Chapter 6

1148 Words
Umiling si Priya ng maraming beses at pinagsisisihan ang ginawa dahil sa nararamdaman niyang hiya. Alam niyang mali. Hindi niya akalain na ganoon na pala siya ka desperada dahil pagkatapos ng kahihiyang ginawa niya ay nagkaroon pa siya nang lakas na loob para tanungin ito tungkol sa binatang kaharap niya kanina. Huli na ng mapagtanto niya na hindi siya dapat nagtatanong ng tungkol sa amo nito dahil alam niyang nasa Young Master ang loyalty ng kasambahay. Kahit papaano ay nagpapasalamat pa rin si Priya dahil kahit alam niyang paglulupitan siya ng Young Master nito ay tinatrato pa rin siya ng mabuti ng kasambahay. Na para bang hindi siya tinuturing na isang kriminal. Kahit nga nagpakilala na siya sa pangalan niya kanina. Na siya si Priya Mill ay hindi pa rin nagbago ang maayos nitong pakikitungo sa dalaga. Base sa reaksyon ng mukha ng kasambahay kanina ay halatang nagulat ito at alam niya ang tungkol sa pagkakakulong ni babaeng kausap. Ngunit hindi lang siguro ito makapaniwala na kaharap na niya si Priya Mill. Ang babaeng nakulong ng maraming taon na alam niyang naging dahilan ng pagkAmatay ng asawa ng kaniyang Young Master. Ngunit kahit ganoon ay nabawasan din ng kaunti ang bigat na pakiramdam ni Priya na nararamdaman niya sa kaniyang kalooban. Dahil hindi niya naramdaman na natakot ito sa kaniya sa kabila ng pagpapakilala niya sa kasambahay. Sikat si Alken Fortiche sa lungsod at walang sino man ang hindi nakakaalam sa nangyari tungkol sa nawala niyang asawa. "May alam ka ba kung bakit ako nandito?" nagtatakang tanong ni Priya sa dalaga. Wala siyang ideya dahil kahit minsan ay hindi niya pa nakilala ang lalaking iyon sa tanang buhay niya. "Pasensiya ka na, Priya pero—" nauutal niyang tugon at halatang nahihirapan. "Hindi... ayos lang!" madamdamin niyang tugon at kaagad pinutol ang sasabihin ng kasambahay dahil alam niyang nahihirapan na itong sumagot. "Magiging maayos din ang lahat. Sa ngayon ay humihingi ako ng pasensiya dahil hindi ako pwedeng manghimasok." Ngumiti ng pilit si Priya at pilit na pinapagaan ang usapan sa pagitan nilang dalawa. "Hindi... wala kang dapat ihingi ng pasensiya sa akin. Ako nga ang dapat na humingi sa iyo ng pasensiya dahil para akong walang galang sa pagkain. Dinaig ko pa ang isang baboy kung kumain," nahihiya niyang tukoy sa mabilis niyang paglamon na parang natatakot na maubusan o hindi naman kaya ay hinahabol ng oras na baka maglaho ang mga pagkain na nasa harapan niya. Pilit niya ring iniiba ang usapan para hindi mailang sa ianiya ang babae. Ngumiti ito. "Naiintindihan kong gutom ka. Magpahinga ka muna saglit at mamaya na kita dadalhin sa kwarto ni Young Master," sinsero nitong suhisyon na kaagad namang sinunod ni Priya. Niligpit niya ang mga pinagkainan ni Priya at hindi napigilan ni Priya na tanungin ang kasambahay sa pangalan nito. "Lena. Ako si Lena," tipid nitong sagot at nagpatuloy na sa pagliligpit. Nang ngumiti si Lena kay Priya ay nabuhayan si Priya ng pag-asa. Kaya kinuha niya ang pagkakataong iyon para makakuha ng ideya kung sino ang lalaking makakaharap niya. Hinawakan niya ang kamay ng babae at mahina itong pinisil habang ang mga tingin niya ay nagsusumamo na sana ay sagutin siya nito. "Lena, alam kong mahirap para sa 'yo ang tanong ko. Pero pwede ba akong magtanong? Gusto ko lang malaman kung sino siya? Ano ang pangalan ng Young Master mo? Iyong lalaki kanina?" sunod-sunod na tanong ni Priya kay Lena habang ang mga mata nito ay puno ng pagmamakaawa pero wala pa rin siyang nakuhang sagot mula sa dalaga. "Wala ako sa posisyon para magsalita... pasensiya na, Priya," tanging tugon ng katulong at hindi na kumibo pa. Naiintindihan ni Priya kung bakit ayaw ng kasambahay na magsalita. Sa isip niya ay malalaman niya rin ito mamaya. Sa kabilang banda si Alken naman ay parang hindi na makapagpigil sa sarili niya kanina. Nang gumapang si Priya sa kaniya habang hinahawakan ang kaniyang mga paa ay gustong-gusto na talaga niya itong sipain at makita ang dugo sa kaniyang katawan hanggang sa mawalan ito ng buhay. Gusto niyang maghiganti at kunin ang buhay ni Priya Mill kapalit ng buhay ng asawa niya. Mabuti na lamang at nagawa niya pang magpigil sa sarili ng maalala niyang isa pa rin itong babae. Labis na pagkamuhi ang nararamdaman niya sa dalaga at ang akala niya noon ay kaya niyang hayaan na lang sa batas na humatol sa taong pumatay sa babaeng pinakamamahal niya. Sadyang sinusubukan talaga siya ng tadhana para ubusin ang kaniyang pasensiya. May trabaho pa si Alken Fortiche sa kaniyang opisina na sinadya niya pang iniwan ng mabalitaan niyang gising na ito. Hindi na siya makapaghintay na simulan na ang pagsira ng buhay ni Priya. Hindi niya akalain na nakalabas na pala ito sa kalungan at talagang nagtagpo pa ang kanilang landas. Para kay Alken ay isa itong nakakainis na sitwasyon na para bang sa pelikula lang ito nangyayari. Tumaas ang isang sulok ng labi niya dahil sa mga naiisip niyang pagpapahirap sa babae. Buo na ang pasya niya at hinding-hindi siya maaawa kay Priya kahit kailan. Hinding-hindi siya makakaramdam ng awa sa babaeng kumitil sa buhay ng pinakamamahal niyang asawa. Naiinis si Alken sa tuwing nakikita niya ang mukha ni Priya. Gustuhin man niyang mawala ito sa kaniyang paningin pero hindi niya papadaliin ang paghihirap ng dalaga. Naikuyom niya ang dalawa niyang kamay at sinusumpa ni Alken na ipaparanas niya kay Priya ang paghihirap na naranasan niya at siguraduhin niyang magsisisi itong nabuhay siya sa mundo. Ilang saglit lang ay narinig ni Alken ang boses ng katulong na siyang pinapabantay niya sa babaeng bihag. Pagkatapos ng tatlong katok ay kaagad na itong pumasok sa loob. Hindi na hinintay ni Lena ang tinig ng amo upang makapasok sa silid dahil alam naman ni Lena na inaasahan na sila ng Young Master niya. Dala niya ang babaeng pinag-uutos ni Alken Fortiche ang responsibilidad na dapat niyang iharap sa amo. Tinitigan niya si Priya Mill. Hindi akalain ni Alken na ang babaeng may maamong mukha at ang babaeng parang hindi makabasag pinggan ay magagawang pumatay ng tao. Sa isip ni Fortiche ay malas lang ni Priya dahil sa lahat ng babaeng nagawan niya ng kasalan ay asawa niya pa. Hindi niya palalagpasin ang pagkakataong ito na makaganti. Gagawin ni Alken Fortiche ang lahat para makita niya itong gumapang at mawalan ng pag-asa. Gusto niyang siya ang magiging bangungot ni Priya Mill. Kahit papaano ay hindi na lang siya ang magdurusa dahil dalawa na sila. Si Priya naman ay parang natuod sa kaniyang kinatatayuan. Hindi alam ang gagawin at nanginginig ang kaniyang mga tuhod sa takot. Pinipilit niyang pinapahinahon ang kaniyang sarili pero lagi pa rin siyang bigo. Sinubukan niyang pumikit ng hindi alintana ang lalaking nasa harap niya upang mapakalma ang sarili pero wala pa ring nangyari. Kahit ano'ng subok niya ay hindi pa rin nagbabago ang bilis ng t***k ng puso niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD