chapter 16

2419 Words
Nang matapos si Elaiza sa pag-eempake  ay agad siyang lumabas ng kwarto niya. Nakita niya ang ina niyang kakalabas din ng kwarto nito. "Nay. Tara na po." nakita din niyang may bitbit itong bag. Backpack lang din Kagaya niya. Wala naman silang pera para bumili ng mga maleta. Isang linggo na din niyang hindi nakikita ang kaibigang si Edzel. Namiss din niya ang kakulitan  nito. Kumain na kaya iyon? Nag-aalala din siya para dito. Minsan nag-aaway din sila pero, mas mababa  ang pride niya kaya siya ang hihingi  ng tawad kahit hindi naman niya kasalanan. Nagpapasalamat din siya dahil nandiyan ito palagi. Pero, ngayong aalis na siya. Wala naman ang kaibigan niya. Hay. "Tara na kambal." ani ng ina niya sa Tito niyang nasa upuang kahoy nila. "Kambal? Akala ko kapatid mo lang siya nay? Kakambal mo pa siya?" tumango naman ang nanay niya. Hay. Anong mga sekreto  pa ang matutuklasan  niya sa ina niya? Nagsinungaling din ba ang ina niyang mahal nito ang ama niya? Baka hindi naman. Nakikita naman niyang mahal na mahal ng ina niya ang ama niyang namayapa  na. Sumalangit  nawa ang kaniyang kaluluwa. Habang naglalakad sila patungo sa may tindahan. Nag-uusap ang ina niya na hindi naman niya maintindihan. Uso ba ang itshapwera  sa kaniya kasi palagi na lang niyang napapansin iyon. Kawawa naman siya. Ang sakit. English na may halong Japanese yata ang mga sinasabi nila. Siya naman nakasunod  lang sa ina at kapatid daw ng ina niya na ngayon ay kambal pa ng ina niya. Hay. Kaloka talaga itong nanay niya. "Bilisan mo diyan Elaiza." ani ng ina niya na naglalakad at kausap ang kakambal nito. "Opo nay." aniya at tumakbo na. Ayon mas nauna pa siya sa may tindahan. Nang makita niyang may nag-iinuman na naman. Napailing na lang siya. Tsk. Wala yatang magbabago sa mga taong 'to. Nakita din niya ang tita niyang pasa sa mukha. Buti nga sa kaniya! Sinaktan nito ang nanay niya kaya sinaktan din niya ito. Lumapit ito sa kanila. Nakita kasi nitong paparating na ang ina niya. Napatingin naman ang ina niya na hindi makitaan ng emosiyon. Anong nangyari? Bakit parang naging seryoso  ang mukha ng nanay niya? Nakakamangha. "Well. Well. Ito ba iyong bago mong syota?" ani ng tita niya sa ina niyang nasa likod na niya. Tiningnan naman siya ng tita niya mula ulo hanggang paa. Mga matapobre  talaga. Tsk. Sarap sapakin. Nakakuyom na ang kamao niya. Pero, pinigilan niya dahil nandiyan ang kapatid at mga kapitbahay  na mga chissmosa at chissmoso. Puro na lang chissmiss inaatupag. Yumaman  na sila sa chissmiss. Tsk. "Tara na Elaiza. Huwag mong pag-aksayahan  ng oras ang mga taong walang kwenta. Tara na." anito. Tumango lang siya at ngumiti. "Pasalamat  siya hindi ko siya pinapatulan. Nagseselos  kasi siya kasi, kami ang paborito ng ama niya." ani ng ina niya sa kapatid nito. "Walang hiya ka talaga!" agad siyang pumagitna  dito. "Subukan mong saktan pa ang nanay ko, kung ayaw mong paglamayan." banta niya sa tita niya. "Umalis na kayo dito!" sigaw nito. "Talaga namang aalis kami!" sigaw niya. "Kapag nabalitaan  kong sinasaktan mo si lolo. Humanda ka sa akin. Dahil ako mismo ang makakalaban mo. Akala mo hindi ko alam na sinasaktan mo ang lolo ko? Pwes nakita kitang pinapalo mo siya. Sa oras na malaman kong ginagawa mo pa din 'yon. Humanda ka." aniya sabay talikod at alis. Nang makasakay si Elaiza sa sasakyan ng kakambal ng nanay niya. Sa likod siya umupo. Alangan naman do'n sa katabi ng driver? Ay ang nagda-drive  pala ay ang Tito niya. "Mag-seatbelt  ka hija." tumango lang siya at sinunod ang sinabi nito. Parang mabait naman ang Tito niya sa kaniya. Dapat lang. Dahil sawa na siya sa palaging inaapi ng mga tita niya at pinsan. Kapag nalaman talaga niya na inaapi pa din ng ang lolo niya. Siya na mismo ang magpapakulong sa tita niya. Marami pa naman siyang naiisip na gawin dito pero, hindi niya ginagawa dahil may Respeto pa siya dito. Pero, minsan nawawala din ang Respeto niya sa mga ito. Dahil palagi nilang sinasaktan ang nanay niya. Iyan ang hindi niya kayang maatim. Ang saktan ang nanay niya ng kahit sino. Dahil hindi nila alam kung gaano   naghirap ang  nanay niya sa pagpapalaki  sa kaniya. Kaya wala silang karapatan na gawin iyon. Habang nasa biyahe. Kumakanta ang nanay niya at ang Tito niya. Hindi din naman niya maintindihan ito. Kaya tumingin na lang siya sa labas at kumakanta na lang siya mag-isa pero, naisip niyang kumakanta din ang nanay at Tito niya kaya nanahimik na lang siya. Bastos din kasi iyon. May kumakanta tapos, kakanta ka din. Dapat makinig ka na lang. Ilang sandali lang ay naging pamilyar na sa kaniya ang lugar. Ito 'yong kalye na may nag-offer  ng trabaho sa kaniya. "Tito. Itabi  niyo po. Bababa lang po ako." aniya sa Tito niya. "Okay, hija." anito sa kaniya. Nang huminto ang sasakyan ay agad niyang tinanggal ang seatbelt niya at bumaba ng sasakyan nito. Agad siyang tumakbo sa isang karenderya. Nang makita niya ang matanda agad niyang tinawag. "Lola." aniya rito. Napalingon naman ang matanda na may malapad na ngiti. "Hija. Halika." Nang mapansin nitong wala siyang kasama parang nakita niyang biglang lumungkot  ito pero, agad ding nawala. Ano kaya 'yon? "Teka. Nasaan ang nanay mo? Diba sabi mo dadalhin  mo siya dito?" tumango siya. "Opo." aniya na may ngiti. Nang may biglang lumabas na matandang lalaki din. Nang tingnan niya. Iyon ang matandang lalaking nakita niyang nakatingin sa kaniya. Pinagmamasdan lang niya ito. "Hai po." bati niya dito. "Hello hija. Halika pasok ka." anito. Huminga siya ng malalim. "Gusto ko pa sana na magtagal dito kaya lang may naghihintay po sa akin." aniya. "Ay. Sayang naman." anito. Tumango siya at ngumiti. "Pasensiya na po. Hindi na po ako magtatrabaho  dito. Nandito po ako para sana magpaalam." aniya. "Gusto ko nga po na magtrabaho dito. Kaya lang si nanay eh. Uuwi na." aniya na may lungkot ang mukha. "Ayos lang iyon hija." anito ng matandang lalaki. "Ang bait niyo po." aniya sa mga ito. Magsasalita pa sana siya nang sinambit ang pangalan niya ng nanay niya. "Elaiza!" sambit nito. Napalingon siya do'n. Nakita niyang bumaba ang nanay niya at kasunod nito ang Tito niya. "Nandiyan na pala ang nanay ko. Ipapakilala po kita. Kasi po ang bait niyo po." aniya sa mga ito. Tumango naman ang mga ito na may ngiti sa labi. Nang nakalapit ang nanay at Tito niya sa kaniya. Agad natulala ang nanay at Tito niya. Anong nangyari sa kanilang dalawa. Nakita niyang nakangiti ang dalawang matanda. Napakunot  naman ang noo niya. "Hai hija." bati ng matandang lalaki. "What are you doing here okaasan and Otosan?" ani ng mama niya. Nakatingin lang siya sa mga ito. Ano bang pinagsasabi ng mga ito na hindi niya maintindihan. Palagi na lang siyang etshapwera  sa mga ito kapag nagsasalita ito ng mga English. "Hija. Let's go back to Japan." ani ng matanda. Japan? Japan na naman! Tsk. Agad siyang tinago ng nanay niya sa likod nito. "Ah. Nay. Sila po 'yong magiging amo ko dapat." aniya sa ina niyang may galit sa mukha. "Anong gagawin niyo sa anak ko? Ipapakasal  sa mga taong hindi naman niya mahal?" ani ng ina. Kasal? Sinong magpapakasal. "Nope." sagot ng matanda na babae. Ang Tito naman niya ay nakakuyom  ang mga kamao. Anong nangyari din sa isang 'to. "Hindi ba kayo nadala mom?" ani ng Tito niya. "Tumahimik ka diyan Soskie!" sigaw ng matanda na lalaki. "Hindi ikaw ang kausap ko." anito. Nakakatakot ang mga mata nito. "Hindi namin iyan gagawin sa nag-iisa  naming apo na babae." anito. Apo? Sinong apo. "Halika dito hija." Ani ng matanda na babae. "Yakapin mo si Lola." Napatingin naman si Elaiza sa likod niya. Napaturo  siya sa sarili niya. Tumango naman ang matanda na babae. Kaya agad siyang pumunta. Pipigilan sana siya ng kaniyang ina. Pero, umiling siya. Mabait naman siguro itong matanda na 'to diba? Kasi nakita ko naman na mabait ang mukha niya. "Ang ganda mo hija." ani nito sa kaniya sabay yakap. Niyakap din siya ng matanda na lalaki. Hinahaplos pa nga ang buhok niya. Ngumiti ito sa kaniya ng magkalas  sila sa pagyayakapan. Tumango ito at tumingin sa ina at sa Tito nito. "Please. Sumama na kayo sa Japan." Nakita niya ang ina niyang huminga ng malalim. "May magagawa ba kami? Ang condition. Huwag na huwag mong ipapakasal  ang anak ko sa taong hindi naman niya Mahal! Dahil ayaw kong maranasan  niya iyon. Kagaya na lang ng ginawa niyo sa akin. Kaya nga ako tumakas eh." ani ng ina niya. Lumapit siya sa ina niya. "Nay." aniya at niyakap ito. "Huwag kana po magalit sa kanila mabait naman sila eh." aniya. "Ikaw talaga!" ani ng ina at niyakap din siya nito. "So, ano pang hinihintay natin dito? Tara na! Kasi, gusto ko ng matulog." ani ng ina niya. Tumango naman ang mga ito at ngumiti. Tiningnan niya ang Tito niya. Ngumiti din ito sa kaniya. "Thanks you." ani nito sa kaniya. Ngumiti lang siya habang yakap niya ang ina niya. "Nay. Saan po ba iyong Japan?" tanong niya dito. Kumalas naman ang ina niya. "Makakapunta ka din do'n anak." anito sa kaniya. Tumango lang siya. Makakabalik pa kaya kami dito? Palagi ko na lang kasing naririnig ang lugar na iyan noon. Palagi din kasing binabanggit  sa kaniya ni Edzel na do'n daw ito nakatira. Makakapunta na din siya sa lugar na kinagisnan ng kaniyang ina. Ano kayang hitsura  ng lugar na iyon? Magkakaroon kaya siya ng mga kaibigan do'n? "Maganda ba ang lugar na 'yon Nay?" tanong niya sa ina niyang nasa tabi niya. "Sobrang ganda anak. Hindi din naman natin matatakasan ang mga magulang ko kaya ano pang saysay kung magtatago ako sa lugar na'to? Babalik din ako sa lugar na iyon sa wakas. Natagalan  nga lang." anito sa kaniya na may ngiti. "Alam mo hija." napalingon siya sa Tito niya. "Salamat sayo dahil nagkabati na ang kakambal ko at ang mga magulang ko." anito sa kaniya na nguho. Hindi pa siguro ito sanay magsalita ng lenguwahe nila. "Pinaglaban  ng ina mo ang ama mo. Kahit wala siyang pera ayos lang basta magkasama sila. Alam ko ang lahat ng iyon dahil palaging may nakamasid sa inyong dalawa." dagdag. "Nay. Salamat po dahil kung hindi dahil sa inyo ni tatay wala din ako sa mundong ito. Kaya mahal na mahal kita." aniya rito na may luha. Niyakap at hinalikan niya ng marami ang nanay niya. Nang Kumalas siya, ang kapatid ng ina na naman ang Niyakap niya. "Salamat din po Tito. Kahit ngayon ko lang kayo Nakita at nakilala. Nagpapasalamat pa din ako sa inyo." aniya Habang humihikbi pa. Nang makasakay sila sa sasakyan ng Tito niya. Katabi niya ang kaniyang lolo at lola daw niya. Hindi pa din kasi siya makapaniwala sa mga nangyari eh. Akala niya isang panaginip  lang ang lahat. Pero, kinurot na niya ang sarili niya kanina at nasaktan siya kaya totoo ang lahat. "Alam mo apo. Magugustuhan  mo do'n sa Japan. Magandang lugar. Marami kang tanawin  na makikita. Ipapasyal  ka namin agad kapag nakapunta kana do'n." ani ng Lola niya sa kaniya. Napapagitnaan  kasi siya ng mga Lola at lolo niya. Gusto sana niya na sa gilid siya malapit sa bintana pero, ayaw pumayag ng dalawa. Nakita naman niya ang ina niya sa replika  ng salamin nakangiti sa kanilang tatlo. Kaya napapangiti na din siya. Makita niya lang ang ina na nakangiti masaya na siya. Mahal na mahal niya ang kanyang ina. Dahil ang ina niya na lang ang nandiyan palagi sa kanya. "Alam mo hija. Ang ganda mo talaga. Bagay na bagay kayo ni Caleb." ani nito sa kaniya. "Mom!" sambit nito. "Pero, anak." anito. Huminga siya ng malalim. "Alam niyo po. Kung sino po iyang Caleb na 'yan. Siguro makakahanap  siya ng ibang babae para sa kaniya. Hindi din po kasi ako payag na ipagkasundo  niyo ako kahit kanino." aniya na may ngiti sa labi. "Alam mo. Kagaya ka talaga ng nanay mo. Ganiyan na ganiyan din ang sinabi niya noon sa amin. Kahit tumakas iyan sa mismong kasal nila no'ng lalaking pinagkasundo namin sa kaniya. Wala siyang pakialam dahil hindi naman daw niya mahal ang lalaking iyon." anito. "Mahal na mahal lang siguro ni nanay si tatay." aniya sa mga ito. Nangangarap  siya na sana ganoon din siya kapag nahanap  na niya ang lalaking mamahalin niya. "Oo. Sobrang mahal na mahal niya ang ina mo. Alam mo bang pumunta pa ng Japan ang nanay at tatay mo para lang sabihin sa amin na pakakasalan  niya ang ina mo." kwento nito sa kaniya. "Wow." aniya sa mahinang boses habang nakikinig sa kwento ng Lola niya. "Kaya nga proud kami sa tatay mo. Kahit wala siyang pera, ginawa niya ang lahat para lang makapunta sa Japan at mapatunayan  niya kung gaano niya kamahal ang nanay mo. Kaya lang, maaga na binawian  ng buhay ang ama mo eh." Nakita niyang may luhang tumutulo sa mata ng ina niya. "Nay." sambit niya. "Huwag nga kayong umiyak diyan, naiiyak  na din po ako dito." aniya habang nagpipigil  ng luha sa mga mata. Tumingala  siya para pigilan ang luhang nagbabadya ng lumabas pero, lumabas pa din ito. Naiyak  pa din siya. Agad naman niyang pinunasan  ang luha niya. "Ay. Mom. Stop it. Umiiyak na yang apo niyo." ani ng ina niyang nakikinig din sa kwento ng Lola niya. Napatingin naman siya sa lolo niya kabilang parte. Tulog na, napangiti  tuloy siya. Ang Gwapo ng lolo niya.  Kung buhay lang ang ama niya. Siguro nandiyan ito palagi para ipagtanggol  silang mag-ina sa lahat ng mga umaapi  sa kanila. Kaya lang sa kasawiang  palad wala na eh. Tumawa ang Tito niya. "Tama na yan mom. Kung ayaw niyong magalit na naman itong anak mo sa'yo. Ang bilis pa naman magalit nito. Mabuti nga nakokontrol  niya na ngayon. HB pa naman 'to." ani ng kapatid ng ina niya. "Anong HB Tito?" tanong niya rito. "High Blood." sabay tawa. "High Blood? diba sakit iyan? Nay may High Blood ka po?" tanong niya. Kinakabahan siya baka totoo ang sinasabi ng Tito niya sa kaniya. Tumawa din ang mga Lola niya at pati ang nanay niya. "Ikaw Kie! Tigilan mo iyang anak ko ha! Alam mo bang slow yan!" ani ng nanay niyang nakangiti. Napailing na lang siya. May nakakatawa ba sa sinabi niya? Nag-aalala lang naman siya sa ina niya tatawanan  pa siya. "Alam mo anak. Matulog kana lang kaya. Matagal pa tayo eh. Siyaka, para naman makapagpahinga  ka ng maayos." ani ng nanay niya. "Oo nga, hija." sang-ayon naman ng Lola niya. Kaya tumango na lang siya at agad na umayos ng upo katabi ng lolo niya. Nilagay niya ang ulo niya sa balikat ng lolo niya. Humiling siya na sana maging maayos ang buhay nilang mag-ina kapag nasa Japan na sila. Dahil iyon lang naman ang mahihiling niya sa buhay. Para hindi na din maghirap  pa ang nanay niya sa kaniya. Magiging maayos na din ito, at baka gumaling na din sa sakit niya. Sana gumaling na ang nanay niya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD