pati ba naman puso dahil sa mga salita na natatanggap niya. 'Yong baunan na tinapon sa kaniya ay kumalat mismo sa mukha at sa damit niya. Bakit ganito? Anong ginawa ko? Bakit sila nagagalit ng ganito sa akin? Wala naman akong ginawa sa kanila eh. Kung pinaparusahan niyo ako please. Tama na kasi, ang sakit na po. "Umalis kana dito! Alis! Bago pa kita ipakaladkad sa mga guards." wala siyang nagawa kaya tumayo siya at pinahiran niya ang mga luha na naglandas sa pisngi niya. Bumalik siya sa loob para sana kunin ang gamit niya. Pero, tinapon na ito mismo ni Shino sa mukha niya. Tiningnan niya ang mukha ng boss niyang galit na galit sa kaniya. Gusto niyang depensahan ang sarili niya pero, hindi niya magawa. Dagdagan pa na may mga naririnig siya sa paligid. May nakita siyang nag-vivideo din sa kaniya. "Ano pang hinihintay mo? Umalis kana!" sigaw ni Shino sa kaniya. Pinulot na lang niya iyong bag na tinapon sa kaniya ni Shino. "Mukhang pera pala! Kaya naman pala naging malapit siya kay sir Shino dahil sa pera lang ang habol niya." ani ng isang babae sa kapwa empleyada niya. "Oo nga. Tsk!" naglakad na lang siya palapit. "Sandali." sigaw ni Shino sa kaniya. Huminto siya at humarap dito. Pero pagkaharap niya tinapon sa mukha niya yung baunan niyang konti lang ang nabawas. "Ayan! Ayaw kong makakita ng mga gamit mo dito sa opisina ko! Umalis kana!" sigaw nito. Nakita niya ang ulam at kanin na nagkalat na sa semento. Balak niya sanang pulutin ito pero, hindi na niya ginawa. Ipinasok na lang niya sa baunan niya. Iyong luha niyang hindi tumitigil. Tumalikod na siya't umalis. Paalam Shino, paalam Shikaya at Shimon. Paalam miss Head. Nagulat din siya kanina nang itulak siya ni Shikaya palabas ng building. Pero, hindi siya umimik. Pero, ang mas masakit. Iyong taong na siya dapat ang magtatanggol sa'yo siya pa ang nagtapon ng baunan sa pagmumukha mo. Mas malala pa tinulak ka niya ng malakas at lumagapak ang pwet niya. Sinaktan nila ng pisikalan si Elaiza pati puso. Habang naglalakad siya tumutulo ang luha niya. Ito siguro 'yong sinasabi nila. Huwag magpakasiguro na ang buhay ay palaging masaya dahil masasaktan ka. Kung ito po 'yun, sana dinahandahan niyo po. Dahil isang bagsakan ang ginawa niyo po. Doon sa benebentang nila. Wala akong kasalanan do'n. Hindi ko nga alam na may gano'n. Habang naglalakad siya patungong terminal ay agad may isang motorsiklo na huminto sa harap niya. Nang tingnan niya ang mukha. Ang mukha ng Best friend niya. "Zel!" sambit niya habang naglalandas ang mga luha niya. "Anong nangyari sayo? Sino may gawa niyan?" tanong nito sa kaniya. Mas lalo siyang umiyak. Bumaba agad ng motorsiklo ang kaibigan niya at niyakap siya. "Sabihin mo. Sino may gawa nito sa'yo?" tanong ng kaibigan habang mahigpit siyang niyayakap. "Si Shino ba?" tanong nito. Gusto niyang sumagot ng "oo" pero, hindi niya magawa. Umiyak lang ng umiyak si Elaiza. "Tahan na Best. Nandito langako para sa'yo. Hindi kita iiwanan. Hindi kita huhusgahan. Nandito ako para sa'yo bilang kaibigan mo. Diba sabi mo noon ang magkaibigan dapat nagdadamayan." ani nito sa kaniya. Mas lalo siyang umiyak. Basa na din ang damit ni Edzel ng mga luha at sipon niya. "Huwag kanang umiyak. Tara na. May pupuntahan tayo. Doon mo ilabas lahat ng hinanakit mo sa mundo. Lahat ng galit mo." ani nito. Bakit ang bait ng best friend niya? Bakit hindi na lang ito ang minahal niya? Tama kayo, nahulog siya kay Shino at inaamin niya sa sarili niya mahal na niya ito. Pero, hindi niya iyon sinabi sa binata. At tama lang ang ginawa niya. "Tara na." tumango siya. Kumalas sila sa pagyayakapan na dalawa. Pinaharap siya ng best friend niya. Hinawakan ang baba at tinaas ito upang magpantay ang mukha nila. "Huwag ka ng umiyak best." sabay punas sa luha niyang naglandas. Ngumiti siya dito ng mapait. "Tara na nga. " Sabay giya sa kaniya sa motor nito at pinasakay siya. Sumakay na din ng motor si Edzel. "Kumapit ka best." anito sabay paandar at agad siyang yumakap sa likod nito. Nang makarating sila pupuntahan nila. Nakita niya kung saan siya dinala ni Shino. Dinala siya sa lugar na palagi nilang pinupuntahan. Ang mga puno na palagi niyang inaakyat. "Dito kita dinala dahil alam kong kailangan mo ang lugar na'to. Diba naalala mo dati nung pinapagalitan ka ng mama mo. Dito ka pumupunta?" tumango siya. Agad na silang bumaba at tumakbo siya sa mga puno na palagi niyang inaakyat. "Dahan-dahan!" sigaw ni Edzel sa kaniya. At least nandiyan ang kaibigan niyang handang damayan siya. Nagsisigaw siya na sana, hindi na lang kita nakilala. "Na sana! Hindi na lang ako naging malapit sayo! Na sana! Hindi ako nahulog sa mga sinasabi at ginagawa mo!" sigaw niya. "Sana makalimutan na kita!" sigaw niya habang nakatingin taas ng puno. Gusto niyang umakyat pero, may pumipigil sa kaniya. "Ilabas mo yan best. Kaya ko yan. Sigaw pa! Hanggang sa mawala ang sakit na nararamdaman mo. Nandito lang ako handang umalalay sayo." sabi nito at tapos nilapitan si Elaiza. "Alam ko na." anito. Napatingin naman siya sa kaibigan niya. May naiisip na naman itong kalokohan. "May naisip ako." at tama nga siya. Naglakad ito sa paligid hanggang may nahanap si Edzel na kahoy. Bumalik ito bitbit ang kahoy na nakita ng kaibigan niya. "Aanhin mo yan?" tanong niya dito. "Siyempre. Gagamitin mo 'to." Kumunot naman ang noo niya. "Wait lang." anito at pinagmamasdan lang ni Elaiza ang kaibigan niyang naglakad sa medyo malayo. Tinawag naman siya nito na papuntahin do'n. Kaya agad siyang naglakad papunta sa lugar na 'yon. "Anong ginagawa mo? Bakit mo naman pinatayo ang kahoy na yan diyan?" Medyo malaki na 'yong kahoy. Mukhang naputol galing sa isang sanga ng puno. Sa pagkakakilala niya sa kahoy. Ito ay mangga. Pinutol siguro iyon ng may-ari tapos, pinabayaan. May mga dahon pa at sanga-sanga. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya do'n. Lumapit ang kaibigan niya na may dalang mga bato. Sa lalim ng iniisip niya hindi niya namalayan na ang kaibigan niya ay kumuha ng mga bato. Malalaking bato at medyo mabibigat ito. Inilagay nito iyon sa lupa. "Iyan ang gagamitin mo. Itapon mo do'n sa kahoy. Isipin mo na iyong kahoy ay si Shino at ilabas mo lahat ng galit mo. Lahat ng sakit na nararamdaman mo. Tapos, iyong bato ang magsisilbing tulay para iparating mo kay Shino ang lahat ng sakit na ginawa niya." tumango siya. "Or. Kung gusto mo. Gawin mong sulat ang bato. Ipasok mo lahat ng mga gusto mong sabihin sa kaniya at itapon mo siya do'n sa puno." ani ng kaibigan niya. Tumango lang siya dito at binigyan siya ng bato ng kaibigan. Mabigat. Sa tantiya niya mga isang kilo din. Binabato ni Elaiza ang puno. "Sige. Lakasan mo pa." ani ng kaibigan niya. "AHHHH!!!" sigaw niya sabay tapon ng bato. "Walang yaka! Sabi mo hindi mo ako sasaktan! Sabi mo hindi mo ako paiiyakin! AHHH!!" sabay tapon ng bato. Pero, dahil medyo mabigat ang mga bato at medyo malayo din siya sa dito. Kaya agad hindi natataman. Pero, iyong ibang bato na magagaan lang natatamaan naman niya. Tapon. sigaw! Ang ginagawa niya. Hanggang sa ang panghuli na bato ang tinapon niya. "Makakalimutan din kita! At lahat ng pagmamahal na nandito sa puso ko para sayo. Papatayin ko! Dahil hindi ko alam iyang mga benebentang niyo sa akin! Sa inyo na yang pera niyo! Hindi ko yan kailangan sa buhay ko! Bakit ba? Kapag namatay ba ako, kasama iyang pera niyo. Mga walang ya kayo!" Sabay tapon ng bato sa puno at tumama iyon. Nang matapos siya ay umupo siya sa lupa. Wala siyang pakialam kung madumihan ang suot niya. Basta nakakagaan ng pakiramdam ang ginawa nila ng Kaibigan niya. "So, ayos kana?" tanong nito na may ngiti sa labi. Tumango na lang siya. "Medyo. Ang mahalaga ay nabawasan ng konti ang sakit sa puso ko. Ang sarap sa pakiramdam na ilabas ang lahat ng galit mo at hinanakit na nandiyan sa puso mo." aniya. Umupo sa tabi niya ang kaibigan niya. Inakbayan siya. Sanay naman siyang inaakbayan ng kaibigan niya. Kaya hindi na lang niya pinansin. Tiningnan niya ang paligid. Sana pala hindi na lang siya nag-apply bilang housekeeping sa lugar na iyon. Sana hindi siya nasasaktan ng ganito. Pero, ayos lang sa kaniyang experience kumbaga. Dahil sa sakit na dulot ni Shino sa puso niya. Matototonan niyang bumangon, at kalimutan iyon. Hanggang sa tatawanan na lang niya na may isang tao siyang minahal at sinaktan lang siya. "Alam mo. Namiss ko ang lugar na'to. Noong mga bata pa tayo. Palagi tayong nandito every Saturday and Sunday tapos kumukuha tayo ng mga bunga." ani ng kaibigan niya. "Tama! Naalala ko din iyon. Mangga, santol , at ano nga iyong isa?" tanong niya habang inaalala ang mga nakaraan. "Bayabas 'yon. Nandoon oh. Maraming bunga." sabay turo sa likuran nila. Napangiti siya. "Tara! Akyat tayo?" tumango siya at agad na tumayo at tumakbo. "Ang mahuli siya ang ang taya!" aniya habang tumatakbo. Dahil runner siya noon kaya ang bilis niyang tumakbo. "Ang daya mo!" sigaw ng kaibigan niya. Nang mahawakan na niya ang puno ng bayabas. Agad siyang lumambitin dito at umakyat. Madali lang niyang naakyat ito. Dahil na din sa sanay siya. Nang makita niya ang kaibigan niyang nahihirapan sa pag-akyat. Tinawanan niya lang ito. Iyong tawa na hindi plastic. Tawa na bakal sa loob. Ay bukal pala sabi ni Shino sa kaniya. Nang maalala niya ang pangalan biglang lumungkot ang mukha niya. Panandaliang kasayahan. Kahit sa mga sandali na iyon. Tumawa pa din siya ng totoo. Iyong hindi nagpapanggap lang. "Oh. Anong nangyari sayo?" tanong ng kaibigan niya. Umiling lang siya. Pumitas ito ng bunga at binigay sa kaniya. "Salamat." Agad niya itong kinagat. "Ang tamis pa rin ng bunga ng bayabas na 'to." sabay tingin sa medyo madilaw na bunga. "Yeah. Matamis. Kay tamis mo ding mahalin." ani ng kaibigan niya. Napalingon tuloy siya dito. "Anong sabi mo?" tanong niya. "Wala." Sabay iling. "Sabi ko, kumuha na lang tayo ng hinog pagkatapos ay hatid na kita sa inyo." anito sa kaniya. Tumango lang siya. Habang pumipitas siya ng bunga ng bayabas. Kumakanta ang kaibigan niya. "Sayōnara, Daisuki Nahito." ( Goodbye, My love.) "Sayōnara Daisuki nahito." ( Goodbye My love) "Anong kanta yan?" tanong niya. "Japanese song. Ang ganda kasi. Kasing ganda mo." anito. "Tsk. Bolero ka talaga." aniya. "Bilisan mo diyan." aniya at bumalik na sa pagpipitas ng mga bunga. Nang matapos sila sa pagpipitas ay bumaba na sila. "Ang dami nating napitas na bunga." aniya. "Oo nga eh." anito. Napatingin si Edzel sa tiyan ni Elaiza. Nakita kasi ang tiyan niya dahil itinaas ni Elaiza ang damit niya. Paano ba naman kasi, sa damit nilagay ang mga napitas na bunga. "Hoy! Anong tiningin-tingin mo diyan!" untag ni Elaiza sa kaniya. Napailing na lang siya. Kumunot naman ang dalaga at tiningnan siya ng mabuti. "Akin na nga yang mga bayabas." sabay hubad sa damit niyang suot iyon ang ginamit para lagyan ng pinitas nilang bunga. "Dahil tayo ako palagi. Pwede ka ng sumakay sa likod ko. Siyempre kagaya ng dati." aniya sabay talikod at bigay kay Elaiza nung mga pinitas nila. Napatingin naman si Elaiza kay Edzel na walang damit pantaas. Uminit tuloy ang pisngi niya. "Hoy! Tara na! Sakay na likod ko. Papasanin kita." "Huwag na!" aniya. Ganito kasi sila dati, kapag sabado at linggo. Namimitas ng prutas at paunahan sa pag-akyat. Kapag nauna siya, siya ang panalo and vice versa. Ngumiti na lang siya at agad na umupo si Edzel at hinawakan naman ng maige ni Elaiza ang damit ni Edzel na may lamang bunga. At nag piggyback ride na siya. Dahan-dahan namang tumayo si Edzel at agad na naglakad. "Ayos ka lang ba diyan Mahal na prinsesa?" tanong nito. "Oo naman!" aniya na may ngiti sa labi. Hindi din mapuknat ang ngiti sa labi ni Edzel habang karga niya si Elaiza sa likuran niya. "Sana makalimutan ko na siya, darating ang panahon na iyon."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD