Chapter 01

551 Words
Chapter 1: Chelle's POV "Sir? Ako na po ang magbi-bitbit." anas 'ko habang pilit na inaagaw kay Sir Jorem ang black bag na dala nito. Pero, para itong walang naririnig at prente pa din sa paglalakad.  "Sir? Sir, trabaho ko yan!." nagpupuyos 'kong sabi dito,at sa wakas tumigil din ito. Nilingon nya ako at agad na namang may kung ano akong naramdaman ng matamang tumingin sakin ang mga kulay asul nitong mata. Matiim itong nakatingin na nagdulot ng pagka-ilang sakin kaya naman napayuko ako.  Narinig ko ang pagbuntong-hininga nito, "Know what,i don't like someone who stop me from doing what i wan't to do. You're not my personal secretary, wala 'kang obligasyon sakin." anito na ikina-angat ng tingin ko.  Sandali lang nagtama ang mga mata namin dahil agad din itong tumalikod sakin, akala ko ay aalis na ito ngunit nag-iwan pa ito ng mensahe. "You can leave, hindi ko kaylangan ng sekretarya. Si Dad ang kumuha sayo, hindi ako kaya makakaalis ka na." huling tugon nito bago ako iniwan.  Habang ako, natulos na lang sa kinatatayuan ko habang pinipigilan ang mga luhang gustong kumawala sa mga mata ko. NAPAHAWAK na lang ako sa sentido nang makita ko ang sunud sunod na mensahe sakin ng girlfriend 'kong si Jedine, halata sa mga mensahe nito na galit na galit ito sakin dahil sa hindi ko pagsipot sa usapan naming pagtungo sa Siargao ngayong araw.  Fvck! Kasalanan 'to ng matandang yun e, bakit ba kasi nagkasakit yun? Heto tuloy ako ang naghahawak ng kompanya nya. Psh! Sumandal ako sa swivel chair ko, habang dina-dial ang numero ni Jedine. Ilang ring pa lang naman ay sinagot na rin nya ito. "Why are you calling?" mataray na tanong nito. Sh*t! I miss her voice. I wan't to see her, and cuddle with her whole day. Sh*t this life! "I miss you." tatlong salita lang iyon, pero alam 'kong libo-libong kiliti ang hatid 'nun kay Jedine.  Sandali itong natahimik sa kabilang linya, na ikinangiti ko. Pag ganito kasi sya, ibig sabihin lang ay wala na ang galit nito.  "I love you, and i miss you. Sorry 'kung di ako nakasipot at nakasama sayo papuntang Sia---" "Let's stop this, Rem." agad akong napatigil nang dahil sa sinabi nya. "W-hat? Stop what?" takang tanong ko.Pinilit 'kong hindi ipahalata ang kabang nararamdaman ko, ayokong maghiwalay kami ni Jedine.  Di ko kakayanin, mahal na mahal ko sya at ipinangako ko kay Mom na sya na ang pakakasalan ko. Nanatili itong walang imik sa kabilang linya, habang ako pinilit 'kong magmukhang masaya. "Yeah. You're right Hon, we really need to stop this. Itigil na natin ang pagtatalo natin, don't be mad at me okay. I love you, and promise i will be there tomorrow. Susunod ako sayo diyan sa Siargao." puno ng pag-asang sabi ko.  Bahala na kung magagalit si Dad dahil iiwan ko ang kompanya kahit na bagong pasa lang nito sakin, pero mas mahalaga ang babaeng mahal ko kesa sa perang kikitain ko sa kompanya. "You don't have to follow me, Rem. I don't want to see you again. Hindi na din kita mahal, ayoko nang ituloy 'tong relasyon na'to. Wala naman nang patutunguhan to e. Sorry, but i'm breaking up with you. Bye."  Huling mga salita nito bago tuluyang naputol ang tawag, at pati ang relasyon naming dalawa.  Fvck!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD