Nang magising si Elaiza. Nasa isang malaking silid siya. Babangon sana siya kaya lang may kamay na nakapulupot sa kaniya. Nang tingnan niya ang kaniyang ina. "Nay." sambit niya dito.
Nagising naman ito dahil sa sambit niya. "Oh. Anak. Nandito na tayo sa Japan. Hindi kana namin nagising eh nung sumakay tayo ng plane dahil ang himbing ng tulog mo."
"Ayos lang po 'yon nay. Ikaw nay. Wala bang masakit sayo?" Tanong niya sa ina niya. Umiling naman ito. Nang biglang kumulo ang tiyan niya. "Hehe." sabay kamot sa batok. "Gutom na ako. Kain na tayo." aniya.
Kanina pa siya walang kain. Mula ng nasa Pilipinas pa siya papunta sa Japan. Hindi man lang sila kumain eh. Dapat pala kumain sila bago umalis. Ayan tuloy.
Bumangon naman agad ang ina niya at siya naman ay agad ding tumayo at sabay na silang lumabas ng silid. "Konbanwa Elaiza-sama and Erina-sama." (Good evening Elaiza and Erina ) bati sa kanila ng katulong.
"Konbanwa." (good evening) bati din ng ina niya. Hindi pa din kasi siya makapaniwala na marunong magsalita ang ina niya ng ibang lenguwahe.
"Tara na anak." anito sa kaniya na may ngiti. Agad naman siyang tumango at sumabay sa ina niya. Pababa sila ng hagdan at nang makita niya ang kaniyang lolo at Lola agad niya itong binati. "Magandang gabi po." aniya sa mga ito na may ngiti sa labi.
"Magandang gabi din hija. Halika. Alam ko gutom kana. Kaya kain na tayo." nasa mesa na kasi ang mga ito at may mga pagkain na din. "Tamang-tama ang gising mo dahil marami kaming pinaluto." ani nito sa kaniya.
Agad naman siyang umupo sa tabi ng nanay niya.
Habang kumakain sila. May biglang sumisigaw at napatingin silang lahat do'n. "Ano ba yan?" tanong ng Lola niya. Binitawan nito ang kubyertos na gamit at nakita nilang may isang batang lalaki na tumatakbo papunta sa kanila.
"Obaasan! Obaasan!" (Grandma! Grandma!) sigaw nito.
Hindi naman niya iyon maintindihan pero, mukhang alam na niya. Dahil agad naman na tumayo ang Lola niya at Lola Pati ang nanay niya. "Obaasan!" (Grandma!) "I miss you!" sabay karga ng bata.
Ang ina naman niya ay ngumiti lang sa kaniya. Magtatanong sana siya kung sino ang bata ng sinabi na agad ng ina niya. "Pamangkin mo." ani nito sa kaniya.
"Pamangkin?" tumango naman ang nanay niya.
"Come here baby." ani ng ina niya. Napalingon naman ang bata sa ina niya tapos ngumiti.
"Oba! Oba!" (auntie! auntie!) sigaw na naman nito at agad na nagpakarga sa ina niya. Maliit ang mga nito katulad ng sa Tito niya at katulad niya din.
"Where's your father?" tanong ng nanay niya sa wikang English.
"Outside. I run here cause I heard grandma at grandpa is already here in Japan." tumango naman ang nanay niya. Napalingon naman ang bata sa kaniya. "Who is she auntie? She looks like you and she's beautiful too like you auntie. Can I marry her someday?"
Hindi man niya iyon naintindihan pero, nagtataka siya kung bakit tumawa ang nanay pati ang Lola at lolo niya. "Nope. You can't baby cause she is my daughter so she's your auntie too." sagot naman ng nanay niya.
Palaging eshapwera na naman siya. Sila-sila lang nagkakaintindihan eh.
"Auntie?" tanong ng isang lalaking Kakapasok lang. "Auntie." sabay takbo nito at yakap sa nanay niya pati sa bata.
"Dad." ani ng bata habang umaakting na nahihirapan na huminga.
Tumawa naman ang lalaking Kakapasok lang. "Ikaw talaga." ani nito sa bata habang kumakalas at agad na hinaplos ang ulo ng bata. "Tama na magpakarga kay auntie."
"Dad. Why you always calling auntie. Auntie?" hindi niya alam kung tanong ba iyon or hindi.
Napalingon naman ang lalaki sa kaniya. "Who is she auntie?" tanong ng lalaking Kakapasok lang.
"Dad! I'm only the one who can called auntie because she's my auntie." ani ng bata. Napailing na lang ang lalaki.
"Nope kiddo. She's my auntie. So, called him grandma okay?" bumaba naman ang bata.
"Ayaw ko na tinatawag akong Lola. Ang bata ko pa kaya. Dapat mommy na lang. Kasi, parang ang tanda naman kung Lola diba?" ani ng nanay niya. Napangiti na lang siya. Hindi pa din nagbabago ang nanay niya.
Nang biglang pumasok ang Tito niya. Mukhang hindi na sila matatapos sa pagkain nito. "Grandpa!" sigaw ng bata. Agad naman itong nagpakarga sa tito niya. "Grandpa! I miss you." ani ng bata.
"I miss you too kiddo." tumingin naman ang Tito niya sa kanila. "So, your eating. How about you kiddo. You want to eat?"
"Hai!"(yes) " but beside her." turo sa kaniya.
"Mukhang gusto ka niya." ani nito sa kaniya na may ngiti sa labi. Umupo na lang siya ulit. Gutom pa kasi siya. " okay kiddo. You can seat beside her. Go." sabay baba.
Tumakbo naman ang bata at agad na umakyat sa upuan ng mama niya at doon na umupo. Lumipat naman ng upo ang nanay niya. "Kain na." aniya sa bata. Hindi niya alam kung naintindihan man ng bata ang sinabi niya.
"Oh. You can't speak English. I can speak tagalog so ayos lang." anito sa kaniya. Napahiya siya do'n ah. Kailangan na niya talagang matuto ng mga ibang lenguwahe para hindi siyang maging eshapuwera sa mga ito.
Nakita naman niyang umupo ang Tito niya katabi ng anak nito. Magkamukha kasi ang mga ito.
Habang kumakain sila. May isang babae na pumasok. "Konbanwa minna-san." (Good evening everyone)
Hindi niya alam kung bati ba iyon or ano. Napalingon ang lahat do'n. "Oh. You're here na pala okaasan." ani ng bata. "Mom." tawag nito.
"Yes kiddo. Your eating again?" tanong ng nanay ata ng bata. Tsk. Bakit ba hindi ako nakakaintindi?
"Hija." napalingon naman si Elaiza sa tumawag sa kaniya. Ang kaniyang Lola. "Siya ang asawa ng apo ko. Pinay din siya. Kaya pwede kang magsalita ng tagalog. Maiintindihan ka niyan." tumango lang siya. "Siya din ang magiging tagaturo mo sa wikang English." tumango lang siya. So, ibig sabihin. Magiging teacher niya ang babaeng iyan?
Ngumiti siya dito. "Hello po." bati niya. "Magandang gabi po." aniya.
"Magandang gabi din." bati nito pabalik sa kaniya.
"Join us Shane." ani ng ina niya. Tumango naman ito at agad na umupo katabi ang nanay niya.
"Thank you tita. Mabuti po at bumalik na kayo dito. For good na ba 'to? Kasi, magiging masaya lang dito kapag complete eh." ani ng nagngangalang Shane.
"I think yes. Pero, sa ngayon dito muna kami." sagot naman ng nanay niya.
Siya naman nakikinig lang sa usapan ng mga ito. Tumingin siya sa bata na kumakain. Mukhang wala naman siguro itong allergy diba? Allergy. May naalala siya.
Si Shino. May allergy, gumagaling na kaya iyon?
"Papasok po ba ako sa college nay?" tanong niya sa ina niyang nasa harap ng salamin. Tapos na kasi silang kumain at gabi na din kaya matutulog na silang dalawa.
"Siyempre. Pero, mukhang alam ko na kung anong kukunin mo kapag nag-aral ka. Dahil sila naman ang magpapaaral sayo." ani ng ina sa kaniya.
"Ano po 'yon nay?" tanong niya rito.
Nasa higaan na kasi siya. Nang matapos ang ina niya sa kakatingin sa sariling mukha sa salamin. Agad itong naglakad patungo sa higaan nila. Magkatabi na naman silang dalawa na matutulog.
"Management yata. Parang may ganoon. Kailangan mo siyang aralin ng husto dahil ikaw ang mamahala sa kalahating kompanya ng Lola mo." anito sa kaniya.
"Management? Nay! Diba ikaw dapat iyon? Kaloka naman kayo! Ayaw na ayaw ko niyan. Paano kung bumagsak ito? Paano na sila Lola at lolo. Nandiyan ka naman dapat ikaw na lang." aniya.
"Anak. Hindi ako pwede dahil tinanggalan ako ng karapatan nina mom at dad. So, wala akong magagawa kundi ipasa sayo iyon. Siyaka isa pa nandiyan naman ang Tito at mga pinsan mo para tulungan ka eh." ani nito at yumakap sa kaniya.
Agad naman siyang nagkumot dahil malamig ang kwarto at hindi siya sanay. May aircon kasi. "May magagawa ba ako? Mukhang wala eh. Pero ma. Diba dapat kailangan ko rin na mag-aral kung paano magsalita ng English? At ano nga iyong salita niyo? Nihonggo?" tanong niya.
"Oo. Nandiyan naman si Shane para turuan ka eh. Tapos, sa nihonggo naman, baka bukas pupunta iyong taga-turo mo dito." ani ng ina tapos, agad na humikab. "Matulog na tayo. Dahil bukas may klase ka pa." ani nito at hinalikan siya sa ulo. "Goodnight Elaiza."
"Sige po nay." aniya at pinikit na ang kaniyang mga mata. Bukas na magsisimula ang lahat.
*****
Kinabukasan. Maagang gumising si Elaiza at naligo. Nagsipilyo at kung anu-ano pa. Bumaba na siya at agad na tinungo ang kainan. Nakita niya ang Lola at lolo niyang nagkakape. "Lola! Lolo! Magandang umaga po sa inyo." Bati niya sa dalawang matanda.
Napalingon naman sa kaniya ang mga ito. "Oy. hija. Magandang umaga din sayo apo." sagot ng lolo niya.
"Halika kana hija. Kumain kana ng agahan. Darating na iyong isa mo pang tagaturo." ani naman ng Lola niya. Tumango lang siya at agad na ngumiti. Tumabi siya ng upo sa Lola niya.
"Si nanay po ay tulog pa." aniya.
"Pabayaan mo na 'yong nanay mo. Ganoon talaga 'yon." ani ng lola niya. Tumango lang siya at agad na kumuha ng tinapay at hotdog at nilagay sa plato niya.
"Kain ka lang ng kain ha. Para tumaba ka naman." ani ng lolo naman niya. Kaya kumain na lang na siya.
Habang kumakain ay may isang lalaking nakayuko habang naglalakad na nagtungo sa kainan nila. Agad itong umupo. Kumunot naman ang noo niya dahil hindi naman niya ito Kilala. "Lola. Sino po siya?" napatingin naman ang Lola niya sa kaniya at tiningnan ang lalaking nakayuko.
"Hey. Stop that." Agad naman itong tumayo at yumakap sa kaniya.
"I miss you." ani ng lalaki sa tenga niya. Agad siyang hinalikan sa ulo. Napatayo tuloy siya. Inangat naman ng lalaki ang mukha nito. "Hai Best." bati ni Edzel.
Mas nagulat siya dahil iba na ang best friend niya. Mas lalo itong naging maputi. "Best!" sigaw niya sabay yakap. May patalon-talon pa siyang nalalaman. "Best! Ikaw ba talaga 'to?" aniya sabay kurot sa likod ng best friend niya.
****
"Ahh. Ganoon pala 'yon. Ngayon alam ko na." aniya "paano kung magtanong ka. Sino ang taong iyan? Paano siya?"
"Ano hito wa dare desu ka?" Tumango lang siya siya at sinunod ang mga sinabi ng best friend niya.
"Anong nihonggo ng bulaklak?" tanong niya.
"Hana." sagot naman nito.
"Hana? Pangalan diba iyan?" tanong niya tapos ngumiti.
"Huwag kang ngumiti diyan. Sumasagot ako ng seryoso dito best." ani nito na may seryosong mukha.
"Sorry. Anong nihonggo ng sorry?" tanong na naman niya.
"Gomenasai o di kaya ay gomen."
"Gomenasai best." sagot niya.
"Good. Ganiyan nga. Tapos marami pang iba. Siyaka kapag wala ako dito. Nandiyan naman ang nanay mo para magturo sayo diba?" tumango siya. Siguro naman tuturuan siya ng nanay niya diba?
Anong nihonggo ng katawan?" tanong niya.
"Karada." sagot naman naman ni Edzel. Napangiti siya dahil. Dalawang oras na ang lumipas at mukhang nag-eenjoy naman si Elaiza sa pagtuturo niya.
Marami na din itong natutunan. "Sa mata?"
"Me." sagot naman niya.
"Taynga?"
"Mimi." sagot na naman niya.
Tumatango naman si Elaiza habang tinuturuan ni Edzel. Medyo madali din itong natuto. Dahil siguro sa pagbigkas. Parang nagbabasa ka lang kasi ng tagalog eh.
Kaya lang iba ang mga ibig sabihin. Ewan na lang niya sa English. Dahil hindi niya alam do'n. Dahil iba ang meaning pati na din ang pagbigkas. "Hindi ka pa ba napapagod?" tanong niya dito. Umiling naman ito at nagsasalita na mag-isa.
Napailing na din siya. Mas pabor nga ito sa kaniya dahil na din makakasama niya si Elaiza ng medyo mahaba.
"Anong nihonggo ng sino ka?" tanong na naman ng kaibigan niya.
"Dare desu ka?"
"Parang narinig ko na iyan." anito sa kaniya. "Hindi ko alam kung sino nagsabi no'n. Basta narinig ko na talaga 'yan. Teka lang ha." Tumingala ang kaibigan niyang si Elaiza at nag-iisip. "Ay tama! Naalala ko na. Si Shikaya nagsabi sa akin no'n. Sinabi niya sa akin ang salitang iyan. Kaya ayon." anito.
Sabay tingin sa kanya. "Iyon pala ang ibig sabihin no'n." Dagdag nito.
"Oo." sabay tango. "May itatanong ka pa? Marami pa akong ituturo sayo." aniya sa kaibigan. " alam mo na din ang W's Question. So, ano pa?"
Nakita niya ang ina ni Elaiza na kakababa lang galing nito sa taas. Basa na din ang buhok nito. "Ohayo." bati niya dito.
Napalingon naman ito sa kaniya. "Ohayou Edzel. Kailan ka pa dumating dito sa Japan?" tanong ng ina ng kaibigan niya.
"Noong nakaraang linggo po nanay. Pasensiya po na hindi po ako nakapagpaalam sa inyo." aniya dito. Tumingin naman ang ina nito kay Elaiza na nagsusulat na ngayon. "Tinuturuan ko po siya sa nihonggo nanay." aniya.
"Salamat sa pagtuturo sa kaniya. Mukhang madali lang naman siya na matuto diyan dahil halos same lang naman ang pagbigkas niyan sa wikang Filipino." Tumango siya. "Ewan ko na lang sa English." anito.
"Oh siya. Sige ha. Diyan lang kayo at mukhang busy kayo masiyado." anito at dumiretso na sa dining area.
"Sa mga prutas naman tayo." aniya sa kaibigan. Tumango naman si Elaiza sa sinabi niya.
"Sige. Ang mansanas?"
"Ringo. Sa orange naman ay mikan."
"Ah. Mikan parang pangalan din eh no?" tumango siya.
"Oo tama ka diyan. Ilang oras na tayo dito? Alam mo na iyong basic at mukhang masaya ka naman dahil sa mga natutunan mo. So, Tara na? Kain na tayo?" Aniya. Dahil tanghalian na din.
Alas dose na din kasi kaya kailangan na din nilang kumain. Alangan naman na pabayaan nila ang katawan nila? Hindi din pwede. Dapat may laman din ang tiyan nila para iwas sakit na din.
Tumango si Elaiza at tumayo na agad siya. Agad niyang nilahad ang kamay niya sa Kaibigan niya at tinanggap naman nito. Inalalayan niyang tumayo ito.
"Ano kayang ulam natin?" tanong ni Elaiza. "Sana masarap." anito habang naglalakad sila patungo sa dining area.
Nang makarating sila do'n ay may bisita pala ang Lola ni Elaiza. "Dare desu ka?" tanong ni Elaiza sa bisita ng Lola niya.
"Wow. Hija." napalingon tuloy ang Lola niya sa kaniya. "Ikaw ba 'yon? Alam mo na agad iyon?" tanong nito. Tumango naman ang kaibigan.
"Magaling kasing magturo ang best friend ko." sagot niya sabay tingin sa kaniya at ngiti. Lumingon si Elaiza sa kausap ng matanda. "Sino po siya?" tanong niya.
Hindi pa din kasi lumilingon ito. "Ahh. Siya kasi ang ninong nung apo ko na maliit." sagot nito.
Tumango-tango lang si Elaiza. "Ahh. Akala ko kung sino na." anito.
Lumingon ang lalaking kausap nito at laking gulat na lang ni Elaiza nang mapagsino ito. "Shimon?" tanong niya.
"Hai Elaiza." bati nito. "Bakit ka nandito cute girl?" tanong nito.
Agad niyang hinawakan si Elaiza braso at tinago sa likod nito. "Anong kailangan mo?" tanong niya na may seryosong mukha. "What are you doing here?"
"Hah? Sino ka naman?" tanong niya. "Bago niyang mahuthutan?" sabi ni Shimon.
Napansin din niyang napahawak ng husto si Elaiza sa damit niya. "Ayos ka lang ba?" tanong niya dito?
Kumunot naman ang noo ng Lola ni Elaiza. "Anong pinagsasabi mo hijo? Anong mahuthutan?" tanong nito kay Shimon.
"Ay. Hindi niyo po alam?" sabay tingin kay Elaiza na nakatayo sa likod ni Edzel. "Si Elaiza po ay pera lang ang habol sa kapatid ko. Baka nga pera lang din ang habol niya kay Edzel. Tama ba ako Cute girl?" tanong nito na may ngisi sa labi.
Sarap sapakin. "Impossible iyan hijo. Dahil hindi naman kailangan ni Elaiza ng pera dahil may pera naman siya." Pagtatanggol ng Lola nito. "Baka nagkakamali ka lang?" anito.
"Pero-" anito.
"Ang mabuti pa Shimon umalis kana." ani ni Elaiza sabay labas sa likod ni Edzel. "Umalis kana kung ayaw mong sipain kita?" banta ni Elaiza dito.
May ngisi pa din sa labi ni Shimon. Tumalikod na ito at naglakad palabas. Huminga ng malalim si Elaiza at tumulo ang luha niya. Nasasaktan siya sa tuwing binebentang sa kaniya ang mga iyon.