Nakatulog na lang si Elaiza habang nakasakay sa likod ni Edzel. Napansin naman iyon ng binata at dahan-dahan siyang naglakad. Gusto niya pang makapiling ang dalaga habang nandito pa siya sa Pilipinas.
Kaya kinanta niya ang kanta na 'yon. Para talaga iyon sa dalaga. Dahil babalik na sila ng mga magulang niya sa Japan. "Sayōnara Daisuki Nahito Elaiza-san." (Goodbye my love Elaiza.) aniya rito. "I will always miss you. Kung pwede lang kitang isama sa Japan kasama si nanay eh. Kaya lang, ayaw naman ni nanay." aniya.
"Shino." sambit ni Elaiza habang tulog siya.
Napaginipan siguro ng dalaga ang walangya na 'yon. Ani ni Edzel sa utak niya. "Why him Elaiza? Why? Nandito naman ako. Bakit ba hindi mo ako makita?" tanong niya habang naglalakad patungo sa bahay ng dalaga.
Babalikan na lang niya ang motor niya. Tutal malapit lang naman ang bahay ng dalaga sa mga may mga puno eh. Pero, ang pinagtataka niya ay ang mga taong nagsisigawan.
Nagising tuloy ang dalaga "Bakit ba ang ingay?" tanong nito. "Ibaba mo nga ako." Utos nito.
"Yes princess." sagot niya sabay upo at ibinaba ang dalaga. Nang makababa agad na tumakbo ang dalaga sa loob ng bahay nila.
Sumunod naman siya at nakita siyang sinasaktan ang nanay ni Elaiza. Si Elaiza naman, may madilim na mukha at nakakuyom ang mga kamao nito. Patay!
Agad siyang tumakbo at pumagitna sa dalawang babae. Pero, ang mas nakakuha niya ng pansin ay si Elaiza. Sinuntok nito ang pinto at napalunok siya sa nakita nasira ang pinto.
Hindi lang iyon. Sinipa pa niya ang pinto. "Subukan mong saktan ang nanay ko! Kundi sa mukha mo mismo kita sisipain. Walang ginagawa ang nanay ko sayo." banta nito.
"Oh. Well. You're here. Magsama kayo mag-ina." sabay tulak sa kaniya at sampal sa nanay ni Elaiza. Mas lalong dumilim ang mukha ni Elaiza pagkakita sa ginawa ng tita niya.
Lumapit siya sa tita niya at sinipa ito sa mukha. Napaatras tuloy siya. Ayon bagsak sa lupa ang tita ni Elaiza. Palagi na lang kasing inaapi nila sina Elaiza eh.
Agad na lumapit si Elaiza sa ina niya. "Ayos lang kayo nay?" tanong niya sabay yakap dito.
"Ayos lang ako anak." Pero, may luha sa mga mata nito. Tumiim ang bagang ni Elaiza dahil sa nakita na umiiyak ang nanay niya. "Kumain kana ba?" tanong ng nanay niya. "Teka, bakit nandito?" sabay tingin sa mukha niya. "Umiyak ka ba?" Umiling siya.
"Ang mahalaga ay nandito na ako." aniya.
"Teka. Bakit kayo magkasama ni Edzel?" tanong.
Tiningnan naman niya si Edzel at sininyasan niyang umiling. Pero, umiling din si Edzel. Huminga siya ng malalim. Kailangan niyang ihanda ang sarili. "Nanay." sambit ni Edzel sa nanay niya.
Pina-upo niya muna ang nanay niya sa upuan. "Sabihin mo sa akin Edzel ang nangyari."
"Hindi ko din kasi alam nanay eh. Pero, nakita ko po siya sa daan na umiiyak po siya tapos, ang dumi ng suot niya." sabi ni Edzel sa nanay niya. Napailing na lang siya.
Nasanay din kasi si Edzel na hindi nagsisinungaling sa kaniya at sa nanay niya. Lumingon naman ang nanay niya sa kaniya. "Anong totoong nangyari Elaiza?"
"Kasi nay. Pinaalis na po ako sa trabaho tapos po kinaladkad po ako palabas." aniya. Sa totoo naman talaga. Pero, Hindi siya umimik sa pagkaladkad sa kaniya pero, nung sinampal na siya.
Nasaktan siya do'n. Nanay nga niya hindi siya sinampal eh. Mabuti na lang at marunong pa siyang magpigil. Pero, ayos lang sa kaniya ang masaktan huwag lang ang nanay niya. Dahil ang nanay niya ang mas mahalaga sa kaniya.
"Ang mahalaga ngayon nay, ayos lang kayo. Teka nga, bakit kayo sinasaktan ni tita?" tanong niya sa ina niya.
"Pabayaan mo lang si tita mo anak." ani nito sa kaniya. Mas lalong dumilim ang mukha niya.
"Pabayaan nay! Nakita mo nga iyang mukha niyo. Pulang-pula ng sampal. Tapos, nagmarka pa ang kamay niya oh." sabay hawak sa pisngi ng ina niya.
Naawa na talaga siya sa ina niya. Kung may magagawa lang siya. Tiningnan niya si Edzel. Mukhang naintindihan naman agad ni Edzel ang kaniyang nais na ipahatid na mensahe dito.
Umiling ito. "No! Ayaw! Nanay oh!" sumbong ni Edzel sa nanay niya. Tiningnan niya ang nanay niya at umiling. Huminga ng malalim si Edzel at pumunta sa kwarto ng dalaga.
Kung saan nakalagay ang lubid. Ang pagiging sadista ng dalaga ang kinakatakutan niya. Nang makalabas siya ay agad niyang ibinigay sa dalaga ang lubid na nakuha niya sa ilalim ng kama.
Agad niyang kinuha ang tita ni Elaiza na wala pa ding malay dahil sa pagsipa sa mukha. Ginalit nila ang mabait. Sa lahat ba naman na pwedeng saktan ang nanay pa ng dalaga. Ito tuloy ang napala niya. Tsk. Napailing na lang siya habang pinapaupo ang babae sa upuan.
Si Elaiza naman ang humawak sa lubid. Tinalian niya ang tita niya pagkatapos mapa-upo sa upuan ni Edzel. Tinalian nila ang katawan. Mula kamay at paa pati katawan nitong walang malay.
Nakita naman ni Elaiza na napailing ang nanay niya. "Kailangan mo talagang gawin iyan sa tita mo?" tanong ng ina niyang nag-aalala din kay Elaiza dahil sa inasal nito.
"Hindi ko ito gagawin kong hindi ka niya sinaktan." aniya sa mahinang boses.
Nang matapos na talian ay inilabas nila ito ni Edzel ng bahay nila at nilagay sa ilalim ng araw. "Elaiza." sambit ni Edzel. Napatingin siya sa kaibigan. "Lumipat na lang kayo ng bahay." anito sa kaniya.
Huminga siya ng malalim. "Paano ang lolo ko dito?" tanong niya. Mahal na mahal niya kasi ang lolo niya. Ang ama ng ama niya.
"Yeah I know but, palagi ka na lang nilang inaapi. Hindi ka ba nagsasawa."
"Kaya nga ginagawa ko 'to diba? Dahil simula ngayon ang Elaiza na kilala nila ay hindi na magpapaapi pa." aniya sa Kaibigan.
Ngumiti naman si Edzel sa sinabi niya. "Okay. Tutal ikaw naman ang magpapasya sa huli. Pero, pwede naman kayo lumipat ng bahay diba?" tanong nito.
"Pag-uusapan pa namin iyan ni nanay." aniya na may ngiti sa labi. "Salamat sa lahat."
Nang makapasok sila ng bahay ni Edzel ay wala na ang nanay niya sa inuupuan nito. Siguro nasa kwarto na nito. Lumingon siya kay Edzel at ngumiti. "Anong gusto mo? Magluluto ako." aniya. Nagugutom kasi siya. Paano ba naman kasi hindi siya magugutom dahil sa mga walangya na 'yon.
Hindi man lang sila nasasayangan sa pagkain? Oh. Sabi nga nila. Darating ang karma. Kung ano man iyong sinasabi nila na hindi totoo. Babalik iyon sa kanila.
"Hindi ko din alam eh. Gutom na ako. Teka. Nasaan ang mga pinitas nating bayabas?" tanong ng kaibigan niya.
"Nandoon oh." sabay turo sa likod ng pinto. Siguro sumunod ang kaibigan niya sa kaniya at iniwan ang mga pinitas nilang bayabas sa likod ng pinto nila. "Alam mo. Namiss ko talaga iyong palagi tayong nandoon sa lugar na 'yon tuwing sabado at linggo. Tapos, kapag may dumadaan do'n palagi nilang sinasambit na Tarzarina. Namiss ko din na tawagin ka niyan."
Tumawa tuloy siya sa sinabi ng kaibigan. Tinatawag din kasi siya dati na Tarzarina nito. Hindi lang iyong taga kanila ang tumatawag sa kaniya. Pati kaibigan niyang hindi naman diyan sa kanila.
"Oo nga eh. Namiss ko din na tinatawag mo ako sa palayaw na iyon." aniya na may ngiti sa labi.
Nawawala na din sa isip niya ang boss niya. Kahit masakit ang ginawa ng boss niya. Nandiyan ang kaibigan niya para damayan siya sa lahat ng problema na dala. Hindi pa din nagbabago. Nag-aalala pa din pala ito sa kaniya.
Isang linggo ang lumipas. Sinubukan ni Elaiza na mag-apply sa iba. Pero, walang tumatanggap sa kaniya. Parang maiiyak na siya dahil ubos na din 'yung sahod niya sa una niyang sweldo sa kompanya nina Shino.
Pero, hanggang may buhay may pag-asa. Iyan ang paniniwala niya. Habang naglalakad siya sa isang kalye may isang matandang lalaking nakatingin sa kaniya. Singkit din ang mata nito. Katulad ng boss niya. Tsk.
Naglalakad kasi siya baka sakaling may makita siyang wanted yaya or wanted kusinera man lang. Lahat gagawin niya para sa ina niya.
Kahit anong trabaho papasukin niya basta legal. Wala man siyang mahanap sa pagiging janitress at least kahit man lang katulong.
Hindi naman talaga naubos lahat ng pera niya. Itinabi niya kasi halos lahat kaya ngayon. Ito balik na naman siya sa paghahanap ng trabaho.
Hindi na lang niya pinansin ang matanda. Wala din naman siyang magagawa. Hanggang sa mapadapo ang mata niya sa isang karenderya na may nakasulat na wanted helper.
Agad siyang tumakbo patungo do'n at nasayahan siya. Sa wakas ito na yata ang sagot sa lahat ng panalangin niyang makapagtrabaho siya. Kahit konti lang ang sahod. Ayos lang sa kaniya basta may trabaho siya.
"Tao po." sambit niya.
May isang matandang babae na lumapit sa kaniya. "Oh. Hija. Kakain ka ba? Halika ka." anito. Umiling siya. Tinuro niya ang nakasulat na wanted helper.
"Mag-aapply po sana ako." aniya. Umaliwalas ang mukha ng may katandaang babae at agad na lumapit sa kaniya at yumakap din.
"Alam mo. Ikaw na ang sagot." anito.
"Halika pasok ka. Magsimula kana ngayon dahil tanggap kana." Sabi sa kaniya na may ngiti na Malaki.
"Salamat po." aniya habang niyayakap pa din siya ng matanda na babae.
Kumalas na ito at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. "Okay lang ba sayo kung stay in ka?" tanong ng babae. Ang mukha niyang masaya naging malungkot. "Bakit?" tanong nito.
"Kasi po. May nanay po ako sa amin. Siya na lang mag-isa." aniya. "Hindi po ako pwede mag-stay in." aniya na may lungkot sa mukha.
"Ede dalhin mo dito."
"Talaga po?" biglang sumaya ang mukha niya sa narinig. Tumango naman ang matanda. Hindi na niya napigilan ang sarili niya kaya agad niyang niyakap ito ng mahigpit at may patalon-talon pa siya.
"Easy lang. Sige na. Pwede mo siyang sunduin ngayon para makapag-umpisa kana." anito sa kaniya at kumalas siya sa pagkakayakap ng mapagtanto niya ang sitwasiyon nilang dalawa.
"Sige po. Salamat po talaga." sabay takbo pabalik sa highway at pumara agad ng sasakyan.
Natawa na lang ang matandang babae sa nakita niyang tumatakbo ang babae . "hey. Love." ani ng asawa niya. Napalingon naman ang matandang babae sa asawa niya.
"Love." aniya. Napailing na lang siya. "So, she's our granddaughter right?" tanong niya sa asawa niya. Tumango naman ito. Napangiti siya sa nalaman.
"Yeah. She is." sagot nito. Agad naman na niyakap ng babae ang asawa niya. "But don't tell her yet. She need to learn more. Especially our language." tumango naman siya.
"How about our daughter? I know she knows." aniya.
"Yeah. Kapag nakapunta na sila dito, kausapin natin iyong anak natin na iyon. Nilihim niya sa atin na may anak siya." tumango na lang siya.
*****
Ang saya ni Elaiza habang nakasakay jeep na pinara niya papunta sa kanila. Hindi mapuknat ang ngiti niya sa labi. Ang ibang pasahero ang iniisip sa kaniya ay nababaliw na siya.
Pero, walang pakialam si Elaiza sa mga iniisip ng mga tao sa kaniya. Basta para sa kaniya may bago na siyang trabaho.
Wala siyang pakialam kung maliit ang sahod. Basta para sa nanay niya. Gagawin niya lahat-lahat. "Diba siya iyong nasa YouTube?" narinig niyang tanong ng kasama nito sa jeep.
Hindi naman niya alam kung ano iyong YouTube na sinasabi nila. Kaya wala siyang pakialam. "Oo nga, siya iyon. Nakita ko din 'yon. Kawawa nga siya eh. Kinaladkad siya ng kapatid ng may-ari ng kompanya." Dahil sa narinig niyang iyon. Napatingin tuloy siya sa mga tao.
Pero, hindi na lang niya pinagtuunan ng pansin.
May isang pasahero na tumabi sa kaniya ng upo. Hindi kasi puno iyong jeep. "Miss, ayos ka lang ba?" tanong ng tumabi sa kaniya.
Napalingon tuloy siya. "Po? May kailangan po ba kayo?" tanong niya.
"Tinatanong kita kung ayos ka lang ba? Napanood ko kasi sa YouTube iyong nangyari sayo." Kumunot naman ang noo niya.
"Anong YouTube po? Hindi ko po alam 'yon." aniya rito.
Lumaki ang mata ng katabi niya dahil sa sinabi niya. "Hindi mo iyon alam?" tumango siya. Napalingon naman ito sa kasama niyang babae. "Pahiram ng phone please." anito.
Tumango ito at agad na inabot sa babae ang cellphone. May pinindot ito do'n at pinakita sa kaniya. "Diba ikaw ito?" tanong niya.
Nang mapanood niya iyon parang bumalik lahat ng sakit. Lahat ng naranasan niya. Tumulo ang luha niya sa napanood. "Miss. Ayos ka lang ba?" tanong nito. "Nakita ka kasi namin eh. Totoo ba ang usapan na iyon? Na mukhang pera ka daw?" mas lalo siyang nasaktan sa sinabi ng babae.
Iyong iba tuloy na nakasakay sa jeep napalingon din sa kaniya. Nang mapansin niya na malapit na siya sa kanila. Agad niyang pinara ang jeep. "Para! Dito na lang po ako!" aniya.
Dahan-dahan naman na huminto ang jeep na sinasakyan niya. Agad siyang nagbayad sa kondoktor at bumaba ng jeep.
Nang makarating siya sa bahay nila. Narinig niya ang ina niya na may kinakausap. "What? Okaasan and Otosan are here in the Philippines?" Ani ng ina niya sa wikang English.
Hindi naman niya iyon naintindihan. "Nay." sambit niya. Napalingon naman ang ina niya sa kaniya. May kausap nga itong isang lalaki. Kumunot naman ang noo niya. Sino naman ang isang 'to? "Nay. Sino siya?" tanong niya.
Napalingon din ang kausap nito sa kaniya. "Is she your daughter?" Ani ng kausap nito sa nanay niya. Tumango naman ito. "She's so kawaii and beautiful like you sister." sabi nito sa ina niya.
Kawaii! Ano naman 'yon? Tsk. "Anak. Halika dito." tawag ng nanay niya.
"May ipapakilala ako sa'yo." ani ng nanay niya. Lumapit siya sa ina niya. Niyakap niya ito. "Anak. Siya ang kapatid ko si Soskie." Ani ng ina niya sa kaniya.
Napatingin siya sa sinasabi na kapatid ng ina niya. "May kapatid ka nay? Bakit hindi mo naman naiikwento sa akin na may kapatid ka pala?" tanong niya.
"Kasi anak. Komplekado." anito sa kaniya.
"Oo nga hija. It's so complicated." Kumunot na naman ang noo. Paano ba naman kasi hindi niya naintindihan iyong sinabi sa kaniya ni Soskie.
"Pwede kayo magtagalog." aniya.
"Gomenasai(sorry)" huminga siya ng malalim dahil sa sinabi ng kapatid ng ina niya. "Hija. We need to go to Japan as soon as possible."
Ito na naman! English! Hindi ako marunong at hindi din ako nakakaintindi eh. Bakit ba kailangan magsalita ng ibang lenguwahe? Respeto naman sa akin oh. aniya ni Elaiza sa utak niya.
Napailing na lang ang ina niya. Nang makita ang anak na medyo nagproseso pa sa sinabi ng kapatid niya. Ito talagang anak niya. Kailangan na talaga nitong mag-aral ng wikang Japanese at English para naman maintindihan nito kung ano ang pinagsasabi sa kaniya. Naawa na siya eh.
"Nay. May ibabalita sana ako sa'yo." aniya sa ina niyang nakatingin lang sa kaniya. Hindi na niya pinagtuunan ng pansin 'yong kapatid ng ina niya. "Lilipat na po tayo ng bahay kasi, may bago na akong trabaho at stay in daw po ako do'n. Tapos, sabi niya pwede daw kitang dalhin do'n." balita niya sa ina na may ngiti sa labi.
Huminga ng malalim ang ina niya at nagkatinginan ang ina at ang kapatid nitong si Soskie. Napalingon ulit iyong Soskie sa kaniya. "Bakit po?"
"Kailangan na natin hija na pumunta sa Japan ngayon din." anito.
"Japan?" tanong niya. "Anong gagawin do'n?"
"Hija. Doon naman kasi nakatira ang nanay mo." sabay lingon sa ina niya at balik tingin sa kaniya. Hinawakan naman ng Tito daw niya ang kamay niya. Huminga ito ng malalim. "Kailangan niyo ng bumalik kung saan talaga nanggaling ang ina mo at siyempre kasama ka do'n." hindi niya pa din maintindihan ang sinabi nito sa kaniya.
Pinoproseso pa niya ang sinabi ni Soskie sa kaniya. "Pupunta sa Japan." aniya sa mahinang boses habang nakatingin sa mga mata ni Soskie. "Japan. Japan. Japan." Paulit-ulit niyang sabi.
"Yes hija. Kailangan nating pumunta do'n." anito sa kaniya.
Ilang segundo lang ay kinalas niya ang pagkakahawak sa kaniya ni Soskie. "Pero, paano na po 'yong taong tumanggap ng trabaho sa akin? Kawawa naman po sila." aniya.
"Hija. Makakahanap sila ulit ng kapalit mo." ani nito.
Siya na naman ang huminga ng malalim. "Kung pupunta po tayo do'n. Pwede po ba na dumaan tayo sa bahay nila? Kawawa naman po siya. Matanda na siya eh." aniya sa mga ito. Tumango naman ang ina niya at kapatid niya.
"Sige hija." sagot naman ng kapatid ng ina niya.
"Salamat po." aniya sa mga ito at pumasok ng kwarto niya.