A Chance to Love
February 13, 2022
Although the stories can be read independently from each other, the progression of the story might help you connect the dots. Maganda rin malaman na ang mga ito ay magkakalapit ng istorya.
Mateo Vera & Leilani "Lanie" Borja (A Chance to Love) - originally written in 2013 to be published in a local pocketbook company kaya maiksi ito dati, about 25k characters. Dahil nawalan din ako ng oras para mag edit, it took a while para maibalik ko sa publisher. Instead it was published in 2015 Kobo (Filipino) before and then in sss k****e (English version). Later on, I discovered online app like Dreame and I felt the original story is too short. It will be good to convey a lot more scenes that the characters can still show. So in 2019, I have pulled down the stories from Kobo and sss. I made a re-write and published in Dreame. This version that is published here now has shown more humanity behind the characters of Belinda Rios and Eric Lacson. There are also more scenes to show the progression of the love between Mateo and Lanie, the main protagonists, and Eric and Lanie's friendship.
In this story, you'll meet characters na may kani-kaniyang istorya na sana ay magustuhan ninyo.
Miguel "Iggy" Cruz & Miracle Kho (My Miracle) - The bestfrieds of Mateo and Lanie. Parang aso't pusa parati. Mukhang tama nga ang kasabihan na "the more you hate, the more you love."
Miguel Joaquin Vera & Maricar Kaye Cruz (Let Me Be the One) - Ang panganay sa kambal na anak nina Mateo at Lanie Vera na si Miguel Joaquin ay lumaking kasama si Maricar na anak ng best friends ng kaniyang mga magulang na sina Iggy at Mira. Saksihan ang pag-iba ng kaniyang pagtingin sa kaibigan na si "Care" hanggang sa sila ay magka-"ibigan"
Lyra Kaye Vera & Delfin Razon (Let Me Be The One) - Si Lyra, isang heredera ng mga Vera. Anak ito ng pinagpipitagang pangalan sa negosyo na si Mateo Vera at gayundin ang kapatid nitong si Migs at ang kaniyang ina na sikat sa larangan ng engineering at biofuels. Lumaki hindi lang sa marangyang buhay kundi sa alta sosyedad. Inaabangan ng lahat kung sino ang makakadagit sa puso nito. Habang ang kaniyang kakambal na si Migs at bestfriend na si Maricar ay nakakarami na ng anak, nananatiling single si Lyra. Sino ang mag-aakala na ang tadhana ang muling magbabalik sa kababatang si Delfin, isang opisyal ng Marines, ang bubuhay sa kaniyang puso? Nagmula man sa simpleng pamumuhay at pamilya, hindi naging hadlang iyon para tumibok ang puso ni Lyra sa lalaking naging bayani nito mula pa ng kanilang kabataan.