bc

The Flame of Love (FILIPINO)

book_age16+
12.1K
FOLLOW
98.1K
READ
opposites attract
sadistic
manipulative
goodgirl
powerful
CEO
hollywood
drama
like
intro-logo
Blurb

I am the flame, when a fire is burning. You may have torn my heart apart nut I'll make sure to fix it with my own fire.

chap-preview
Free preview
Prologue
The Flame of Love  By: mizbrokenangel "I'm the hot, glowing gas that can be seen when a fire is burning" Prologue: MAAGANG umalis si Chelle sa bahay na ino-okupa nito, maga-alas syete na nang umaga ng makarating ito sa kompanyang pinagtatrabahuan sa loob ng dalawang taon. Chelle Salvador ang kanyang buong pangalan, 22 years old, dalawang taon na simula nang maka-graduate ito sa kursong Education Major in Social Studies. Gustung-gusto kasi nya ang kursong kinuha nya, pero mukhang ito ang may ayaw sa kanya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin sya lisensyadong guro dahil hindi sya nakapasa sa nagdaang LET examination. Hindi nya mawari kung ano ang kulang sa kanya at kung bakit hindi nya naipasa ang naturang examination, pero dahil isa syang babaeng mataas ang pangarap na nais nyang abutin hindi nya ito susukuan. Kahit gaano pa kailap ang apoy ng tagumpay sa kanya, ay susuungin nya ang lahat ng paraan upang maabot pa rin ito. Sa nagdaang dalawang taon ay hindi sya nabigyan ng pagkakataon na mag-apply sa ibang pribadong eskwelahan na tumatanggap ng mga hindi pa lisensyadong guro, bukod sa ayaw nyang magturo sa isang pribadong paaralan ay may nakuha na din naman syang pagkakakitaan na talagang maganda naman ang pasahod. Sa kompanya ng mga Florence sya nagta-trabaho bilang Personal Secretary ni Mr. Johence Florence na siyang nagtayo at nagpa-angat sa nasabing kompanya, ito ay 55 years old na at mananatili na lamang na chairman ng kumpanya ng dalawang buwan, matapos nun ay papalitan na ito ng kanyang unico ijo na ni isa sa kanilang opisina ay hindi ito kilala. "Chelle, kanina ka pa hinahanap ni Sir Johence. Dalian mo na at puntahan mo na si Sir. Mukhang may sasabihing importante e." agad na bungad sa kanya ni Jaz nang makarating sya sa table nito. Agad na kumabog ng malakas ang puso nya dahil sa sinabi nito. Shocks! Baka naman ito na ang araw na sasabihin sa kanya ng boss nila na fired na sya at papalitan na sya kasabay ng pagpapalit ng bagong chairman ng Company.  Aish! Wala pa akong nahahanap na mapaga-applyan ng trabaho e.  Binaba 'ko na lang ang dala 'kong shoulder bag sa swivel chair ko at kaagad na sumakay ng elevator para puntahan si Sir Johence sa pribadong opisina nito na nasa ikalabing-anim na palapag ng gusali. Nang makasakay ako sa Elevator, mabuti naman at wala akong nakasabay hindi katulad nang mga nagdaang araw na halos siksikan kami lagi sa pagsakay ng elevator.  Pasara na sana ang elevator, nang may mga matitipunong braso ang pumigil dito, agad akong napa-angat ng tingin 'nun at sakto naman na nagtama ang mga mata namin.  Asul.  Iyan ang kulay ng mga matang nakatitig sa akin ngayon, napakaganda ng mga mata nito, ngayon lang ako nakakita ng isang taong kulay asul ang mata ng personal at talagang nama-mangha ako. Bukod sa paborito ko ang kulay niyon, ay sumisimbolo din ito ng kapayapaan.  "Can i?" nagitla ako nang marinig ko ang baritonong boses na iyon. Nilipat ko ang tingin ko mula sa mata nito patungo sa buong mukha nito, at halos kapusin ako ng hininga ng makita ko ang kagwapuhang taglay ng lalaki.  Alam 'kong baduy itong pakinggan, pero parang bumagal ang mundo ko nang makita ko itong ngumiti at naglakad patungo sa tabi ko. At tuluyan nang nagsara ang elevator.  Hindi ko maiwasan ang makaramdam ng pagbilis ng t***k ng puso ko dahil sa isiping nasa tabi ko ang lalaki. Naaamoy ko din ang pabango nito na talagang lalaking-lalaki ang dating. Naka-suot ito ng Black Suit, medyo messy ang datingan ng buhok ng lalaki, may kulay asul na mga mata na bumagay sa makapal na pares ng kilay at pilikmata nito, matangos na ilong at ikahuli ang mapupula nitong mga labi. Mukhang masarap tuloy itong halikan!  Anang isip ko na agad na ikinalaki ng mata ko. Aish! Ano 'bang sinasabi ng utak ko? Tsk.  Nang marinig ko ang pag-click, at pagbukas ng pintuan ng elevator na ino-okupahan ko ay dali-dali na akong lumabas at inunahan ang lalaki. Wala akong pakialam kung anong isipin nya sa biglaan 'kong pagtakbo palayo. Bahala sya kung iisipin nyang weirdo ako, basta ang nasa isip ko lang naman ay iwasan sya, dahil ang puso at utak ko naa-abnormal pag malapit ako sa lalaking iyon. Agad naman akong nakarating sa private office ni Sir Johence, bago ako tuluyang pumasok ay huminga muna ako ng maluwag at pumikit. Kahit ano pang sabihin ni Sir Johence, tatanggapin ko yun ng bukas sa loob. Aha! Kaya ko to! DAHAN dahan 'kong itinulak ang tinted glass door ng private office ni Sir Johence, agad na napako ang mga mata ko sa nakatalikod na pigura nito, habang nakaupo sa swivel chair nito. Dahan dahan akong humakbang palapit dito,"Sir Joh, pinatawag nyo daw 'ho ako?" agad 'kong tanong ng makalapit ako sa kinaroroonan nito. Agad naman itong lumingon sa direksyon ko, agad 'kong napansin ang malungkot na emosyon sa mga mata nito, at napatingin ako sa namumutla nitong mga labi. Napaghahalataan na hindi maganda ang kalagayan nito. Di ko maiwasang mag-alala para dito, bukod sa boss ko ito ay tinuring ko na din syang isang ama kahit halos dalawang taon palang kaming nagkakasama. Maalaga kasi ito at talagang ubod ng bait. Halos lahat kami dito sa opisina ay malapit dito, kaya't alam kong madaming malulungkot dahil sa pag-alis nito.  "Chelle, it's glad to know that you're already here. Maupo ka, ija." malumanay nitong sabi sa akin na agad ko namang sinunod.  "Bat nyo po ako pinatawag Sir? At ayos lang po ba kayo? Namumutla 'ho kayo." ani ko naman agad na ikinangiti nito.  "Ikaw talagang bata ka, napaka-maalalahanin mo. Ayos lang ako, at kaya kita ipinatawag para ipaalam sayo ang pagbabago sa plano ng pag-alis ko." Agad akong nakaramdam ng pagtataka dahil sa sinabi nito, hindi ko alam pero bigla akong nabalot ng kaba. Sana naman...sana maganda ang sasabihin nito.  Ayokong umalis sa kompanyang ito, napamahal na ito sa akin maging ang mga katrabaho ko. Kahit kaylan ay wala akong naging problema sa trabaho dahil lahat dito ay may magandang relasyon sa bawat isa. Tiyak na pag nawala ako dito sa kompanya, ay mahihirapan na akong makahanap pang muli ng iba.  Napalunok muna ako, bago ako nagpakawala ng isang ngiti at nagsalita,"Anong pagbabago iyon, Sir?" Napa-buntung hininga naman ito, at tinignan ako sa mga mata ko.  "I wan't you to know na mas mapapa-aga ang pagpasa ko ng kompanya sa nag-iisa 'kong anak. Hindi ko itatago sayo ang totoo Chelle, alam 'kong mapagkakatiwalaan kita. Ang totoo nyan, matanda na ako at nanghihina na rin, kelan lang ay nalaman ko na mayroon na pala akong Stage 4 Prostate cancer. Kaya naman, kailangan kong mag-take ng medication at nang pahinga." mahabang pag-amin nito na hindi ko rin naman ganung ikinagulat. Dahil sa gusto 'kong maging isang guro, mabilis din akong makiramdam at makahalata. Alam 'kong may iniinda itong karamdaman dahil madalas itong namumutla at nananakit ang katawan.  Nakakalungkot nga lang at mapapa-aga ang pag-alis nito. "Ganun 'ho ba? Wag 'ho kayong mag-alala Sir Joh, ipagdarasal po namin ang pag-galing nyo." ani ko naman at binigyan ito ng isang pampagaan na ngiti.  "Salamat,Chelle. Now,let's cut the drama. My son, he is here in the company, may dinaanan lang ito , pero tiyak 'kong parating na din sya. Gusto 'kong makilala mo sya." ani naman nito, at tila mabilis namang naganap ang sinabi nito.  Nakarinig ako ng pagbukas at pagsara ng pinto kasunod ang mga yapak ng sapatos na papalapit sa kinaroroonan namin. Agad namang tumayo si Sir Joh, na agad ko din namang sinunod.  "Son." bati ni Sir Joh, agad naman akong nag-angat ng tingin.. At halos matulos ako sa kinatatayuan ko nang makita ko ang pamilyar na mata na iyon. Ang kulay asul na mga matang nagdulot ng matindind pagtibok ng puso ko.  *** Elevator scene on the multimedia. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Taz Ezra Westaria

read
107.0K
bc

Abducted (R-18) (Erotic Island Series #1)

read
501.3K
bc

Just Another Bitch in Love

read
28.0K
bc

Married By Mistake

read
170.9K
bc

Tainted Hearts (R-18) (Erotic Island Series #4)

read
316.1K
bc

Mr. Miller: Revenge for Love -SPG

read
309.0K
bc

One Last Cry for a Mafia Boss (Tagalog Story)

read
580.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook