Chapter 5

1068 Words
Lubos na nagtataka si Mang Jose kung bakit dinala ng Young Master niya ang dalagang nasa kwartong pinasukan nila. Bitbit niya ang pagkain ng babae at tubig na maiinom dahil iyon ang utos ng kaniyang amo. Matamlay ang itsura nito at biglang napatabon ng mukha ng pindutin ng kasama nilang katulong ang switch ng ilaw. Naninibago pa ito sa liwanag dahil ilang oras din itong nakamulat lang sa dilim. Bigla namang kinabahan si Priya dahil sa taong kaharap niya ngayon. Nakatayo ito at walang alam ang dalaga kung ano ang dahilan ng binata kung bakit siya nakakulong sa silid. "Sino... sino ka?" nanghihina niyang tanong sa binata at nagbabakasakali na sagutin siya nito. Pero hindi ito kumibo. "Ano'ng balak mong gawin sa akin?" patuloy nitong tanong sa lalaking kaharap at hindi mapigilan ang sariling mautal. Hindi kumibo ang prinsepe ng Fortiche City at hinayaan lang itong magtanong ng kung ano-ano. Kalmado lang na nakatayo ang binata sa harapan ng dalaga pero alam ni Priya na ang pagiging kalmado nito ay napakadelikado. Na hindi ito dapat na ipagwalang bahala dahil siya ay katulad ng kutsilyo na nilagyan ng lason. Matapang ang mga mata at puno ng poot na parang kaya nitong tumuklaw ng buhay na tao. Kinabahan si Priya nang bigla niyang mapagtanto na tama siya. Ang lalaking kaharap niya ngayon ay parang walang awa at puso. Na kaya nitong pumatay ng tao kaya mas lalo lang siyang natakot at humingi ng paumanhin kahit na hindi niya alam kung ano ang kaniyang kasalanan. Wala siyang ideya dahil wala siyang ginawan ng mali. Kahit ang pagkakakulong niya ay isang pagkakamali. Gumapang si Priya sa sahig at nagtungo sa kinatatayuan ni Alken. Kaya niyang gawin ang lahat para magmakaawa para sa buhay niya. Naisip ni Priya na hindi pa niya napapatunayan sa lahat ng tao sa Fortiche City na siya ay inosente at walang ginagawang masama sa kaniyang kapwa. Alam niyang tinatakwil na siya ng kaniyang pamilya at wala na siyang kaibigan na malalapitan. Kaya ang tanging kinakapitan na lang niyang pag-asa ngayon ay ang determinasyon na ipamukha sa lahat kung paano niya lilinisin ang kaniyang pangalan. Naging matapang si Priya sa lahat ng masasakit at paghihirap na pinagdaanan niya. Dahil marami na siyang mas higit pang nararanasan kaysa rito. Umatras ng isang hakbang paatras si Alken na para bang pinandidirian siya. Akmang tatayo sana si Priya pero hindi nakayanan nang lakas ng katawan niya. Lalapitan sana ito ng katulong upang alalayang tumayo ngunit mabilis na pinigilan ni Alken Fortiche. Kinompas nito ang kamay niya at wala ng nagawa ang katulong kundi sundin ang taong ginagalang niya at nagpapasweldo sa kaniya ng malaking halaga. Tiningnan ni Alken Fortiche si Mang Jose at nakuha kaagad nito ang ibig nitong sabihin. Sa tagal na ni Mang Jose sa paninilbihin sa pamilya ng Fortiche ay kilalang-kilala na niya ang mga ito. Lalong-lalo na si Alken Fortiche na walang kasing tigas ang puso. Hindi pa man ito nagsasalita ay nababasa na nito ang isip ng mga taong pinagsisilbihan. Habang si Priya naman ay parang tinutusok ng isang daang libo ang buong katawan nito sa sakit dahil sa labis na pagod. Naghalo-halo na ang lahat ng nararamdaman niya. Kabilang na roon ang labis na gutom. Naiinis si Priya sa lalaking bumihag ngayon sa kaniya pero mas nanaig ang takot niya sa binata na baka tapusin kaagad ang buhay niya. Magsasalita sana si Priya pero parang biglang umurong ang kaniyang dila. Natatakot siyang salubungin ang titig ng lalaking hindi niya pa nakikilala. Hindi malaman ni Priya kung ano ang dapat niyang gawin sa mga oras na iyon. Naaawa naman siyang tinitigan ni Mang Jose pero wala itong lakas na loob para kontrahin ang amo. Para siyang nakakaawang hayop sa harap ng lalaki lalo pa at napakagulo ng mga buhok niya dahil hindi pa ito nakakatikim ng suklay mula sa araw na dumating siya sa mansyon. Dahan-dahang inangat ni Priya ang ulo niya at tumingala sa harap ng binata. Kaagad na nagtagpo ang kanilang mga mata at nakaramdam si Priya ng panliliit sa kaniyang sarili. Para siyang isang basura na hindi kaaya-ayang tingnan at walang silbi. "Pakainin mo siya at paliguan. Bago iharap sa akin," matigas na utos ni Alken sa katulong na natataranta naman ngayon sa kaniyang kilos. Parang tumigil ang mundo ni Priya nang talikuran siya nito kaagad. Nanghihinayang ang dalaga dahil uindi man lang niya nakilala ang binata. Ang akala niya ay makakatakas na siya sa miserable niyang buhay na naranasan niya sa loob ng kulungan. Pero nagkamali siya ng inakala dahil hanggang sa labas ng kulungan ay patuloy pa rin siyang hinahabol ng kamalasan. Kahit sa panaginip ay hindi iniisip ni Priya na siya ay magkakaroon ng mapait na buhay. Naawang binigyan ng katulong si Priya ng sipilyo, tuwalya at damit para makapagbihis siya. "Mas mabuti siguro kung maligo ka muna bago ka kumain..." "Priya... Priya ang pangalan ko," magalang niyang tugon dahil alam na ni Priya na pangalan niya ang hinihintay ng kasambahay. Nanlaki ang mga mata nito sa narinig at parang nakakita ng multo. Bago pa man nagtaka si Priya ay naalala niyang sikat pala siya sa buong lugar. Hindi dahil siya ay kagalang-galang kundi dahil siya ay kriminal. Nalungkot siya habang iniisip iyon at nang makabawi ang kasambahay ay tinatrato pa rin siya nito nang maayos. Gaya ng nais ng binata ay sinunod ni Priya ang gusto nito. Nagpapasalamat siya dahil inalalayan siya ng kasambahay sa paglalakad. Naligo siya ng mabuti dahil ilang araw na rin siyang walang ligo. Pagkatapos ay kumain na parang isang galang pusa na gutom na gutom. Hindi niya pa naranasan ang ganoong tagpo sa buhay niya. Na para na siyang patay gutom at nakakadiring tingnan. Umiyak siya pagkatapos niyang maubos ang pagkain sa kaniyang pinggan. Nababahala siyang tinanong ng kasama niyang katulong kung ano ang nangyayari sa kaniya. "Bakit ka umiiyak?" kinakabahan nitong tanong. Umiling siya. "Ngayon na lang kasi ulit ako nakatikim ng pagkaing tao. Ang tagal kong hindi nakakain ng ganito," malungkot siyang saad at ang kaniyang boses ay namamaos dahil sa pagpipigil nang iyak. Maliwanag pa sa sikat ng araw kung paano narinug ng katulong ang sinabi ni Priya. Napakinggan niya ito nang maayos dahilan kung bakit mas lalong lumambot ang puso ng katulong sa dalaga. "Pasensiya ka na, wala na kasing natira," hingi nito ng paumanhin kay Priya at gustuhin man niyang kumuha ng karagdagang pagkain ay nag-aalala siya na baka mapagalitan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD